Share

2

Penulis: Boraine
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-24 11:10:20

Kinabukasan, marami ng tao sa simbahan. Naghahanda na ang lahat. Pero si Sofia, wala sa sarili. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya si Anton at ang nanay niya na ikakasal na. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sumagi sa isipan niya na pigilan si Anton, ayain na umalis na lamang. Ngunit naisip niya rin ang nanay niya. Kaya, kalaunan, nakapag-desisyon na talaga siya na pagkatapos ng kasal ay balak niya nang magpakalayo-layo.

“Sofia, saan ka galing kahapon? Hindi ka nakasama sa pictorial,” sabi ng pinsan ni Sofia na si Cami. 

“A-ah, umalis lang. May kailangan lang asikasuhin sa trabaho,” sagot niya at saka tumayo para lumabas ng silid. 

Sa totoo lang, wala siya sa sarili na kausapin ang mga tao. Para bang sa tuwing may lalapit sa kanya ay nasasakal siya, naliliitan siya sa espasyo dahil hindi parin mawala sa isipan niya si Anton.

Naglakad siya papunta sa dressing room. Balak niyang puntahan ang ina para tulongan ito sa pag-aayos, pagkapasok niya sa silid nito, napatigil siya. Nakita niya ang ina na umiiyak kasama ang kapatid nitong si Sandy. 

“Bakit ka ba umiiyak? Ikakasal ka na mamaya, nasa tamang lalaki ka na. At nasa tamang tatay na si Sofia,” sabi ni Sandy. 

“Masaya lang ako kasi magkakaroon na kami ng maayos na buhay ng anak ko. At sana huli na ito, ayaw ko nang may makilala pa siyang ibang tatay,” sagot naman ni Sally.

Nang marinig iyon, sumikip ang dibdib ni Sofia. Gusto niyang tumakbo ura mismo upang hindi masaksihan ang kasal ng ina at ng lalaking una niyang minahal. 

“Sofia? Pumasok ka, nariyan ka pala,” tawag ni Sandy. 

Nagulat man, mabilis na nakabawi si Sofia. Dahan-dahan siyang pumasok. Suot na nito ang damit niya para sa kasal. 

“Anak,” tawag ni Sally. 

“Mom, hi…stop crying, masisira iyang make-up mo,” nakangiting sabi ni Sofia at saka niyakap ang ina. 

Nag-usap sila saglit sa silid hanggang sa oras na para magsimula ang kasal at kailangan na nilang pumunta sa simbahan.

Sa loob ng simbahan, bumungad kay Sofia ang pamilyar na amoy ng kandila bulaklak, at pormalidad. Umupo siya sa unahan, sa pwestong nakalaan para sa 'pamilya ng bride.

Nasa dulo na ng aisle si Anton, nag-aantay.

Nakasuot siya ng custom-made na puting tuxedo. Ang dating kaswal na pormahan ni Anton ay napalitan ng pormal, at ang pananamit na iyon ay mas lalo siyang pinaguwapo. Hindi lang guwapo, kundi seryoso, matikas, at may awtoridad. Ang buhok niya ay maayos na nakasuklay paitaas, at ang kanyang matitingkad na asul na mata ay nagliliwanag sa ilalim ng liwanag ng simbahan. Ang kanyang tindig ay malakas, parang isang haligi, ngunit ang pag-igting sa kanyang mga balikat ay nagpapakita ng bigat na dala-dala niya.

Hindi inalis ni Sofia ang tingin niya kay Anton. Ang lalaking iyon, na nakatayo sa altar, naghihintay na maging asawa ng kanyang ina, ay parehong lalaking yumakap sa kanya nang buong init ilang oras lang ang nakalipas. Sa kanyang damit-pangkasal, mas lalong naging bawal si Anton. Ang kurbang nabuo sa pagitan ng kanyang balikat at leeg ay pamilyar. Ang paraan ng pagtindig niya, ang bigat ng kanyang tingin, lahat ay kilala ni Sofia.

Nang magsalubong ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Sofia ay tumigil ang kanyang puso. May pamilyar na ningning sa mga mata ni Anton, isang lihim na sumpa na tanging silang dalawa lang ang nakakaalam. Mabilis siyang umiwas ng tingin, tila takot na baka makita ng iba ang kanilang sikreto.

Nagsimula ang march. Ang ganda-ganda ng ina niya, nakasuot ng eleganteng wedding gown. Ang ngiti ni Sally ay kumikinang, at kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nito.

Tumulo ang luha ni Sofia habang pinapanood niya ang paglapit ng kanyang ina kay Anton. Hindi luha ng kaligayahan. Kundi luha ng pagsisisi, luha ng pagkawala, at luha ng konsensya. Pagkabalik niya sa upuan, narinig niya ang pag-umpisa ng seremonya.

Natapos ang kasal nang masaya. Ang mga vows ni Anton at Sally ay simple ngunit taos-puso. Ang halik sa dulo ay matamis, hindi mapusok. Isang halik ng mag-asawa na may pangako ng masayang kinabukasan.

Pagkatapos ng seremonya, nagpalitrato ang lahat. Pinilit ni Sofia ang sarili na maging masaya, ang kanyang ngiti ay parang maskara na nakakapit sa kanyang mukha. Lumapit si Anton sa kanya para magpa-picture silang tatlo bilang pamilya.

"Okay ka lang?" bulong ni Anton habang nakangiti sa camera.

"Huwag mo akong kausapin," gigil na bulong ni Sofia pabalik.

"Sige, 'anak.' Smile ka lang," sagot ni Anton, ang mata ay puno ng panunuya. Ang salitang 'anak' ay lalong nagpainit sa dugo ni Sofia.

Nang matapos ang picture taking at ang receiving line, hindi na kinaya ni Sofia ang bigat. Kailangan niyang umalis. Kailangan niya ng hangin. Kailangan niya ng kalayaan. Kailangan niya ng isang lugar na malayo sa bagong kasal.

Nagpaalam siya sa kanyang Tita Sandy at ng kanyang ina na masakit ang ulo at kailangan niyang umuwi. Hindi na siya naghintay ng sagot, tumalikod na siya at lumabas ng simbahan.

Dali-dali siyang naglakad papunta sa parking lot. Ang kanyang tinted na itim na sedan ay naghihintay doon. Pagpasok niya sa driver's seat, huminga siya nang malalim, pikit ang mata, at sinubukan pakalmahin ang sarili.

Nang isalpak niya ang susi at sisimulan na sana ang makina, mabilis na bumukas ang pinto sa kabilang upuan.

Mabilis na umikot ang mundo ni Sofia. Si Anton.

Bago pa man siya makabawi, sumampa na si Anton sa loob, isinara ang pinto, at agad siyang hinalikan nang mapusok at gutom. Ang halik ay madiin, masidhi, walang pag-aalinlangan. Hindi ito ang matamis na halik na ibinigay niya kay Sally kanina. Kundi isang halik ng isang lalaking nag-aangkin, na nagtatangkang burahin ang kasal na katatapos lang.

Tinulak ni Sofia si Anton sa dibdib. "Ano ba! Umalis ka!" sigaw niya, halos wala na sa sarili. "Kasal ka na! Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka sumunod?"

Nakita niya ang pagliwanag ng mga mata ni Anton sa dilim ng kotse. Ang kanyang tuxedo ay nagusot na sa pagmamadali, at ang kanyang hininga ay mabigat.

"Hindi ko matatanggap na tapos na tayo. Hindi ko matatanggap na hindi na kita makikita. Hindi ko matatanggap na magpapanggap akong ama mo habang ikaw... ikaw ang gusto ko," hiningal na sabi ni Anton, ang hininga ay mainit.

Madiin ang sampal na tumama sa pisngi ni Anton. Ang ingay nito ay tila napakalakas sa katahimikan ng kotse.

"Huwag na huwag mo nang ulitin iyan!" galit na sabi ni Sofia, pinunasan ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang kamay. "Tapos na tayo! Asawa ka na ng nanay ko! Pinagbigyan lang kita kagabi kasi iyon ang hiling mo! Hindi mo ba naiintindihan 'yon? Anong klase kang tao?"

Huminga nang malalim si Anton, hinawakan ang pisnging sinampal niya. Ang tingin niya ay masakit, pero may matinding determinasyon.

"Hindi ko alam, Sofia. Pero ito ang alam ko," sabi niya, at muli siyang lumapit. "Hindi ako makakahinga sa mundong ito kung wala ka.” Hinawakan ni Anton ang mga kamay ni Sofia, pinipigilan siya sa pagtulak. "Ngayon ko lang napagtanto na ikaw ang gusto kong makasama, Sofia. Hihiwalayan ko agad ang nanay mo, lumayo tayo—”

Isa pang sampal ang lumapat sa pisngi ni Anton, galit na galit si Sofia. Namumula ang mata niya, hindi narin napigilan ang iyak. “Sana inisip mo muna iyan bago mo tuluyang pakasalan ang nanay ko! Hindi na ito pwede, Anton. Kailangan na nating tumigil. Pinapalaya na kita, binigay na kita kay Mama…matagal na.”

“Sofia…please. I will fix this—”

“Stop it! Parang awa mo na rin, lumabas ka na. Baka makita ka pa ng iba, lalo na ni mama dito. Ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Daddy Anton (SPG)   4

    Habang sa sala, nagsimula nang magtanong si Sally.“Nakita niyo ba si Anton?” tanong ni Sally sa mga bisita, habang sinisipat ang mga taong nagtatawanan at nagka kasiyahan.Umiling naman ang ilan, at ang iba ay nagsabing baka nasa study room o kausap ang ilang business partners. Walang nakakita sa kanya dahil, sa totoo lang, nag-aantay lang si Anton sa pasilyo kanina, naghahanap ng pagkakataon na ma-solo si Sofia.Naglakad si Sally papunta sa master's bedroom para tignan kung nandoon ang asawa, ngunit wala. Napakunot ang noo niya. Hindi ugali ni Anton ang biglang mawala sa gitna ng selebrasyon, lalo na’t para kay Sofia ito.Samantala, sa itaas, tuluyan nang nalubog sina Sofia at Anton sa bawal na mundo.Tinanggal ni Anton ang polo niya, at ang bawat muscle na nakita ni Sofia ay nagpaalala sa kanya ng mga gabing matagal na niyang sinubukang kalimutan. Ang kanyang balat ay may amoy ng cologne kasabay ng matinding pagnanasa.Hinihila ni Sofia ang kanyang damit, ngunit si Anton na mismo a

  • Daddy Anton (SPG)   3

    Tatlong buwan na ang lumipas mula nang huling nasilayan ni Sofia ang mukha ni Anton at ang bawal na init ng mga bisig nito. Tatlong buwan siyang nagtago sa Singapore, pilit na tinatakasan ang katotohanang nakatayo sa altar ang lalaking minamahal niya, kasama ang sarili niyang ina.Noong araw ng kasal at pagkatapos nilang mag-usap ni Anton, dumiretso siya sa Airport para umalis ng bansa nang biglaan. Ang ginawa niya lang rason noon sa kanyang ina ay may biglaang trabaho sa Singapore at kailangan siya roon, pero ang totoo, nanatili na siya roon ng tatlong buwan, at sa tuwing tinatawagn siya ng ina ang lagi niyang sinasabi ay na-extend ang trabaho niya kaya kailangan niya munang manatili sa Sinagpore.Pero kung hindi lang siya tinawagan ng boss niya sa kumpanya ay hindi siya babalik ng Pilipinas. Pagdating niya sa bahay na ngayon ay tirahan na ni Sally at Anton, sinalubong siya ng nakabibinging saya. Ang malaking bahay, na ngayon ay mas pinaganda at pinuno na ng mga kagamitan ni Anton,

  • Daddy Anton (SPG)   2

    Kinabukasan, marami ng tao sa simbahan. Naghahanda na ang lahat. Pero si Sofia, wala sa sarili. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya si Anton at ang nanay niya na ikakasal na. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sumagi sa isipan niya na pigilan si Anton, ayain na umalis na lamang. Ngunit naisip niya rin ang nanay niya. Kaya, kalaunan, nakapag-desisyon na talaga siya na pagkatapos ng kasal ay balak niya nang magpakalayo-layo.“Sofia, saan ka galing kahapon? Hindi ka nakasama sa pictorial,” sabi ng pinsan ni Sofia na si Cami. “A-ah, umalis lang. May kailangan lang asikasuhin sa trabaho,” sagot niya at saka tumayo para lumabas ng silid. Sa totoo lang, wala siya sa sarili na kausapin ang mga tao. Para bang sa tuwing may lalapit sa kanya ay nasasakal siya, naliliitan siya sa espasyo dahil hindi parin mawala sa isipan niya si Anton.Naglakad siya papunta sa dressing room. Balak niyang puntahan ang ina para tulongan ito sa pag-aayos, pagkapasok niya sa silid nito, napatigil siya. Nakit

  • Daddy Anton (SPG)   1

    Paano mo nga ba maiiwasan ang isang kasalanan ko paulit-ulit na itong nagagawa?Nasa itaas sila ng kama, si Anton at si Sofia, sa isang pansamantalang bahay na inarkila ng lalaki para sa gaganaping kasal. Ilang oras na lang at sasapit na ang umaga, ang umaga kung saan ikakasal si Anton sa nanay ni Sofia.Hinalikan ni Anton ang balikat ni Sofia. Ang balat nito ay sing-kinis ng porselana, sing-init ng alak na ininom nila kanina. Ang bawat haplos niya ay may bigat ng pag-aalinlangan.Sa huling pagkakataon, gusto niyang mahawakan muli si Sofia.Niyakap ni Sofia ang likod niya, ang maliliit na daliri niya ay mahigpit na nakakapit sa matipunong likod ni Anton. “Tama pa ba itong ginagawa natin? Ikakasal ka na mamaya kay Mama,” bulong ni Sofia. "Ayoko munang isipin iyon," bulong ni Anton habang patuloy na hinahalikan ang leeg ni Sofia. "Huwag mo munang isipin," dagdag ni Anton, binaliktad siya para muling titigan nang diretso sa mga mata. Ang mga mata ni Sofia ay malalaki at kulay-tsokolat

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status