เข้าสู่ระบบCeleste Reyes POV
Nagising ako sa tunog ng malakas na ulan na humahampas sa bintana ng maliit kong apartment. Hindi ito ang malambot at malaking kama sa mansyon ng mga Samonte. Ang hinihigaan ko ngayon ay isang mumurahing mattress na binili ko cash tatlong buwan na ang nakakaraan—isang lihim na paghahanda para sa araw na ito. Masakit ang katawan ko. Ramdam ko pa rin ang bakas ng presensya ni Iñigo sa balat ko mula kagabi. Pero sa halip na panghihinayang, ang nararamdaman ko ngayon ay isang kakaibang uri ng gaan. Sa wakas, wala na ako sa puder ng bahay na iyon. Wala na ako sa kuwartong amoy ng kkanyang pagpapanggap. Uminom ako ng tubig at naupo sa gilid ng kama. Tiningnan ko ang cellphone ko. 8:30 AM. Alam kong sa mga oras na ito, gising na si Iñigo. Routine na niya ang gumising nang maaga, mag-gym, at uminom ng kape habang nagbabasa ng stock market updates. Iniisip ko kung ano ang reaksyon niya nang makita ang note sa side table. O baka naman hindi niya agad nakita? Baka dumeretso siya sa banyo at inisip na maaga lang akong umalis para mag-shopping o mag-pa-spa gaya ng ginagawa ng ibang socialite wives. Hindi niya alam na ang lahat ng alahas, designer bags, at credit cards na ibinigay niya ay iniwan ko sa walk-in closet. Ang tanging dala ko lang ay ang lumang backpack ko noong college at ang pera sa bank account na pinaghirapan ko bilang interior designer bago niya ako pinatigil sa pagtatrabaho. Hindi nagtagal, nagsimula nang mag-vibrate ang phone ko. Iñigo Calling... Hinayaan ko lang. Isang beses, dalawa, tatlo. Hanggang sa mapuno ang inbox ko ng messages. Iñigo: Celeste, where the hell are you? Iñigo: Is this a joke? Ang divorce paper na ito? Stop playing games. Iñigo: Bumalik ka rito ngayon din. May meeting tayo sa lolo mamayang gabi. Natawa ako nang mapait. Kahit kailan, ang tanging inaalala lang niya ay ang image namin sa pamilya niya. Ang meeting sa lolo. Ang sasabihin ng ibang tao. Ni hindi man lang niya tinanong kung nasaan ako o kung ayos lang ba ako. Tumayo ako para magtimpla ng kape. Isang maliit na unit lang itong kinuha ko sa Quezon City. Luma na ang building, medyo kupas ang pintura ng pader, at maingay ang mga kapitbahay. Pero dito, ako ang masusunod. Dito, hindi ako "asawa ni Iñigo." Ako lang si Celeste. Akala ko ay may ilang araw pa ako bago niya ako matunton. Masyado ko yatang minalit ang network ni Iñigo Samonte. Pagkalipas ng dalawang oras, narinig ko ang sunod-sunod at marahas na katok sa pinto ko. "Celeste! Buksan mo ang pinto!" Ang boses niya. Malalim, mariin, at bakas ang galit. Huminga ako nang malalim bago nilapitan ang pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin si Iñigo. Suot pa rin niya ang suit niya mula kanina, pero wala na ang kurbata niya at gusot na ang manggas ng polo niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang kabuuan ng maliit kong apartment. "Ano 'to?" bungad niya, sabay wagayway sa kapirasong papel na iniwan ko kagabi. "Isang biro? Nag-e-effort ka pa talagang lumipat sa ganitong kaduming lugar para lang makuha ang atensyon ko?" "Hindi 'yan biro, Iñigo. At hindi ko kailangan ng atensyon mo," diretsong sagot ko. "Gusto ko ng divorce. Malinaw ang nakasulat diyan." Mabilis siyang pumasok, na para bang pagmamay-ari niya ang lugar. "Atensyon lang ito, Celeste. Alam kong nagselos ka dahil sinundo ko si Cassandra. Fine. I’m sorry, okay? Hindi ko na uulitin. Ngayon, kunin mo na ang mga gamit mo at umuwi na tayo. Huwag mong hintayin na mawalan ako ng pasensya." "Hindi ako uuwi," sabi ko, hinaharap siya nang walang takot. "Akala mo ba selos lang 'to? Akala mo ba kaya ko 'to ginagawa dahil gusto kong lambingin mo ako? Hindi, Iñigo. Ginagawa ko 'to dahil pagod na ako." Lumapit siya sa akin, ang kanyang presensya ay tila bumabalot sa maliit na espasyo ng unit ko. "Pagod sa ano? Sa marangyang buhay? Sa lahat ng binibigay ko sa'yo? Maraming babae ang gagawin ang lahat para lang mapunta sa pwesto mo." "Pwesto ko?" Natawa ako, ramdam ko ang panginginig ng boses ko hindi dahil sa takot, kundi dahil sa poot na matagal kong kinimkim. "Ang pwesto ko bilang proxy ni Cassandra? Ang pwesto ko bilang taga-init ng kama mo kapag wala siya? Iñigo, tatlong taon akong nagbulag-bulagan. Tatlong taon akong naniwala na baka balang araw, makikita mo rin ako. Pero kagabi? Noong mas pinili mo siyang sunduin sa gitna ng anibersaryo natin, doon ko napatunayan na kahit kailan, hindi ako magiging sapat." "You are my wife, Celeste. That's more than enough," giit niya, pilit na pinapakalma ang sarili pero bakas ang tension sa kanyang panga. "Wife on paper, Iñigo. Pero sa puso mo, ako lang 'yung 'reserba.' Ako 'yung nandoon dahil kailangan mo ng asawang pang-display at kailangan mo ng tagapagmana para sa kumpanya mo. Pero tuwing hinahalikan mo ako, tuwing magkasama tayo sa kama, alam kong hindi ako ang iniisip mo." Tumahimik siya. Walang kibo. Ang katahimikan niya ang pinakamasakit na kumpirmasyon. "See? Hindi mo man lang maikaila," pagpapatuloy ko, may mga luhang pilit kong pinipigilan. "Pagod na akong maging kapalit lang. Pagod na akong maging 'pangalawa.' I deserve a man who won't make me feel like I'm a second choice. At hinding-hindi mo maibibigay sa akin 'yun dahil hanggang ngayon, nakakulong ka pa rin sa nakaraan niyo ni Cassandra." Marahas na hinablot ni Iñigo ang braso ko. Hindi masakit, pero mahigpit. "Hindi ako papayag sa divorce na ito. Isipin mo ang reputasyon ng pamilya. Isipin mo si Lolo. Katatapos lang ng merger natin sa mga Lopez, hindi natin kailangan ng eskandalo." "Laging kumpanya. Laging image," unti-unti kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Wala ka na bang ibang alam gawin kundi protektahan ang pangalan mo? Paano naman ako, Iñigo? Paano naman 'yung nararamdaman ko?" "Don't be selfish, Celeste," malamig niyang sabi. "Kung ang pagpili sa sarili ko ay pagiging selfish, sige. Maging selfish na ako. Hindi ko na kailangan ng kahit anong sentimo mo. Iwan mo na ang papel na 'yan, pirmahan mo, at huwag mo na akong gambalain pa." Tinitigan niya ako nang matagal. Parang sinusuri niya kung totoo ba ang lahat ng sinasabi ko. Sa loob ng tatlong taon, ako ang masunurin, ang tahimik, ang laging nakangiti. Ngayon lang niya nakita ang Celeste na palaban. "You'll come crawling back to me," pananakot niya, bago siya naglakad patungo sa pinto. "Tingnan natin kung gaano mo katagal matitiis ang ganitong buhay na walang pera at walang Samonte na nakadikit sa pangalan mo." "Subukan natin," huling hirit ko bago ko marahas na isinara ang pinto sa harap niya. Nang marinig ko ang pag-alis ng kanyang sasakyan, doon lang ako nanghina. Napasandal ako sa pinto at dahan-dahang napaupo sa sahig. Humahagulgol ako, hindi dahil sa panghihinayang, kundi dahil sa sakit ng bawat salitang binitawan niya. Akala ko handa na ako. Akala ko manhid na ako. Pero masakit pa rin palang marinig na ang tanging dahilan kung bakit ayaw niyang makipaghiwalay ay dahil sa reputasyon ng pamilya nila. Hindi dahil sa akin. Hindi dahil mahal niya ako.Celeste Reyes POVMasakit ang ulo ko paggising. Ang huling naaalala ko kagabi ay ang mainit at mapanakit na halik ni Iñigo sa loob ng sasakyan bago kami bumalik sa mansyon. Hindi kami nag-imikan hanggang sa makatulog. Ngayong umaga, wala na siya sa tabi ko, pero ang amoy ng kanyang pabango ay tila nakadikit pa rin sa mga unan.Mabilis akong nag-ayos. Ngayong araw ang presentation ko para sa bagong hotel project. Ito ang pagkakataon kong patunayan na hindi ko kailangan ang apelyidong Samonte para magtagumpay bilang interior designer.Pagbaba ko sa dining area, nandoon si Iñigo. Nakasuot na siya ng kanyang pormal na suit, nagbabasa ng tablet habang humihigop ng kape."Hindi ka kakain?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin."Sa opisina na lang. Male-late na ako," sagot ko habang kinukuha ang laptop bag ko.Ibinaba niya ang tablet at tinitigan ako. "Saan ang presentation mo?""Sa BGC. Sa kumpanya ni Mr. Sy.""I'll drop you off.""No thanks. May sasakyan ako," tanggi ko agad."Celeste
Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay nakabihis na ako. Isang puting blazer at slacks ang pinili ko—suot na nagpaparamdam sa akin na ako pa rin si Celeste na may pangarap, hindi lang si Mrs. Samonte na nakakulong sa mansyon. "Maaga ka yata?" Napatalon ako nang makita si Iñigo sa dulo ng hagdan. Nakasuot siya ng gym attire, basang-basa ng pawis, at may hawak na bote ng tubig. Ang mga mata niya ay agad na sumuri sa ayos ko. "May client meeting ako sa Makati. Kailangan kong mauna sa traffic," sagot ko habang inaayos ang bag ko. "With Kaelan again?" tanong niya. Ang boses niya ay kalmado, pero may halong inis. "Hindi lahat ng trabaho ko ay umiikot sa pinsan mo, Iñigo. Client ito. Isang pamilyang gustong magpa-renovate ng bahay," paliwanag ko. Lalagpasan ko na sana siya pero humarang siya sa daraanan ko. "I told you yesterday, be home by 6 PM. May dinner tayo kasama ang Board of Directors. It’s a formal event." "Dinner? Ngayon mo lang sinasabi sa akin 'yan. At bakit kailangan
Celeste Reyes POV Nakatayo lang ako sa gitna ng master’s bedroom habang pinapanood ang mga katulong na ipinapasok ang huling maleta ko. Ang kwartong ito, na dati ay simbolo ng aking pagsisikap na maging mabuting asawa, ay mukhang kulungan na ngayon sa paningin ko. "Ma'am Celeste, nailagay na po namin lahat sa walk-in closet," magalang na sabi ni Yaya Rosa. Bakas sa mga mata niya ang pagtataka, pero pinili niyang manatiling tahimik. "Salamat, Ya. Pwede na kayong magpahinga," sagot ko at pilit na ngumiti. Nang sumara ang pinto, tila lalong kumitid ang kwarto. Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Iñigo. Nakasuot lang siya ng itim na silk pajama pants, hubad ang matikas niyang dibdib, at may tuwalya sa balikat. "Bakit nakatayo ka pa rin diyan?" tanong niya habang pinupunasan ang basang buhok. "It’s past 11. Matulog ka na." "Sa guest room ako matutulog, Iñigo. Wala na si Lolo Mateo, hindi na natin kailangang magpanggap ngayong gabi," diretsong sabi ko. Tumigi
Celeste Reyes POVAng sumunod na mga araw matapos ang charity gala ay naging parang isang laro ng chess. Pinili kong maging abala. Sa tulong ni Kaelan, nagawa kong makabalik sa isa sa mga projects na "na-hold" dahil sa impluwensya ni Iñigo. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Kaelan, pero sapat na ang makitang nabawi ko ang kontrol sa sarili kong buhay.Hapon na nang ihatid ako ni Kaelan sa tapat ng mansyon. Buong byahe kaming nagtatawanan. Iba ang pakiramdam kapag may nakakausap kang hindi ka minamaliit."Salamat sa paghatid, Kaelan. At salamat sa tulong sa project," sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt."Wala 'yon, Celeste. I told you, I take care of what I value," sagot niya nang may makahulugang tingin. Bago ako bumaba, hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinalikan ang likod niyon."See you soon, my favorite cousin-in-law."Ngumiti lang ako at lumabas ng sasakyan. Pero bago pa man makaalis ang sports car ni Kaelan, nakita ko na ang itim na SUV ni Iñigo sa driveway. Nakatay
Celeste Reyes POV Ang mansyon ng mga Samonte ay punong-puno ng liwanag at ingay. Gabi ng charity gala na inorganisa ng kumpanya, at bilang asawa ni Iñigo, kailangan kong magmukhang perpekto. Suot ko ang isang midnight blue na backless gown na hapit sa aking katawan. Sa harap ng salamin, tinitingnan ko ang sarili ko—maganda, sopistikada, pero ang mga mata ko ay hindi nagsisinungaling. Pagod na ang mga ito. "Ready?" Napalingon ako kay Iñigo. Nakasuot siya ng charcoal gray tuxedo, napaka gwapo. Nakakainis na kahit gaano ko siya gustong kamuhian, ang pisikal niyang anyo ay laging nagpapaalala sa akin kung bakit ako nahulog sa kanya noon. Lumapit siya at kinuha ang isang diamond necklace mula sa table. Marahan niyang isinuot ito sa leeg ko. Ang kanyang mainit na mga daliri ay dumampi sa balat ko, dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. "Smile, Celeste," bulong niya sa tabi ng tainga ko. "The cameras are waiting. Show them the happy Mrs. Samonte." "Hanggang kailan natin 'to g
Celeste Reyes POV Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mag-walkout si Iñigo sa maliit kong apartment, pero ang bigat sa dibdib ko ay tila lalong tumitindi. Akala ko ay doon na natatapos ang lahat, na hihintayin ko na lang ang pirmadong papel para tuluyan na akong maging malaya. Pero nagkamali ako. Masyado kong minalit ang pagiging desperado ni Iñigo na protektahan ang kanyang perpektong imahe. Nakatitig ako sa screen ng laptop ko nang makatanggap ako ng sunod-sunod na tawag mula sa dati kong kliyente. Isang malaking project sana para sa isang bagong boutique hotel, pero sa isang iglap, binawi nila ang kontrata. Pagkatapos niyon, isa pang tawag ang dumating. Ang project na tinatapos ko para sa isang luxury condo ay bigla ring "on hold" dahil sa ilang legal issues na hindi ko maintindihan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihigpitan ang hawak sa phone. Hindi ako tanga. Alam ko kung kaninong pakana ito. Eksaktong alas-tres ng hapon, isang itim na Rolls-Royce ang pumarad







