Share

Kabanata 5

Author: Naja
last update Last Updated: 2025-07-12 20:51:57

Nang sandaling maghiwalay ang labi namin, napatitig kami sa isa’t isa. Pero ako agad ang nagbawi ng tingin.

“Sapat na ba ’yon para manahimik ka muna?” Nahimigan ko ang tuwa sa kanyang boses.

“Gago,” usal ko at palihim siyang kinurot.

Nag-init ang mukha ko nang magpalakpakan ang mga tao, na para bang napakabigdeal ng halik niya sa harap nila.

Gusto kong mag-walkout. O matunaw na lang sa sahig. Pero hindi, wala akong choice kundi ngumiti ng konti at magpatuloy sa pagkukunwari, magpanggap na para kaming bagong kasal.

After the ceremony, we were led to one of the private function rooms sa loob ng palasyo. Tahimik lang kami ni Yul habang naglalakad, pareho yatang pagod, siya siguro mentally, ako emotionally.

Baka nga nagsisisi na siya ngayon kasi ako... parang oo na hindi.

“May short talk lang with the Queen and King,” bulong ni Yul. “Nothing scary. Pero kapag nandoon ka na, mas mabuti kung magsalita ka ng English."

“Sinasabi mo lang ’yan kasi hindi ikaw ’yung kakausapin," sabi ko pero susundin ko 'yong sinabi niya.

Hindi ko alam na first language pala rito ay English, no wonder spokening dollars ang isa.

Pero kanina, 'yong iba ang lalalim ng tagalog, pero siguro for formality lang.

May pinag-aralan naman ako at sanay sa English dahil ako palagi noon ang nagpaparticipate kapag may oral recitation. Hindi lang naka-graduate ng kolehiyo dahil sa hirap ng buhay.

Hindi na rin ako sumubok mag-apply sa mga kumpanya dahil sabi kailangan may natapos, may maipakitang diploma.

"K-Kinakabahan ako, Yul. Hindi ba pwedeng magkasama tayong humarap sa kanila? Hindi 'yong parang ipapain ako. Kasalanan mo 'to, eh."

He let out a soft chuckle. “You’ll be fine.”

Pagpasok ko, agad akong tinapunan ng tingin ng Reyna. Nakaupo siya nang tuwid sa gold-lined na silya, habang ang Hari naman ay kalmado lang sa tabi. Sa likod nila may ilang guard at adviser na nakatayo— parang silent witnesses.

Si Yul, nasa labas. Hindi talaga niya ako sinamahan.

"You may sit," the Queen said, almost without emotion.

Umupo ako nang dahan-dahan, ramdam ang bigat ng bawat kilos ko.

“It was quite the scene you gave us, Miss Lian,” she added, still in that calm, sharp tone.

“I apologize if it caused trouble,” sagot ko.

The King leaned forward. “It didn’t. In fact, it stirred interest from our foreign guests. And... concern. Which makes it more urgent that you understand your new role.”

Tumango lang ako.

The Queen’s eyes narrowed. “Do you speak fluent English, Miss Lian?”

“Yes, Your Majesty.”

“Good,” she said. “From this point on, in public and official gatherings, you will speak in English. You are not just representing this kingdom. You are representing the Crown.”

Hindi agad ako nakasagot. Medyo kinabahan ako. Hindi dahil sa English since kaya ko naman, pero dahil sa pressure na dala ng bawat salitang bibitawan ko kapag nandoon na ako mismo.

Hindi naman ako nagtagal sa loob. Konting introduction lang at interview for formality.

Paglabas ko ng silid, si Yul agad ang sumabay sa akin.

He glanced at me. “You okay?”

“Mas okay pa siguro ’yung kinabahan ako sa exam sa Math noon,” sagot ko. Pinagdaop ko ang palad na nanlalamig.

He laughed a little. “Hey... don’t be too nervous.”

Napatingin ako sa kanya. “Teka, seryoso ba talaga ’yung kailangan English palagi? Hindi ba pwedeng Taglish man lang?”

“Trust me,” he said. “Magagamit mo ‘yon. A lot. Not just here. Every time we attend a summit, or a diplomatic dinner. You’ll thank yourself later.”

“Ang hirap kaya maging fake sa ibang language.”

“Then don’t be fake,” he said, looking straight at me. “Be smart. You’re not pretending to be someone else, you’re just learning how to speak their language while still being you.”

Natahimik ako. Pero somehow, may sense ’yung sinabi niya. Nakakapagod, oo, pero kung ito talaga ang mundo na papasukin ko... then I’ll play the game.

The following days were brutal.

May schedule ako from 7 AM hanggang 6 PM. Etiquette training sa umaga, language polishing sessions sa hapon, tapos may mga dinner event na parang puro smiling and nodding lang ang role ko. Ang dami kong inaral, pero pakiramdam ko, kulang pa rin.

Hindi pa rin sapat lahat. Pakiramdam ko bumalik ako sa college, pero mas malala.

“Hold the glass like this,” turo ni Madam Cecile, ang etiquette coach ko. “You’re not choking it.”

“Eh ganito kasi kami sa karinderya—”

“No one eats like that in the palace.”

Napairap ako. Pero hindi na ako sumagot.

One evening, pagod na pagod na ako nang bumalik sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, andun si Yul, nakaupo sa carpet, nakasandal sa couch.

“Nagpapalamig ka ba?” tanong ko.

“Just waiting for you,” sagot niya.

Umupo ako sa tabi niya. Tahimik kami ng ilang minuto.

“Hindi mo naman kailangan gawin lahat nang sabay-sabay,” sabi niya bigla.

“Sabagay. Pero parang deadline ko na agad ’yung expectations nila, eh. Parang kung magkamali ako ng hawak ng kutsara, may T*****r scandal na agad.”

“May royal gossip page nga,” he chuckled. “They’re probably posting already.”

“Great.”

Nagtagal ang katahimikan namin. Pero hindi ‘yung tipong naiilang. Parang... pareho lang kaming pagod.

“May tanong ako,” sabi ko.

“Go.”

“Why me, Yul? Sa lahat ng pwede mong piliin, ‘yung may royal blood, ‘yung marunong na sa mundo niyo, bakit ako?”

Matagal siyang hindi sumagot.

Then he said, “Because I’ve been surrounded by people who pretend to care about me my whole life. But you? You’re the only one who told me to my face that I was an asshole.”

Natamaan ako sa part na nagpapanggap. Aminado naman ako.

“Which you were.”

“I know,” he smiled. “But that’s the thing. You weren’t afraid to call me out. And now... I want to do better. With you.”

Napabuntong-hininga ako. “You know this isn’t love, right?”

"Yes, Lian, I know that,” he said. "I'm not expecting. Isa 'yon sa rason bakit pinili kita. Imposibleng ma-fall ka sa akin."

At imposibleng mahulog din siya sa akin. Nasa ganito kaming sitwasyon na may dahilan. And I know what I'm doing.

Sa loob ng ilang araw, unti-unti kong natutunang huminga sa mundo nila.

Hindi pa rin ako marunong ng three-course meal etiquette na hindi nabubulunan. Pero kaya ko nang ngumiti sa harap ng mga taong ayaw sa akin, kahit gustung-gusto ko silang sabuyan ng sabaw.

At si Yul? Ganun pa rin. Tahimik minsan. Mapagbiro minsan. Nanunukso. Pero consistent.

Maybe, just maybe... I could learn how to survive this.

And maybe, just maybe... I could learn how to stay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 6

    Isa na namang hapon sa reading room. And as usual, boring. Kailan ba ako natuwa sa ganitong set-up? Parang mas gusto kong magtrabaho na lang sa palengke kesa mag-basa rito.Sa totoo lang, nakaka-nosebleed ang mga term na binabasa ko. Hindi ako makarelate. Sino bang makakarelate? Eh hindi naman ako galing sa maharlikang pamilya.I was just a commoner na pinili lang ng isang prinsipe na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit.Alam kong may malalim siyang rason, ayaw niya lang sabihin sa akin. At 'yon ang kailangan kong malaman habang nandito ako.Napabuntong hininga na lamang ako. Nasa third chapter na ako ng Royal Governance and Power Shifts during the Post-Founding Era, pero kahit ilang beses kong basahin 'yung paragraph tungkol sa diplomatic marriages, hindi pa rin pumapasok sa utak ko.May tatlong tutor sa kabilang mesa, nagbabasa rin. May assistant na inaayos ang susunod na lesson plan. At ako, pilit na pinipigilan ang antok habang hinihila-hila ko ang highlighter ko sa ma

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 5

    Nang sandaling maghiwalay ang labi namin, napatitig kami sa isa’t isa. Pero ako agad ang nagbawi ng tingin.“Sapat na ba ’yon para manahimik ka muna?” Nahimigan ko ang tuwa sa kanyang boses.“Gago,” usal ko at palihim siyang kinurot.Nag-init ang mukha ko nang magpalakpakan ang mga tao, na para bang napakabigdeal ng halik niya sa harap nila.Gusto kong mag-walkout. O matunaw na lang sa sahig. Pero hindi, wala akong choice kundi ngumiti ng konti at magpatuloy sa pagkukunwari, magpanggap na para kaming bagong kasal.After the ceremony, we were led to one of the private function rooms sa loob ng palasyo. Tahimik lang kami ni Yul habang naglalakad, pareho yatang pagod, siya siguro mentally, ako emotionally.Baka nga nagsisisi na siya ngayon kasi ako... parang oo na hindi.“May short talk lang with the Queen and King,” bulong ni Yul. “Nothing scary. Pero kapag nandoon ka na, mas mabuti kung magsalita ka ng English."“Sinasabi mo lang ’yan kasi hindi ikaw ’yung kakausapin," sabi ko pero sus

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 4

    Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako. Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 3

    Tulala akong umuwi pagkatapos ng nangyari. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa ShieldForce main office. Wala pang 12 oras mula nang mangyari ang eskandalo. “Lian dela Cruz, as per immediate directive from royal protocol, you are hereby suspended pending investigation,” malamig na sabi ng boses sa kabilang linya. “Please return your badge and ShieldForce-issued equipment within 24 hours.” Parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko. “A-Ano pong dahilan, ma’am?” “Violation of proximity protocol. Inappropriate engagement with a high-profile client. Breach of conduct.” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang lumabo ang pandinig ko. Parang nalunod ang boses ng babae sa bilis ng tunog ng tib0k ng puso ko. “Ma’am,” garalgal kong sabi. “Hindi po ako ang nag-umpisa. May—may CCTV po." “We are reviewing the footage, Miss Dela Cruz. But for now, protocol stands. You are relieved of your duties until further notice.” Nabitawan ko ang cellphone pagbaba niya ng tawag.

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 2

    Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko. Ilang beses kong binasa ang text, inulit-ulit, baka nagkamali lang ng padala.Pero hindi. Pangalan ko ang nakalagay. Ako talaga.Accepted. Tactical Women’s Defense Unit.Mahina kong natampal ang noo at napangiti sa tuwa. Sa likod ng isang junkshop, may streetlight na kumikislap-kislap. Doon ako madalas nagpapahinga pagkatapos ng isang araw ng paglalako ng gulay, paminsan tagabuhat pa sa palengke. May kaunting kinikita. Pero sa ospital pa rin halos napupunta.Napatakip ako ng bibig habang bumubuhos ang luha. Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako humagulgol ng ganito, hindi sa sakit, hindi sa gutom, kundi sa pag-asa.Pag-asang mabuhay... umangat sa hirap.July 6 — ShieldForce Training CampMaaga akong nagising. Alas-kuwatro pa lang, naglalakad na ako papuntang terminal.Pagdating ko sa training facility, hindi ako makapaniwala. Malawak ang compound, parang pang-militar. May mga babaeng nakasports gear, iba’t-ibang edad,

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 1

    Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumaan at sa di inaasahan, nasagi ako at bumuhos sa akin ang alak, mula ulo, balikat, hanggang dibdib. Ramdam ko agad ang lamig ng alak na parang yelo na dumampi sa balat ko. Nabasa ang suot kong puting blouse, at hindi ko na napigilan ang mapasinghap nang maramdaman kong bumakat ang itim kong bra sa manipis kong uniporme. "Shît," bulong ko, nanginginig. Nagtawanan sila. Akala ko maririnig ko lang ang tunog ng yelo na bumagsak sa tray, pero mas malakas pa pala ang halakhak ng mga mayayamang impakto sa VIP. Minamata nila ako dahil alam nilang mahirap lang ako at sila? Kayang-kaya nilang gawin kung anuman ang gusto nila dahil mapera sila. May yaman kaya nagagawa nilang apak-apakan ang mga taong tulad ko. Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao. Tingin ko mas malala 'to kesa doon sa trabaho nina Charlie at Miks. Iyon kasi puro katawan ang habol, 'yong dito, tingin ko, pambubully. "Kawawa naman. Parang basang sisiw. Sorry gir

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status