Home / Romance / Dead Once, Loved Twice / Chapter 3: Second Chance

Share

Chapter 3: Second Chance

Author: Schuyler
last update publish date: 2026-10-27 15:07:40

Tatlong taon.

Napakaraming nagbago sa loob ng tatlong taon, ngunit ang kanyang hometown ay halos katulad pa rin ng naalala niya. 

Nakahanay pa rin ang mga maliliit na tindahan na may malalaking display windows sa central commercial district. Ang mga matatandang puno na nakalinya sa kalsada ay sumasayaw pa rin sa bawat ihip ng hangin.

Ngumiti siya nang makita ang maliit na tindahan kung saan madalas silang pumunta ni William pagkatapos ng klase. Pinagsasama nila ang kanilang pera noon para makabili ng mga kendi at tsokolate at saka nila paghahatiang dalawa.

The memory brought a slight twinge of pain to her heart. She missed those carefree days.

Everything was the same, yet she felt like a stranger walking through her own past.

Ginugol ni Ella ang umaga sa pag-iisip tungkol sa mga pangyayari noong nakaraang gabi. Sinusubukan niyang unawain ang ikalawang pagkakataong ito. Labis ang kanyang pasasalamat. Buhay siya, masaya ang kanyang mga magulang, at ligtas silang lahat.

Hindi pa nagiging bangungot si Roman Salvatore na sisira sa lahat ng maganda sa kanyang buhay.

Ngunit may isang taong hindi pa niya masyadong napagtutuunan ng pansin.

Until now.

Si William.

The mere mention of his name stirred something in her. 

Isa pang bahagi ng aking buhay na hindi ko maipaliwanag. 

Napa buntong-hininga siya sa isiping iyon.

Tumigil ang kanilang pagkakaibigan ng ipinahayag niya ang kanyang engagement kay Roman.

Inakala niyang matutuwa si William para sa kanya, ngunit nagkamali siya. Hindi inasahan ni Ella ang galit nito. Sinubukan niyang intindihin, ngunit hindi na nagpaliwanag pa si William.

Minsan ay nararamdaman niya ang hurt at disappointment mula rito, ngunit hindi niya ito masyadong inisip. Masyado kasi siyang naging busy dahil sa nalalapit niyang kasal kay Roman.

After she got married, they stopped talking and drifted apart.

Palaging sinasabi ni Ella sa sarili na normal lamang na magkalayo ang mga tao kahit pa malapit na magkaibigan ang mga ito. Nagbabago ang buhay at nagbabago rin ang mga tao. 

She never questioned that change.

Not until she woke up this morning.

“Asaan na ba siya?” bulong niya sa sarili.

Halos labinlimang minuto na siyang nakaupo sa park bench na iyon. Kung tama ang kanyang alaala, si William ay malamang nasa paborito niyang café, bumibili ng kanyang paboritong kape bago pumunta sa kanyang opisina.

Si William ay matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya. Bagama’t isa ito sa pinakamalalaking kumpanya sa rehiyon, mas pinili ni William na itayo ang headquarters niya dito sa kanilang bayan sa halip na sa isang malaki at magarang lungsod.

“And there he is. Right on time.” 

Nakita ni Ella si William na naglalakad na may hawak na maliit na paper bag sa isang kamay at telepono sa kabilang kamay.

Kahit sa malayo, hindi mahirap makilala si William. Matangkad, malapad ang balikat, at may matipunong hitsura na lalo pang umaakit habang mas tinitignan siya —marami ang napapatingin sa kanya nang may paghanga. 

“Ella?”

Nakita niyang napansin na pala siya ni William. 

Kumaway siya nang bahagya habang tumatayo mula sa kanyang kinauupuan.

“Diyan ka lang, pupuntahan kita.” tawag ni William mula sa kabilang kalsada.

Naghintay siya habang tumatawid ito. May ngiti sa mga labi ni William habang siya ay papalapit.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito nang makatayo na sa harap niya. 

Ang mga mata nito ay kumikinang sa tuwa.

“Ganyan ba ang pagbati mo sa pinakamatanda at paborito mong kaibigan?” biro niya.

Tumawa si William.

Oh, how she missed that sound.

Pagkatapos ay tiningnan siya ni William, tila tinitiyak kung naroon talaga siya.

“Masaya akong makita ka,” mahinahong sabi nito.

Something about the way he said it made her heart falter.

He sounded genuinely happy. Not politely pleased. Not merely surprised.

Happy.

At sa unang pagkakataon, napaisip si Ella kung ilang beses na siyang tiningnan ni William nang ganito—at kung ilang beses niya itong hindi napansin.

Pakiramdam niya ay maiiyak siya.

Ibang-iba ito sa William na naalala niya sa mga huling taon ng kanyang nakaraang buhay.

Back then, his smiles had become rare, his warmth replaced by a coldness she could never quite understand.

Looking at him now, she couldn't help wondering whether she had something to do with it.

Ganoon ba kalaki ang sakit na naidulot ko sa kanya?

Ang isiping iyon ay nagdulot ng kirot sa kanyang puso.

“Ella, naririnig mo ba ako?” Kumakaway si William sa harap niya.

Hindi niya napansin na natigilan pala siya dahil sa malalim na iniisip. Ngumiti siya kay William.

“Are you okay? Is something bothering you?” tanong nito.

"I'm fine.”

“Liar.”

“Hindi ako nagsisinungaling, ha. Masyado ka namang OA,” pagbibiro niya.

Hindi tumawa si William; sa halip, tiningnan siya nito nang maigi.

“Kilala kita mula pagkabata. Akala mo ba hindi ko alam kapag may gumugulo sa isip mo?”

“Huwag kang masyadong mag-alala. Okay talaga ako,” giit niya.

Bumuntong-hininga si William. Hindi na siya nagpumilit. Alam nito kung kailan dapat tumigil sa pagtatanong.

“Fine. Keep your secrets, but you know you can run to me when you need help, okay?”

Tumango si Ella. Hindi makapagsalita.

Kinuha ni William ang laman ng paper bag na dala niya at inalok siya.Tiningnan ni Ella ang pastry sa kanyang kamay.

Naalala niya.

Of course he did. William had always remembered the little things about her.

Sa kanyang nakaraang buhay, hindi niya binigyang-pansin ang mga ganitong maliliit na gestures ni William.

They were just simple things William did.

Ngunit ngayon, habang tinitingnan ang pamilyar na pastry at ang taong nasa tabi niya, napaisip siya kung bakit hindi niya nakita ang pagmamahal sa likod ng mga maliliit na bagay na ito.

Had he always cared for her this much?

Tinanggap niya ang alok. Umupo sila sa bangko, nagkukuwentuhan at nagbibiruan tulad ng dati.

Pinagmasdan ni Ella si William. 

Napakatagal na panahon mula noong huling nakita niya itong ganito kasaya. Hindi niya alam ang nangyari rito matapos silang magkalayo, o kung may kinalaman siya sa pagbabagong iyon.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaan na mawala lamang ang kanilang pagkakaibigan.

At hinding-hindi niya hahayaan na sirain ni Roman Salvatore ang isa pang taong mahalaga sa kanya.

Hindi niya napansin na tumigil na sa pagsasalita si William. Nakatingin ito sa kanya.

“Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?” tanong ni William.

“Like what?

“Like you haven’t seen my handsome face in forever,” biro nito.

Tatawa sana si Ella sa biro nito.

Kung alam mo lang kung gaano na katagal para sa akin. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 5: The Call

    Pagkatapos ng kanilang meeting, nanatili si Ella sa kanyang opisina. Sinubukan niyang maging abala, ngunit ang mukha lang ni Roman ang nakikita niya sa kanyang isip.Ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata.“Ella?”Napadilat siya nang marinig ang boses ng kanyang ama.“Are you okay?”Ngumiti siya. “I’m fine, Pa.”Tiningnan siya ng kanyang ama nang sandali bago umupo sa upuang nasa tapat ng kanyang mesa.“You handled that meeting well,” sabi nito. “Alam kong may pag-aalala ka sa mungkahi nila, ngunit hindi ko inaasahang tatanggihan mo ito nang diretsahan.”“Gusto mo bang hinayaan ko silang makumbinsi tayong tanggapin ito?”Bahagyang tumawa ang kanyang ama. “Siyempre hindi. Nagulat lang ako. Naniniwala ako sa judgment mo.”Sa kanyang nakaraang buhay, naniniwala rin sa kanya ang kanyang ama. Pero nagawa niya ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay. Ang piliin si Roman.“Ella?”“Pasensya ka na, Pa. Ano nga ulit ang sinasabi mo?”“Tinanong ko kung sigurado ka bang wala nang ibang bum

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 4: First Meet

    Tinitigan ni Ella ang kontrata sa ibabaw ng mesa ng kanyang ama. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga financial report.Batid ni Ella ang mga mangyayari ngayong araw. Walang kawala sa paparating na eksena, kaya pinaaalalahanan niya ang sarili na mag-ingat sa bawat kilos at sa sasabihin niya sa harap ni Roman.Back then, she had mistaken his charm for sincerity. His confidence for strength. His attention for something special.Masyado siyang nahumaling sa guwapo nitong hitsura at matatamis na salita, hindi niya napansin ang mga warning signs na naroon na kahit nung una pa silang nagkakilalaAng meeting na iyon ang naging simula ng lahat.Ang panliligaw. Ang engagement. Ang kasal.At sa huli, ang kanyang bangungot.Sa pagkakataong ito, hindi na uulitin ni Ella ang parehong pagkakamali.“Sigurado ka na ba rito, anak?” Tanong ng kanyang ama.Tumingala si Ella. Nakaupo ang kanyang ama sa likod ng kanyang mesa, may bakas ng pag-aalala sa mukha nito habang tinitingnan ang mga dokumentong na

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 3: Second Chance

    Tatlong taon.Napakaraming nagbago sa loob ng tatlong taon, ngunit ang kanyang hometown ay halos katulad pa rin ng naalala niya. Nakahanay pa rin ang mga maliliit na tindahan na may malalaking display windows sa central commercial district. Ang mga matatandang puno na nakalinya sa kalsada ay sumasayaw pa rin sa bawat ihip ng hangin.Ngumiti siya nang makita ang maliit na tindahan kung saan madalas silang pumunta ni William pagkatapos ng klase. Pinagsasama nila ang kanilang pera noon para makabili ng mga kendi at tsokolate at saka nila paghahatiang dalawa.The memory brought a slight twinge of pain to her heart. She missed those carefree days.Everything was the same, yet she felt like a stranger walking through her own past.Ginugol ni Ella ang umaga sa pag-iisip tungkol sa mga pangyayari noong nakaraang gabi. Sinusubukan niyang unawain ang ikalawang pagkakataong ito. Labis ang kanyang pasasalamat. Buhay siya, masaya ang kanyang mga magulang, at ligtas silang lahat.Hindi pa nagiging

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 2: Remembering

    “ROMAN!”Isang sigaw ang kumawala kay Ella habang bigla siyang napabangon sa kama.Mabilis ang tibok ng kanyang puso, at nanginginig ang buong katawan na parang patuloy pa rin siyang nahuhulog sa walang hanggang dilim.Binitawan niya ako. Binitawan ako ni Roman.Natigilan si Ella mula sa kanyang pagkakalito.Sa halip kasi na matutulis na bato, malambot na kumot ang hawak ng kanyang mga kamay. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa paligid.Isang pamilyar na silid ang bumungad sa kanya.What the hell?Hindi ito ang silid niya sa bahay nila ni Roman.Hindi rin ito ospital.Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin sa paligid.Ang mga kurtina na may disenyong bulaklak na asul. Ang lumang mesa sa tabi ng bintana. Ang punong-punong estante ng mga aklat na naglalaman ng kanyang mga paboritong nobela.Nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi. Hindi maaaring mangyari ito.Ito ang kanyang dating kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang — ang kwartong iniwan niya nang magpakasal siya kay Roman dal

  • Dead Once, Loved Twice   Chapter 1: The Betrayal

    Nakatitig si Ella sa folder na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ito at isa-isang binasa ang mga dokumentong laman niyon.Napasinghap siya.Ito na ang patunay na kailangan niya—ebidensyang mag-uugnay sa kanyang asawa sa isang kilalang sindikato ng droga at sa samu't saring krimeng matagal nitong naitago sa likod ng malinis nitong imahe sa publiko.Alam kong kaya niyang gumawa ng masama, pero ito…?Muli niyang tiningnan ang isang dokumento. Napatitig siya sa pangalang nakasulat doon, kasunod ng mga detalyeng nag-uugnay kay Roman sa pagpatay sa isang kilalang personalidad na nagbabantang maglantad sa mga ilegal nitong transaksiyon.Nanlalamig ang kanyang mga kamay.“Diyos ko, Roman.”Hindi mabuting tao ang kanyang asawa. Alam niya iyon. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, napakaraming masasamang bagay na ang sinabi at ginawa nito sa kanya. Maaari sana siyang umalis noon pa, ngunit pinigilan siya ng mga banta. Nanatili siya para protektahan ang kanyang pamilya,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status