SAMARA POVNakatulala ako sa kawalan habang malakas pa ring bumubuhos ang ulan. Hindi ko napansin na papalapit si Aldric. Bumalik lang ako sa huwisyo no’ng nagsalita siya.“Ara, okay ka lang?” nag-aalala nitong sabi saka ako ginawaran ng mahigpit na yakap. Rinig ko ang mabibigat niyang paghinga.Tulad ko, basang-basa rin ang buo niyang katawan. Napayuko ako at doon ko napantanto ang panginginig. Hindi ko lang mawari kung dahil sa lamig ng panahon o sa trahedyang sinapit ko sa kamay ni Eli.“W-Wala na ba siya?” tanong ko sa basag na boses. May bakas ng pangamba. Wari’y bangungot ang lahat na habang buhay kong kikimkimin.Hinawakan ni Aldric ang magkabilaan kong pisngi. “Hinding-hindi na niya magagawang guluhin ka. Sinigurado ko ang bagay na ‘yon,” mariing sambit niya sa akin. Walang bahid ng pag-aalinlangan ang mga binitiwan niyang kataga.Napapikit ako at naitakip ang dalawang kamay sa mukha. “Sana nga, Aldric. Takot na takot ako. Baka gawin niya ulit sa akin ‘yon,” paghagulgol ko.
[TRIGGER WARNING: Sensitive scene and violence]SAMARA POVNang nagkamalay ako, nakahiga na ako sa espaltadong bahagi ng open field ng Northford University. Basa ang kinaroroonan ko na dulot ng patuloy na pagbuhos ng ulan. Nahihilo pa rin ako dahil sa sugat ng ulo ko.Inaninag ko ang paligid. Isang taong naka-hoody ang nakatayo sa harapan ko. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Kahit nanlalabo pa ang paningin ay kitang-kita ko ang pagngisi nito sa akin. “Akin ka na ngayon, Samara,” mala-demonyo nitong sambit at lumuhod sa paanan ko.Kinilabutan ako nang simulan niyang halikan at himasin ang binti ko. Kahit nanghihina ay pinilit kong umatras at binuhos ang natitira kong lakas para sipain ang pagmumukha niya. Umilag siya at mahinang tumawa.“Tch, nagagawa mo pa ring lumaban sa lagay mong ‘yan,” komento nito sa akin at niluwagan ang sinturon.Kahit madilim ay itinuon ko ang atensyon sa mukha niya. Hindi ko pa rin ‘yon lubusang makita hanggang lumiwanag ang kalangitan dahil sa kidlat. Na
SAMARA POV Nasa hallway pa lang kami ni Jack papunta sa kwarto ni Jill, ay hinarang na kami agad ng bodyguards. “Hanggang dito lang kayo. Utos ito ni Mrs. Costova,” saad sa amin ng isa sa kanila sa matigas na boses. “Kaibigan kami ni Ms. Jill,” depensa ni Jack. “Hindi talaga pwede,” pagmamatigas pa rin ng kausap namin. Bumagsak ang balikat namin at sumuko na lang. “Fine,” napipilitang tugon ko. Nagtungo kami ni Jack sa kalapit na silya. Napabuntong-hininga kami at sumandal doon. “Anak ba ng mafia boss si Jill?” biro ko. Natawa si Jack. “Hindi naman, pero sobrang yaman nila. Kaya nga ata nilang bilhin itong buong ospital.” Namangha ako. “Talaga? Grabe.” Bigatin pala ang best friend ng nobyo ko. Buti na lang ‘di pa niya ako sinasampal ng sampung bilyon. Malalim akong huminga habang pinagmamasdan ang bodyguards nila. Bigla akong natahimik. Naalala ko kasi ang nakasaad sa last will and testament ni Daddy. Paano kung maging miserable lang si Marco pagkatapos ng kasal namin? Mag
SAMARA POV “For now, maayos na ang kalagayan niya. Kailangan na lang niyang magpahinga,” imporma sa amin ng doktor bago ito lumabas ng kwarto ni Jill. Ilang oras din ang inilagi namin sa ospital. Bumaling ako kay Marco. Nakahawak pa rin ang kamay niya kay Jill at hindi na umalis sa tabi nito. Ngayon ko lang nakita ang nobyo ko na sobrang nag-aalala. Pagkasilip ko sa labas ng bintana, gabi na. Hindi pa siya kumakain. Lumapit ako sa kanya at pinatong ang kamay ko sa balikat niya. “Love, dinner muna tayo.” Hindi siya sumagot. Mukhang malalim ang iniisip. “Love?” pag-uulit ko saka siya bumalik sa huwisyo at lumingon sa akin. “Ah, mamaya na. Hindi pa naman ako gutom,” tugon nito. Napahinga ako nang malalim. “Wala kang kinain buong araw maliban sa breakfast natin kanina. Baka ikaw naman ang mapa’no niyan,” pangaral ko sa kanya. Nang hindi ulit siya sumagot ay napapikit na lang ako para tapusin ang usapan. “Sige, bili na lang ako ng Korean food para sa ating tatlo. Baka kasi magisin
SAMARA POV“Ate, bili na po kayo ng cookies,” alok sa akin ng batang paslit.Napapikit ako at pinigil ang inis. Dali-dali akong naglabas ng pera mula sa wallet ko para ibigay sa kanya. Agad ko siyang pinaalis nang hindi tinititigan ang paninda niya. Hinilot ko ang sintido.“Oh? Anong nangyari? Ba’t parang stress ka?” usyusong tanong sa akin ni Candice. Inabutan niya ako ng buko juice.Nauhaw kasi kami sa pagtatampisaw kaya bumili kami ng maiinom. Sina Jill at Vien, bumili ng agahan namin. Ang iba naman ay nagpapahinga.Bumutong-hininga ako. “Cookies,” turan ko sa kanya at sumipsíp mula sa straw ng buko juice.Nanlaki ang mga mata niya. “Omaygash! ‘Di ba, ayaw mo no’n?” pag-aalala niya sa akin.Pinakalma ko ang sarili at pinilit na ngumiti para ‘di na siya mag-isip pa. “Okay lang.”Iginala ko ang paningin sa paligid. Sinikap kong ibaling sa iba ang atensyon ko.Noong bata pa kasi ako, may masamang nangyari sa akin nang dahil sa cookies. Simula no’n, nawalan na ako ng tiwala sa mga tao
MARCO POVAlas kwatro ng umaga. Nakabalik na kami ni Ara sa cottage pero binabagabag pa rin ako ng isipan ko.Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tunay kong pagkatao. Ang tungkol sa pagpapanggap ko at ang kondisyon na binigay sa akin ni Mommy.Nangangamba ako.Paano kung hindi niya ako tanggapin? Paano kung mapahamak lang siya nang dahil sa akin? Paano kung hindi niya maintindihan ang mundong nakasanayan ko?Maraming tanong na natatakot akong malaman ang sagot. Ngunit hanggang kailan ko kakayanin na manatili sa peke kong pagkatao?“Ara,” sambit ko sa pangalan niya. Nagtataka siyang lumingon sa akin. “Bakit? May problema ba?”Napalunok ako. Agad na nakaramdam ng pag-aalinlangan. Magtatapat na ba ako sa kanya?“Ang totoo n'ya—”“Ara, nand'yan pa rin kayo? Naka-swimming na kami at lahat. Sayang ‘yong dagat, oh,” bungad sa amin ni Candice na pumutol sa pagsasalita ko. Basang-basa siya na dulot ng pagsu-swimming. Kasunod niya si Mandy. “Oo na, ito na nga. Maliligo na,” deklara ni Ara. Bu