Share

Chapter 8

Isang linggo ang nakalipas at masasabi ko na naging maayos naman ulit ang pag-uusap naming dalawa. Nandoon pa rin ang pagkaaliw ko sa kanya. Mas lalo nga ata akong naa-attach sa kanya eh. Ewan ko ba.

Naisipan kong magpaliban sa trabaho ngayon para bisitahin ang mga pinsan ko pati na rin ang lola ko. Matagal na rin kasi noong huli ko silang nakita at nakasama gawa nga ng sobrang busy ako sa trabaho ko.

Busy sa trabaho o busy sa pag-landi?

Minsan kung pwede lang i-factory reset ang utak, gagawin ko na. Hindi na siya nakikisama sa akin ngayon.

Namili muna ako ng kaunting grocery bago ako bumiyahe papunta sa kanila. Nang makarating ako sa subdivision namin ay nag-chat na ako sa pinsan ko na malapit na ako.

Ilang sandali lang ay huminto na ang sinasakyan kong grab sa may kulay puting bahay na may kalumaan na. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng mga pinsan ko sa labas ng gate.

"Ate Crysaline! Akala ko scammer ka na talaga eh. Lagi mo sinasabi na pupunta ka pero hindi naman natutuloy." s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status