I didn't expect na magkaroon ng orders galing sa isang client kaya halos wala na rin akong oras para sa sarili ko. Hindi ko tuloy matukoy sa sarili ko kung mukha na ba talaga akong pera, kaya, kayod pa rin ako nang kayod. O talagang pinaghandaan ko lang ang magiging future ko, o dahil mas maganda sa pakiramdam na ang pera na hawak mo ay pinaghirapan mo talaga.
"Let's go, aalis tayo mamaya, nightclub, later? What do you think?" Napatigil ako sa pagtipa na kung ano sa aking laptop na marinig ang boses ni Nica, kanina pa pala siya na nandito sa office ko, sa sobrang tahimik naming dalawa pagkatapos magkape ay dito na rin namahinga sa loob. Hindi ko namamalayan na naging busy ako sa ginagawa namin or baka ako lang. "Wala na akong gagawin, tapos na ako kanina pa, sa tingin ko, gusto ko munang uminom ng alak mamayang gabi bago umuwi, though, yeah, I know….you have more liquor here but I prefer in that crowded place–" dagdag pa nito. Napailing na lang ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Hindi ako sumagot at binalik ang attention sa ginagawa ko, but sad to say, wala na agad pumapasok sa utak ko at nawala na rin ng gana. Marahil, dahil narinig ko lang na pupunta kami ng bar para uminom.
Napatigil ako at tiningnan siya.
“What…?” Masamang tingin ang ipinukol ko kay Nica kahit wala naman siyang kasalanan no…meron pala dahil kung hindi sa sinabi niya ay eh di sana, mas ginanahan pa akong gawin itong design na babagay para sa next fashion show. Panira talaga ang babaeng ito, sana pala hindi ko na lang muna siya pina-stay sa office ko.
Alam naman na marupok ako pag-nagyaya na ng inuman eh.
“Alam mo, panira ka….” Natawa siya sa sinabi ko, tumayo pa ito sa couch at lumapit sa akin.
"Kasi matagal na rin na hindi tayo nagpakalasing at pumunta mismo ng nightclub kaya tara, later? Hmmm? Papayag na ‘ya–"
“Ayoko nga–” nagulat ako na hinampas niya pa ang office table ko, ang bruha na ito, napatalon bigla ang tibok ng puso ko. Tingnan mo, binigyan lang ako ng sign of peace.
“Aba! At bakit naman? Don't say, naalala mo na naman ang lalaki na nakauna sa'yo na tinakbuhan mo after that steamy night? At tapos nandoon din pala sa island? Yung hot and sexy abs na si–”
"You shut up, Nic. Bakit napunta ang usapan sa lalaking iyon? Hindi ko na siya iniisip at saka laro lang sa amin ang nangyari. I can still hang out with some other guys sa bar at saka pa alam mo naman siguro anong nangyari sa island pagkatapos ng bakasyon natin, di ba? He's not part of my life anymore, and he's a nightmare, totally nightmare na sana hindi ko na lang nakilala sa buong buhay ko, kung alam mo lang at saka hindi na magkikita ang mga landas namin ng lalaking iyon dahil tapos na kami at nasa ibang bansa na siya ngayon….at…what?" Tanong ko na makita si Nica na kung makatingin sa akin ay parang may nagawa akong kasalanan.
“Why so…so defensive, friend? Nagtatanong lang naman kung naalala mo tapos marami ka na agad sinasabi. Hmm, parang iba ang nakikita ko ha, na para bang, baliktad ang mga sinasabi mo na hindi na magkikita muli ang landas niyong dalawa. I dare. So, naalala mo talaga siya? Baka mamaya palagi mo palang napanaginipan," panghuhuli niya.
“Sira, hindi ah….” pagtanggi ko, ayokong aminin na madalas ko siyang napanaginipan.
“Eh di, hindi naman pala eh, kaya chill ka lang diyan, so game? Later?" taas kilay pa nitong sabi para lang mapa-oo ako. Dahil sa kakulitan niya ay pumayag na rin ako.
Tinapos ko muna ang tatlong design na naisip ko habang nagdadrive patungo dito sa shop ko. I put small sunflower design sa mismong bikini at ilang beses kong pinagmasdan kung nasa maayos ko siya nilagay, some of my clients ay nagustuhan din nila ang daisy and rose design, marami pa akong gustong design na gagawin, at focus ako sa mga ibat-ibang klaseng bulaklak but today. I have to finish this design para mapaunlakan si Nica na mag-nightclub mamaya. Hindi naman minamadali ang iba dahil wala pa akong exact date kung kailan ulit ang show namin lalo at tapos na ang summer.
"Let's go?” Sinilip ko si Nica sa pinto, nang makita niya ako na nag-aayos na rin kaya pumasok siya sa loob ng office ko at doon ko na rin nakita ang ayos niya, bihis na rin ito tulad ko. I'm wearing a red velvet strapless dress at okay na ako sa below the knee at di kataasang takong. While Nica is wearing black wrap bodycon mini dress too. She's stunning and beautiful with her dress.
“Hindi naman halata na excited ka?” Natatawa kong sabi pagkatapos kong balingan ang oras, six pm palang naman, sobrang aga pa para pumunta ng bar.
"Naman….para maaga tayong makabingwit ng yummy daddy.” kindat nito bago tumingin sa salamin para maglagay ng lipstick, napapailing na lang ako sa kanya habang naglalagay ng powder sa mukha.
I texted mom na huwag na akong hintayin for dinner but her reply, kasama niya ngayon ang boyfriend niya at sa labas na rin sila kakain. Madalas na ang pagkikita nila dahil na rin sa nalalapit na engagement, next week, makikita ko na ang mapapangasawa niya, at sa nakikita ko sa mukha ni mommy, she's really happy kaya masaya na rin ako para sa kanya.
Hindi na muna kami dumiretso sa club at nagdinner na muna sa restaurant malapit lang din sa pupuntahan namin, as far as I know, isa lang naman ang may-ari and there food are really good. I loved the ambiance and super aesthetic design. Konti lang inorder namin at baka wala ng paglagyan ng alak ang tiyan namin dahil busog na sa kakakain at baka ano pa ang mangyari.
“Good morning ma’am," tumango kami sa bouncer at pagpasok palang sa loob ay pakiramdam ko nasa ibang mundo na naman ako, ibang mundo na kung saan magkaiba sa kung ano ang nasa labas ng club na ito. Loud music, drinks are everywhere, some are dancing, and some are enjoying talking to their friends. The smell of cigarettes and alcohol is now welcoming in my nose. Dati, unang pasok ko sa loob ng club hindi ako makatagal ng minuto pero kalaunan, nasanay na rin.
"Ladies drink for you miss-” nakangiti ako na inabot ang drink ng bartender sa akin. Kilala na kami rito kaya alam niya na kung ano ang palagi naming ino-order.
“Thanks," wika rin ni Nica at naghanap kami ng pwesto kung saan kami uupo at doon uminom.
Balak ko umuwi ng maaga dahil may tatapusin pa ako kinabukasan.
“Hi miss, don't mind if I join you?"
“No-" taboy agad ni Nica sa lalaking lumapit sa amin, napahiya ito at nakita ko ang grupo ng mga kalalakihan na nasa lima sa kabilang table at rinig na rinig ko ang tawanan nila.
Tumingala ako para makita ang lalaki.
Well, may hitsura naman pero sayang, pinatulan ba naman kung ano man ang deal ng mga barkada niya. Ano kaya parusa sa kanya? I smirks, sorry ka na lang, hindi rin kita papatulan, tinaboy ka na ng kaibigan ko, bakit pa kita pupulutin?
"Tapang ah, malay mo naman baka mamaya, gusto lang magpakilala sa'yo," sabi ko kay Nica at nakasimangot itong nakatingin sa akin kaya hindi ko mapigilan na tumawa at napalakas ko yata dahil may napalingon sa gawi namin, damn.
“Kakarating lang natin tapos maraming available seats, dito pa talaga siya sasama sa atin? Gusto lang kamo magpakilala dahil iyon ang utos ng mga nasa kabilang table." Paliwanag niya at tumango ako, akala ko ako lang ang nakapansin.
"Let's forget about them and let's have some fun tonight. Mga lasing na ang mga iyan kaya walang magawa sa buhay at baka mapa-away pa tayo, nakakatakot at baka bigla tayong ma headline kinabukasan.” sambit ko.
“Eh di sikat na tayo niyan, basta nakakainis kasi, pero anyway, bahala sila, ayokong masira itong beauty ko dahil lamang sa kanila."
“Exactly -"
“Cheer!"
“Cheer," sabay taas ng glass wine at dinala sa bibig para tikman.
Hindi ko alam pero, parang may pakiramdam ako na may nakatingin sa amin, I mean sa akin mismo, so weird.
For peace of mind, nilibot ko ang paningin sa buong club, parami nang parami na ang pumapasok sa loob at may kanya-kanya ng agenda.
Wala naman akong nakita na kahina-hinala na tao na nagmamasid sa akin, baka paranoid lang ako ng konti. Binalewala ko na lamang at binalik ang attention sa sinasabi ni Nica.
“Pwede tayong magkaroon ng second branch sa Isla kung gusto mo, sa nakikita ko naman, papatok ang negosyo natin doon kung sakali matupad." Suggestions niya ulit. Matagal na namin itong pinag-usapan at hanggang ngayon, I'm still thinking about it lalo at nandito si mommy sa Manila, nakakapagod kung pabalik-balik ako doon. But still, I'm not closing my doors for more opportunities. Marami pa akong dapat na matutunan at alam ko, makakaya ko ito lalo na at nandito ang kaibigan ko na very supportive sa mga gusto ko at naging gusto niya na rin.
"I'm still thinking about it, don't worry, baka next year makapag-decide na ako, kailangan na rin nating magdagdag ng mga staff para mas mapabilis ang trabaho natin.” saad ko sa kanya at masaya si Nica sa sinabi ko.
"Umorder ulit kami ng panibagong alak, napasarap na rin ang usapan namin and it's all about business, pakiramdam ko nga, mas marami kaming naisip na idea pag nandito sa club or bar eh kaysa sa mismong office namin pinag-uusapan. Ang weird nga naman naming dalawa ni Nica.
At dahil tumama na ang alak sa sistema namin ay agad akong hinatak ng kaibigan para dalhin sa dance floor. Hindi na ako nag-iinarte at parang naging ibang tao na kami. We dance like we don't care what will happen tomorrow, mas giniling ko pa ang katawan ko para masundan si Nica na marunong talagang sumayaw. I close my eyes and feel the rhythm, hinawakan ako ni Nica sa balikat at gumiling-giling sa aking harapan at ganon din ang ginawa ako, paulit-ulit habang nakapikit hanggang sa unti-unti kong dinilat ang mga mata ko para makita siya at pareho kaming napapangiti, pareho pa kaming may dalang alak sa kabilang kamay namin.
Ngunit nalusaw ang ngiti ko na matuon ang mga mata ko sa second floor at nanlaki ang mga mata ko na makita ang familiar na mukha. I blinked not once, twice but a hundred times to make sure na siya nga ang nakita ko. Ang tangos ng ilong, ang mga matang nakakatakot tingnan sa malayo, ang umiigting na panga at tangkad niya, siya nga. Pero hindi siya nag-iisa.
“Napagod ka na?" Napaigtad ako sa gulat na magsalita si Nica sa likuran ko at pinulupot niya ang kamay niya sa maliit ko na bewang.
Umiling ako, "di pa naman, may tinitingnan lang-” pagbalik ko ng mata ko sa pangalawang palapag wala na ang imahe niya roon, binalingan ko si Nica at nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha ng kaibigan habang nakatingin sa akin.
“What?"
"Saan ka nakatingin? Ahh, sa 2nd floor ba? Anong meron? Oyy, nakita mo? Nakita mo siya?" Daming tanong ah, anong isasagot ko?
“Hindi nga ako sure eh, baka kamukha lang or–"
“Nagha-hallucination ka na andiyan siya, naku Abbriana, mababaliw ka niyan.
Tinampal ko ng mahina ang braso niya.
"Never yan mangyari, kung totoo naman na nandito siya, wala akong pakialam, sa tingin mo ba lalapitan ko pa siya? Hindi no? Parang nakita ko lang naman." katwiran ko pa. At isa pa may kasama siyang babae at ang lambing nila sa isa't-isa, malay ko at baka iyon pala ang legal na girlfriend o di kaya asawa.
Nagkibit balita si Nica, “hayaan mo na, upo na muna tayo at nangangalay na ang mga paa ko sa kakasayaw at masakit na sa balakang." Reklamo niya pa. Tumango ako at iyan din sana ang sasabihin ko, naunahan lang niya ako, akala ko kasi wala na siyang plano na tumigil sa kakasayaw, may lumapit sa amin kanina na lalaki at biglang sumayaw sa harapan namin, hindi rin tumagal dahil hinatak ako ni Nica sa ibang dance floor.
"Comfort room na muna, how about you?”
"Mauna ka na, I'm okay here.” aniya at dahil ayaw niyang pumunta kaya iniwan ko muna siya sa table namin.
Pagkatapos kong gumamit ng cubicle ay lumabas na ako at planong tumungo sa sink para makapaghugas ng kamay ngunit na estatwa ako na may tao sa loob.
"Ikaw?”