Share

Kabanata 005

Author: twinkle star
last update Last Updated: 2025-03-03 09:30:30

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dahil sa tingin ko ay seryoso siya sa sinasabi niya. Nag-isip ako ng paraan  at nang wala na akong maisip na ibang paraan ay sinipa ko ang kanyang pagkalalake saka ako mabilis na nanakbo palabas ng kwartong iyon. Habang tumatakas ay nahulog ko ang aking maskara, naiwan kay Ninong/Capt. Xian ang bahaging iyon ng aking pagkakakilanlan.

Hindi ako nagpatinag sa kaniyang malakas na pagsigaw.

“Bumalik ka dito! Binabalaan kita. Bumalik ka ngayon din!” galit na galit niyang hiyaw.

Nagpalinga linga muna ako sa lobby bago ako tuluyang lumabas papunta ng elevator pero dahil matagal bumaba at natakot akong mahabol niya ako ay nagmadali akong bumaba sa hagdan sa fire exit at mabuti na lang dahil may taxi na ng mga oras na iyon.

Hindi ko na maikubli ang lungkot na nararamdaman ko, walang tigil na pag-agos ng aking mga luha. Nawasak ang aking pagkatao dahil sa isang maling desisyon na aking nagawa.

Bakit ganito ang kapalaran ko?. Mula pagkabata puro paghihirap na lang ang pinagdaanan namin ni Mama. Nang iwan kami ni Papa natuto na akong magbanat ng buto. Naalala ko pa noong elementary days ko para lang may pandagdag kami sa gastusin ni Mama ay tinutulungan ko siyang magtinda ng diyaryo sa kanto namin, sa loob naman ng classroom may dala akong home made pulboron at tinitinda ko iyon sa mga classmate ko. Hanggang sa nag high school ako ay rumaraket ako , naranasan ko ding maging waitress sa gabi sa mga restaurant na malapit sa amin at estudyante sa umaga.

At nang mag college na ako, nakaahon-ahon na sana kami dahil nagsimula na ako sa full time work ko sa hotel, pero lahat ng yun ay nagbago ng malaman namin na lumubha na ang sakit ni Mama, hindi namin inakalang ang kidney failure niya ay naging cancerous na. Napakasakit para sa akin na isiping mawala si Mama dahil wala na akong ibang pamilya kundi si Mama na lang. At kahit anong sabihin ng iba, hinding hindi ko pababayaan si Mama at sasamahan ko siya hanggang dulo kahit pa magka-baon-baon ako sa utang.

At dahil sa nangyari napagtanto ko na hindi na ako pwedeng bumalik pa sa aking part time job sa gabi matapos ng ginawa ko kay Ninong/Capt. Xian. Siguradong babalikan niya ako sa bar at pag nagkataon makikita niya ako at malalaman niya kung sino ako.

Dala din ng luhang ito ang hindi ko matanggap na dahilan kung bakit nawala sa akin ang aking puri, na ngayon ay tila hindi ko rin naman makukuha nag kabayaran.

Nang dahil sa isang gabi, isang malaking pagkakamali ng paghahangad ko ng mabilisang pera para sana sa pagpapagamot ni Mama ngayon ay wala ng kasiguraduhan kung mababayaran pa ba sa ako dahil sa ginawa ko sa kaniya. Nasayang ang pagsasakripisyo ko sa aking dangal. Magsisi man ako ay wala na ding silbi.

"Kuya sa Taytay Medical Doctors Hospital po tayo!" 

AT THE HOSPITAL

Sinalubong na ako ni Althea sa labas pa lang ng pintuan ng silid ni Mama.

“Karmela, nagwala na naman siya kanina. Hinahanap na naman niya ang Papa mo. Hindi pa rin niya natatanggap na hindi na iniwan na kayo ng asawa niya. Pinahinahon namin siya pero ayaw niyang makinig. Kanina pati si Dok binato niya ng baso, mabuti at nakaiwas si Dok. Nakatulog lang siya ng tinurukan na namin siya ng pampatulog. Halos hindi na din nagre-response ang katawan niya sa mga simpleng gamutan na ginagawa natin. Sinu-suggest ni Dok na mabigyan na siya ng kidney transplant at simulan na ang kaniyang chemo-theraphy theraphy ASAP. Payat na payat na siya. Kahit ako hindi ko na makilala si Tita sa sobrang pagbabago ng itsura niya.” malungkot na pagbabalita sa akin ni Althea.

“Oo sige, gagawan ko ng paraan. Salamat sa pag-aalaga mo kay Mama. Makakabawi din ako sayo. “ sagot ko sa kaniya ng may maluha-luhang mata.

“Naku ikaw talaga, wag mong isipin yun! Ang isipin natin kung paano magiging maayos si Tita!” nakangiti niyang tugon sa akin. “Sige na pumasok ka na, nagising na din siya. Sakto lang din at mahinahon na siya ngayon. Hinahanap ka na nga niya!”  tumango ako at pinunasan ang aking luha saka ako pumasok sa loob ng kwarto ni Mama ng may malaking ngiti.

Sinadya kong maglulundag na parang bata dahil ito ang gusto ni Mama, sa ganitong paraan nakikilala niya ako bilang anak niya. Dahil sa mga gamot at naging sakit niya minsan ay nawawala ang ala-ala ni Mama pero saglit lang din ay bumabalik na ito. Minsan din ay hindi niya alam na iniwan na kami ni Papa, minsan sa totoo lang mas gusto ko ang ala-ala niyang magkasama pa rin sila ni Papa dahil pag naalala niya na iniwan na kami ni Papa ay palagi na lang siyang umiiyak at nakakadagdag iyon sa pasanin ng kaniyang utak.

"Hey! Hey! Hey, Mama. Tignan mo kung sino itong magandang bisita mo. you’re one and only daughter" parang akong bata na pinakita ang supot na aking dala . Gusto kong maging masaya sa harapan niya kahit na durog na durog na ang puso ko sa tuwing makikita ko ang halos buto’t balat niyang katawan.

Masayang ngiti ang sinalubong sa akin ni Mama saka sumagot kahit na nanghihina “ang anak ko! Karmela, ang ganda-ganda mo talaga!” 

“at ano ang paboritong prutas ng pinaka-maganda kong Mama sa balat ng lupa? Ang Dyosa sa buong Cebu?”

“Shhh! Wag kang maingay baka marinig nila at dagsain na naman ako ng manliligaw, magagalit ang Papa mo. Ikaw talagang bata ka.” nahihiyang sabi ni Mama, para siyang dalagang Pilipina na tinatakpan pa ang kaniyang bibig. Pinipilit kong maging jolly sa harapan ni Mama dahil sa matagal na panahon ko ng hindi naririnig ang kaniyang halakhak dahil sa iniinda niyang sakit. Pinipigilan ko ang luha ko na hindi ito tumulo sa tuwing mababanggit ni Mama si Papa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 142

    Mula sa kabilang linya ng telepono sa kaniyang saradong silid ay kausap ni Prince ang kaniyang lawyer na kaibigan na siyang mapapagkatiwalaan niya na kumapit ng kaso niya. “Hello… Atty. Lawrence, ano ng nahanap mo tungkol sa kaso ko?” seryosong tanong ni Prince mula sa video call nila“Prince, mas kailangan mong maging maingat ngayon. Alam kong isa si Ms. Hailey Herrera sa pinaghihinalaan mo pero masisiguro kong wala siyang alam sa nangyari sayo. Aksidente lang talaga ang naging pagkikita niyo. Isa si Chramis sa mga binabantayan ko ngayon ng husto. Dahil magmula ng bumalik siya mula dyan sa US ay may kakaiba na siyang kinikilos. Palagi siyang lumalabas kasama ang isang lalaki!” tugon nito“Alam ko na yun” tugon niya tungkol kay Hailey “ano naman ngayon kung lumabas si Charmis kasama ang isang lalaki? Normal naman yun at single siya.” anas nitoSumeryoso ang mukha ni Atty. Lawrence “alam ko naman yun Prince, pero hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin. Namataan siya ng mga de

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 141

    Habang lumilipas ang mga araw, naging routine na nila ang mga ganoon: sa umaga ay therapy at pagpapa-inom ng gamot para kay Prince, sa hapon ay pinag uusapan nila ang tungkol sa negosyo at paminsanang training para kay Hailey , sa gabi ay nagluluto si Hailey para sa kanilang hapunan na kung noon ay bihira niyang gawin ngayon ay nakakasanayan na niya pagkatapos ay nanonood sila ng movies at maikling kwentuhan bago sila matulog. Unti-unting nasanay si Hailey sa presensya ni Prince. Ang pagiging makulit nito, ang mga pagbibiro niya na kahit na minsan ay nakaka offend nakasanayan na lang niya, at higit sa lahat, ang biglaang seryosong tingin kapag napapatingin ito sa kanya. Hindi din niya maipaliwanag pero parang nagbibigay ito ng kakaibang ibig sabihin sa kaniya.Isang gabi, matapos ang mahabang araw ng therapy at trabaho, nakaupo sila sa veranda. Tahimik na nakatingin si Prince sa mga bituin, habang si Hailey naman ay nakaupo sa tabi niya, may hawak na tasa ng tsaa.“Hailey,” biglang sa

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 140

    Matapos ang hapunan, tinulungan niya si Prince bumalik sa kwarto. Doon nagsimula ang awkward na moment sa pagitan nilang dalawa. Hindi pa malaman ni Hailey kung paano niya gagawin ng magpatulong si Prince. “Hailey, pwede bang… tulungan mo ako dito?” mahina ang boses ni Prince at halatang nahihiya pero no choice na siya, hindi niya kayang yumuko para isuot ang pantulog niya. Napatigil si Hailey. “Ha? Ako? Eh… bakit ako? Saka nakakaloka ka naman Prince, baka mamaya kung ano pang makita ko.Juskupo naman” “Kung ayaw mo, tatawag ako ng nurse bukas. Pero ngayon… wala akong choice. Promise, hindi ako hihingi ng iba pa. Just this once.”Tila nakunsensya si Hailey sa sinabi ni Prince. Kaya kahit naiilang ay dahan-dahan siyang lumapit. Tinulungan niyang alisin ang kaniyang pang-ibaba at habang ginagawa niya iyon, naramdaman niya ang bigat ng sitwasyon. Nakaramdam siya ng pag iinit sa kaniyang mukha. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman niya. Naiilang din siya at the same ti

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 139

    Makalipas ang isang linggo ng pananatili sa ospital, sa wakas ay pinayagan na ring makalabas si Prince ng kaniyang mga doktor. Sobrang nanlumo siya sa nangyari sa kaniyang pamilya pero kailangan niyang bumangon para sa sarili niya.Kahit na malakia ng ibinagsak ng katawan at halatang nanghihina, nagawa nitong ngumiti habang inililipat siya ng mga nurse sa wheelchair. Kahit pa nakalabas na siya, malinaw pa rin ang bilin ng doktor sa kaniya; kailangan ng mahigpit na therapy para sa kaniyang mga paa at mag-pahinga muna sa pagtatrabaho, hindi puwedeng mapuwersa ang katawan niya dahil mas maaring mag resulta ito ng mas malala pa sa kaniyang inaasahan. Samantalang mula hallway ng ospital ay naglalakad si Hailey, hawak ang mga discharge papers na kinuha niya sa nurse station at ang kanyang Daddy ay abala sa pakikipag-usap sa doktor. Nang lumapit ang nurse na nagtutulak kay Prince, napatingin ito kay Hailey na abala sa papel.“hey Hailey,” mahina niyang tawag. Napalingon si Hailey. “Yes? An

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 138

    Sandaling natahimik si Xian. Pinatong nito ang dyaryo sa mesa at nagbuntong-hininga. “Hailey, oo. Malungkot man, pero totoo. Nakausap ko ang isang business associate namin kanina. Hindi na kinaya ng father niya sa ospital. At bukas… pupunta tayo sa burol niya. Lilipad kami ng Mommy mo papunta ng US kasama ang iba pa naming kaibigan para makiramay.Kailangan din naming dalawin si Prince, lalo na’t ulila na rin siya sa kaniyang ina. Mahirap ang pinagdadaanan ng batang yun.”Parang may sumundot sa dibdib ni Hailey. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang mga palad. “Si Prince po? Kamusta siya?”“Wala na rin siyang ina, alam mo naman ‘yon. Kaya doble ang bigat ng pinapasan niya ngayon. Sabi ng mga kasama ko sa negosyo, nasa ospital pa rin siya. Nabaldado daw, hindi pa tiyak kung makakalakad pa siya ulit.”Hindi nakapagsalita agad si Hailey. Sa loob-loob niya, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, lungkot ba, awa, guiltness dahil pinag isipan pa niya ito ng hindi maganda. Pero may mal

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 137

    Nagtungo na siya sa banyo para mag-ayos ng kaniyang sarili. Hindi din siya nagtagal sa paliligo at nag-asikaso na siya sa kaniyang unang araw ng pagpasok.Huling tanaw sa salamin. Tinignan niya ang kaniyang light make up. Sinuot niya ang kaniyang hindi sobrang kaikliang palda na tinernuhan niya ng brown sleevless na may hindi kahalayaan ang disenyo sa may parteng dibdib na tinakpan ng kaniyang katernong kulay ng suit at high heels.Kung marunong sa fashion ang makakakita sa kaniya ay malalaman mong mayaman talaga siya dahil ang brand ng kaniyang mga gamit ay mula sa mga luxury brand. Mula sapatos hanggang sa mga aksesoryang gamit niya.“Oh God, guide me today. Nawa ay hindi ako mapag-initan ng mag among iyon.” Dasal ni Hailey bago tuluyang sumakay sa kaniyang sasakyan.Ang unang araw niya ay naging smooth, kakaunti ang trabaho taliwas sa inaasahan niya. Ani ng HR head ay binilinan lang sila ni Mr.Tan na sila muna ang bahalang magbigay ng task para sa kanya dahil nagkaruon ng biglaang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status