Share

Chapter 4

Isa lamang ang tumatakbo sa isip ni Taliyah, hindi pwedeng malaman ni Rothus kung sino ang ama ng bata dahil tiyak na lalo siya nitong kamumuhian.

"Tell me who, Taliyah." Mahinahong turan nito. 

Umawang ang labi ni Taliyah upang magsalita sana ngunit bago pa lumabas ang kahit anumang salita sa kanyang bibig ay nakuha ng atensiyon nila ang malakas na katok sa pinto. Sinundan iyon ng malakas na sigaw.

"Hayop ka, Max! Lumabas ka diyan! Harapin mo ako!" 

Nanlaki ang mga mata ni Taliyah nang makilala niya kung sino ang may-ari ng tinig. Nagtangis naman ang bagang ni Rothus nang mapagsino nito kung sino ang kumakalampag ng pinto. Wala itong sinayang na sandali. Kaagad itong humakbang patungo sa pinto. Kumabog naman ang dibdib ni Taliyah, kaagad niyang sinundan ang kanyang mister upang mapigilan ang nagbabadyang gulo.

"That Bastard! What is he doing here again?" Mabilis ang bawat hakbang nito. Halos tumakbo na si Taliyah masundan lamang agad ang kanyang mister. 

"Please kumalma ka, Rothus." Sandaling liningon ni Rothus ang kanyang misis dahilan upang makita nito ang kanyang matalim na titig. 

"Huwag na huwag kang magkakamaling kampihan ang lalaking 'yon, Taliyah!" Mariing banta nito. Hindi naman naiwasan ni Taliyah ang mapalunok. Bigla niyang naalala ang dahilan ng huling pananakit nito sa kanya. 

"Lumabas ka diyan Max! Hayop ka!" Muling kinalampag nito ang pinto ng bahay. Nagngangalit naman na binuksan ni Rothus ang pinto. Ngunit bago pa siya makahuma ay dumapo sa pisngi niya ang malakas na suntok.

"Rothus!" Tili ni Taliyah.

"Damn you!" Sigaw ni Rothus sa bagong dating habang sapo-sapo nito ang kanyang pisngi.

"No, Max! Para sa'yo ang salitang 'yan! Actually, Kulang pa nga ang salitang damn you! Hayop ka! Tarantado ka!" Nanggagalaiting kinuwelyuhan siya nito.

"Tama na, Marcus." Tinig iyon ni Taliyah. Nang lingunin siya ng lalaki ay kitang-kita nito ang pagmamakaawa sa mata ng babae. Sinamantala naman ni Rothus na nasa iba ang tingin nito. Itinulak niya ito ng malakas. Nang mabitiwan siya nito ay kaagad niya itong sinipa sa kanyang sikmura. Muntikan itong matumba sa damuhan ngunit nagawa nitong mabawi ang kanyang balanse. 

"Akala mo aatrasan kita? Ang kapal ng mukha mong sumugod dito!" Muling humakbang palapit si Rothus kay Marcus ngunit bago pa siyang tuluyang makalapit ginantihan rin siya ni Marcus ng sipa. 

"Rothus! Marcus!" Hiyaw ni Taliyah ngunit tila walang narinig ang dalawa. 

"Huh! Akala mo ba papatalo ako sa'yo?"

"At lalo naman ako!"Nanlisik ang mga mata ni Rothus nang muli siyang sumugod kay Marcus. Binigyan niya ito ng suntok sa mukha. Hindi iyon nailagan ng lalaki ngunit nagawa naman niyang hablutin ang kanyang kwelyuhan.Ginamit niya ang kanyang lakas upang maibalibag ito.

"Ano ba kayo! Tama na 'yan!" Muling saway ni Taliyah. 

Ngunit walang nagpatinag sa kanila. Muling sumugod ni Marcus ngunit nagawa siyang sipain ni Rothus dahilan para matumba ito. Ngunit sadyang walang gustong magpatalo. Nag-unahan sila sa pagtayo at kaagad na sumugod sa isa't-isa. 

"Tama na, please. Tumigil na kayo!"

Nagpalitan sila ng suntok na tila walang naririnig. Pareho lamang silang tumigil nang pareho silang bumagsak. Pareho nilang habol ang kanilang hininga. Pareho rin silang may putok sa gilid ng kanilang labi. At kita rin ang gasgas sa kanilang mga pisngi. Sinamantala naman ni Taliyah na pareho silang nakasalampak sa damuhan. Kaagad siyang nagtungo sa pagitan ng dalawa.

"Parang awa niyo na, tama na."

Napabuntong-hininga si Marcus.

"Kung 'di naman kasi tarantado ang gagong 'yan, wala sanang gulo."

Nailing naman si Rothus sa tinuran ni Marcus.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan? Samantalang ikaw 'tong sumugod dito sa bahay ko!"

Tumayo si Marcus na nagtatangis naman ang bagang.

"Dahil hindi na tama ang ginagawa mo, Max! Sumosobra ka na! Nagagawa mo na ngang mambabae, ikaw pa itong nananakit!"

Umigting naman ang panga ni Rothus. Tumayo rin ito at mariin siyang tinitigan.

"Walang kang pakialam! Stop interfering into my life, Marcus!"

Napakuyom naman ng kamao ang lalaki .Sinalubong nito ang kanyang tingin. Sinubukan nitong humakbang palapit kay Rothus ngunit nagawang hawakan ni Taliyah ang kanyang braso dahilan upang mapatigil.

"Please, Marcus." Kita ang pagsusumamo nito. 

"This is only between married couple, Marcus. Huwag ka nang makialam dahil labas ka sa isyu namin." 

Muling namang napabaling si Marcus kay Rothus.

"Hindi sana ako makikialam kung tama ang ginagawa mo. Stop hurting Liyah! Kung ayaw mo sa kanya, ibigay mo siya sa'kin!"

Lalo namang imigting ang panga ni Rothus sa tinuran ng lalaki.

"Taliyah is mine, Marcus! And you will never get her from me!"

"Pwes, treat her right! Kundi mapipilitan akong gumawa ng paraan para ilayo siya sa'yo!"

Dinuro ni Rothus ang kaharap.

"Don't you ever dare!" Mariing banta niya ngunit hindi naman nagpakita ng kahit katiting na takot ang kanyang kaharap.

"I WILL DARE." Mariin at mabagal nitong turan. Tila lalo namang nainis si Rothus. Humakbang ito palapit sa kanya ngunit nagawang humarang ni Taliyah.

"Tama na, Marcus. Umuwi ka na, please." Puno ng pagsusumamo ang mga mata ng babae. Napabuga naman ng hangin si Marcus upang timpihin ang kanyang sarili.

"Mag-usap tayo saglit, Liyah." Binigyan siya nito ng nagmamakaawang tingin. Bago pa makaimik si Taliyah upang tumanggi ay nagsalita si Max Rothus.

"Go, Taliyah, talk him. I will give you time to bid your goodbye to him. Sabihin mo sa kanyang na huwag na siyang umepal pa."

Bago pa makaimik ang kahit sinuman sa kanila ay humakbang na papasok ng bahay si Rothus Villaron. Tanging pagsunod na lamang ng tingin ang nagawa ng dalawa.

"Anong ibig niyang sabihin, Liyah?"

Muling bumaling si Taliyah sa lalaki. Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito.

"Pasensya ka na, Marcus. Kailangan na nating putulin kung anong meron tayo. Nangako ako kay Rothus na hindi na ako makikipagkita sa'yo."

"Iyon ba ang rason kung bakit ka niya sinaktan at isugod ka sa hospital?" 

Hindi umimik si Taliyah. Napayuko na lamang siya. Hindi naman siya makakapasinungaling dahil alam nito ang pananakit na ginagawa ni Rothus sa kanya.

"Ang babaw niya para saktan ka dahil lang hinayaan mo akong dalawin ka dito sa bahay niyo. Kapag nagharap kami ulit, masasapak ko ulit ang gagong 'yon! O kung 'di ako makapagtimpi, baka mapapatay ko na ang hayop na 'yon!"

"Pasensya ka na, Marcus. Pero sana huwag ka nang makialam."

"Liyah, you are important to me. Hindi ko maaatim na manahimik na lang."

"Pakiusap, Marcus. Pagbigyan mo sana ako."

Napailing na lamang si Marcus sa kamartiran ng kanyang kaharap.

"Ipapaalam ko 'to kay Tita Valerie. For sure, Tita will not tolerate this."

"Please, huwag. Ayokong magkaroon sila ng hidwaan dahil sa'kin."

"Pero Liyah---" Bago pa niya maipahayag ang pagtutol ay muling nagsalita si Taliyah.

"Ayos lang ako, Marcus. Kaya ko pa. Salamat sa pag-aalala mo, pero ayos lang ako."

Muli na lamang napailing si Marcus.

"Maawa ka naman sa sarili mo, Liyah. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa lalaking tulad niya. You deserve someone better than him."

"Huwag kang mag-alala, kapag ramdam kong hindi ko na kaya, agad akong susuko. Lahat ng bagay may hangganan, Marcus. Pero sa ngayon, gusto ko munang magtiis baka sakaling may mahintay din akong pagmamahal mula sa kanya. Ipaubaya mo na sa akin 'to, please. 

Napabuga na lamang ng hangin si Marcus.

"Hintayin ko ang araw ng pagsuko mo, Liyah."

Binigyan naman siya Taliyah ng tinging tila nagpapasalamat.

"Actually, hindi lang ako maghihintay, Liyah. Ipagdadasal ko ring sana maisipan mo na ring iwan siya. Sana sa lalong madaling panahon ay ma-realize mo hindi deserve ni Max ng pagmamahal mo."

Nangislap ang mga mata ni Taliyah. Tila anumang oras ay maluluha siya dahil sa ipinapakitang malasakit sa kanya ni Marcus. Ngunit kailangan niyang mamili. Tanga na kung tanga pero si Rothus ang kanyang pipiliin.

"Sige na, Marcus. Umalis ka na. Paalam, Marcus. Maraming salamat sa lahat."

Pinigil naman ng lalaki ang mapaluha dahil sa hapding nadarama ng kanyang puso. 

"Hindi ako magpapaalam, Liyah. Didistansiya ako kasi hiling mo pero hindi ako lalayo. Kung sakaling kailanganin mo ako, alam mo kung paano mo ako kokontakin."

Tanging tango na lamang ang naisukli ni Taliyah. Hindi na niya nagawang magsalita. Pakiramdaman niya kasi ay pipiyok siya sa oras na ibinuka niya ang kanyang bibig.

"Tandaan mo, I will always be here for you." 

"Salamat." Mahinang usal ni Taliyah. Nang humakbang paalis si Marcus ay pinanood na lamang niya ito. Muli pa siyang nilingon ng lalaki bago nito paandarin ang kanyang sasakyan.

"Sorry, Marcus. Patawarin mo ako." Mahinang usal niya kasabay ng pagkahulog ng kanyang luha. Masakit sa kanya ang magpaalam dito ngunit kailangan. Gagawin niya iyon para sa kanyang pinakamamahal na asawa. Nang tuluyang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay kaagad niyang pinunas ang luha sa kanyang pisngi. Matapos iyon ay kaagad siyang pumasok sa loob sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang mister sa kanilang silid. Nakasandal ito sa sofa. Sa kaharap nitong center table ay nakapatong ang first aid kit. 

"Rothus."

Sandali namang bumaling sa kanya ang lalaki ngunit sinimangutan lamang siya nito.

"Ako na ang gagamot sa sugat mo." Nang hindi umimik ang lalaki ay kaagad siyang lumapit at umupo sa tabi nito. Ilang sandali siya nitong tinitigan bago ito nagpasyang umimik.

"Ginamot mo rin ba 'yong sugat niya?"

"Hindi. Nag-usap lang kami." Umangat ang kamay ni Taliyah upang idampi ang sa pisngi ni Rothus ang hawak niyang cold compress. Hinayaan naman siya nito. 

Namayani ang sandali katahimikan. 

Ipinagpatuloy ni Taliyah ang ginagawa kahit ramdam niya ang titig sa kanya ng kanyang mister. Natigil lamang siya nang hawakan ni Rothus ang kanyang kamay. Nang magtama ang kanilang mga mata ay binibigyan siya nito ng malamlam na tingin.

"Tell me, Taliyah, is it Marcus?"

Nangunot naman si Taliyah.

"Tell me, ang pinsan ko ba ang ama ng anak mo?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status