Share

CHAPTER 4

Author: Novelist Yaman
Si Winston Martinez ay nakasuot ng itim na tuxedo, may tindig na matikas at malamig ang awra. Bahagya niyang sinulyapan si Lydia nang walang gaanong emosyon, bago ibinaling ang tingin sa umiiyak at hindi mapatahan na si Stephen.

“Stephen, halika rito.” Tumawag siya at kumaway kay Stephen.

Pagkarinig nito, nagkatinginan ang mga katulong at agad na binitiwan ang pagkakahawak. Agad na tumakbo si Stephen papunta kay Winston.

“Daddy! HUHUHU! Daddy, salamat at dumating ka na!” Hinaplos ni Winston ang ulo niya, at sa mababa at kalmadong tinig ay nagtanong, “Sabihin mo kay Daddy, ano’ng nangyari?”

Bago pa makapagsalita si Stephen, lumapit na si Sidney. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi, at sa malumanay ngunit may bahid ng pagsisisi ay nagsalita.

“Ako ang may kasalanan. Hindi ko pinag-isipan nang mabuti at bigla na lang akong nagpakita. Hindi agad matanggap ni Stephen na ako ang kanyang ina, kaya medyo naging emosyonal siya.”

“Hindi nga ikaw ang Mommy ko!” Sigaw ni Stephen habang itinulak niya nang mariin si Sidney. “Isa kang masamang babae! Hindi ikaw ang mama ko!”

Napahiyaw si Sidney at natapilok ang takong ng kanyang sapatos, muntik na siyang matumba. Sa tamang oras, mabilis na sumugod si Winston at sinalo siya sa kanyang mga bisig.

“Okay ka lang ba?”

“Parang na-sprain ang paa ko, pero ayos lang ako. Mas mahalaga ang kalagayan ni Stephen,” sagot ni Sidney.

Nakasimangot si Winston, saka yumuko at buhat si Sidney ng bridal style. “Dadalhin kita sa ospital para matingnan.”

Paglingon niya, nagtama ang mga mata nila ni Lydia. Namumula ang gilid ng mata ni Lydia habang matamang nakatingin sa kanya. “Totoo bang siya ang tunay na ina ni Stephen?”

“Totoo. Si Sidney ang tunay na ina ni Stephen.”

Diretso ang tingin ni Winston kay Lydia, malamig at walang pag-aalinlangan. Wala siyang bakas ng pagsisisi o pagkakasala sa mukha. Ramdam ni Lydia ang unti-unting pagbigat at panlalamig ng kanyang puso.

“Mas nakikinig sa’yo si Stephen. Ikaw na muna ang mag-uwi sa kanya at kausapin nang maayos,” sabi ni Winston bago isinakay si Sidney sa kotse.

Umalis ang itim na sasakyan mula sa bahay ng pamilya Martinez. Yumuko si Lydia, ramdam ang pamamanhid at hapdi sa kanyang mga mata, at mariing huminga nang malalim para pigilin ang luha.

“Mommy Lydia,” wika ni Stephen habang mahigpit na hinahawakan ang kamay niya. “Mom, ang pula ng mata mo. Are you crying?”

Lumuhod si Lydia at hinaplos ang pisngi ni Stephen, pinilit na ngumiti kahit maputla. “Hindi umiyak si Mommy. Uuwi na muna tayo.” Tumayo siya at tumingin kay Madame Leonora.

“Narinig mo ang sinabi ni Winston. Sa akin muna ang bata.”

Masamang tumingin sa kanya si Madame Leonora. Bagama’t labag sa kalooban niya, wala na siyang magagawa dahil malinaw na ang sinabi ni Winston, kaya hindi na niya puwedeng piliting manatili si Stephen.

Ngayon na bumalik na si Sidney, malapit nang hiwalayan ni Winston si Lydia. Pag dumating ang oras na iyon, wala nang pag-asang magamit pa ni Lydia si Stephen para manatili sa pamilya Martinez. Sa pag-iisip nito, gumaan ang pakiramdam ni Madame Leonora.

Sa biyahe pauwi, sinubukan ni Lydia na ipaliwanag kay Stephen kung sino si Sidney. Pero mariing tumanggi si Stephen na makinig, at sa ilang salita pa lang ay muling napaiyak. Walang magawa si Lydia kundi patahanin siya habang labis na nahahabag. Sa pagod sa pag-iyak, nakatulog si Stephen bago pa sila makarating sa bahay.

Pagdating, maingat siyang inilapag ni Lydia sa kama sa silid pambata. Habang tinatakpan siya ng kumot, narinig niya mula sa ibaba ang tunog ng paparating na kotse. Matapos ayusin ang kumot, bumaba siya at inabutan si Winston na kakapasok lang sa pinto.

Nagtagpo ang kanilang mga mata at biglang tumahimik ang paligid.

“Nasaan si Stephen?” tanong ni Winston.

“Nasa taas, natutulog.”

Tumango si Winston at dumiretso pataas, hindi man lang siya nilingon.

Paglingon ni Lydia sa kanyang likuran, mahigpit niyang pinisil ang mga kamay sa gilid ng kanyang katawan. Nag-atubili siya sandali bago naglakad para sundan ito.

Limang taon silang mag-asawa, magkahati sa gabi at araw, at pakiramdam niya may karapatan siyang humingi ng paliwanag. Sa ikalawang palapag, binuksan ni Winston ang pinto ng kuwarto at pumasok. Maingat niyang binuhat si Stephen na mahimbing pa rin ang tulog at lumabas ng silid.

Nasa pintuan si Lydia at pinigilan siya. “Saan mo dadalhin si Stephen?

“May depresyon si Sidney. Kailangan niya ngayon si Stephen.”

Iyon lang ang iniwang paliwanag ni Winston bago tuluyang umalis, karga si Stephen. Nanatiling tulala si Lydia sa kinaroroonan niya hanggang sa marinig niyang palayo na ang tunog ng kotse. Sanay na siyang dumarating at umaalis ito na parang karapatan niya, at hindi man lang siya binibigyan ng pagkakataon para magtanong.

Sinulyapan niya ang bakanteng bahay. Napangiti siya. Ngunit habang nakangiti, bumalong ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Sa isang lugar sa hilagang lungsod kung saan bawat pulgada ng lupa ay napakahalaga, matatagpuan ang isang village na kilala sa kanilang matatag na seguridad at de-kalidad na serbisyo. Isang itim na sasakyan ang umakyat mula sa paanan ng bundok hanggang sa pinakatampok na bahay, ang Mercedez Residence at huminto sa loob ng bakuran.

Sa loob ng sasakyan, gising na si Stephen. Karga siya ni Winston habang ipinaliwanag dito na si Sidney ang kanyang tunay na ina, at si Lydia ay naging nag-aalaga sa kanya sa loob ng limang taon bilang ampon.

Matapos marinig iyon, tumigil si Stephen sa pag-iyak at nagtanong na lamang, “Ibig sabihin ba, mula ngayon may dalawa na akong mommy?”

Bahagyang tumango si Winston at marahang sumagot ng “Oo”. Pagkatapos ay idiniin niya, “Nagtiis ng maraming hirap si Momy mo Sidney para maipanganak ka. Mahal na mahal ka niya, kaya dapat humingi ka ng tawad sa kanya at tawagin mo siyang Mommy. Naintindihan mo?”

Masunuring tumango si Stephen.

Pagpasok nila sa bahay, nakaupo si Sidney sa sofa, may nakapatong na kumot sa kanyang mga binti. Ang isang paa niyang na-sprain ay nakabalot ng makapal na benda. Pagkakita sa kanila, agad gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang maamo at maayos na mukha.

“Winston, Stephen, nandito na kayo.”

Hawak ni Stephen ang kamay ni Winston, nakatingala sa kanya. “Lumapit ka na,” sabi ni Winston habang marahang hinaplos ang ulo ni Stephen.

Hinimok ng ama, naglakad si Stephen papunta kay Sidney. Inilahad ni Sidney ang kanyang mga kamay. “Stephen, halika at yakapin mo si Mommy, pwede ba?”

Sandaling nag-atubili si Stephen ngunit lumapit din siya. Pagkayakap ni Sidney sa kanya, bumagsak ang kanyang mga luha. “Anak, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya na hindi ka kilalanin noon. Araw-araw kitang iniisip nitong limang taon…”

Nanatiling medyo naninigas ang maliit na katawan ni Stephen habang yakap siya ni Sidney. Naamoy niya ang bango ng pabangong may halimuyak ng bulaklak mula kay Sidney, na ibang-iba sa banayad at matamis na samyo ni Lydia.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 50

    "Alam mo ba kung bakit ako nag-doorbell ngayong araw sa mansyon mo?" tanong ni Lydia habang kumurap.Tahimik lang si Winston.Sabi ni Lydia, "Dahil sa puso ko, mula noong araw na pinirmahan ko ang kasunduan sa diborsyo at lumabas mula rito, ang mansyon mo ay hindi na naging tahanan ko. Kapag pumupunta ka sa bahay ng iba, natural na mag-doorbell ka. Isa 'yon sa basic na paggalang."Kumunot ang noo ni Winston. "Kung maririnig ni Stephen na sinabi mo 'yan, masasaktan siya."Ngumiti si Lydia, at makikita ang pamumula ng kanyang mga mata."Winston, hindi ka nga binibiro ng mga tao kapag sinasabi nilang isa kang kinatatakutan at iginagalang na gold medal lawyer. Marunong ka talagang maglaro sa damdamin ng tao."Hindi sumagot si Winston at nanatiling seryoso ang mukha. Para kay Lydia, ang itsura niya ngayon ay walang iba kundi isang taong tamad magpaliwanag.Noong dati, malulungkot at masasaktan siya sa ganitong asal. Pero ngayon, hindi na. Gayunpaman, may mga bagay na mas mabuting sabihin na

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 49

    Mas lalakas ang ulan, mabilis na gumagalaw ang windshield wiper habang mabagal magmaneho si Jodi. Naka-on nang todo ang heater sa loob ng sasakyan at marahang umaalingawngaw ang malumanay na musika mula sa radio.Nakasandal si Lydia sa upuan, nakapikit at tahimik. Paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Jodi. Hindi man niya alam kung ano ang nangyari sa mansyon, ramdam niyang malala ang tinamong pinsala ni Lydia ngayong pagkakataon."Beep! Beep!"Biglang may narinig silang busina mula sa likuran. Sumulyap si Jodi sa rearview mirror. Isang itim na Maybach ang mabilis na sumusunod sa kanila."Sa tingin mo ba kay Winston galing ang kotse na ‘yan?" Dahan-dahang iminulat ni Lydia ang mga mata, tumingin sa rearview mirror at bahagyang kumunot ang noo. "Siya nga.""Binubusinahan niya ako!" Binilisan ni Jodi ang takbo. "Pero bakit niya tayo hinahabol?!""Huwag mo na lang pansinin.""Siyempre hindi ko siya papansinin!" Lalong tumutok si Jodi sa pagmamaneho at pinisil ang manibela. "Hawak ka, gi

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 48

    Narinig ni Lydia ang matatalim na salita ni Stephen at tila nanigas ang puso niya sa pamamanhid. Mabuti na rin siguro ito. Totoo naman na hindi siya ang ina ni Stephen. Sa ganitong paraan… mas mabuti. Lubusan na siyang lalayo sa mag-ama at ibabalik ang lahat sa ayos. Binawi niya ang tingin at tumalikod, diretso na sanang papunta sa pinto."Lydia…" Tawag ni Winston.Bigla namang naubo si Stephen.Nag-iba ang mukha ni Winston. "Stephen?"Mabilis ang paghinga ni Stephen at hawak ang dibdib habang dahan-dahang bumabagsak sa sahig."Stephen!" Agad siyang binuhat ni Winston at lumingon kay Lydia. "Na-atake ng hika si Stephen!"Natigilan si Lydia sa pagbukas ng pinto."Mommy…uho-uho." Patuloy itong naubo.Nakayakap si Stephen sa dibdib ni Winston, maputla ang mukha at hirap sa paghinga, ngunit dahil sa takot na iwan ay iniabot pa rin ang isang kamay kay Lydia para magmakaawa."Mommy, ang hirap huminga…uho-uho." Mas humigpit ang kapit ni Lydia sa door knob. Pinikit niya nang mariin ang mga

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 47

    "Galit ako sa iyo!"Itinapon ni Stephen sa sahig ang lahat ng iba pang babasahing bago matulog, saka niya ito tinapakan. "Sinungaling ka! Ayaw mo na sa akin, ayaw ko na rin sa iyo! Lahat ng ito, ayaw ko na rin!""Stephen!" Hinawakan ni Winston nang mahigpit ang braso ni Stephen, madilim ang mukha. "Kapag nagsalita ka pa nang ganyan, sasaktan na kita!"Nagpumiglas si Stephen, ngunit hindi siya nagtagumpay dahil wala siyang laban sa lakas ng ama niya.Sa sobrang galit, hindi na niya nakita ang poot sa mga mata ng ama. Ang nasa isip lang niya ngayon ay ilabas ang lahat ng sama ng loob at hinanakit na matagal nang nakatago sa dibdib niya."Galit talaga ako sa kanya!" Itinaas ni Stephen ang baba niya, at sa kabila ng mga matang basa ng luha, nanatili ang matigas at mapait na titig kay Winston. "Ikaw mismo ang nagsabi! Sabi mo, hindi naman talaga siya ang totoong nanay ko! Kung hindi naman siya ang nanay ko, bakit ko siya dapat magustuhan?! Ayaw ko sa kanya! Ayaw ko na niloloko niya ako!"Na

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 46

    "Stephen, may isang bagay na gusto kong ipaliwanag sa'yo," sabi ni Lydia.Napahinto si Stephen. Kahit bata pa siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng kaba.Sa kabilang banda, si Winston na narinig ang sinabi ni Lydia ay tila nakaramdam din ng masamang kutob. Ibinaba niya ang hawak na mangkok at kubyertos at tinitigan si Lydia nang mabigat ang tingin."Mom, ano 'yong sasabihin mo?" inosenteng tanong ni Stephen habang kumukurap-kurap."Stephen, hiwalay na kami ng Daddy mo," seryosong sabi ni Lydia habang nakatingin sa anak. "Hindi na kami pamilya ng Dad mo. At ang bahay na 'to, hindi na rin ito ang tahanan ko. Kaya mula ngayon, hindi na ako babalik dito.""Lydia," malamig at may halong galit ang tingin ni Winston sa kanya. "Huwag mong kalimutan ang ipinangako mo sa akin.""Nagbago na ang isip ko," sagot ni Lydia na nakatingin pa rin sa kanya. "Huwag kang mag-alala, ibabalik ko sa'yo ang isang bilyon."Natigilan si Winston. Kumunot ang noo nito at lalong

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 45

    Si Lydia agad na umiwas ng tingin at tumingin sa babaeng nagbebenta."Nagkakamali kayo. Hindi siya ang asawa ko.""Ha?" Napahinto ang matanda, na sanay na sa pagbebenta sa loob ng maraming taon. Ngayon lang siya pumalpak. Matagal bago siya nakasagot."Ah… ganon ba…"Hindi na masyadong inisip ni Lydia ang maliit na insidenteng iyon. Kumuha siya ng isang kahon ng neatly packed na spare ribs mula sa meat section at lumakad patungo sa fruit at vegetable section.Si Winston ay tumitig sa papalayong likuran niya, malamig ang mga mata.Pagbalik nila sa mansyon ay alas dose na ng tanghali.Diretso si Lydia sa kusina para magluto. Si Stephen naman ay abala sa sala, nilalaro ang bago niyang laruan.Kakasuot pa lang ni Lydia ng apron nang biglang bumukas ang glass door ng kusina. Lumingon siya at nakita si Winston na pumasok."May kailangan ka?"Tumingin si Winston sa mga sangkap sa counter at malamig na nagtanong. "Kailangan mo ba ng tulong?""Hindi na." Bumalik si Lydia sa ginagawa at nagpatul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status