MasukTatlong buwan na ang lumipas mula nang huling nasilayan ni Sofia ang mukha ni Anton at ang bawal na init ng mga bisig nito. Tatlong buwan siyang nagtago sa Singapore, pilit na tinatakasan ang katotohanang nakatayo sa altar ang lalaking minamahal niya, kasama ang sarili niyang ina.
Noong araw ng kasal at pagkatapos nilang mag-usap ni Anton, dumiretso siya sa Airport para umalis ng bansa nang biglaan. Ang ginawa niya lang rason noon sa kanyang ina ay may biglaang trabaho sa Singapore at kailangan siya roon, pero ang totoo, nanatili na siya roon ng tatlong buwan, at sa tuwing tinatawagn siya ng ina ang lagi niyang sinasabi ay na-extend ang trabaho niya kaya kailangan niya munang manatili sa Sinagpore.
Pero kung hindi lang siya tinawagan ng boss niya sa kumpanya ay hindi siya babalik ng Pilipinas.
Pagdating niya sa bahay na ngayon ay tirahan na ni Sally at Anton, sinalubong siya ng nakabibinging saya. Ang malaking bahay, na ngayon ay mas pinaganda at pinuno na ng mga kagamitan ni Anton, ay punung-puno ng mga kamag-anak at kaibigan. Naghanda si Sally ng isang malaking welcome home party para sa kanya.
"Sofia, anak! Nandito ka narin sa wakas! Hays, salamat at dito ka dumiretso!” isa sa mga Tita ni Sofia ang unang bumati.
"Aba, tingnan mo nga naman! Sabi ko na, babalik ka rin, Sofia!"
"Ang dami mo sigurong pasalubong! Bakit ba ang tagal mo?"
Ang bawat tanong ay parang patalim na bumaon sa kanyang dibdib. Pilit siyang ngumiti, niyakap ang mga pinsan, tita, at tiyuhin. "Ah, nag-extend lang po, Tita. May kailangan lang ayusin sa mga kliyente namin doon. Pero okay na po ako, nakabalik na."
Nakita niya si Sally. Ang kanyang ina ay mas masaya, mas bata, at mas maganda. Niyakap siya ni Sally nang mahigpit. "Alam mo ba, halos tatlong buwan akong nag-alala. Pero pinaintindi sa akin ni Anton na normal lang sa mga executive na kagaya mo ang mapilitan. Pero salamat at umuwi ka na talaga."
Hindi niya makita si Anton sa gitna ng maraming tao, ngunit alam niyang naroon siya. Nararamdaman niya ang presensiya nito.
Nang nagpasya siyang kailangan niyang magpahinga. Nagpaalam siya. "Mom, aakyat lang po ako saglit, ilalagay ko lang ang hand-carry ko at magre-retouch," sabi niya kay Sally.
Ang kuwarto niya ay nasa ikalawang palapag, sa pinakadulo ng pasilyo, malayo sa master's bedroom nina Anton at Sally. Ang kuwarto ay maluwag, pinalitan na ang wallpaper, at may bago nang kama. Iyon ang utos ni Sally sa mga kasambahay na palitan lahat para presko pag-uwi ni Sofia.
Isinara niya ang pinto sa likuran niya, at sa wakas, bumagsak ang kanyang pekeng maskara na nakangiti kanina. Pinakalma niya ang sarili.
Ang pagbalik niya sa bansa ay nangangahulugang kailangan na niyang maging propesyonal na anak ni Anton. Kailangan niyang kalimutan ang nangyari.
Mayamaya, narinig niyang tumunog ang dooknob ng pinto sa kwarto niya. Ang tunog ng pinto na isinara at nilock ay nagpatayo ng balahibo niya. Mabilis siyang lumingon.
Nakatayo si Anton doon, nakasandal sa pinto, ang mga braso niya ay naka-krus sa dibdib. Nakasuot siya ng isang simpleng kulay beige na polo at khaki pants, pero ang pag-igting ng kanyang panga ay nagpapakita na hindi siya kalmado. Ang asul niyang mata, na pamilyar na sa kanya, ay nagliliyab sa sabik na pagnanasa at pagtatanong.
Nagmadaling umatras si Sofia, parang natukso siya ng kuryente. "Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit mo nilock? May tao sa baba!"
Hindi gumalaw si Anton. Tiningnan lang niya si Sofia mula ulo hanggang paa, ang kanyang titig ay parang apoy na tumutunaw sa kanyang damit.
"Alam ko na may tao sa baba. Kaya ako nagmadali," malamig ngunit seryoso ang boses ni Anton. "Tatlong buwan. Tatlong buwan kang nagtago, Sofia. Tumawag ka lang para magsinungaling na nasa business trip ka. Pero nandito ka na."
"Umuwi ako dahil pinauwi ako ng kumpanya ko," sagot ni Sofia, pilit na pinatitibay ang kanyang boses. "Wala itong kinalaman sa'yo. At dapat ka na ring umalis. Ano pa bang kailangan mo? Hindi na tayo... pwedeng mag-usap nang ganito."
"Iyan ba talaga ang tingin mo?" Tumingin si Anton sa paligid ng kuwarto. "Pag-aari ko ang bahay na 'to. Kasal ako sa ina mo. Anak kita. Pero sa loob ng tatlong buwan, walang araw na lumipas na hindi ako nagtanong, 'Bakit mo ako iniwan?'"
“Kasi kailangan—”
"Sofia," putol ni Anton, lumapit na siya sa kanya. Ang bawat hakbang niya ay parang nakatadhana. "Bumalik ka dahil alam mong nandito ako. Dahil kung gusto mo talagang tumakas, lumayo ka na sana nang tuluyan. Ang akala mo, makakalimutan ko? Ang akala mo, dahil may asawa na ako, hindi na kita mapapansin?"
Tumigil siya ilang pulgada ang layo kay Sofia. Ang hininga ni Sofia ay bumigat, at naguguluhan ang kanyang isipan. Hindi siya makagalaw. Ang lamig na binabalot niya sa kanyang sarili sa loob ng tatlong buwan ay biglang nabasag.
"Namiss kita, Sofia. Hindi ko inaasahan, pero gusto kitang maramdaman ngayon. Hindi mo alam na hindi ka nawala sa isipan ko. Ang bawat gabi sa tabi ng ina mo... ang bawat umaga na nakikita ko siya, ikaw ang nakikita ko sa isip ko," bulong ni Anton, dinikit ang noo niya sa noo ni Sofia.
Hindi na siya nag-atubili. Niyakap niya si Sofia, at sa pagkakataong ito, ang halik na iginawad niya sa dalaga ay isang pananabik.
Sa hindi malamang dahilan, tila si Sofia rin sa sarili niya ay nasasabik na maramdaman si Anton. Tuloyang nanghina ang kanyang katawan nang halikan siya ni Anton.
Ang init ng labi ni Anton ay nag-alis ng lahat ng konsensya at takot niya. Ang pangako niya sa sarili na hindi na muling mahuhulog sa patibong nito ay tila naging abo na.
Nag-init ang katawan ni Sofia. Ang pagtanggi na sinubukan niyang ipatibay sa loob ng tatlong buwan ay gumuho. Hinawakan niya ang leeg ni Anton, at ginantihan ang halik. Hindi na niya ito tinulak palayo. Sa halip, hinila niya ito papalapit, nais maramdaman ang bawat pulgada ng katawan nito na kailangan niya para manatiling buhay.
Sa muling pagkakataon, inangkin nila ang isa’t isa.
Naroon parin paniniwala ni Sofia na mali ito, ngunit ngayon ay nabalutan na ito ng matinding pagnanasa na mas matimbang kaysa sa lahat ng tamang desisyon sa mundo.
"Anton, mali ito…pero gusto kitang maramdaman ngayon," bulong ni Sofia habang humihinga nang mabigat.
Ngumiti si Anton, puno ng panalo, habang hinahalikan ang leeg ni Sofia. "I know, I can feel it. And now, you belong to me again, Sofia. Akin ka parin.”
Hindi makapagsalita si Sofia, sa loob-loob niya, tila isa rin iyon sa gusto niyang marinig mula sa lalaking matagal niya nang tinaguan pero matagal niya narin gustong makita at makasama.
"Anton...hindi ako mananatili dito sa bahay ninyo ni Mama. Kailangan kong umalis," mahinang sabi niya.
Natahimik naman si Anton, pinagmasdan niya si Sofia na puno nang paghihinayang. Alam niya naman na iyon talaga ang mangyayari.
"Aalis ka ba ulit ng bansa?" mahinang tanong ni Anton.
Hindi agad maka-sagot si Sofia dahil hindi niya naman alam kung ano ang mangyayari. "Malalaman ko pa sa susunod. Pero sa ngayon, sana umiwas muna tayo sa isa't isa. Umiwas ka muna sa akin. Mali ito...asawa ka na ng nanay ko, so basically...tatay narin kita." Mahabang sabi ni Sofia.
Pero habang sinasabi ang mga salitang iyon, naninikip ang dibdib niya na para bang labag sa loob niyang sabihin iyon. Ngunit, tumango si Anton.
"Yes, I will do that. Don't worry."
Habang sa sala, nagsimula nang magtanong si Sally.“Nakita niyo ba si Anton?” tanong ni Sally sa mga bisita, habang sinisipat ang mga taong nagtatawanan at nagka kasiyahan.Umiling naman ang ilan, at ang iba ay nagsabing baka nasa study room o kausap ang ilang business partners. Walang nakakita sa kanya dahil, sa totoo lang, nag-aantay lang si Anton sa pasilyo kanina, naghahanap ng pagkakataon na ma-solo si Sofia.Naglakad si Sally papunta sa master's bedroom para tignan kung nandoon ang asawa, ngunit wala. Napakunot ang noo niya. Hindi ugali ni Anton ang biglang mawala sa gitna ng selebrasyon, lalo na’t para kay Sofia ito.Samantala, sa itaas, tuluyan nang nalubog sina Sofia at Anton sa bawal na mundo.Tinanggal ni Anton ang polo niya, at ang bawat muscle na nakita ni Sofia ay nagpaalala sa kanya ng mga gabing matagal na niyang sinubukang kalimutan. Ang kanyang balat ay may amoy ng cologne kasabay ng matinding pagnanasa.Hinihila ni Sofia ang kanyang damit, ngunit si Anton na mismo a
Tatlong buwan na ang lumipas mula nang huling nasilayan ni Sofia ang mukha ni Anton at ang bawal na init ng mga bisig nito. Tatlong buwan siyang nagtago sa Singapore, pilit na tinatakasan ang katotohanang nakatayo sa altar ang lalaking minamahal niya, kasama ang sarili niyang ina.Noong araw ng kasal at pagkatapos nilang mag-usap ni Anton, dumiretso siya sa Airport para umalis ng bansa nang biglaan. Ang ginawa niya lang rason noon sa kanyang ina ay may biglaang trabaho sa Singapore at kailangan siya roon, pero ang totoo, nanatili na siya roon ng tatlong buwan, at sa tuwing tinatawagn siya ng ina ang lagi niyang sinasabi ay na-extend ang trabaho niya kaya kailangan niya munang manatili sa Sinagpore.Pero kung hindi lang siya tinawagan ng boss niya sa kumpanya ay hindi siya babalik ng Pilipinas. Pagdating niya sa bahay na ngayon ay tirahan na ni Sally at Anton, sinalubong siya ng nakabibinging saya. Ang malaking bahay, na ngayon ay mas pinaganda at pinuno na ng mga kagamitan ni Anton,
Kinabukasan, marami ng tao sa simbahan. Naghahanda na ang lahat. Pero si Sofia, wala sa sarili. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya si Anton at ang nanay niya na ikakasal na. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sumagi sa isipan niya na pigilan si Anton, ayain na umalis na lamang. Ngunit naisip niya rin ang nanay niya. Kaya, kalaunan, nakapag-desisyon na talaga siya na pagkatapos ng kasal ay balak niya nang magpakalayo-layo.“Sofia, saan ka galing kahapon? Hindi ka nakasama sa pictorial,” sabi ng pinsan ni Sofia na si Cami. “A-ah, umalis lang. May kailangan lang asikasuhin sa trabaho,” sagot niya at saka tumayo para lumabas ng silid. Sa totoo lang, wala siya sa sarili na kausapin ang mga tao. Para bang sa tuwing may lalapit sa kanya ay nasasakal siya, naliliitan siya sa espasyo dahil hindi parin mawala sa isipan niya si Anton.Naglakad siya papunta sa dressing room. Balak niyang puntahan ang ina para tulongan ito sa pag-aayos, pagkapasok niya sa silid nito, napatigil siya. Nakit
Paano mo nga ba maiiwasan ang isang kasalanan ko paulit-ulit na itong nagagawa?Nasa itaas sila ng kama, si Anton at si Sofia, sa isang pansamantalang bahay na inarkila ng lalaki para sa gaganaping kasal. Ilang oras na lang at sasapit na ang umaga, ang umaga kung saan ikakasal si Anton sa nanay ni Sofia.Hinalikan ni Anton ang balikat ni Sofia. Ang balat nito ay sing-kinis ng porselana, sing-init ng alak na ininom nila kanina. Ang bawat haplos niya ay may bigat ng pag-aalinlangan.Sa huling pagkakataon, gusto niyang mahawakan muli si Sofia.Niyakap ni Sofia ang likod niya, ang maliliit na daliri niya ay mahigpit na nakakapit sa matipunong likod ni Anton. “Tama pa ba itong ginagawa natin? Ikakasal ka na mamaya kay Mama,” bulong ni Sofia. "Ayoko munang isipin iyon," bulong ni Anton habang patuloy na hinahalikan ang leeg ni Sofia. "Huwag mo munang isipin," dagdag ni Anton, binaliktad siya para muling titigan nang diretso sa mga mata. Ang mga mata ni Sofia ay malalaki at kulay-tsokolat







