Share

Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor
Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor
Penulis: FourStars

Chapter One

Penulis: FourStars
last update Tanggal publikasi: 2026-04-03 21:51:05

Hindi na alam ni Lexy kung saang direksyon siya papunta dahil sa matinding sakit ng ulo.

Nahihilo siya, at pakiramdam niya ay may pumupukpok sa kanyang ulo.

Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya hanggang sa napaisip siya sa kung anong kinonsumo niya kanina.

Her face darkened, murderous intent flashing in her eyes.

“Hayop ka, Vincent! I’ll kill you one day!” she cursed.

Napahawak siya sa pader at isinandal doon ang katawan niya nang biglang manghina ang kanyang mga binti. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Malalim ang paghinga niya. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam.

Alam na niya ang ibig sabihin ng mga senyales na iyon.

“Aphrodisiac… bw*sit talaga,” galit niyang bulong. Sa tindi ng pagkagat ng kanyang mga ngipin ay halos mabasag ang mga ito.

Despite her vision blurring with every passing second, she forced herself to take out her phone. Halos hindi na niya makita ang screen habang pinipindot ang isang pamilyar na numero bago idikit ang telepono sa kanyang tainga.

Ilang segundo lang ay agad na may sumagot.

“President Black?” boses iyon ng kanyang assistant.

“Raika… puntahan mo ako… kung nasaan ako… ngayon,” utos niya. “Bilisan mo!”

Iyon na lamang ang nasabi niya dahil biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Her body slowly collapsed onto the carpeted floor, and her hand lost the strength to hold the phone.

Her breathing became erratic and heavy. Her body burned.

Tuluyan nang tumatalab ang aphrodisiac sa kanyang katawan.

But what was worse than the drug taking effect… was the sound of footsteps approaching.

Mga boses ng ilang lalaki ang narinig niya sa di-kalayuan.

“Wala sa banyo ang babaeng pinapahanap ni Mr. Vandolf.”

“Kailangan natin mahanap agad ang babaeng nagngangalang Lexy Black. Kung hindi, baka maging isa tayo sa mga taong pinugutan ng ulo ni Mr. Vandolf.”

“Alam ko. Kaya bilisan na natin.”

Napakuyom ang kamao ni Lexy at pinilit niyang tumayo.

Kailangan niyang makatakas.

One hour earlier...

Lumapit ang isang waiter sa mesa dala ang isang menu. Hindi ito tinanggap ni Lexy. Bagkus, tinitigan niya ang lalaking nakaupo sa harapan niya.

“Hindi ako nagugutom—”

“Lexy, please, dine in with me. Lalo akong masasaktan kapag tinanggihan mong kumain kasama ako,” nagtatampong sabi ni Vincent, bahagyang basa ang mga mata para ipakitang nalulungkot nga ito sa pagtanggi ni Lexy.

But she remained unexpressive.

Why shouldn't she?

Alam niya kung anong klaseng lalaki si Vincent Vandolf.

A wolf in sheep's clothing.

“Mr. Vandolf, I have more important matters to attend to. At isa pa, kanina pa naghihintay sa akin si Raika. Kinukulit na niya ako na tapusin na ang trabaho ko rito para makabalik na ako ng Valcressia,” paliwanag ni Lexy.

She made up an excuse just to avoid a scheming man like Vincent. But the man sitting across from her wasn’t fazed.

“No need to be so formal, Lexy. Parang hindi naman tayo engage,” sabi ni Vincent na nakangiti. “I’m your fiancé, remember?”

Napasimangot siya sa huling sinabi nito.

Sa totoo lang, sa una hindi niya talaga maintindihan kung bakit pilit siyang kinukulit ni Vincent. But she had a pretty good guess—lalo na nang makita niya kung gaano kabilis pumayag ang tiyuhin niya sa kasunduang ipagkasundo siya kay Vincent.

Hindi naman mahirap intindihin. Magkakuntyaba ang dalawang Hudas.

Bastards always recognize their own kind, malamig niyang sabi sa isip.

“Marami pa akong kailangan gawin, Mr. Vandolf. Kaya mauuna na—”

“One glass,” he interrupted.

Tumaas ang kilay ni Lexy. Halatang hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Vincent.

Ngumiti si Vincent at agad nagpaliwanag. “Isang basong wine lang. Iyon lang ang hinihingi ko. Puwede ba?”

“Like I said, may—”

“Please?” putol niya ulit.

Napabuntong-hininga si Lexy. “Fine. Akin na.”

Agad nagsenyas si Vincent sa waiter na nakapwesto sa likuran ni Lexy. Lumapit ito at marahang ibinuhos ang wine sa dalawang baso.

Pagkabuhos, walang pag-aalinlangang kinuha ni Lexy ang isang baso at diretsong ininom ang laman nito.

“Ininom ko na. Happy?” aniya, sabay lapag ng baso sa mesa.

Ngumiti si Vincent habang pinapanood siyang ubusin ang bawat patak. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi simpleng kasiyahan—ito’y puno ng kalkulasyon at balak.

“Oo naman,” sagot niya, nananatiling nakangiti.

Tumayo si Lexy at hindi na nag-abalang magpaalam. Wala rin naman siyang dahilan para gawin iyon—lalo na’t hindi niya gusto ang lalaking kaharap. Mula pa kanina, may kung anong kutob na siya na hindi mapagkakatiwalaan si Vincent Vandolf.

Tahimik siyang pinanood ni Vincent habang papalayo. Nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin, bahagya siyang kumilos at sinenyasan ang mga tauhan niyang kanina pa nagtatago.

Isa-isa silang lumapit.

“Sir?”

“Sundan ninyo ang babaeng kasama ko kanina,” malamig na utos niya. Iniabot niya ang isang itim na key card. “Pagkatapos ninyong mahuli si Lexy, dalhin niyo siya agad sa kuwartong ’to.”

“Masusunod!”

Pagkayuko, mabilis na lumabas ng restaurant ang mga tauhan upang hanapin si Lexy.

Sa kasalukuyan, hindi na malaman ni Lexy kung nasaan siya. Anong floor, anong bahagi ng hotel, o kung paano siya napunta roon—lahat ay tila magulo sa kanyang isipan.

Mabigat ang kanyang katawan. Nahihilo. Halos hindi maigalaw nang maayos.

Pinilit niyang maglakad, halos kaladkarin ang sarili palayo—umaasang makakaiwas sa mga tauhan ni Vincent.

Hingal na hingal at nanghihina, napasandal siya sa isang pintuan. Sa natitirang lakas, mariin niya itong kinatok—sunod-sunod, walang tigil.

“May tao ba sa loob!?” mahina ngunit desperado niyang sigaw. "Kung mayroon man, pakiusap, buksan niyo yung pinto!"

Inulit niya ang pagkatok, mas malakas, mas padalos-dalos—umaasang may sasagot sa kabilang panig.

Mas nilakasan niya pa ang pagkatok. Naging paghampas na halos dahil sa taranta niya nang marinig niya ang papalapit na mga hakbang—mabibigat, mabilis, at malinaw na papalapit sa kinaroroonan niya.

Ang mga taong tumatakbo ay ang mga tauhan ni Vincent na kanina pa siya hinahanap. Kung saan-saan na sila nagpunta—sa bawat sulok ng hotel, sa bawat corridor, sa bawat floor—pero hindi pa rin nila makita si Lexy. Kaya ngayon ay halos magmadali na sila sa takbo dahil kanina pa naghihintay sa kanila si Vincent na galit na galit sa telepono at pinagmumura silang lahat.

"Ano bang ginagawa ninyo at wala pa rin si Lexy sa kwarto ko?!" galit na singhal ni Vincent sa telepono.

"Pasensiya na, sir. Hinanap na namin siya sa kung saan-saan pero—"

"Puro ka palusot!" sigaw niya. "Bilisan ninyo at hanapin ninyo si Lexy! Or else, you'll all be dead before sunrise!"

Pagkatapos noon ay agad niyang pinatay ang telepono.

Pinagpawisan ng malamig ang mga tauhan at aligagang nagmadali para hanapin si Lexy. Wala na silang pakialam kung anong gagawin ng amo nila sa babae—ang mahalaga ay mailigtas nila ang mga sarili nila.

Halos nanghihina na si Lexy. Unti-unti nang nagdidilim ang paningin niya. Pahina na rin nang pahina ang pagkatok niya sa pinto, at sa huling hampas niya, bigla na lamang itong bumukas.

Dahil sa lakas na ibinuhos niya—at sa panghihina ng katawan—pabagsak na sana siya sa matigas na sahig nang may sumalo sa kanya.

Napasinghap si Lexy.

Matibay ang brasong humawak sa kanya, mariin pero hindi masakit.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Eight

    After a few seconds, Samuel’s expression shifted into annoyance. Itinayo niya si Lexy bago lumingon sa isa sa mga pulis na kasama niya.“Officer, ikaw na bahala sa isang ’yan. Baka kung ano pa ang magawa ko,” sabi niya.Nagulat si Lexy, pati na rin ang pulis na sumalo sa kanya.Bahagyang nainis si Lexy sa paraan ng pagtulak sa kanya ng lalaki papunta sa kasamahang pulis.“How barbaric,” she said with a pout.Lalong nainis si Samuel. “Sige na, dalhin niyo na sa presinto ang isang ’yan!” galit na utos niya.“Sandali lang, Officer,” agad na sabat ni Lexy. “Ang unfair naman na basta niyo na lang ako aarestuhin porke sinabi lang ng isa sa mga empleyado ng hotel ni Jonathan na kasabwat ako. As a matter of fact, I have a body cam with me to prove my innocence—and that I’m the victim here,” dagdag niya.Natigilan ang mga pulis, pati si Samuel na biglang sumeryoso ang mukha.“At pa’no ka naging biktima rito?” usisa ni Samuel.Nang makuha ni Lexy ang atensyon nito, napangisi siya. “Just check t

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Seven

    Mabilis na tumayo si Jonathan at lumingon sa waiter at kay Serenity. “Magbantay kayo sa labas,” utos niya. Agad namang sumunod ang dalawa. Nang dalawa na lamang sila, mabilis na lumapit si Jonathan kay Lexy. Lalong tumindi ang pandidiring nararamdaman niya. “Lu-lumayo ka sa ’kin! Kadiri ka!” pilit niyang iginagalaw ang katawan, ngunit hindi niya mawari kung bakit hindi siya makakilos nang maayos. Tumawa si Jonathan nang nakakaloko. Sa pagkakataong ito, naging mapangahas siya at hinila si Lexy para yakapin. Nagpumiglas si Lexy. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang matabang gurang na katulad ni Jonathan? She had already heard rumors—maraming reklamo laban kay Jonathan: sexual assault, harassment, even rape. Karamihan sa mga biktima ay sariling empleyado nito. Ngunit walang nagawa ang mga biktima, lalo na’t may koneksyon si Jonathan sa pulisya. Namula ang mga mata ni Lexy sa galit. Hindi siya papayag na balahurain ng isang tabatchoy na matandang tulad ni Jonathan. She

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Six

    Mahigit isang oras na ang lumipas simula nang maglaro si Lexy ng poker. Habang siya ay masaya at kalmadong naglalaro, ang mga kalaro naman niya sa mesa ay pinagpapawisan dahil sa matinding nerbyos at pagkadismaya sa tuwing natatalo. Paano ba naman—mula simula ay si Lexy lang ang nananalo. Wala ni isa sa kanila ang nagawang talunin ang babae. Lagi silang naiisahan ni Lexy. Nagsimulang magbulungan ang mga taong nanonood sa laro. “Ang sabi marunong lang siya. Bakit parang professional poker player na siya kung maglaro?” “Aba, malay ko! Kung ikaw nagtataka, paano pa ako?!” “Kanina lang confident na confident si Mr. Kensington pati ang mga kasama niya. Akala siguro nila mapagkakaisahan nila si President Black.” Hindi na maipinta ang mga mukha ng mga kalaro ni Lexy, habang siya naman ay parang wala lang sa kanya ang lahat—kinukurot-kurot pa niya ang baywang ng lalaking staff member. Habang masaya si Lexy, hindi rin maganda ang timpla ng mukha ng staff member dahil sa panghihipo sa ka

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Five

    Pagkasakay ng kotse, mabilis na pinaandar ni Rey ang sasakyan. Nilabas ni Lexy ang cellphone niya at tinawagan si Raika. Ilang segundo pa lang itong nagri-ring nang agad itong sinagot. “President Black?” “Ang galing ng timing mo, ah?” nakangising sabi ni Lexy. Sa kabilang linya, narinig niya ang pagtawa ni Raika. “Nararamdaman ko kasi ang distress signal mo mula sa opisina,” biro nito. Natawa si Lexy. “At dahil d'yan, dadagdagan ko ang yearly bonus niyo ni Rey,” sabi niya. Naging abala buong araw si Lexy dahil sa insidenteng nangyari sa construction site sa Avent Hill. Sinigurado niyang maayos ang mga manggagawa—nabigyan ng compensation at financial assistance ang mga ito pati na ang kanilang mga pamilya. Pinaimbestigahan niya kay Raika ang nangyari, at base sa resulta, walang foul play—isang purong aksidente lamang. Sa sobrang abala at focus ni Lexy sa trabaho, kahit habang kumakain ay nagbabasa pa rin siya ng mga dokumento. Hindi niya namalayan na gabi na pala nang b

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Four

    Bumaba ng sasakyan si Lexy. Hindi na siya nagpasama kay Raika kahit nag-insist itong samahan siya, at sinabihan na lang niya itong dumiretso sa opisina. Pababa na sana ng kotse si Raika. “Pero, President—” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ’yo. Mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang paghahanap ng heart donor para kay Lilian,” mariin niyang utos. Wala nang nagawa si Raika kundi sumunod. Tumango siya. “Okay. Mag-iingat ka, President Black.” Pagkasabi nito, isinara ni Raika ang pinto, at mabilis na pinaandar ni Rey ang kotse papunta sa opisina. Nang mawala sa paningin ang sasakyan, tumalikod na si Lexy at naglakad palapit sa malaking kahoy na pintuan ng mansyon. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. “President Black,” magalang na bati ng isang matandang lalaki—si Armando, isa sa mga tauhan ni Danilo. Bahagya lamang siyang tumango bilang tugon. Pumasok siya sa loob habang pinagbubuksan ni Armando. “Nasa greenhouse sila. Kanina pa hinihintay ang pagdati

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Three

    Sa Valcressia International Airport… Pagkalagpas sa security check, mabilis ang hakbang ni Lexy, habang agad na sumusunod sa kanya si Raika palabas ng airport papunta sa parking lot, kung saan naghihintay ang sasakyang susundo sa kanila. Pagkasakay nila sa kotse, agad itong pinaandar ng drayber patungo sa Valcressia Hope Hospital. Pagdating, mabilis na bumaba si Lexy, kasunod si Raika. Nagmadali silang pumasok, mas bumibilis ang hakbang ni Lexy habang tinutungo ang private ward. Pagdating doon, agad niyang itinulak ang pinto. Walang tao sa loob. Nagkalat ang pagkain at mga plato sa sahig, at nanunuot ang amoy ng suka sa hangin. Biglang kumabog ang dibdib niya. Inikot ni Lexy ang paningin sa buong kwarto hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon at lumapit sa lumabas. “Ate Lexy?!” gulat na sambit ni Lilian. Hindi sumagot si Lexy. Agad niyang binuhat si Lilian—bridal style—at dinala sa kama. Maingat niya itong ibinaba. Naroon ang assistant niyang si Raika

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status