Home / Romance / Dead Once, Loved Twice / Chapter 2: Remembering

Share

Chapter 2: Remembering

Author: Schuyler
last update publish date: 2026-10-27 15:07:36

“ROMAN!”

Isang sigaw ang kumawala kay Ella habang bigla siyang napabangon sa kama.

Mabilis ang tibok ng kanyang puso, at nanginginig ang buong katawan na parang patuloy pa rin siyang nahuhulog sa walang hanggang dilim.

Binitawan niya ako. Binitawan ako ni Roman.

Natigilan si Ella mula sa kanyang pagkakalito.

Sa halip kasi na matutulis na bato, malambot na kumot ang hawak ng kanyang mga kamay. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa paligid.

Isang pamilyar na silid ang bumungad sa kanya.

What the hell?

Hindi ito ang silid niya sa bahay nila ni Roman.

Hindi rin ito ospital.

Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin sa paligid.

Ang mga kurtina na may disenyong bulaklak na asul. Ang lumang mesa sa tabi ng bintana. Ang punong-punong estante ng mga aklat na naglalaman ng kanyang mga paboritong nobela.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Hindi. Hindi maaaring mangyari ito.

Ito ang kanyang dating kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang — ang kwartong iniwan niya nang magpakasal siya kay Roman dalawang taon na ang nakalipas.

“Paano…?” mahinang bulong niya.

Muli niyang tiningnan ang buong paligid, naghahanap ng anumang palatandaan na mali ang kanyang nakikita.

Ngunit nandoon pa rin ang lahat. Maging ang poster ng paborito niyang banda ay nakapaskil pa rin sa dingding.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na pinagagaan ang kanyang paghinga at inaalala ang mga nangyari.

At biglang bumalik ang lahat.

Ang folder sa opisina ni Roman.

Ang mga dokumento.

Ang galit ni Roman nang sabihin niyang alam na niya ang lahat.

Ang kanyang pagtakas.

Ang madilim na kagubatan.

At ang bangin…

Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Naalala niya ang sakit ng pagkakapit ng kanyang mga daliri sa matutulis na bato. Ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang mukha. Ang takot na naramdaman niya habang nakabitin sa gilid ng bangin.

At higit sa lahat, naalala niya ang mukha ni Roman.

“Hindi ka na lang sana nakialam, Ella.”

Tinakpan niya ang kanyang bibig at napaiyak.

“Hindi…” bulong niya, puno ng kirot ang boses. “Hindi maaaring panaginip lang iyon.”

Dahil ramdam na ramdam niya ang lahat.

Ang sandaling binitiwan ni Roman ang kanyang kamay.

At ang pakiramdam ng pagbagsak sa kawalan.

Mahigpit niyang niyakap ang kanyang sarili.

“Ano bang nangyari sa akin?”

Tumingin siya sa kanyang mga kamay.

Walang dugo. Walang sugat. Maging ang kanyang mga braso ay wala nang bakas ng mga pasang iniwan ni Roman sa kanilang pagtatalo.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang mukha. Wala na rin ang mga gasgas mula sa mga sanga ng mga punong tumama sa kanya habang siya ay tumatakbo sa kagubatan.

Muli niyang inalala ang huling sandali bago tuluyang nilamon ng dilim ang kanyang paningin.

Ang pagbagsak.

Ang malamig na tubig.

Ang matinding sakit.

After that — nothing.

Napahawak siya sa gilid ng kama.

“Oh, my God…”

Unti-unting nabuo ang isang imposibleng katotohanan sa kanyang isipan.

I fell.

I died.

Ngunit paano ito nangyari? Paano siya nabubuhay? May nagligtas ba sa kanya? Bakit nasa kanyang dating kwarto siya?

Napansin niya ang kanyang lumang cellphone sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama. 

Nanginginig ang kanyang mga kamay nang kinuha niya ito at muntik pa niyang mahulog ito nang buksan niya ang screen.

Nang makita ang petsa, tuluyan siyang hindi makagalaw.

Tatlong taon.

Tatlong taon bago ang gabing itinulak siya ni Roman patungo sa kanyang kamatayan.

Tatlong taon bago niya natuklasan ang nakakatakot na katotohanan tungkol sa lalaking kanyang pinakasalan.

Bumalik siya sa nakaraan.

Tumingin si Ella sa paligid. Hindi siya nananaginip.

Hindi rin siya basta nakaligtas.

She had died.

And somehow, she had been given a second chance at life.

Narinig ni Ella ang tawanan mula sa bahagyang nakabukas na bintana ng kanyang kwarto.

Nanginginig ang mga binti, bumangon siya mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at napasinghap siya sa nakita.

Nandoon ang kanyang mga magulang. Nagtatawanan sila sa sinabi ng kanyang ama sa kanyang ina.

Napakasaya nilang tingnan.

Naalala niya ang panahong ito — bago maging bangungot ang lahat para sa kanilang pamilya. Ito ang panahong masaya pa sila at ligtas.

Bago pa man pumasok si Roman sa kanilang buhay at sirain ang lahat.

Napuno ng luha ang kanyang mga mata. Gusto niyang tumakbo sa kanila at yakapin sila nang mahigpit.

Hindi lang siya binigyan ng pagkakataong mabuhay muli.

Binigyan siya ng pagkakataong protektahan ang mga taong mahal niya at itama ang lahat.

Lumayo siya sa bintana at nagtungo sa katabing banyo.

Kahit wala siyang kahit isang pasa o gasgas, nararamdaman pa rin niya ang bigat ng mga pangyayari noong nakaraang gabi.

Nagbihis siya at tumayo sa tapat ng p***o.

Huminga siya nang malalim bago buksan ito at dahan-dahang bumaba.

Habang papalapit sa bakuran, naririnig niya ang usapan ng kanyang mga magulang. Ang kanilang kasiyahan ay tila mainit na yakap na pumapawi sa kanyang pag-aalala.

Tumigil siya sa tapat ng p***o at pinanood sila.

Sana ay hindi ito panaginip.

Ang kanyang ina ang unang nakapansin sa kanya. “Ella, anak. Nagising ka ba sa amin?” tanong nito.

Binuksan ni Ella ang kanyang bibig, ngunit walang salitang lumabas.

Sa sandaling iyon, tinitigan lang niya ang babaeng nasa harapan niya.

Her mother looked exactly as she remembered. The same gentle smile. The same warmth in her eyes.

Bago pa man siya makapigil, lumapit siya at niyakap ito nang mahigpit.

“Oh!” mahinang tawa ng kanyang ina, nagulat sa biglaang pagyakap niya. “What's this for, sweetheart?”

Isiniksik ni Ella ang kanyang mukha sa balikat ng ina.

Because I thought I'd never get to hold you again.

“Wala po, Ma,” bulong niya. “Namimiss lang po kita.”

Humiwalay nang bahagya ang kanyang ina at tinitigan siya.

“Sigurado ka bang ayos ka lang?”

Tumango si Ella at pilit na ngumiti.

“Ayos lang po talaga.”

“Gutom ka ba, anak?” tanong ng kanyang ama.

Lumingon sila at nakita niyang may nakahandang pagkain sa mesa.

Naalala niya — gabing ito ang pagdiriwang nila dahil malapit nang lumagda ang kanyang ama sa isang kasunduan sa Salvatore Enterprise.

Salvatore Enterprises, the multimillion-dollar corporation owned by Roman Salvatore.

Ang kanyang asawa.

Natigilan siya.

“Mukhang may gumugulo sa isip mo, ah?” tanong ng kanyang ina.

Mabilis na nakabawi si Ella. “Wala po, Ma. Ayos lang po talaga ako.”

“Mabuti naman. Halika at kumain ka kasama namin. Gaya ng dati, masyado na namang marami ang inorder ng tatay mo,” biro ng kanyang ina.

Lumapit sila sa mesa. Inilagay ng kanyang ama ang plato na puno ng paborito niyang pagkain sa harap niya, may ngiti sa mga labi.

Ganito pala ang pakiramdam na inaalagaan at minamahal.

Nakalimutan na niya ito, at hindi na niya ito bibitawan pa.

Not this time, Roman.

Tumingin siya sa kanyang ama na masayang nagkukuwento tungkol sa mga pagkakataong naghihintay sa kanila.

May kailangan siyang gawin. Isang bagay na dapat sana ay ginawa niya noong una pa.

“Pa,” mahina niyang tawag.

Tumingin sa kanya ang kanyang ama.

“Ano iyon, anak?”

Huminga siya nang malalim.

“You can't sign that contract with Salvatore Enterprises.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 5: The Call

    Pagkatapos ng kanilang meeting, nanatili si Ella sa kanyang opisina. Sinubukan niyang maging abala, ngunit ang mukha lang ni Roman ang nakikita niya sa kanyang isip.Ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata.“Ella?”Napadilat siya nang marinig ang boses ng kanyang ama.“Are you okay?”Ngumiti siya. “I’m fine, Pa.”Tiningnan siya ng kanyang ama nang sandali bago umupo sa upuang nasa tapat ng kanyang mesa.“You handled that meeting well,” sabi nito. “Alam kong may pag-aalala ka sa mungkahi nila, ngunit hindi ko inaasahang tatanggihan mo ito nang diretsahan.”“Gusto mo bang hinayaan ko silang makumbinsi tayong tanggapin ito?”Bahagyang tumawa ang kanyang ama. “Siyempre hindi. Nagulat lang ako. Naniniwala ako sa judgment mo.”Sa kanyang nakaraang buhay, naniniwala rin sa kanya ang kanyang ama. Pero nagawa niya ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay. Ang piliin si Roman.“Ella?”“Pasensya ka na, Pa. Ano nga ulit ang sinasabi mo?”“Tinanong ko kung sigurado ka bang wala nang ibang bum

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 4: First Meet

    Tinitigan ni Ella ang kontrata sa ibabaw ng mesa ng kanyang ama. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga financial report.Batid ni Ella ang mga mangyayari ngayong araw. Walang kawala sa paparating na eksena, kaya pinaaalalahanan niya ang sarili na mag-ingat sa bawat kilos at sa sasabihin niya sa harap ni Roman.Back then, she had mistaken his charm for sincerity. His confidence for strength. His attention for something special.Masyado siyang nahumaling sa guwapo nitong hitsura at matatamis na salita, hindi niya napansin ang mga warning signs na naroon na kahit nung una pa silang nagkakilalaAng meeting na iyon ang naging simula ng lahat.Ang panliligaw. Ang engagement. Ang kasal.At sa huli, ang kanyang bangungot.Sa pagkakataong ito, hindi na uulitin ni Ella ang parehong pagkakamali.“Sigurado ka na ba rito, anak?” Tanong ng kanyang ama.Tumingala si Ella. Nakaupo ang kanyang ama sa likod ng kanyang mesa, may bakas ng pag-aalala sa mukha nito habang tinitingnan ang mga dokumentong na

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 3: Second Chance

    Tatlong taon.Napakaraming nagbago sa loob ng tatlong taon, ngunit ang kanyang hometown ay halos katulad pa rin ng naalala niya. Nakahanay pa rin ang mga maliliit na tindahan na may malalaking display windows sa central commercial district. Ang mga matatandang puno na nakalinya sa kalsada ay sumasayaw pa rin sa bawat ihip ng hangin.Ngumiti siya nang makita ang maliit na tindahan kung saan madalas silang pumunta ni William pagkatapos ng klase. Pinagsasama nila ang kanilang pera noon para makabili ng mga kendi at tsokolate at saka nila paghahatiang dalawa.The memory brought a slight twinge of pain to her heart. She missed those carefree days.Everything was the same, yet she felt like a stranger walking through her own past.Ginugol ni Ella ang umaga sa pag-iisip tungkol sa mga pangyayari noong nakaraang gabi. Sinusubukan niyang unawain ang ikalawang pagkakataong ito. Labis ang kanyang pasasalamat. Buhay siya, masaya ang kanyang mga magulang, at ligtas silang lahat.Hindi pa nagiging

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 2: Remembering

    “ROMAN!”Isang sigaw ang kumawala kay Ella habang bigla siyang napabangon sa kama.Mabilis ang tibok ng kanyang puso, at nanginginig ang buong katawan na parang patuloy pa rin siyang nahuhulog sa walang hanggang dilim.Binitawan niya ako. Binitawan ako ni Roman.Natigilan si Ella mula sa kanyang pagkakalito.Sa halip kasi na matutulis na bato, malambot na kumot ang hawak ng kanyang mga kamay. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa paligid.Isang pamilyar na silid ang bumungad sa kanya.What the hell?Hindi ito ang silid niya sa bahay nila ni Roman.Hindi rin ito ospital.Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin sa paligid.Ang mga kurtina na may disenyong bulaklak na asul. Ang lumang mesa sa tabi ng bintana. Ang punong-punong estante ng mga aklat na naglalaman ng kanyang mga paboritong nobela.Nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi. Hindi maaaring mangyari ito.Ito ang kanyang dating kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang — ang kwartong iniwan niya nang magpakasal siya kay Roman dal

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 1: The Betrayal

    Nakatitig si Ella sa folder na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ito at isa-isang binasa ang mga dokumentong laman niyon.Napasinghap siya.Ito na ang patunay na kailangan niya—ebidensyang mag-uugnay sa kanyang asawa sa isang kilalang sindikato ng droga at sa samu't saring krimeng matagal nitong naitago sa likod ng malinis nitong imahe sa publiko.Alam kong kaya niyang gumawa ng masama, pero ito…?Muli niyang tiningnan ang isang dokumento. Napatitig siya sa pangalang nakasulat doon, kasunod ng mga detalyeng nag-uugnay kay Roman sa pagpatay sa isang kilalang personalidad na nagbabantang maglantad sa mga ilegal nitong transaksiyon.Nanlalamig ang kanyang mga kamay.“Diyos ko, Roman.”Hindi mabuting tao ang kanyang asawa. Alam niya iyon. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, napakaraming masasamang bagay na ang sinabi at ginawa nito sa kanya. Maaari sana siyang umalis noon pa, ngunit pinigilan siya ng mga banta. Nanatili siya para protektahan ang kanyang pamilya,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status