ログインAt sa simpleng palitan ng mga salitang iyon, pakiramdam ko ay gumaan ang lahat.Hindi ko man alam kung ano ang eksaktong nangyari sa dinner nila, pero base sa tono niya, wala namang mali. Wala akong naramdamang bigat mula sa kanya, sapat na iyon para sa ngayon.Mas magaan ang pakiramdam ko habang na
Isipin mo, halos kasing edad lang ni Mitch si Honey tapos tatawagin kong ate.“Nasa ikapitong buwan na,” sagot ni Chanton, may halong ngiti habang sinisiguradong maayos ang pagkakalagay ng pagkain sa harap ng asawa niya. “Malapit na.”“Magkakaroon na kami ng baby dito!!” biglang sabat ni Amber, halo
Walang paligoy-ligoy.Walang pagtatago.“Hindi lang naman ako basta lalaki sa buhay niya,” dagdag ko, mas mabagal ang tono. “Boss niya ako. Mas matanda ako. At… alam niyo naman kung anong klaseng pamilya ang meron ako.”Tahimik ulit.Ramdam ko na iniintindi nila.Hindi nila ako pinuputol. Hindi nila
ChandlerDahil wala si Mitch, nagdesisyon akong pumunta sa agency ni Chanton.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit doon agad ang punta ko, pero siguro dahil iyon ang lugar na alam kong may kakayahang pakalmahin ako o kahit paano, ilihis ang isip ko sa bagay na hindi ko makontrol.Sa totoo lang, kina
MitchParang biglang bumagal ang oras matapos kong bitawan ang mga salitang iyon.“May boyfriend na po ako.”Hindi ko na iyon binawi. Wala na ring dahilan para palambutin pa. Sa mismong sandaling iyon, alam kong wala nang atrasan—kahit gaano pa kabigat ang maaaring kasunod.Tahimik.Iyon ang unang s
Dahil si Chandler… hindi lang basta lalaki sa buhay ko.Amo ko siya.Ipinagkatiwala ako ng mga magulang ko sa kanya—yung taong inaasahan nilang gagabay at mag-aalaga sa akin sa mundong pinasok ko.At ngayon, siya rin yung taong minahal ko.Doon ako natakot.Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma
Good.Pag-upo ko sa gaming chair, doon ko naramdaman ang panlalamig ng kamay ko.Shocks.Iba ang mga practice game namin sa gaming house. Online lang ‘yon at walang nakakakita sa akin. Kahit magkamali ako, screen lang ang witness.But now, it’s different.May crowd at nala-live broadcast pa. Pwedeng
Sandwiched.“Ready?” tanong ni Sir Chandler.“Wait, boss! Pa-pose muna!” sigaw ni Cecilio.“Three, two, one.”Flash.Pagkatapos ng picture, naghiwa-hiwalay ulit ang grupo. May ilan na naupo sa bean bags, may ilan na nakatayo sa may railing habang nagkukuwentuhan.Lumapit ako sa railing at tumingin s
Napangiti rin ako, may sariling pag-aari na team ang bunso namin. Team iyon para sa mga esports players na ng bumalik kami dito ay talagang nilaanan na rin niya ng oras, panahon at pera.“Pero pamilya tayo,” sabi pa niya. “Kaya suportahan na lang natin siya. Kung sakali at gusto na rin niyang lumaga
ChantonPagdating ko sa parking, agad kong nilibot ang tingin ko. Halos hindi na ako kumurap. Para akong nasa survival mode at ina-absorb ko ang bawat detalye, bawat galaw, bawat anino. Halos imemorize ko ang bawat lokasyon at posisyon ng bawat sasakyan na naroon. Kung alin ang bagong dating, alin a







