Share

Chapter 372

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-09-02 23:13:42

MAKAKALABAS na ng ospital si Helen sa araw na iyon at susunduin siya ng anak kasama ng kanyang apo. Pagpasok sa silid ay tumakbo agad si Shannon palapit upang yakapin siya.

“Lola!” masiglang tawag ng bata.

Tumawa naman si Helen saka sinalubong ang yakap ng apo. “Mabuti at nandito ka, alam mo bang miss na miss na kita?” Matapos ang yakap ay humalik pa ito sa kanyang pisngi.

Kaya hindi na niya napigilan na ito ay panggigilan at hinalikan ang mukha habang suot ang face-mask na hindi niya maaaring alisin.

Si Cain naman na kakalapit lang ay niyakap din ang Ina. “Ready na kayo, ‘Mmy?”

“Oo, hinihintay lang kita pero nagpunta rito ang doctor kanina. Ang sabi ay puntahan siya at may gustong sabihin sa’yo.”

Tumango si Cain. “Sha-Sha, dito ka muna kay Lola, ‘kay? Sandali lang ako.” Saka lumabas ng silid.

Naiwan sina Helen at Shannon, simpleng usap mula sa mag-lola nang biglang dumating si Stella.

“O, hija. Anong ginagawa mo rito?”

“H-Hello, Tita,” saad ng dalaga sabay lapit at beso sa pisngi nit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Joy Nierves
Nice story
goodnovel comment avatar
sushdjaiq
ang cute ni shasha and cain.
goodnovel comment avatar
Honeybee
UPDATE nman pls next episode
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 373

    NAGLAKAD palabas ng bahay si Jared habang nakasunod naman ang kanyang mag-ina. Dumiretso siya sa nakaparadang kotse at bago sumakay ay nilingon ang dalawa, niyakap sabay halik sa labi si Lian. “Aalis na ‘ko, ikaw na muna ang bahala rito.”Lumapit si Blythe at gustong yumakap kaya yumuko si Jared.“Baka magusot ang suit,” paalala ni Lian.“Ayos lang,” tugon naman ni Jared, hinayaang yakapin siya ng bata.Pagkatapos ay tumayo na siya nang matuwid sabay haplos sa buhok ng anak. “‘Wag mo na ‘kong hintayin, matulog ka na nang maaga, okay?”Tumango ang bata saka mabilis na yumakap sa hita ng Ina. “Balik ka agad, Daddy.”Natigilan si Jared, sa isang iglap ay parang ayaw na niyang umalis at gusto na lamang manatili sa bahay.Napansin ni Lian na napatulala na ito kaya nagsalita siya, “Hindi ka pa ba aalis, baka ma-late ka?”Tumango-tango naman si Jared saka mabagal na kumilos, halatang ayaw umalis hanggang sa kinawayan na siya ni Lian, nagpapaalam. At ganoon din ang ginawa ni Blythe. “Babay, D

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 372

    MAKAKALABAS na ng ospital si Helen sa araw na iyon at susunduin siya ng anak kasama ng kanyang apo. Pagpasok sa silid ay tumakbo agad si Shannon palapit upang yakapin siya.“Lola!” masiglang tawag ng bata.Tumawa naman si Helen saka sinalubong ang yakap ng apo. “Mabuti at nandito ka, alam mo bang miss na miss na kita?” Matapos ang yakap ay humalik pa ito sa kanyang pisngi.Kaya hindi na niya napigilan na ito ay panggigilan at hinalikan ang mukha habang suot ang face-mask na hindi niya maaaring alisin.Si Cain naman na kakalapit lang ay niyakap din ang Ina. “Ready na kayo, ‘Mmy?”“Oo, hinihintay lang kita pero nagpunta rito ang doctor kanina. Ang sabi ay puntahan siya at may gustong sabihin sa’yo.”Tumango si Cain. “Sha-Sha, dito ka muna kay Lola, ‘kay? Sandali lang ako.” Saka lumabas ng silid.Naiwan sina Helen at Shannon, simpleng usap mula sa mag-lola nang biglang dumating si Stella.“O, hija. Anong ginagawa mo rito?”“H-Hello, Tita,” saad ng dalaga sabay lapit at beso sa pisngi nit

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 371

    SA LOOB ng restaurant ay ilang minuto nang naghihintay sila Katherine, na kahit ang kapatid at si Laura, kasama ang dalawang bata ay hindi pa bumabalik.“Ba’t kaya ang tagal nila?” ani Katherine, panaka-naka ang tingin sa screen ng phone para tingnan ang oras.“Hindi kaya ay may nangyari nang–” bago pa man mabuo ni Levi ang sasabihin ay tinapik na siya sa mukha ng kaibigan.“Itikom mo na lang ‘yang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin. Lalo mo lang tinatakot ang asawa ko,” ani Cain.Umakto naman na tila sini-zipper ni Levi ang sariling bibig saka nagbaba ng tingin, animo ay isang kaawa-awang tuta.Mayamaya pa ay napansin na ni Katherine ang pagbabalik ng kapatid pero kataka-takang kakaiba ang ekspresyon nito, tila malungkot na may halong galit. At nang ilipat ang tingin kay Laura ay mas nagtaka siya dahil may guilt siyang nakikita sa mukha nito na nakuha pang umiwas sa bawat niyang tingin, tila may nais ilihim.“A-Anong nangyari sa inyong dalawa?”Biglang ngumiti si Sherwin ngu

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 370

    TUMAKBO nang mabilis si Lian matapos niyang tanggihan si Jared. Nag-alala naman si Katherine, akmang hahabulin ang kaibigan nang pigilan ng asawa.“Hayaan mo lang,” ani Cain habang karga ang anak.“Pero–”“Ate,” tawag naman ni Sherwin na kasama rin nila ng sandaling iyon. “Tama siya, hayaan lang muna natin sila.”Si Jared naman na hindi agad naka-react ay tumayo at nilingon ang mga kaibigan. “Pwede bang pakitingnan muna si Blythe? Susundan ko lang siya,” paalam niya sa mga ito saka mabilis na naglakad patungo sa direksyon tinahak ni Lian.Mabilis naman nilapitan nina Katherine at Laura ang bata.Sumunod rin naman ang tatlong lalake nang biglang humirit si Levi, “Dapat siguro, binonggahan niya ‘yung proposal para…” hindi na niya tinapos ang sasabihin matapos siyang tingnan nang masama ni Cain. Napaiwas na lang tuloy siya ng tingin habang nagkakamot sa likod ng ulo.“Tita, sa’n pupunta si Mama?” tanong naman ng bata.Hinaplos ni Katherine ang buhok ni Blythe.Naglikot naman si Shannon k

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 369

    MAALIWAS ang araw na iyon nang dumating sina Jared sa amusement park, doon niya dinala ang kanyang mag-ina gaya ng ipinangako sa anak na papasyal sila sa araw na iyon.Matapos niyang maiparada ang kotse ay lumabas siya at kinuha sa backseat ang mga dala nilang bag saka niya nilapitan ang dalawa, binuhat ang anak.“Ako na lang ang magdadala niyan,” ani Lian, akmang kukunin ang bag pero umiwas lang ito.“Baka mapagod ka pa.” Saka hinawakan ang kamay nito at pinagsalikop saka sila naglakad papasok.Malungkot na nangiti si Lian, simula nang maging okay sila lagi niyang napapansin na sobrang lala ng pag-aalaga nito sa kanya. Na para bang ano man sandali ay bigla siyang magko-collapse.“Kaya ko naman. May sakit ako pero kaya ko naman ang sarili ko,” ani Lian.Lumingon si Jared at pinakatitigan ito sa mukha. Maganda pa rin at malusog tingnan pero hindi maikakailang gabi-gabi, simula nang doon na siya natutulog sa apartment nito ay pansin niyang nagigising si Lian sa pagtulog at tatakbo sa ba

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 368

    MAKALIPAS ang ilang segundo matapos niyang babaan ng tawag ang secretary ni Marcial ay nakaramdam siya ng kaba. Si Adrian ang una nilang pinaligpit at posibleng isunod siya. Kaya kailangan niya itong mahanap sa lalong madaling panahon, dahil kapag kasama niya si Adrian, pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya.Kaya kailangan niyang maunahan ang kampo ni Marcial, ngunit hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Kung sana nga lang ay tumawag na si Adrian o hindi kaya ay nagpadala sa kanya ng kahit na anong clue upang matagpuan, hindi na siya mahihirapan pa.“Hindi ako makakapayag na gawin nila sa’kin ang ginawa nila kay Adrian,” anas niya saka naglakad palabas ng ospital.PASADO ALAS-SIYETE ng gabi dumating si Cain kasama si Marc na may dalang funeral flowers na inilagay malapit sa entrance kasama ng iba pang bumalaklak. Ngayong gabi ang last vigil para kay Margaret, pagpasok nila sa loob ay marami-raming tao ang nakaupo sa pew chair.Hinanap ng paningin ni Cain ang pamilya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status