Share

Chapter 74: Explain

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-06-05 12:04:56

Bagsak.

Tila tuluyang gumuho ang mundo ni Mendoza.

Nawala na ang lahat ng yabang, ang lahat ng pagmamataas.

Maging si Zaidee at Ella ay tila lantang gulay, hindi makakilos, hindi makapaniwala.

Ang hamak na lalaking tinawag nilang basura…

Ay isa palang Gold—isa sa pinakamakapangyarihang pangalan sa buong bansa.

"Huli na, Mendoza," malamig na sambit ni Lenard habang nakatingin sa lalaking halos nakaluhod pa sa harap niya.

"Laging nasa huli ang pagsisisi. Ngunit kahit magsisi ka, wala nang silbi."

Tumingin si Lenard kay Richard.

"Mr. Gold, anong gusto mong gawin natin sa mga taong ito?"

"Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin." Kalmadong sambit ni Richard.

Tumango si Lenard, "Security," utos niya nang walang pag-aalinlangan, "ilabas ang tatlong taong ito."

Agad, sampung security personnel ang lumapit.

Mabilis at walang pasintabi.

Handang damputin sina Mendoza, Zaidee, at Ella.

Ngunit bago pa man sila mahawakan, mabilis na lumuhod si Zaidee sa harap ni Richard, parang aktres sa isang tr
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 205: Lumalablayp

    Natigilan si Kevin. "Elevator Girl?" bulalas niya, halos hindi makapaniwala.Tila kinilig si Mariel. 'Nalala pa niya ako,' naisip niya sabay hawi sa buhok, na parang isang libong taon na ang lumipas para makalimutan siya ni Kevin.Tumango si Mariel. "Akala ko wala nang pagkakataon para makita kang muli."Bumalik sa katinuan si Kevin at inabot ang kamay ni Mariel para makipagkamay. "Kevin Gold," aniya, ngunit mukha siyang tangá at halatang kinakabahan.Ngunit sa paningin ni Mariel, para siyang bidang lalaki sa isang Korean series—at siya naman ang female lead. Halos hindi na niya mabitawan ang kamay ni Kevin, at imbes na makaramdam ng kaba, lalo pa siyang ngumiti nang may kumpiyansa."Ang lamig ng kamay mo… pero bagay sa'yo," bulong ni Mariel, sabay konting yakap sa kamay niya na para bang ayaw talagang pakawalan. Si Kevin naman ay tulala, hindi alam kung paano magre-react dahil wala talaga siyang karanasan sa mga ganitong sitwasyon—parang nakaharap siya sa isang rare creature na hindi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 204: Nagkita ulit

    Napakamot ng ulo si Henry, halatang napahiya sa sarili niyang banat.Bumuntong-hininga si Kevin, lumapit, at marahang tinapik sa balikat si Henry."Tumatanda ka na talaga," sabi ni Kevin sabay iling-iling na parang nanghihinayang.Walang sinabi si Fae, pero tumingin siya kay Henry."Nasaan ang records tungkol sa bagong product?" tanong niya, diretso at walang paligoy."Nasa ilalim ng ikalawang drawer… nasa pink na envelop," sagot ni Henry.Yumuko si Fae, binuksan ang drawer, at kinuha ang pink na envelop. Maingat niya itong binuksan bago inilabas ang mga papel sa loob at sinimulang basahin, seryoso ang ekspresyon."Okay," sabi ni Fae matapos silipin ang ilang pahina. "Ito yung bagong beauty product—BrightGlow Serum. Ang focus nito ay natural whitening at skin rejuvenation. Ayokong basta ilabas ito nang walang tamang plano. Kailangan pagtuunan ng pansin ang marketing strategy nito."Bumaling siya kay Henry. "Tawagin mo ngayon ang mga department head ng Product Development, PR at Market

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 203: Ang boss ng boss

    Matapos ang ilang sandali pa ng talakayan at pag-aayos ng ilang detalye, tuluyang natapos ang meeting. Hindi nagmamadaling umalis sina Fae, Richard, at Kevin, bagkus ay naglakad silang tatlo pabalik sa opisina ng chairman kasama si Henry, na halatang pinapawisan pa rin kahit malamig ang aircon.Pagkapasok nila sa opisina, naupo si Fae sa swivel chair—ang dating upuan ni Henry—habang si Richard ay nakasandal sa sofa at si Kevin ay nakatayo malapit sa gilid, parang bodyguard na hindi naman kailangan."Ang galing mo kanina, Ma'am," ani Henry, medyo nanginginig pa ang boses. "Hindi ko po akalain na… eh… ganun kabilis ang plano ninyo."Ngumisi si Richard at sumandal pa lalo. "Kabilis? Henry, yun nga yung pina-simplify na version. Kung ako gumawa nun, baka mas lalo kang kinabahan.""Sir naman…" napakamot sa batok si Henry.Hindi nakatiis si Kevin at sumingit, nakangisi. "Eh sir, aminado ka rin naman kanina na muntik ka nang matawa nung nagsimula si Henry mag-report. Naaalala ko yung—" ginay

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 202: To rise to power

    Pagkasabi nito, lumingon siya kay Fae at binigyan ito ng banayad na ngiti na tila nagsasabing handa ka na ba?Yumuko si Henry, halos mabangga na ang ilong sa sahig. "Opo sir!" mabilis niyang sambit, at siya na ang nanguna sa paglakad palabas ng opisina.Habang naglalakad ang grupo sa hallway, ramdam ang presensya nila sa bawat hakbang. Ang mga empleyado ay bahagyang sumisilip mula sa kanilang cubicle, ang iba'y nag-aayos agad ng upo para magmukhang abala, habang may ilan na pasimpleng nagbubulungan.Si Henry ay nasa unahan, bitbit ang kumpiyansa na halatang pinipilit lang. Si Richard ay mahinahong naglalakad sa gitna, bahagyang nakahawak sa likod ni Fae para gabayan ito, at si Kevin ay nasa hulihan, alerto at tila scan nang scan sa paligid.Nang dumating sila sa malapad na pinto ng conference room, hinila ito ni Henry at maingat na binuksan. Agad na bumungad ang mahaba at eleganteng mesa, kuminang ang ibabaw dahil sa polish, at sa paligid nito ay

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 201: Ang Chairman

    Tahimik na umandar ang elevator pataas, ngunit hindi maikakaila ang bigat ng presensya ng tatlo—si Richard sa unahan na parang isang CEO mula sa luxury magazine, si Fae na parang international model, at si Kevin na tila heartthrob na hindi kailangan magsalita para mapalingon ang lahat.Sa gilid, may isang babae na yakap-yakap ang ilang folder.Natigilan siya, halos mawalan ng lakas sa tuhod habang lihim na sinusulyapan ang tatlo.'Sino kaya sila…? Ang yaman-yaman ng dating… tapos yung aura nila… parang hindi para sa mga kagaya kong white collar worker lang.' Napalunok siya, hindi alam kung paano pipindot sa buton ng elevator nang hindi mapansin.Biglang tumingin si Kevin sa kanya, ngumiti nang magaan, at nagsalita,"Miss, anong palapag ka?"BADUM!Parang tumigil ang mundo ng babae. Slow motion.Ang liwanag mula sa ilaw ng elevator ay tumama sa mukha ni Kevin na tila eksenang diretso sa isang romantic Korean drama. Parang narinig pa niya ang "Saranghae" sa background na hindi niya alam

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 200: Takeover

    Nanlaki ang mata ni Marcela. Para bang biglang tumigil ang oras.Saglit siyang hindi nakaimik. Kumurap siya, saka pinikit ang mga mata. Napakapit siya sa gilid ng kanyang kumot, parang pinipigil ang emosyon."Anton..." mahina niyang tugon. "...hindi ko alam kung paano. At kung kailan. Ayokong guluhin ang mundo niya.""Pero hindi ba mas guguluhin siya kapag ibang tao pa ang nagsabi? Deserve niyang malaman, Marcela," mariing sagot ni Anton.Tahimik muli ang silid.Sa screen ng TV, umiiyak ang bidang babae ng K-drama, parang sinasabayan ang bigat ng usapan."Alam ko," bulong ni Marcela. "At oras na... sasabihin ko sa kanya."Tumango si Anton, dahan-dahang tinapik ang kamay ng dating kaibigan."Hindi mo kailangang mag-isa, Marcela. Nandito ako. Para sa inyo. Para kay Fae."Sa unang pagkakataon, tuluyang bumagsak ang luha ni Marcela.Napabuntong-hininga si Anton habang pinagmamasdan ang kaibigang si Marcela, na ngayon ay tahimik na lumuluha."Wag kang mag-alala," malambing niyang sabi. "Ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status