Kumabog ang puso ni Taliyah nang mabungaran niya ang matalim na titig ng kanyang ama.
"One of my Amigos saw your husband with other woman! What's happening, Taliyah?" Mababanaag ang iritasyon sa tinig nito. "Ginagawa mo ba talaga ang parte mo bilang asawa?"
Napalunok si Taliyah.
"Dad," anas niya sa kinakabahang tinig.
"Hindi magloloko ang asawa mo kung wala kang pagkukulang." Bago pa muling makapagsalita si Taliyah ay muling umingos ang kanyang ama nang mapansin nito ang kanyang suot.
"At ano 'yang hitsura mo? Hindi ka mukhang Mrs. Villaron, nagmumukha kang maid ni Max. Ayusin mo naman ang sarili mo, Taliyah! Nakakahiya sa pamilya Villaron at sa mga Amigos ko."
Napayuko na lamang si Taliyah.
"Yes, Dad. Sorry po."
Napabuntong-hininga ang matanda.
"By the way, I heard you got hospitalized? Anong nangyari? Anong kaartehan iyon?"
Tila sinaksak ang puso ni Taliyah. Sumulat-sapul ay tila wala nang pakialam ang ama nila sa kanya ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan. Kung kanina, nasaktan siya sa nadatnan sa loob ng bahay, ngayon naman ay nadudurog ang puso niya sa asta ng kanyang ama.
Muling bumuntong-hininga si Gordon Cosme.
"Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo? Mas bagay talaga sa ate mo ang posisyon na 'yan. Ang layo mo sa ate mo. Ang ate mo, matalino at maraming achievements sa buhay."
Noon na naputol ang pisi ng pagtitimpi ni Taliyah. Napakuyom siya ng kamao kasabay nang pag-angat niya ng tingin. Hindi nito nagawang maikubli ang namumula niyang mata dahil sa pigil na pag-iyak.
"Matagal ko ng alam 'yan, Dad. Hindi niyo po kailangang ipamukha sa'kin. Simula pagkabata, hindi ka pumalyang ipamukha sa akin na wala akong kwenta."
Nagbagting naman ang ngipin ng kanyang ama sa narinig.
"At nagagawa mo akong sagutin ngayon?"
Bago pa muling makahuma ang kahit sinuman sa kanila ay tumikhim ang katulong na si Cedes.
"Mawalang-galang na ho, sir, pero kauuwi lang ni Ma'am Taliyah galing sa hospital. Baka po pwedeng hayaan niyo na muna siyang magpahinga."
Tumalim ang titig ng matanda bago ito muling bumaling sa kanyang anak.
"Fix yourself. Do your part as wife of Rothus! Dala mo ang apelyido ng mga Cosme kaya huwag kang gumawa ng kahihiyan!" Mariing turan nito bago humakbang paalis ng bahay.
Nang tuluyang makalabas ang kanyang ama sa pinto ay noon na kumawala ang pinipigilang luha ni Taliyah.
"Manang," anas niya kasabay ng kanyang pagluha. Kaagad naman siyang dinaluhan at niyakap ng matandang katulong.
"Mahirap ba akong mahalin, manang? Pati sa sarili kong pamilya, wala akong halaga."
Hinagod ng matanda ang kanyang likod upang iparating ang kanyang simpatiya.
"Ito ba ang parusa ko dahil bunga ako ng kasalanan o dahil nagkaroon din ako ng mabigat na kasalanan?"
Kumawala siya sa pagkakayakap sa katulong bago siya muling nagsalita.
"Sumpa man, manang, pinagsisisihan ko po ang nagawa ko. Hindi ko iyon sinasadya."
Humawak naman ang matanda sa pisngi nito.
"Tahan na sa pag-iyak, ineng. Hindi ko alam ang buong kwento ng buhay mo, ineng ngunit sa sandaling panahon na nakilala kita, nakita ko kung gaano ka kabuting tao." Kitang-kita ang sinseridad sa mga mata ng matanda kasabay ng marahang pagpunas nito sa kanyang pisngi.
"Salamat po, manang."
"Kung gano'n man ang trato nila sa'yo, hindi mo na kasalanan iyon, kasalanan nila iyon dahil bulag sila para hindi makita ang iyong halaga."
Mabuti pa ay merong Manang Cedes sa mundo ni Taliyah. Labis niya iyong ipinagpapasalamat dahil kahit papaano ay nagkaroon siya ng sandalan, nang maiiyakan at mayayakap.
"Mabuti pa, magpahinga ka muna. Kagagaling mo lang sa hospital, baka mabinat ka."
Kaagad na tinuyo ni Taliyah ang natitirang luha sa kanyang pisngi. Aniya sa sarili, matapos niyang mailabas ang sama ng kanyang loob ay kailangan na niyang magpakatatag. Lalo na ngayon at magiging nanay na siya.
"Ayos lang po ako, manang. Huwag po kayong mag-alala sa'kin. At saka baka po umuwi rin maya-maya si Rothus. Magluluto po ako ng paborito niyang chicken curry."
"Ikaw talagang bata ka! May sakit ka na nga, si Rothus pa rin ang iniisip mo."
"Gusto ko po kasing pag-uwi ni Rothus, may mauuwian siyang pagkain na niluto ko."
Napabuntong-hininga ang matanda.
"Napakasuwerte ng alaga ko at ikaw ang napangasawa niya. Sana sa pinakamadaling panahon ay makita na rin niya ang tunay mong halaga."
Napangiti na lamang ng mapait si Taliyah sa tinuran ng matandang katulong. Aniya, darating pa kaya ang panahon na iyon?
Hindi na nga napigilan ni Cedes si Taliyah sa paghahanda ng pagkain. Ngunit mukhang nagsayang lamang ng pagod ang babae dahil pasado alas-dose na nang gabi ngunit hindi pa dumarating ang taong kanyang ipinagluto.
"Gabi na ineng, matulog ka na." Hindi naiwasang maawa ng matanda kay Taliyah nang makita niyang gising pa ito. Halos papikit na ang mga mata nito sa kahihintay ng kanyang mister.
"Hintayin ko lang po si Rothus, manang."
Napabuntong-hininga na lamang ang matanda.
"Oh siya, alam kong hindi rin naman kita mapipigilan."
Nang tuluyang humakbang palayo ang katulong ay muling napasandal ng kanyang ulo si Taliyah sa headboard ng sofa. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Cedes nang lingunin niya ito. Napailing na lamang ang matanda nang makita nitong antok na antok na ang kanyang amo.
Ang inaantok na diwa ni Taliyah ay tila nagising nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng humintong sasakyan. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at kaagad na tinungo ang pinto ng sala upang buksan iyon. At hindi nga siya nagkamali ng hinala dahil sa pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Rothus na pasuray-suray dahil sa labis na kalasingan.
"Rothus!" Nagawa niyang masalo ito nang muntikan itong matumba sa harap niya. Umungol naman ang lalaki kasabay ng pagsubsob nito sa leeg ng kanyang misis.
"You smell familliar." Suminok pa ito kasabay ng muli niyang pagsinghot sa leeg ni Taliyah.
"Tara na sa loob." Inilayo ni Taliyah ang kanyang leeg nang maramdaman niya ang nakakakiliting bigote ng kanyang mister. Kunot-noo namang nag-angat ng tingin ang lalaki. Ilang sandali niyang tinitigan ni Taliyah bago ito nagsalita.
"Oh! It's you!" Dinuro siya nito sa dibdib.
"Oo, ako 'to. Tara na sa kwarto natin." Mahinahon namang turan ng babae kasabay nang marahan nitong paghila sa kanyang papasok ng bahay. Tila masunuring bata naman na nagpahila ang kanyang mister habang akay-akay niya ito sa kanyang balikat.
Nang tuluyang silang makalapit sa kanilang kama ay kusang itinumba ni Rothus ang kanyang sarili. Hindi naman siya nagawang bitiwan agad ni Taliyah dahilan upang matumba siya sa ibabaw ng kanyang mister. Wala na siyang magawa kundi impit na lamang na mapatili. Naramdaman niya ang pagkayap sa kanya ng kanyang mister dahilan upang lalo siyang mapasubsob sa dibdib nito.
Namayani ang katahimikan. Tanging paghinga lamang nila ang maririnig sa loob ng silid. Hindi mawari ni Taliyah kung gaano sila katagal sa posisyong iyon. Tila ba tumigil ang inog ng kanyang mundo at linamon siya ng malakas na pintig ng kanyang puso.
"I don't want to go home." Mahinang sambit ni Rothus kasabay ng unti-unting pagluwag ng yakap nito sa kanya. Nang mag-angat ng tingin si Taliyah ay noon niya nalamang nakapikit ang kanyang mister. At tila nawasak ang puso niya sa sunod nitong sinambit.
"I don't want to see my wife." Namait ang panlasa ni Taliyah kasabay no'n ay ang pagtulo ng kanyang luha. Pumatak iyon sa pisngi ni Rothus. Nagmulat ng mata ang kanyang mister. Kaagad nagtama ang kanilang paningin.
"Rothus." Mabilis niyang pinunas ang kanyang luha. Unti-unting namang nangunot ang noo ng kanyang kabiyak.
"Taliyah?" Mabilis itong bumangon sa pagkakahiga.
"Stay away from me!" Itinulak niya ito sa kanyang dibdib at tila ba napapaso itong lumayo sa kanya.
"Rothus."
"Stay away! Ayokong makita ka!"
Naramdaman ni Taliyah ang paghapdi ng kanyang mga mata. Gumuhit ang pait sa mga mata nito ngunit tila naman hindi natinag ang kanyang mister.
"Nagsisisi ako na pinakasalan kita, Taliyah!"
Nadurog ang puso ni Taliyah sa sa narinig. Tuluyang bumagsak ang luha ni Taliyah.
"Kapareho ka rin nila. Wala ka nang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin na wala akong halaga."
Napakurap naman ang lalaki sa inasta nito. Unti-unting lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Alam ko nagkasala ako pero hindi ko 'yon sinasadya. Aminado naman akong may kasalanan ako pero kung tratuhin mo ako para bang ako na ang pinakamasama at pinakamaruming babae sa mundo."
Bago pa makaimik si Rothus ay mabilis na humakbang ang mga paa ni Taliyah palabas ng silid.
Mayroong bahagi sa puso ni Rothus na gusto niyang sundan ang kanyang misis. Ngunit sa huli, nangibabaw ang kanyang pride at nanatili na lamang sa kanilang silid. Aniya, babalik din si Taliyah roon. Ngunit hanggang sa ginupo siya ng antok ay hindi na niya muling nakita kahit ang anino man lang ng kanyang misis. Nang magising siya kinabukasan ay walang bakas ng presenya ni Taliyah sa loob ng silid. Napabutong-hininga na lamang siyang bumangon at tinungo ang kusina. Awtomatiko niyang iginala ang kanyang paningin. Nahanap ng kanyang mga mata si Cedes na nagtitimpla ng kape.
Nasa'n si Taliyah?
Kahit mayroon silang nakatulong ay nasanay siyang ang misis niya ang gumagalaw sa kusina.
Bago siya makaimik ay naagaw ng ng atensiyon niya ang tinig.
"Manang, tapos na po itong niluluto ko." Boses iyon ni Taliyah. Nagmumula iyon sa cooking area ng bahay. Awtomatikong napunta roon ang kanyang tingin. Ilang sandali lamang ay lumabas sa pinto ang may-ari ng boses. Nakasuot ito ng kulay peach na ternong pajama pinatungan nito ng apron. Kaagad nagtama ang kanilang paningin.
"Sige, halika na rito nang makakain na kayo. Ako na ang bahalang maghain niyan," turan naman ng katulong. Tila naman hindi nito napansin ang kanilang pagtitigan dahil kaagad nitong tinungo na cooking area.
Walang umimik sa kanilang dalawa. Nanatili silang nakatitig sa isa't-isa. Nang makaramdam ng pagkailang si Taliyah ay siya na ang unang nagbawi ng tingin. Tumikhim din ito bago nagsalita.
"Iyong nangyari kagabi, huwag mo nang masyadong intindihin 'yon." Gumuhit ang nahihiyang ngiti sa labi nito. Hindi naman inalis ni Rothus ang tingin sa kanya.
"Let me understand you, Taliyah," turan nito sa mababang tinig dahilan upang awtomatikong napatitig ang babae sa kanya. Tila sumilay ang pag-asa sa puso nito nang makita niya ang malamlam nitong titig sa kanya. Ngunit agad rin naglaho ang pag-asang iyon sa sunod nitong tinuran.
"Tell me who's the father of your child."
Hindi napigil ni Max Rothus ang pangiliran ng luha nang pumasok sa loob ng simbahan ang babaeng nakasuot ng ballgown wedding dress. "Huwag ka nang umiyak, Hijo. Hindi ka tatakbuhan ni Taliyah. At saka kapag tinakbuhan ka niya, sigurado namang gagawa ka ng paraan para mapalapit ka sa kanya. Hangga't may alak na nakakalasing, may paraan ka rin." Biro sa kanya ng kanyang inang si Valerie dahilan upang mapangiti na rin siya. "Mommy naman eh." Hindi niya naiwasan ang namula. "Oh hindi ba totoo? Naglasing ka noon at kunwari naligaw sa inuupahan niyang bahay?" "Fine, mom. I admit it. Ginawa ko 'yon kasi ayokong mawala siya sa'kin, dahil mahal ko siya." Hindi rin napigil ni Taliyah ang mapangiti nang tuluyan siyang makalapit Kay Rothus Villaron. Matikas at napakakisig ng lalaking kanina pa nakatingin sa kanya habang tinatalunton niya ang altar. "Take of my daughter." Iyon ang tipid na bilin ni Gordon Cosme ngunit alam nilang galing iyon sa puso. Kung mayroon na sigurong magandang
Mula sa balkonahe ng hotel room at tanaw ni Taliyah ang banayad na alon ng dagat. Kahit papaano ay naging kalmante ang isip niya sa bagay na ilang buwan na ring gumugulo sa kanya. "Taliyah?" Agad na napalingon sa pinagmulan ng tinig si Taliyah. Mula sa pinto patungo sa balkonahe ng hotel room na okupado nila ay lumabas si Rothus Villaron. Magulo ang buhok nito at tila ba naging gising lang. Gayunpaman ay napakisig pa rin ng lalaki. Well, wala naman yata itong pangit na angulo. Tanging sando at boxer lamang ang suot nito dahilan upang makita ang matipuno nitong mga braso at magandang body built. Hindi lamang napakagwapo ng lalaki kundi nakakalaway din ang katawan nitong tila alaga sa gymn. "Ba't gising ka pa?" Malambing ang tinig ng lalaki. "Gabi na, dapat matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas, remember?" Pumulupot ang kamay nito sa kanyang beywang. "Do you want me to massage you, hmm?" Agad namang umiling si Taliyah. "Hindi na. Lumabas lang ako para lumanghap ng sariwang
Napatitig si Max Rothus Villaron sa tatlong taong gulang na lalaki na naglalaro ng bola sa bakuran ng isang bungalow house. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang huli niyang makausap si Taliyah sa sementeryo. Kinabukasan matapos ang pag-uusap nila ay kaagad niyang kinontak ang pinagkakatiwalan niyang private investigator upang alamin ang lokasyon ng kanyang misis. Wala pang bente-kwarto oras ay nalaman na niya kung saan ito nakatira ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas ng loob na lumapit sa pintuan ng tahanan nito at kumatok. Tumutugma naman ang kwento ni Taliyah kung saan natagpuan ng otoridad ang kanyang ama. Nakakulong ito sa isang abandonadong bahay sa gitna ng gubat. Bukod sa mga galos nito ay mayroon din itong tama ng baril. Halos wala na itong buhay nang ma-rescue ng mga pulis. Nanatili itong walang malay ng tatlong araw at nang magkamalay ay wala itong ibang maging bukambibig kundi ang kanyang nalalapit na kasal. "Dad, pwede ba? Huwag niyo na munang inti
Hindi maampat ang luha ni Taliyah Cosme. Iyon ang kanyang unang karanasan. Bukod sa masakit ang kanyang maselang bahagi ay tila ba madurog rin ang kanyang puso at kaluluwa. Sa isang iglap ay nawala ang isang bagay na labis-labis niyang pinakaiingatan. Hindi naman niya masisi si Maximillano dahil pareho lamang silang biktima. Oo nga at pumayag siyang gawin nila iyon ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang madiri sa sarili. Tanging sila na lamang ni Maximillano ang nasa loob ng silid. Nasa labas ng silid ang dalawang kawatan at doon ay abala sa pag-iinuman. Pangalawang araw na mula nang mangyari ang insidente, pagkatapos mangyari iyon ay iniwan sila ng dalawang lalaki sa silid. Matapos siyang kalagan ni Maximillano nang gabi ring iyon ay wala na siyang ginawa kundi ang pangilidan ng luha. Binibigyan naman sila ng makakain ngunit tila ba pati kumain ay nawalan na siya ng gana. "Taliyah, I'm sorry." Mahinang turan ni Maximillano. "Patawarin mo ako." Nag-iwas ng tingin si Taliyah sa lal
"Hindi kita iiwan!" Umiling-iling si Taliyah. "Pakiusap, iwan mo na ako. Pareho tayong mapapahamak kung---" hindi na natapos ni Maximillano ang kanyang sasabihin nang ipalo ng lalaki ang baril sa kanyang ulo. Napadukdok ito sa sahig at napadaing."Peste kang matanda ka! Nabali yata kamay ko dahil sa ginawa mo!" Hinilot ng lalaki ang kanyang kamay. "Max!" Hindi na napigil ni Taliyah ang mapaluha dahil sa awang nadarama para kay Maximillano."Takte naman 'to!" Nagkamot ng ulo ang lalaking kalalabas lamang ng sasakyan. "Umalis ka na, Liyah! Tumakbo ka na!" "Tumahimik kang matanda ka!" Sinipa nito si Maximillano dahilan upang lalo itong dumaing."Please, tama na po. Huwag niyo na pong saktan ang kasama ko. Hindi po ako tatakbo.""Aba! Dapat lang! Dahil sa oras na ginawa mo 'yan, wasak ang ulo nitong kasama mo." Nangggalaiti nitong itinutok sa sentido ni Maximillano ang baril ."Hindi po ako tatakbo" Sumpa ni kasabay nang paglapit niya kay Maximillano."Dapat umalis ka na lang. Dapat i
Hindi naging hadlang kay Maximillano Villaron ang kanyang natuklasan. Nagpatuloy pa rin siya sa pagiging regular na costumer ng coffee shop ni Taliyah. Halos gabi-gabi siyang nagpupunta roon. May mga pagkakataong kahit business meeting ay doon na rin ginagawa. "Nandito ka po ulit." Nakangiting turan ni Taliyah. Pasado alas tres na ng madaling araw at buong akala niya ay hindi na darating ang lalaki. Lalo pa at dumaan ito roon nang pasado alas diyes ng umaga. "Kasi kailangan mo ng costumer." Nakangiting wika ng lalaki. "Salamat po. Pero hindi niyo naman po ako kailangang tawagin ng po. Parang namang hindi ako makisig niyan.Just call me Max, please." Umupo ito sa paborito niyang pwesto. Nanatili namang walang kakilos-kilos si Taliyah sa kanyang kinatatayuan. "Oh? Ba't nakatingin ka sa'kin ng ganyan? Totoo naman, 'di ba? Pangalan pa nga lang, makisig na, 'di ba? Bagay na bagay sa mukha ko," sunod na biro ng lalaki. Napangiti na lamang si Taliyah Cosme. Anang isipan ni Taliya