LOGIN
Celeste Reyes POV
Malamig na ang steak na nasa harap ko. Ang mamahaling red wine na binuksan ko kaninang alas-otso ay kalahati na lang, hindi dahil nag-ce-celebrate ako, kundi dahil kailangan ko ng pampakalma. Ikatlong anibersaryo namin ngayon ni Iñigo Samonte. Tatlong taon na akong nakatali sa lalakeng pinapangarap ng lahat, pero tila isang magandang dekorasyon lang ako sa buhay niya. Tiningnan ko ang digital clock sa dingding. 11:45 PM. Labinlimang minuto na lang at matatapos na ang espesyal na araw na ito, pero ang tanging kasama ko ay ang katahimikan ng malawak naming dining hall. Narinig ko ang pag-ugong ng makina ng sasakyan sa labas. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at pumasok si Iñigo. Kahit pagod at medyo gulo ang buhok, hindi maitatago ang kisig niya. Ang itim niyang suit ay bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, pero hindi ang amoy niya ang unang sumalubong sa akin—kundi ang amoy ng pamilyar na pabango ng babae. "You're late," mahina kong sabi, sinusubukang panatilihing kalmado ang boses ko. Hindi siya tumingin sa akin. Inilapag niya ang kanyang briefcase sa couch. "I had a meeting, Celeste. Don't start." "Meeting?" Tumayo ako, ramdam ko ang init ng alak sa aking sistema. "Meeting ba ang tawag sa pagsundo kay Cassandra sa airport? Nakita ko ang post ng mga kaibigan niya, Iñigo. She’s back. At ikaw ang sumalubong sa kanya." Dito na siya lumingon. Ang kanyang madidilim na mata ay tumitig sa akin nang walang kahit anong emosyon. "She needed a ride. Her family wasn't available. It’s not a big deal." "Not a big deal?" Natawa ako nang mapait. "Anibersaryo natin ngayon! Tatlong taon, Iñigo! Pero mas pinili mong samahan ang babaeng nang-iwan sa’yo kaysa umuwi sa asawa mo?" "Dahil alam kong nandito ka lang naman!" bigla niyang bulyaw, ang boses niya ay gumaralgal sa galit. "Cassandra needed me. Ikaw, puro ka lang naman reklamo. Akala ko ba malinaw sa atin ang lahat bago tayo nagpakasal? This is a partnership, Celeste. Business. Don't act like a heartbroken teenager." Parang sinampal ako sa sinabi niya. Oo, business arrangement ang simula namin, pero ibinigay ko ang lahat. Ang oras ko, ang career ko, at ang puso ko. Pero para sa kanya, isa lang akong obligasyon na kailangang uwian. Lumapit siya sa akin. Ang bawat hakbang niya ay nagpapaliit ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Huminto siya sa harap ko, sapat na para maramdaman ko ang init na nanggagaling sa katawan niya. Ang matangkad niyang pigura ay halos matabunan ako. "Look at you," bulong niya, ang boses niya ay biglang naging paos. "Nag-aabang ka na naman ba ng atensyon ko? Ginagawa mo ba 'to para mapansin kita?" Hinawakan niya ang baba ko, pinilit akong tumingin sa kanya. Ang galit sa mga mata ko ay unti-unting napalitan ng pamilyar na kaba. Iyon ang epekto niya sa akin. Isang hawak lang, tila nalulusaw ang lahat ng pride ko. "Bitawan mo ako, Iñigo," pagmamatigas ko, pero traydor ang katawan ko dahil mas lalo akong uminit sa haplos niya. "Bakit? Hindi ba ito ang gusto mo?" Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa labi niya. "Kaya ka nagsuot ng manipis na silk dress na 'yan, 'di ba? Para akitin ako? Para makalimutan ko na mas gusto kong kasama ang ibang tao?" Masakit. Sobrang sakit ng bawat salita niya. Pero bago ko pa siya masampal, marahas niyang nilapat ang kanyang mga labi sa akin. Hindi ito ang halik na mapagmahal. Ito ay halik ng pagpaparusa. Isang halik na puno ng galit at pagnanasa na hindi ko mapigilan. Binuhat niya ako nang parang wala akong bigat habang ang aming mga labi ay nananatiling magkadikit. Dinala niya ako sa itaas, sa aming kuwarto na saksi sa lahat ng gabi ng pagpapanggap namin. Ibinagsak niya ako sa kama at agad na sumunod sa ibabaw ko. Sa loob ng kuwartong iyon, tanging ang tunog lang ng aming mabilis na paghinga at ang pagkiskis ng balat ang naririnig. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko sa itaas ng ulo ko, tinititigan ako habang unti-unti niyang tinatanggal ang harang sa pagitan namin. Sa bawat dampi ng kanyang mainit na palad sa aking hita, ramdam ko ang tensyong kayang lumusaw sa aming dalawa. "You're mine, Celeste," bulong niya sa tainga ko, ang kanyang hininga ay nagpadala ng kuryente sa buong katawan ko. "Kahit anong galit mo, sa akin ka pa rin uuwi." Hindi ako sumagot. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang bawat haplos niya. Alam ko ang laro niya. Gagamitin niya ang katawan ko para patahimikin ang isip ko. Gagamitin niya ang pisikal na koneksyon para hindi ko siya iwan. At ang nakakainis pa, hinayaan ko siya. Isang mahaba at mainit na gabi ang sumunod—puno ng ungol at pawis, pero walang kahit anong salita ng pagmamahal. Madaling araw na nang matapos ang lahat. Nakatalikod si Iñigo sa akin, ang malalim niyang paghinga ay senyales na nakatulog na siya nang mahimbing. Doon ko hinayaang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tiningnan ko ang likod niya. Napakatikas, napakalakas, pero hinding-hindi ko maaabot. Ang init na naramdaman ko kanina ay mabilis na napalitan ng matinding lamig. Hindi ko na kayang maging panakip-butas lang ni Cassandra. Hindi ko na kayang maging pampalipas-oras lang niya kapag bored siya. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Kinuha ko ang aking robe at naglakad patungo sa maliit na desk sa sulok ng kwarto. Binuksan ko ang drawer at kumuha ng isang pirasong papel at ballpen. Nanginginig ang kamay ko habang sinusulat ang mga salitang tatapos sa tatlong taon ng paghihirap ko. Walang mabulaklak na salita. Walang mahabang paliwanag. "I want a divorce. Let's end this, Iñigo."Iñigo Samonte POVAlas-singko ng hapon, nakaupo ako sa tapat ng opisina ko sa farm—na dati ay isang lumang bodega lang pero ngayon ay may maayos na glass windows at wooden desk. Nakatitig ako sa financial report ng Reyes-Samonte Agricultural Cooperative. Sa darating na buwan, opisyal na kaming mag-e-export ng aming mga organic na produkto sa tatlong bansa sa Asya. Ang dating maliit at naghihingalong farm, ngayon ay isa na sa pinakamalaking supplier at nagbibigay ng trabaho sa mahigit tatlong daang pamilya rito sa Isla Moretti.Napangiti ako nang bahagya habang isinasara ang laptop. Kung makikita ako ng mga dati kong business partners sa Makati na naka-linen shirt na nakatupi ang manggas, khaki shorts, at leather sandals habang seryosong nagpapatakbo ng isang farm, baka isipin nilang nabaliw na ako. Dati, bawat desisyon ko ay nakabase sa kung magkano ang kikitain ng Samonte Group sa bawat quarter. Ngayon, bawat pirma ko sa kontrata, ang iniisip ko ay kung sapat ba ang magiging pondo pa
Celeste Reyes POVLinggo ng hapon. Isang araw matapos ang binyag ni Lucas, at sa wakas, bumalik na ang natural na katahimikan sa Reyes Farm. Maagang-maaga pa lang kanina ay umalis na sina Lola Isadora, Tita Helen, at ang mga kaibigan ni Iñigo pabalik ng Maynila dahil kailangan pa nilang humabol sa unang biyahe ng RoRo sa port. Ang buong malawak na garden na punong-puno ng ingay at dekorasyon kahapon ay malinis na ngayon, salamat sa tulong nina Kaelan at ng mga tauhan sa farm.Nakatayo ako sa may pinto ng veranda, hawak ang isang mainit na tasa ng kape habang pinapanood ang dahan-dahang paglubog ng araw. Kulay rosas at kahel ang langit, at ang malamig na hangin mula sa kabundukan ay nagsisimula nang umihip.Tiningnan ko ang kabuuan ng aming bakuran. Kung may magsasabi sa akin noong nakaraang taon na ganito ang magiging kahihinatnan ng magulo at masalimuot naming simula ni Iñigo, malamang ay tinawanan ko lang sila. Noong mga unang buwan na pilit naming inaayos ang mga gusot sa pagitan n
Celeste Reyes POV Alas-singko na ng hapon nang magsimulang mag-paalam ang karamihan sa mga bisita mula sa bayan. Unti-unti na ring nagliligpit ang mga catering staff ng mga ginamit nilang kagamitan sa garden, habang si Kaelan at ang ilang mga kalalakihan mula sa farm ay tumutulong sa pagbubuhat ng mga mabibigat na silya pabalik sa bodega. Umakay ako sa itaas para tingnan si Lucas na kasalukuyang natutulog sa aming kwarto, pagkatapos ay bumaba ako uli para magpahangin sa may porch. Nakita ko sina Tonton at Jace na nakaupo sa may hagdanan ng veranda, parehong nakatanggal na ang sapatos at hawak ang tig-isang malamig na botelya ng softdrinks. Halatang pagod sila sa maghapon pero ang mga mukha nila ay nakangiti pa rin. "Grabe, Celeste. Sobrang solid ng handaan ngayon ah," bati sa akin ni Tonton nang mapansin niya akong pababa ng hagdan. "Hindi ko akalain na makakakain ako ng ganoon kasarap na litson. Iba talaga 'yung timpla nung matanda, si Lolo Mateo ba 'yun?" "Oo, si Mateo talaga an
Celeste Reyes POVPagpasok pa lang ng sasakyan namin sa gate ng farm, dinig na dinig ko na ang tugtog ng acoustic guitar mula sa soundsystem na ipinahiram ni Kaelan. Ang garden na kaninang umaga lang ay puro bakal at tela, ngayon ay mukhang isang napaka-eleganteng reception. May mga mahahabang lamesang nakalatag na may puting tablecloth, puno ng mga sariwang bulaklak mula sa bayan, at sa isang tabi naman ay nakapila ang mga catering staff na abalang-abala sa pag-aayos ng mga chafing dishes.Ipinark ni Iñigo ang sasakyan sa tabi ng truck ni Kaelan. Pagkababa namin, agad na sumalubong sa amin ang amoy ng bagong hurnong litson na ginagawa ni Mateo sa may likod ng kusina. Amoy sunog na balat ng baboy, tanglad, at uling—'yung tipong amoy pa lang, alam mo nang piyesta talaga ang pupuntahan mo."Celeste, dumeretso ka muna sa loob para maibaba mo si Lucas sa crib niya. Mukhang mahimbing pa ang tulog, baka magising kapag dinala mo agad sa gitna ng ingay," sabi ni Iñigo habang kinukuha ang diap
Celeste Reyes POV Sabado ng umaga. Heto na talaga ang araw ng binyag ni Lucas. Alas-sais pa lang, gising na gising na ang buong bahay. Rinig ko ang ingay ng mga sapatos na pabalik-balik sa pasilyo at ang mahihinang boses nina Lola Isadora at Tita Helen na nag-aayos na sa kani-kanilang mga kwarto. Nakatayo ako sa harap ng salamin ng banyo, suot ang isang cream-colored linen dress na binili namin sa bayan noong nakaraang linggo. Habang inaayos ko ang simpleng kwintas na pilak na pamana pa sa akin ni Mama, sandali akong natitig sa sarili kong repleksyon. Naalala ko lang bigla kagabi, nung sinusuklay ni Iñigo ang buhok ko habang nag-uusap kami tungkol sa binyag ngayon. Bago ako makatulog noon, nakatitig lang ako sa kisame habang nararamdaman ang mabigat na braso ni Iñigo na nakapulupot sa bewang ko. Naisip ko lang, kung gaano kalaki ang ipinagbago ng gabi naming dalawa. Dati, noong nagsisimula pa lang kami, bawat gabi ay parang isang mabigat na negosasyon. Takot akong matulog noon dahil
Iñigo Samonte POVAlas-nuwebe pa lang ng gabi pero ramdam ko na ang bigat sa balikat ko, hindi dahil sa pagod kundi dahil sa dami ng kape na pinainom sa akin nina Tonton kanina habang nag-i-inspect kami ng binyagan sa garden. Naka-settle na ang lahat sa kani-kanilang kwarto. Lumabas muna ako sa veranda para magpahangin, suot ang isang lumang gray na hoodie at tsinelas. Malamig ang hangin na nanggagaling sa lawa, sapat para mahimasmasan ako sa ingay ng buong maghapon.Tiningnan ko ang glass wall ng sala kung saan sumisilip ang mahinang ilaw mula sa loob. Napansin ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.Minsan, kapag mag-isa ako sa ganitong oras, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano ako napadpad sa puntong 'to ng buhay ko. Noong mga unang linggo ko sa Isla Moretti, naalala ko kung paano ko pilit na binibilang ang mga araw sa kalendaryo. Tuwing gabi, nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko, iniisip kung anong ginagawa ng mga board members ko sa Maynila, kung sino ang sumasalo sa mg
Celeste Reyes POVTahimik sa loob ng sasakyan ni Kaelan. Tanging ang mahinang ugong lang ng aircon at ang bawat buntong-hininga ko ang naririnig. Nakatingin ako sa labas, pero ang nakikita ko ay ang mukha ni Cassandra habang kausap ang tatay niya sa telepono.“Everything is going according to plan
Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay nasa library na ako para ayusin ang mga bagong dating na encyclopedia. Kahit na Sabado, pinili kong pumasok para matapos ang backlog sa archival section. Akala ko ay magiging tahimik ang umaga ko, pero hindi pa man nag-iisang oras ang lumilipas, narinig ko na ang
Celeste Reyes POV Ang ulan ay hindi lang basta pumatak; bumuhos ito nang malakas. Sa loob ng ilang minuto, ang tuyong lupa sa harap ng rest house ay naging malapot na putik. Basang-basa na kaming lahat, pero walang gumagalaw. Ang tanging maririnig ay ang ugong ng papalapit na mga patrol car at an
Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay nasa labas na ako ng rest house, tinutulungan si Mateo na mag-ayos ng mga pananim. Masakit pa rin ang likod ko mula kahapon, pero mas gusto ko na ito kaysa nakaupo lang sa loob at naghihintay kung kailan uli magpaparamdam si Iñigo. "Huwag mong masyadong baon '







