LOGINBumaba ng sasakyan si Lexy. Hindi na siya nagpasama kay Raika kahit nag-insist itong samahan siya, at sinabihan na lang niya itong dumiretso sa opisina.
Pababa na sana ng kotse si Raika. “Pero, President—” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ’yo. Mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang paghahanap ng heart donor para kay Lilian,” mariin niyang utos. Wala nang nagawa si Raika kundi sumunod. Tumango siya. “Okay. Mag-iingat ka, President Black.” Pagkasabi nito, isinara ni Raika ang pinto, at mabilis na pinaandar ni Rey ang kotse papunta sa opisina. Nang mawala sa paningin ang sasakyan, tumalikod na si Lexy at naglakad palapit sa malaking kahoy na pintuan ng mansyon. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. “President Black,” magalang na bati ng isang matandang lalaki—si Armando, isa sa mga tauhan ni Danilo. Bahagya lamang siyang tumango bilang tugon. Pumasok siya sa loob habang pinagbubuksan ni Armando. “Nasa greenhouse sila. Kanina pa hinihintay ang pagdating mo,” sabi ni Armando bago isinara ang pinto at naglakad patungo sa direksyon ng greenhouse. Sumunod si Lexy. “Ano naman ang ginagawa ng tatlo sa greenhouse?” bigla niyang tanong. Nanatiling walang ekspresyon si Armando habang sumasagot. “Naroon sila at umiinom ng tsaa na binili ni Boss mula sa ibang bansa,” kalmadong sagot nito. “Bakit naman narito ang Dad ko?” sunod niyang tanong. Nasa labas sila ng greenhouse. Huminto si Armando at humarap sa kanya. “Mabuti si Boss na lang ang sumagot sa tanong mo, President Black,” sabi nito. “Nasa loob sila.” Pagkatapos ay bahagya itong yumuko at naglakad palayo. Pinanood lamang ni Lexy ang papaalis na si Armando bago siya pumasok sa loob ng malaking greenhouse. Matatagpuan ito sa likuran ng mansyon ni Danilo—napapaligiran ng matataas na puno at sari-saring halaman at bulaklak, kaya tahimik at presko ang hangin dito. Sa loob, may isang bilog na mesa na may apat na upuan. Tatlo roon ay may nakaupo—sina Danilo, Vincent, at ang ama niyang si Isley. Halos sabay-sabay na napalingon ang tatlo nang mapansin ang presensya niya. Naglakad papalapit si Lexy. Lumapit muna siya sa ama at agad itong niyakap, na tinanggap naman ni Isley. Malambing niyang hinalikan sa sentido ang ama bago niya hinila nang bahagya ang bakanteng upuan papalapit kay Isley at naupo. Sa kabilang side niya ay si Vincent, at sa kabila naman ang kanyang ama, kaya bahagya niyang inilapit ang sarili rito. Seeing her action, Vincent’s hand holding the teacup clenched, almost crushing its delicate handle. Napansin ito ni Danilo kaya agad siyang umaksyon. Nakangiti . “Lexy, buti naman at narito ka na. Kanina ka pa namin inaantay. Lalo na si Vincent,” sabi ni Danilo. Mabilis na kumilos si Vincent at ipinagbuhos ng tsaa si Lexy. “You going back without informing me, as your fiancée, it seems to me you don’t care about my feelings, Lexy. Sana sinabihan mo man lang ako. Alam mo naman na hindi ko maiwasan maging concern pagdating sa’yo,” malambing niyang sabi, may matamis na ngiti sa kanyang labi. Tinanggap ni Lexy ang teacup at maingat na ininom ang tsaa. Uminom siya dahil pakiramdam niya masusuka siya sa mga sinasabi ni Vincent. She drank half before gently putting the teacup down. She looked at Danilo before her gaze landed on Vincent. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na busy ako?” she said, her face expressionless. Despite her lack of expression, Vincent’s smile did not fade. “Still, not informing me about your whereabouts will make others think na napilitan ka lang sa relasyon nating ito. Do you understand the point now, my dear?” he said sweetly. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Lexy despite the love and care he was showing. “Alright. I’ll let Raika inform you next time,” she said. Lumipat ang tingin niya kay Isley na kanina pa tahimik. “Dad,” tawag niya. “Kanina ka pa tahimik. Want to go fishing?” she smiled at him. Isley faintly smiled back. “Sure, pero pag-usapan muna natin siguro yung tungkol sa inyo ni Vincent. Since it’s the reason why we are all here in the first place,” he said calmly, sipping his tea. Nawala ang ngiti sa labi ni Lexy nang marinig ang sinabi ng ama. Lumingon siya kay Danilo. “Tito Danilo, ano pa ba ang dapat pag-usapan tungkol sa amin ni Vincent? Haven’t we already talked about—” “The wedding,” Danilo interrupted. Hindi na nagulat si Lexy. She already expected it. “Hindi ba’t sinabi ko na last time na marami akong ongoing construction projects na kailangan asikasuhin? Lalo na ngayon na unti-unting dumadami ang foreign clients ng kumpanya,” paliwanag niya. “But Lexy, tungkol ito sa kasal ninyo ni Vincent. I think you’re making up excuses sa tuwing pinag-uusapan natin ’to,” sabi naman ni Danilo. “Kuya, Lexy has her reasons,” depensa naman ni Isley para sa anak. “Bata pa naman siya. Twenty-two pa lang naman siya. She can still enjoy her youth more bago siya maikasal kay Vincent.” Gusto sanang magsalita ni Danilo nang maunahan siya ni Vincent. “Naiintindihan ko ang punto mo, Tito Isley. Lexy is still young. After all, it’ll be bad of me to rob her of her youth early,” he explained, then paused briefly. “Still, we’ve been in this relationship for more than three years. Oras na siguro para pag-usapan na natin ang kasal namin. Lalo pa’t nangungulit na sa’kin ang mga magulang ko kung kailan kami magpapakasal.” Pinakinggan ni Isley ang paliwanag ni Vincent bago siya nagsalita. “Naiintindihan kita, Vincent. But this matter cannot be decided by you alone. Kailangan mo pa rin makuha ang consent o approval ng anak ko. Kung gusto na ni Lexy na magpakasal as soon as possible, wala akong dahilan para tumanggi. But as of the moment… sa tingin ko, wala pa roon ang isip niya,” mahabang paliwanag ni Isley. “Gayunpaman, Isley, hindi naman siguro masama na—” Hindi natapos ni Danilo ang sasabihin nang biglang sumulpot ang tauhan nitong si Armando, kasama ang drayber ni Lexy na si Rey. “President Black,” tawag nito. “Pinapasundo ka ni Ms. Montefalco para agad mong ma-check ang construction project sa Avent Hill,” paliwanag ni Rey. Kumunot ang noo ni Lexy. “Ano’ng nangyari?” “Tatlong manggagawa ang nahulog matapos mag-collapse ang scaffolding, President Black. Nadamay rin ang project manager na nag-i-inspect ng materials noong oras na iyon. Base sa initial report, posibleng may depekto ang scaffolding—either substandard ang materials o mali ang pagkaka-install. Iniimbestigahan pa namin kung may negligence o foul play na involved,” paliwanag ni Rey. “Wala namang namatay, pero mabigat ang naging injury—may fractures sa mga binti ng mga manggagawa,” dagdag nito. Matapos marinig ang huling sinabi ni Rey, nakahinga nang maluwag si Lexy. Tumayo siya mula sa kinauupuan at bago umalis ay niyakap niya ang ama. “Pasensya na, Dad. Urgent matters. Sa ibang araw na lang tayo mangisda, okay?” Napangiti si Isley. Hinawakan niya ang kamay ng anak at marahang hinimas iyon. “It’s alright. Nauunawaan ko. Go, take care of it first,” sabi ni Isley bago bitawan ang kamay nito. Matapos magpaalam sa ama, lumingon siya kay Danilo. “Tito Danilo, pasensya na pero kailangan ko nang umalis.” Pagkatapos ay lumingon siya kay Vincent. “Sa susunod na lang tayo mag-usap tungkol sa kasal natin.” Pagkasabi niyon, tumalikod na siya at mabilis na naglakad palabas ng greenhouse. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Vincent. Wala siyang dahilan para hayaan pang pigilan siya nito o makipag-usap nang matagal sa lalaki. Alam niyang kukulitin lang siya nito, pati na rin ni Danilo. Alam ko namang inimbita niyo mismo si Dad para ma-pressure ako, bulong niya sa sarili. Sa tingin niyo ba madali akong makumbinsi? Mga tang*. Mabilis na lumakad palabas ng mansyon si Lexy, kasunod si Rey.“Hindi lang naman ikaw ang nagtataka... kahit ako.”Sabay na napalingon sina Lexy at Larson sa direksyon na pinanggalingan ng boses.Ang lalaking nagsalita ay naglakad palapit kung nasaan ang magpinsan. Tahimik ang paghakbang. Tanging malamig na ihip ng hangin lang ang maririnig bago muling nagsalita ang lalaking sumingit sa usapan nina Lexy at Larson.‘’Puwede ba kong makisali sa usapan niyong dalawa?’’‘’Care to explain bakit nasa police station ka rin, Kuya Caesar?’’ kaswal na tanong ni Lexy.Tumikhim muna si Caesar bago sagutin ang tanong ni Lexy. ‘’Who wouldn’t get worried after hearing you were involved in a drug lab,’’ he answered.‘’You worry too much—’’Hindi na natapos ni Lexy ang sasabihin niya nang sumabat si Caesar. ‘’Alam mo ba kung sino tumawag sa ‘kin sa Police Station?’’ seryosong tanong nito.Umiling si Lexy. ‘’Sino?’’ curious niyang tanong.‘’Si Sammy Payne,’’ walang paliguy-paligoy na sagot ni Caesar. ‘’Nang marinig ko mula sa kanya na involve ka sa shady business
“Any reason for calling me out, my dear cousin?”Larson looked straight at his young cousin, who looked completely chill as Lexy leaned back against the wooden bench. Minsan, hindi niya mapigilang mamangha kung gaano ka-relaxed ang pinsan niya kanina. Ni hindi man lang niya nakitang nag-react o may ginawang kahit ano si Lexy habang ini-interrogate niya si Isabelle.Kung ibang pinsan niya siguro, baka mabahala na si Larson. Pero dahil si Lexy iyon, bakit pa siya mag-aalala? Lexy may be relaxed most of the time, but he knew exactly what his cousin was capable of.“Hindi ka man lang nag-react kanina simula nang dumating ako. Mukhang may ideya ka na sa mga nangyayari,” kaswal na saad ni Larson.“Of course not!” maang ni Lexy, sabay ngisi. “Ni hindi ko nga alam na capable pala na mag-isip ng ganoong plano si Tito Dani. May utak pala siya?” pabirong sabi niya.“That ain’t the point here, Lex,” Larson said with a deep sigh, facepalming in frustration.Ilang segundong katahimikan ang namagita
Isabelle bit her lip so hard that blood trickled from the corner of her mouth. The sharp sting helped her rein in her anger, while the metallic taste of blood reminded her that it was time to come clean.“Fine,” she said, gritting her teeth.Walang nagsalita. Tahimik lamang na inabangan ng lahat ng nasa loob ng Interrogation Room ang mga sasabihin ni Isabelle.Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang magsimula.“Wala naman talaga akong balak mamasukan sa Pleasurable Sins kung hindi lang dahil sa pagbabantang ginawa sa 'kin ni Danilo Goldwick.”“Ano namang klaseng pagbabanta ang ginawa niya sa 'yo?” seryosong tanong ni Larson.“Ang anak ko.”Dito na pinatunayan ni Isabelle na totoo ang mga usap-usapan noon na kumalat na umalis siya ng siyudad ng Valcressia dahil sa kahihiyan. Bago siya tuluyang makaalis ng siyudad para magpakalayo, nakulong muna siya nang mahigit isang buwan dahil sa kasong isinampa sa kanya ng legal na asawa ni Danilo—si Priscilla—matapos silang maaktuhan na magka
Kinuha ni Isabelle ang folder na hawak ng abogado. Binuksan at agad na sinilip ang nilalaman. Sa sandaling mabasa niya ang nilalaman ng folder ay nagsimulang manginig ang mga kamay niya habang hawak ang folder. Nag-angat siya ng tingin at nakitang mariing nakatitig sa kanya si Larson. Pinapanood ang pabago-bagong ekspresyon ng kanyang mukha. Maya-maya ay nagbuka ng bibig si Larson at nagtanong na, ‘’natatandaan mo ba ang kontrata na ‘yan, Ms. Hammington?’’ Naglipat ang tingin ni Isabelle sa pagitan ng hawak niyang folder at sa mukha ni Larson. Napakagat sa labi si Isabelle. Alam niyang na-corner na siya ng abogado, pero sinubukan pa din niya na makalusot. ‘’Ngayon ko lang nakita ‘to. Saan naman nanggaling—’’ ‘’Mas mabuting umamin ka na lang ng maayos, kaysa pahirapan mo pa ‘ko, Ms. Hammington,’’ putol ni Larson. Nagpatuloy ito. ‘’Pero kung gusto mo talagang patagalin pa ‘to, wala namang problema sa ‘kin.’’ Sandaling natigilan si Isabelle sa narinig, tsaka niya dahan-dahang ikin
“Ms. Hammington, ‘di ba ang sabi mo ay first job mo ang mamasukan bilang sekretarya ni Mr. Kingston?” tanong ni Larson.Marahang tumango si Isabelle. “Oo, ‘yon ang sinabi ko. Bakit?”“Totoo ba ang mga sinasabi mo?” muling usisa ng abogado.Biglang nakaramdam ng kaba si Isabelle. Gayunpaman, hindi siya nagpatinag sa mapanuring mata nito. “Oo naman, attorney. Hinding-hindi ako nagsisinungaling. Totoong unang trabaho ko ang pagiging sekretarya ni Mr. Kingston,” puno ng kumpyansa niyang sagot.“Talaga, Ms. Hammington?” Larson challenged her. “Kahit isalang kita sa Lie Detector Test?”Napatigil si Isabelle. Ang biglaang pagbanggit sa polygraph test ay lalong nagpabilis sa tibok ng kanyang puso, at unti-unting gumapang ang pag-aalinlangan sa kanyang isip.“To-totoo ang mga sinasabi ko sa 'yo, attorney. Ba-bakit kailangan mo pa akong ipa-Lie Detector Test?” balik-tanong niya, hindi na napigilang magsalubong ang kilay sa inis.“Gaya ng sinabi mo, Ms. Hammington, nagsasabi ka ng totoo. Hindi n
Habang nakikinig ang buong silid, unti-unting nabubuo sa isip ng bawat isa ang lohika sa likod ng paliwanag ng abogado. Napasandal ang Detective sa kanyang upuan, habang si Hepe Ceasar naman ay napailing na lang nang bahagya sa malaking sablay ng kanyang tauhan."Base sa mga paliwanag mo... ang ibig mong sabihin, ang taong totoong nakipagkasundo at pumirma sa kontratang ito kasama si Arnold Oscor ay si Danilo Goldwick?" seryosong tanong ni Samuel.Tumango si Larson, may mapang-asar na ngiti sa mga labi. "I’m glad you’re quick-witted, Prosecutor Payne," sarkastikong papuri nito. "Dahil sa mga timeframe at taon na binanggit ko, imposibleng si Ms. Black ang may direktang koneksyon sa transaksyong iyon siyam na taon na ang nakalipas dahil estudyante pa siya ng mga panahon na ‘yon. Ginamit ang isang totoong lumang kontrata ng tiyuhin niya, at pina-forge ang pirma ni Lexy ngayon para siya ang sumalo ng kung sakaling magkabukingan."Natahimik ang lahat.Labis na napaisip nang malalim si Samue







