LOGINPagkasara ni Anton ng gate, saglit siyang napahinto nang marinig ang pamilyar na tinig.
“Anton?”
Mabilis siyang napalingon. Nakatayo si Sally malapit sa mga paso ng orchids, suot pa rin ang kulay peach na dress na ginamit niya sa pagtanggap ng mga bisita. Mahina na ang ilaw sa hardin, ngunit sapat iyon para makita ni Anton ang bakas ng pagod at pag-aalala sa mukha ng asawa.
“Sally, hon,” bati niya agad, pilit na ngumingiti. “Anong ginagawa mo rito? Gabi na, at saka hindi ba may bisita pa sa loob? Nandiyan na ba si Sofia?”
Tahimik lang si Sally habang pinagmamasdan siya. Sa loob ng ilang segundo, walang imikan sa pagitan nila, tanging huni ng mga kuliglig at banayad na ihip ng hangin lang ang naririnig. Sa mga mata ni Sally, may halong pagtataka, kahit sinisikap niyang itago iyon sa ngiti.
“I should be the one asking you that,” mahinahon ngunit may bigat sa tono ni Sally. “Kanina pa kita hinahanap. Bigla ka na lang nawala. Akala ko umalis ka.”
Lumapit si Anton, dahan-dahan, tila tulad ng isang aktor na kabisado ang bawat galaw ng kanyang papel. Hinawakan niya ang kamay ng asawa, at sinabayan ng mahinang tawa.
“May sinagot lang akong tawag,” paliwanag niya, mahinahong boses. “Hindi ko na naabot ang study, masyado nang maingay sa loob kaya lumabas ako sandali. Business call lang ‘yon, hon. Hindi ko gustong istorbohin ka habang busy ka sa mga tao at sa pag-aantay kay Sofia.”
Nilingon siya ni Sally, may bahagyang pagdududa pa rin sa mga mata, ngunit nang maramdaman ang init ng palad ng asawa at makita ang sinseridad sa ngiti nito, unti-unting lumambot ang kanyang tingin.
Hinaplos ni Anton ang pisngi niya. “Why? Miss mo ba agad ako?” malambing niyang tanong, sabay ngiti na tila sanay sa ganitong pagsisinungaling.
Napatawa si Sally, mahina, at bahagyang umiling. “Ang kulit mo talaga,” aniya. “Hindi naman sa gano’n. Hinanap lang kita kasi hindi mo pa nakikita si Sofia. Nandyan na siya sa loob.”
Ngumiti si Anton at tumango. “Sige, tara na,” aniya. “Baka hinahanap na rin nila tayo.”
Magkasabay silang naglakad papasok sa bahay. Sa bawat hakbang, pinipilit ni Anton na itago ang tensyon sa katawan niya. Ngunit sa sandaling paglingon niya, saglit na tumigil ang kanyang tingin sa itaas, sa nakabukas na bintana ng silid ni Sofia. Ang puting kurtina ay bahagyang gumagalaw sa hangin, at sa isang iglap, parang muling bumalik ang lahat ng nangyari roon.
Sa loob ng bahay, puno pa rin ng tawanan at ingay ang gabi. Ang mga bisita ay nagkukumpulan sa sala, may ilan pang nagsasayawan, at ang tunog ng gitara mula sa live band ay nagbibigay ng kasiyahan sa lahat.
Nasa gitna si Sofia, pilit na nakikihalubilo. Sa mukha niya ay may ngiti, ngunit ang mga mata ay halatang pagod. Kanina pa siya nagpipilit maging normal, pinapatay sa loob ang kaba at hiya sa ginawa nila ni Anton. Tuwing may lalapit at bumabati, sinasagot niya ng pormal na ngiti, ngunit sa bawat ingay ng pinto o yabag sa sahig, napapalingon siya, takot na baka si Sally o si Anton ang lumapit.
“Ang ganda mo talaga, Sofia,” sabi ng isa sa mga bisita. “Magkamukhang-magkamukha talaga kayo ng mommy mo.”
Ngumiti siya. “Salamat po,” sagot niya, kahit halos hindi niya naririnig ang sarili.
Habang nakikipag-usap, napansin niyang pumasok sina Sally at Anton mula sa likod ng bahay. Napakapit siya sa baso ng alak na hawak, sinubukang itago ang pagkabigla. Si Sally ay nakangiti habang kausap ang ilang bisita, pero si Anton, ay diretsong tumingin sa kanya.
Saglit lang iyon, isang titig na mabilis niyang iniwasan, ngunit sapat para muling bumilis ang tibok ng puso niya.
“Hon,” tawag ni Sally kay Sofia, sabay lapit sa kanya. “Anak, halika rito. Si Anton oh, hindi pa kayo nagkakausap mula kanina.”
Parang biglang lumabo ang paligid. Napalunok si Sofia, at napilitang ngumiti. “Ah, oo nga pala,” sabi niya, marahang humakbang palapit. “Busy lang po kanina, Mom.”
“Busy daw siya, hon,” sabat ni Sally, sabay kindat sa asawa. “Kaya naman hindi ka rin siguro napansin.”
Naalala ni Sally na may tinatagong bisita si Sofia sa kwarto nito, pero hindi niya mahulaan kung sino iyon sa mga taong naroon.
Tumawa si Anton, pilit na magaan. “Wala akong ibang napansin kanina kundi ‘yong mga bisita mong ayaw akong tantanan,” biro niya, sabay tingin kay Sofia, isang tingin na puno ng lihim na kahulugan.
Nagtagpo ang kanilang mga mata nang ilang segundo. Para bang huminto ang paligid. Lahat ng ingay, lahat ng tao, tila naglaho. Ang mga alaala ng nangyari ilang minuto pa lang ang nakalipas ay bumalik sa isip ni Sofia, ang init ng balat, ang mga bulong, at ang mga salitang binitiwan nila sa dilim ng kanyang silid.
“Sofia?” tawag ni Sally, bahagyang hinawakan siya sa balikat. “Anak, okay ka lang?”
Mabilis siyang kumilos. “Opo, Mom. Medyo hilo lang po, baka dahil sa alak,” sabi niya, pilit na tumatawa. “Baka kailangan ko lang ng tubig.”
“Ah, sige. Magpahinga ka muna kung gusto mo,” sagot ni Sally. “Anton, samahan mo muna siya sa mesa, ha? Ilang buwan narin kayong hindi nagkikita. Hindi ba ilang ulit mo narin siyang tinatanong sa akin kung kumusta siya. Sige na, ikaw muna ang sasama sa kanya at ako na muna ang bahala sa mga bisita.”
Saglit na natigilan si Sofia. “Hindi na po, Mom—”
Pero huli na. Hinawakan ni Anton ang braso niya at marahang itinuro ang direksyon ng bar counter. “Tara,” sabi niya, may ngiti sa labi, ngunit sa likod niyon ay may tahimik na pakiusap.
‘Act normal.’
Magkasabay silang naglakad papunta sa dulo ng sala, kung saan mas kaunti ang tao. Habang kumukuha ng tubig, bahagyang yumuko si Anton, halos pabulong ang tinig.
“Okay ka lang?” tanong niya, halos hindi marinig.
“Hindi,” mahinang sagot ni Sofia. “At kasalanan mo ‘to.”
Sandaling natahimik si Anton. Tumingin siya sa paligid, siniguro na walang nakikinig, saka bumulong, “Hindi ko kayang umasta na parang walang nangyari.”
“Pero kailangan,” sagot ni Sofia, mariin ang boses. “Dahil kung hindi, parehong masisira ang buhay natin, lalo na si Mama.”
Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila bago bumalik si Sally, bitbit ang ilang bisita. “Ay, nandito pala kayo!” masigla niyang sabi. “Hon, halika. Gusto kang kausapin ni Papa.”
Ngumiti si Anton, marahang tinapik ang balikat ni Sofia bago sumunod sa asawa. Ngunit bago tuluyang lumayo, muli siyang lumingon. Sa mga mata niya ay may bahid ng pagsisisi, at sa kanyang ngiti ay nakatago ang pangakong hindi niya mabibitawan.
Naiwan si Sofia, hawak ang basong tubig na hindi niya nainom. Tinitigan niya si Anton habang papalayo, hawak ni Sally sa braso, parehong may ngiti sa labi, ngiti na para sa iba, hindi para sa kanya.
At sa gitna ng kasiyahan ng lahat, si Sofia lang ang tahimik na nakatingin, alam na sa bawat ngiting iyon ay may lihim na unti-unting papatay sa kanila.
Pagkauwi ni Anton sa bahay nila, agad siyang sinalubong ni Sally. Suot pa nito ang apron, halatang galing sa kusina. Nakangiti ito nang makita siya, ngunit mabilis ding nagbago ang ekspresyon nang mapansin niyang mag-isa lang si Anton.“Wala si Sofia?” agad na tanong ni Sally, sabay lingon sa labas, umaasang may isa pang sasakyan na susunod. Nang makitang wala, unti-unting bumagsak ang kanyang mga balikat.Umiling si Anton habang inaabot ang suitcase at inilapag iyon sa gilid ng sofa. “Wala. Hindi ko siya nakita buong araw,” pagsisinungaling niya. Hindi niya malaman kung bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Sally, pero sa tuwing iniisip niya ang nangyari kanina, ang paglapit ng lalaki kay Sofia ay gusto niya nalang muna na siya ang nakakalaam no’n para malaman muna kung ano ang relasyon ni Sofia sa lalaki.“Malapit nang mag-isang linggo, Anton. Hindi pa rin siya pumupunta rito.” Napalungkot ang mukha ni Sally habang naglalakad papunta sa sala, iniupo ang sarili sa sofa. “Sa tuwing d
Isang linggo ang lumipas matapos ang huli nilang pagsasama ni Anton, at pag-uwi niya galing sa Singapore. Apat na araw narin siyang pumapasok sa trabaho. Isa siyang journalist sa kilalang News company sa bansa, at dahil matagal na siya sa kumpanya isa narin siya sa pinagkakatiwalaan na ipadala sa kahit saang bansa para sumulat ng report. “Sofia, may mga OJT students tayo, nakalimutan ko sabihin kahapon na ikaw ang ginawang supervisor nila. Tatlo sila.” Lumapit ang kasamahan niyang si Kate at binalita iyon. Tumayo naman si Sofia, tinignan si Kate na para bang sinisigurado kung nagsasabi ito ng totoo. Naisip niya na baka ayaw lang ni Kate o ng iba mag-surpervise kaya sa kanya ibinato na hindi alam ng superior. Pero si Kate, tinaas ang dalawang kamay. “Hey, totoo ang sinabi ko, okay? Just look at the announcement. Akala ko titignan mo kagabi, pero nakita kong hindi ka nakapag-seen kaya as your little friend naisip ko na ngayon ko nalang sasabihin sa persona,” paliwanag ni Kate. Kaag
Hindi agad nakasagot si Sofia. Ang mga salitang binitawan ni Anton ay umalingawngaw sa isip niya, parang mga tunog na pilit niyang gustong burahin. Hindi siya makatingin sa kanya. Saglit siyang natahimik, huminga nang malalim, at bago pa makapagsalita, binuksan na niya ang pinto ng kotse.“Enough, Anton,” mahina niyang sabi, halos pabulong, saka lumabas.Hindi siya pinigilan ni Anton. Tinitigan lang niya ito habang lumalayo. Walang galaw, walang salita. Alam niyang anumang sabihin niya ay wala nang saysay sa mga sandaling iyon. Si Sofia naman ay mabilis na naglakad, tinawag ang unang taxi na dumaan at agad sumakay. Ngunit nang sumilip siya sa salamin, nakita niya ang kotse ni Anton sa likod, malayo, ngunit nakasunod.Pagdating niya sa tapat ng condo building, agad siyang nagbayad at bumaba. Nasa likuran pa rin ang kotse ni Anton, nakaparada lang. Hindi siya lumingon. Diretso siyang pumasok sa lobby, nag-swipe ng access card, at dumiretso sa elevator.Sa loob ng elevator, napahawak siy
Hindi agad nakapagsalita si Sofia; nakatingin lang siya kay Anton. Marahang hinawakan ni Anton ang dalawa niyang kamay at bahagyang hinalikan ang likod nito. Ngunit agad din iyong binawi ni Sofia nang mapagtanto niya na muli na naman silang lumampas sa hangganan.“Aalis na ako,” mahinahon ngunit mariing sabi niya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at mabilis na tumakbo palayo.Mabilis ang tibok ng puso ni Sofia, ngunit hindi niya na iyon ininda. Ang tanging gusto niya ay makalayo kay Anton. Huli na para magsisi, nagawa na naman niya ang pagkakamaling pilit niyang iniiwasan.“Ang tanga mo, Sofia…” mahina niyang bulong habang patuloy sa pagtakbo.Pagdating niya sa bahay, agad niyang nakita ang mama niya sa hardin, kausap ang isang kasambahay. Napahinto siya. Sa tuwing nakikita niya si Sally, bumabalik ang bigat ng mga kasalanan at lihim na pilit niyang itinatago.“Sofia, anak! Nandiyan ka pala! Akala ko umalis ka, nag-jogging ka lang pala,” masayang bati ni Sally, sabay abot ng baso ng
“Alam kong hindi mo rin ako kayang tiisin,” bulong ni Anton kay Sofia habang hinahalikan nito ang butas ng tainga ng dalaga. Napapikit si Sofia, maliit na ungol ang lumabas mula sa bibig niya. Kahit pilit niya paring itinulak si Anton palayo sa kanya ay hindi niya tuloyang magawa dahil mas lalo siyang nanghihina. “Anton…please, stop…” mahinang sabi ni Sofia. Ngunit dahil sa narinig na ungol mula sa kanya, mas lalong ginanahan si Anton. Bumaba ang halik niya sa leeg ni Sofia, mapusok hanggang sa mamula ito. Tumingin siya kay Sofia na puno ng pagnanasa ang mata. “Sofia…I want you,” mahinang bulong niya. Si Sofia naman ay tuloyan naring sumuko, nanginginig ang kamay niya. Kahit anong pigil niya, tama si Anton. Hindi niya kayang tiisin ang lalaki. “This is not right—”Hindi natapos ang sasabihin niya nang hinalikan siya nang mapusok ni Anton. Dahil sa naramdamang init ni Anton, mabilis niyang hinubad ang damit pang-itaas ni Sofia. Nagulat siya nang walang suot na bra si Sofia, at da
Nang matapos ang kasiyahan kagabi, at nagsi-uwian na ang mga bisita, kaagad ding umakyat si Sofia sa kanyang silid para makapagpahinga, hindi niya na nakausap pa muli ang ina at si Anton. Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na si Sofia. Sa labas ng bintana ng kanyang silid, mabagal na gumigising ang paligid, ang mga ibong nag-aawitan, ang malamig na hangin na dumadampi sa balat. Nakasuot siya ng simpleng jogging pants at kulay abong sweatshirt. Gusto niyang makalabas, kahit saglit. Sa loob ng bahay ay parang hindi siya makahinga, bawat sulok ay may alaala ng kagabi, bawat ingay ay tila paalala ng kasalanan.Pagbukas niya ng gate, saglit siyang napahinto.Si Anton ay naroon, nakasuot din ng pang-jogging, earphones sa leeg, at hawak ang bote ng tubig. Tila nagulat din ito nang makita siya, ngunit agad ring binawi ang reaksyon, nagpakawala ng mahinang ngiti.“Maaga ka ah,” sabi ni Anton, kalmado ang boses, pero may bahid ng pag-aalangan. “Magjo-jogging ka rin?”Hindi sumagot si







