LOGINSa Valcressia International Airport…
Pagkalagpas sa security check, mabilis ang hakbang ni Lexy, habang agad na sumusunod sa kanya si Raika palabas ng airport papunta sa parking lot, kung saan naghihintay ang sasakyang susundo sa kanila. Pagkasakay nila sa kotse, agad itong pinaandar ng drayber patungo sa Valcressia Hope Hospital. Pagdating, mabilis na bumaba si Lexy, kasunod si Raika. Nagmadali silang pumasok, mas bumibilis ang hakbang ni Lexy habang tinutungo ang private ward. Pagdating doon, agad niyang itinulak ang pinto. Walang tao sa loob. Nagkalat ang pagkain at mga plato sa sahig, at nanunuot ang amoy ng suka sa hangin. Biglang kumabog ang dibdib niya. Inikot ni Lexy ang paningin sa buong kwarto hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon at lumapit sa lumabas. “Ate Lexy?!” gulat na sambit ni Lilian. Hindi sumagot si Lexy. Agad niyang binuhat si Lilian—bridal style—at dinala sa kama. Maingat niya itong ibinaba. Naroon ang assistant niyang si Raika at ang personal maid ni Lilian na si July, na agad naglinis at nag-spray ng air freshener para mawala ang amoy. “July, bakit ganito rito? Ang gulo ng ward pagdating namin,” nag-aalalang tanong ni Lexy. Yumuko si July bago sumagot. “Pasensya na, President Black. Nalamigan ang sikmura ni Miss Lilian. Bigla siyang sumuka. Nataranta ako at inuna ko siyang dalhin sa banyo…” Iniangat ni Lexy ang kamay niya, pinapatigil si July. “Okay. Naiintindihan ko na,” mahinahon niyang sabi. Lumingon siya kay Lilian at maingat itong kinumutan. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?” malumanay niyang tanong. “Ayos na ang pakiramdam ko, Ate. Nga pala, bakit ang bilis mo namang nakabalik? Hindi ba sabi mo may pupuntahan kang business summit at mag-i-stay ng apat na araw abroad?” tanong ni Lilian, halatang nagtataka. Hinaplos niya ang buhok ng kanyang nakababatang kapatid. “I was worried you might feel lonely kung magtatagal pa ako sa ibang bansa,” sagot niya. Napangiti si Lilian. Ramdam niya ang pag-aalala ng kanyang nakatatandang kapatid. “Ayos lang naman ako, Ate. Naiintindihan ko naman na busy ka,” sabi niya. Bahagyang ngumiti si Lexy. Nagpatuloy ang kanilang mainit na pag-uusap hanggang sa makaramdam ng antok si Lilian. Nang tuluyan itong makatulog, maingat siyang kinumutan ni Lexy bago tahimik na lumabas ng ward. Lumapit siya kay July. “Ano’ng nangyari kay Lilian?” seryoso niyang tanong. Agad na lumapit si July. Kahit kinakabahan sa mabigat na ekspresyon ni Lexy, naglakas-loob siyang hawakan ang kamay nito. “President Black! Alam kong busy ka at marami kang ginagawa, pero nag-alala ako kay Miss Lilian nang bigla na lang siyang mahirapang huminga. Tumawag agad ako ng assistance kaya mabilis na rumesponde ang mga doktor at nurse. Pero hindi na kinaya ni Miss Lilian at kalaunan ay hinimatay siya,” paliwanag ni July. Tahimik na nakinig si Lexy, hinahayaan si July na hawakan ang kanyang kamay. Unti-unting nagdilim ang kanyang mukha sa mga sumunod na sinabi nito. “Sinabi ng doktor na habang tumatagal ay lalong humihina ang puso ni Miss Lilian. Kailangan na niya ng heart transplant sa lalong madaling panahon. Kung hindi… baka hindi na siya magising sa susunod na himatayin siya,” dagdag ni July. “Kaya tinawagan kita, President Black.” Huminga nang malalim si Lexy bago nagsalita. “Ayos lang, July. Bantayan mo si Lilian para sa 'kin,” mariin niyang sabi. “As for her heart transplant… gagamitin ko ang mga koneksyon ko para mapabilis ang paghahanap ng donor.” Halos maluha si July sa narinig. “Maraming salamat, President Black,” sabi niya bago binitawan ang kamay ni Lexy at yumuko. Pagkatapos ay pumasok muli sa ward upang bantayan si Lilian. Matapos ang usapan, naglakad palabas ng ospital sina Lexy at Raika. Habang papalabas, nagsalita si Raika. “President Black, sisimulan ko na ang pagtatanong sa mga transplant center at organ donation network para makahanap ng compatible na puso para kay Miss Lilian.” “Sige,” sagot ni Lexy, bahagyang tumango. “Subukan mo na rin maghanap sa black market organ trade. Baka may mahanap ka do’n.” Tumango si Raika at sumunod sa kanya palabas. Paglabas nila, naghihintay na ang drayber at nakaparada ang sasakyan sa labas ng ospital. Pumasok sila sa backseat, at isinara ni Raika ang pinto. Agad pinaandar ng drayber ang kotse. “Rey, sa opisina tayo,” utos ni Lexy. Sumulyap si Rey sa rearview mirror. “Masusunod, President Black.” Lumipat ang tingin ni Lexy kay Raika na abala sa cellphone nito. “Raika, asikasuhin mo ang—” Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong inilabas at sinilip ang screen. Kumunot ang kanyang noo nang makita kung sino ang tumatawag. “Tito Danilo,” saad niya pagkadikit ng cellphone sa kanyang tainga. ''Lexy! Ang pinakamamahal kong pamangkin!'' masayang bungad ng tiyuhin mula sa kabilang linya. ''Balita ko may nangyari kay Lilian. Kamusta na siya?'' Hearing her uncle’s question, agad siyang napaisip. Mukhang alam na ng matandang tuso na nakabalik na siya sa bansa. ''Ayos na siya, Tito,'' kalmadong sagot niya. ''Ganoon ba,'' sabi ni Danilo. ''Good that she's fine. By the way, sinabi sa 'kin ni Vincent na bumalik ka ng bansa nang hindi man lang ipinapaalam sa kanya. Lexy, he's your fiancé. You should have informed him. Tumawag kasi siya sa 'kin kanina at sinabi niyang nag-aalala siya sa 'yo dahil hindi mo man lang ipinaalam na nakabalik ka na. Sobrang concern siya sa 'yo.'' Sa pagbanggit pa lamang ng pangalan ng lalaking kinaiinisan niya, agad na kumunot ang noo ni Lexy. Lalong tumindi ang inis na naramdaman niya. Concern? Concern my a**,* she thought angrily. Sa kabila ng pagkairita, nanatili siyang kalmado. ''Pinaliwanag ko na kay Vincent na busy ako. Alam na niya 'yon. So—'' Hindi niya natapos ang sasabihin nang marinig ang mabigat na buntong-hininga ng tiyuhin. ''Lexy, pumunta ka ngayon sa bahay. I know you're a busy woman, pero gusto kong pumunta ka ngayon para pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Vincent.'' ''But Uncle Dan, I—'' ''Just come,'' putol nito. ''Narito si Vincent sa bahay. Kasama namin pati ang dad mo.'' Agad nitong pinatay ang tawag, na para bang sinadya upang hindi siya makatanggi. Tinitigan ni Lexy ang cellphone sa kanyang kamay bago siya napaismid. ''Ang t*r*nt*dong matandang 'yon. Alam na ngang busy ako, papupuntahin pa ako sa bahay nila para lang pag-usapan ang tungkol sa 'min ni Vincent,'' galit niyang saad. Tahimik na nakinig si Raika sa buong usapan bago nagsalita. ''Sigurado akong mangungulit na naman ang matandang 'yon na magpakasal na kayo ni Mr. Vandolf,'' komento niya. ''Ano pa nga ba?'' inis na tugon ni Lexy. Lumipat ang tingin niya sa drayber. ''Rey, sa mansyon ni Tito Danilo.'' Tumango si Rey at agad na sinunod ang utos.After a few seconds, Samuel’s expression shifted into annoyance. Itinayo niya si Lexy bago lumingon sa isa sa mga pulis na kasama niya.“Officer, ikaw na bahala sa isang ’yan. Baka kung ano pa ang magawa ko,” sabi niya.Nagulat si Lexy, pati na rin ang pulis na sumalo sa kanya.Bahagyang nainis si Lexy sa paraan ng pagtulak sa kanya ng lalaki papunta sa kasamahang pulis.“How barbaric,” she said with a pout.Lalong nainis si Samuel. “Sige na, dalhin niyo na sa presinto ang isang ’yan!” galit na utos niya.“Sandali lang, Officer,” agad na sabat ni Lexy. “Ang unfair naman na basta niyo na lang ako aarestuhin porke sinabi lang ng isa sa mga empleyado ng hotel ni Jonathan na kasabwat ako. As a matter of fact, I have a body cam with me to prove my innocence—and that I’m the victim here,” dagdag niya.Natigilan ang mga pulis, pati si Samuel na biglang sumeryoso ang mukha.“At pa’no ka naging biktima rito?” usisa ni Samuel.Nang makuha ni Lexy ang atensyon nito, napangisi siya. “Just check t
Mabilis na tumayo si Jonathan at lumingon sa waiter at kay Serenity. “Magbantay kayo sa labas,” utos niya. Agad namang sumunod ang dalawa. Nang dalawa na lamang sila, mabilis na lumapit si Jonathan kay Lexy. Lalong tumindi ang pandidiring nararamdaman niya. “Lu-lumayo ka sa ’kin! Kadiri ka!” pilit niyang iginagalaw ang katawan, ngunit hindi niya mawari kung bakit hindi siya makakilos nang maayos. Tumawa si Jonathan nang nakakaloko. Sa pagkakataong ito, naging mapangahas siya at hinila si Lexy para yakapin. Nagpumiglas si Lexy. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang matabang gurang na katulad ni Jonathan? She had already heard rumors—maraming reklamo laban kay Jonathan: sexual assault, harassment, even rape. Karamihan sa mga biktima ay sariling empleyado nito. Ngunit walang nagawa ang mga biktima, lalo na’t may koneksyon si Jonathan sa pulisya. Namula ang mga mata ni Lexy sa galit. Hindi siya papayag na balahurain ng isang tabatchoy na matandang tulad ni Jonathan. She
Mahigit isang oras na ang lumipas simula nang maglaro si Lexy ng poker. Habang siya ay masaya at kalmadong naglalaro, ang mga kalaro naman niya sa mesa ay pinagpapawisan dahil sa matinding nerbyos at pagkadismaya sa tuwing natatalo. Paano ba naman—mula simula ay si Lexy lang ang nananalo. Wala ni isa sa kanila ang nagawang talunin ang babae. Lagi silang naiisahan ni Lexy. Nagsimulang magbulungan ang mga taong nanonood sa laro. “Ang sabi marunong lang siya. Bakit parang professional poker player na siya kung maglaro?” “Aba, malay ko! Kung ikaw nagtataka, paano pa ako?!” “Kanina lang confident na confident si Mr. Kensington pati ang mga kasama niya. Akala siguro nila mapagkakaisahan nila si President Black.” Hindi na maipinta ang mga mukha ng mga kalaro ni Lexy, habang siya naman ay parang wala lang sa kanya ang lahat—kinukurot-kurot pa niya ang baywang ng lalaking staff member. Habang masaya si Lexy, hindi rin maganda ang timpla ng mukha ng staff member dahil sa panghihipo sa ka
Pagkasakay ng kotse, mabilis na pinaandar ni Rey ang sasakyan. Nilabas ni Lexy ang cellphone niya at tinawagan si Raika. Ilang segundo pa lang itong nagri-ring nang agad itong sinagot. “President Black?” “Ang galing ng timing mo, ah?” nakangising sabi ni Lexy. Sa kabilang linya, narinig niya ang pagtawa ni Raika. “Nararamdaman ko kasi ang distress signal mo mula sa opisina,” biro nito. Natawa si Lexy. “At dahil d'yan, dadagdagan ko ang yearly bonus niyo ni Rey,” sabi niya. Naging abala buong araw si Lexy dahil sa insidenteng nangyari sa construction site sa Avent Hill. Sinigurado niyang maayos ang mga manggagawa—nabigyan ng compensation at financial assistance ang mga ito pati na ang kanilang mga pamilya. Pinaimbestigahan niya kay Raika ang nangyari, at base sa resulta, walang foul play—isang purong aksidente lamang. Sa sobrang abala at focus ni Lexy sa trabaho, kahit habang kumakain ay nagbabasa pa rin siya ng mga dokumento. Hindi niya namalayan na gabi na pala nang b
Bumaba ng sasakyan si Lexy. Hindi na siya nagpasama kay Raika kahit nag-insist itong samahan siya, at sinabihan na lang niya itong dumiretso sa opisina. Pababa na sana ng kotse si Raika. “Pero, President—” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ’yo. Mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang paghahanap ng heart donor para kay Lilian,” mariin niyang utos. Wala nang nagawa si Raika kundi sumunod. Tumango siya. “Okay. Mag-iingat ka, President Black.” Pagkasabi nito, isinara ni Raika ang pinto, at mabilis na pinaandar ni Rey ang kotse papunta sa opisina. Nang mawala sa paningin ang sasakyan, tumalikod na si Lexy at naglakad palapit sa malaking kahoy na pintuan ng mansyon. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. “President Black,” magalang na bati ng isang matandang lalaki—si Armando, isa sa mga tauhan ni Danilo. Bahagya lamang siyang tumango bilang tugon. Pumasok siya sa loob habang pinagbubuksan ni Armando. “Nasa greenhouse sila. Kanina pa hinihintay ang pagdati
Sa Valcressia International Airport… Pagkalagpas sa security check, mabilis ang hakbang ni Lexy, habang agad na sumusunod sa kanya si Raika palabas ng airport papunta sa parking lot, kung saan naghihintay ang sasakyang susundo sa kanila. Pagkasakay nila sa kotse, agad itong pinaandar ng drayber patungo sa Valcressia Hope Hospital. Pagdating, mabilis na bumaba si Lexy, kasunod si Raika. Nagmadali silang pumasok, mas bumibilis ang hakbang ni Lexy habang tinutungo ang private ward. Pagdating doon, agad niyang itinulak ang pinto. Walang tao sa loob. Nagkalat ang pagkain at mga plato sa sahig, at nanunuot ang amoy ng suka sa hangin. Biglang kumabog ang dibdib niya. Inikot ni Lexy ang paningin sa buong kwarto hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon at lumapit sa lumabas. “Ate Lexy?!” gulat na sambit ni Lilian. Hindi sumagot si Lexy. Agad niyang binuhat si Lilian—bridal style—at dinala sa kama. Maingat niya itong ibinaba. Naroon ang assistant niyang si Raika







