LOGINPagkatapos ng kanilang meeting, nanatili si Ella sa kanyang opisina. Sinubukan niyang maging abala, ngunit ang mukha lang ni Roman ang nakikita niya sa kanyang isip.
Ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata.
“Ella?”
Napadilat siya nang marinig ang boses ng kanyang ama.
“Are you okay?”
Ngumiti siya. “I’m fine, Pa.”
Tiningnan siya ng kanyang ama nang sandali bago umupo sa upuang nasa tapat ng kanyang mesa.
“You handled that meeting well,” sabi nito. “Alam kong may pag-aalala ka sa mungkahi nila, ngunit hindi ko inaasahang tatanggihan mo ito nang diretsahan.”
“Gusto mo bang hinayaan ko silang makumbinsi tayong tanggapin ito?”
Bahagyang tumawa ang kanyang ama. “Siyempre hindi. Nagulat lang ako. Naniniwala ako sa judgment mo.”
Sa kanyang nakaraang buhay, naniniwala rin sa kanya ang kanyang ama. Pero nagawa niya ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay. Ang piliin si Roman.
“Ella?”
“Pasensya ka na, Pa. Ano nga ulit ang sinasabi mo?”
“Tinanong ko kung sigurado ka bang wala nang ibang bumabagabag sa isip mo.”
For a moment, she considered telling him everything.
Ngunit paano niya ipapaliwanag ang isang bagay na tila imposible kahit sa kanya?
“Please do not worry about me."
Tumango ang kanyang ama at niyakap siya bago umalis.
Nakalimutan na niya kung gaano niya ito nami-miss.
But she was home now.
At gagawin niya ang lahat para hindi mawala ito
________________________________________________________________________________________________________________
Nang makauwi si Ella, ramdam na niya ang pagod ng maghapon. Dumiretso siya sa kanyang silid, nagpalit ng komportableng damit, at umupo sa gilid ng kanyang kama.
Nasa ibabaw ng mesita ang kanyang telepono.
Kinuha niya ito at nais niyang tingnan ang mga mensahe, ngunit huminto nang makita ang isang pamilyar na pangalan.
William.
Matagal niya itong tinitigan.
Bahagyang natawa siya sa sarili. Bakit ba siya nakakaramdam ng kaba? Matagal na silang magkaibigan, at walang masama kung ito’y tatawagan niya.
Pinindot niya ang pangalan nito at naghintay.
Tumunog ito nang dalawang beses bago sumagot.
“Ella?”
Nagdulot ng saya ang pamilyar na boses na iyon.
“Hi, William.”
“Uy.” May ngiti sa boses nito. “What's up? Is everything okay?”
“Wala naman. Kailangan ba ng dahilan para tawagan ka?”
“Hmmm. Isipin ko muna.” Halos makita niya itong nakasandal sa upuan, nagpapanggap na nag-iisip. “Karaniwang tumatawag ka kapag may kailangan ka.”
“Huy, hindi ah!”
“Kape. Pagkain. Makinig sa mga reklamo mo tungkol sa trabaho.”
“Hindi naman ako ganun kadalas magreklamo.”
Narinig niya ang pagtawa nito at lalong gumaan ang pakiramdam niya.
“Nga pala,” sabi niya, pilit na ginawang casual ang tono, “libre ka ba bukas?”
“Bukas? Bakit?”
“Magkape naman tayo.”
“Magkape?”
“Yes, William. That beverage people drink when they want to spend time with their friends,” biro niya.
Tumawa ulit ito.
“Okay, okay. Huwag ka nang magtampo.” Pagkatapos ay mas malumanay na nagtanong, “Sigurado ka bang ayos ka lang?”
Tumingin si Ella sa bintana. Sa unang pagkakataon mula nang magising sa bagong buhay na ito, naramdaman niya ang ibang damdamin bukod sa takot at pag-aalala.
“Ayos lang ako, William,” sabi niya. “Gusto lang kitang makita,” dagdag niya, bago pa niya mapigilan ang sarili.
Sumunod ang maikling katahimikan.
Pagkatapos ay sumagot ito, “Okay. Tomorrow, then.”
Napangiti si Ella.
“At Ella?”
“Hmmm?”
“It's good to hear from you.”
Lumawak ang kanyang ngiti, ngunit nagsimulang maging mainit ang kanyang mga mata.
“I’m glad to hear from you too, Will.
_____________________________________________________________________________________________________________
Kinabukasan, dumating si Ella sa café nang maaga.
Umupo siya sa mesa malapit sa bintana at naghintay sa pagdating ni William.
Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa pagkikitang iyon. Halos buong buhay niya ay kilala na niya si William. So, wala siyang dapat ipag-alala.
And yet, her heart seemed determined to behave as though this were something far more important than a casual afternoon with a friend.
Maybe, in a way, it was.
Tumunog ang maliit na bell sa itaas ng p***o ng café.
Pumasok si William, nakasuot ng puting polo shirt na nakabukas ang kuwelyo at nakatiklop ang mga manggas hanggang sa siko. Medyo magulo ang buhok nito, na parang paulit-ulit na hinawi ng mga daliri.
Tiningnan nito ang buong silid, nakita siya, at ngumiti.
Lumapit si William sa mesa.
“Sorry I'm late.”
Tiningnan ni Ella ang orasan. “Dalawang minuto ka pa ngang maaga.”
“Then I'm sorry for almost being late,” pilyong sagot ni William.
Natawa si Ella.
Umupo ito sa tapat niya at tiningnan siya nang may bahagyang pagtataka.
“Ano?” tanong niya.
“Wala naman.”
“William.”
“Nagulat lang talaga ako.”
“Sa ano?”
Sumandal si William sa kanyang upuan.
“Ikaw ang tumawag para magkita. Karaniwan ay ako ang naghahabol sa iyo para makasama ka."
Ibinaling ni Ella ang tingin sa bintana, bahagyang nakangiti.
“Maybe I'm trying to become a better friend.”
“Were you a bad one before?” seryosong tanong nito.
Napatingin si Ella.
Sa sandaling iyon, hindi siya makasagot.
You have no idea.
Naalala niya ang mga pagkakataong hindi niya sinasagot ang tawag nito dahil abala siya kay Roman. Ang mga imbitasyong tinanggihan niya. Ang mga usapang pinutol niya dahil iniisip niyang dapat mauna palagi ang kanyang asawa.
Naalala niya ang huling pagkakataong nakita niya si William sa kanyang nakaraang buhay.
He had looked at her with an expression she hadn't understood, and she had let him walk away without asking him to stay.
“Hindi,” mahinahong sagot niya. “But I think I could've been better.”
Lumambot ang pagtingin ni William.
“Ella, hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin.”
Halos napaiyak si Ella.
Ibinaling niya ang tingin bago mapansin ni William ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata.
“Hindi ako nagpapaliwanag,” sabi niya, pilit na ngumiti. “Sinasabi ko lang na gusto kong mas madalas tayong magkasama.”
“Okay,” simpleng sagot ni William
Walang kondisyon. Walang inaasahan. Walang mga pangakong balang araw ay gagamitin laban sa kanya.
Ganoon si William. Hindi niya kailangang patunayan ang sarili niya para manatili ito sa tabi niya.
______________________________________________________________________________________________________________
Maganda ang mood ni Ella pagkauwi. Napawi ng pagkikita ni William ang bigat na nararamdaman niya, kaya naisipan ni Ella na mag-relax sa sala nila.
Magsisimula na sana ang palabas na panonoorin niya nang tumunog ang kanyang cellphone.
Isang mensahe mula sa assistant ng kanyang ama.
Ms. Ella, ipinapasa lang po ito sa inyo ng inyong ama. Nakipag-ugnayan po ang opisina ni Mr. Salvatore tungkol sa pagpupulong kanina.
Huminto ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng keyboard. Itinuloy niya ang pagbabasa.
Nais po ni Mr. Roman Salvatore na makipagkita muli sa inyong kumpanya sa oras na mas maginhawa para sa inyo. Naniniwala pa rin po siya na makakabuo kayo ng kasunduang kapaki-pakinabang sa inyong dalawa.
Binasa ito ni Ella nang dalawang beses.
Of course.
Hindi naman niya inaasahang susuko agad si Roman. Ngunit umasa siya na sana ay ibaling nito ang atensyon sa ibang kumpanya na mas bukas sa kanilang offer.
She should have known better.
Roman Salvatore had never been a man who liked hearing the word no.
Isinara ni Ella ang mensahe at inilagay ang telepono sa mesa.
Hindi siya magpa-panic. Hindi siya matatakot sa kahilingang ito.
Ngunit hindi rin niya ito minamaliit.
If Roman wanted another meeting, she'd give him that.
Ngunit tulad ng naunang meeting nila, wala pa rin itong patutunguhan.
Let him waste his time.
Hindi niya hahayaang gamitin ang kanilang kumpanya.
Hindi niya hahayaang sirain ang kanyang pamilya.
At hinding-hindi na siya magkakamali sa pag-aakala na ang atensyong ibinibigay ni Roman sa kanya ay katumbas ng pag-ibig sa kanya.
She had already changed the first decision that once led her toward Roman.
Ngayon, sisiguraduhin niyang mababago rin niya ang takbo ng mga susunod na pangyayari.
Dahil sa pagkakataong ito, alam na niya kung ano ang naghihintay sa dulo ng landas na iyon.
And she has no desire to walk that path again.
Pagkatapos ng kanilang meeting, nanatili si Ella sa kanyang opisina. Sinubukan niyang maging abala, ngunit ang mukha lang ni Roman ang nakikita niya sa kanyang isip.Ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata.“Ella?”Napadilat siya nang marinig ang boses ng kanyang ama.“Are you okay?”Ngumiti siya. “I’m fine, Pa.”Tiningnan siya ng kanyang ama nang sandali bago umupo sa upuang nasa tapat ng kanyang mesa.“You handled that meeting well,” sabi nito. “Alam kong may pag-aalala ka sa mungkahi nila, ngunit hindi ko inaasahang tatanggihan mo ito nang diretsahan.”“Gusto mo bang hinayaan ko silang makumbinsi tayong tanggapin ito?”Bahagyang tumawa ang kanyang ama. “Siyempre hindi. Nagulat lang ako. Naniniwala ako sa judgment mo.”Sa kanyang nakaraang buhay, naniniwala rin sa kanya ang kanyang ama. Pero nagawa niya ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay. Ang piliin si Roman.“Ella?”“Pasensya ka na, Pa. Ano nga ulit ang sinasabi mo?”“Tinanong ko kung sigurado ka bang wala nang ibang bum
Tinitigan ni Ella ang kontrata sa ibabaw ng mesa ng kanyang ama. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga financial report.Batid ni Ella ang mga mangyayari ngayong araw. Walang kawala sa paparating na eksena, kaya pinaaalalahanan niya ang sarili na mag-ingat sa bawat kilos at sa sasabihin niya sa harap ni Roman.Back then, she had mistaken his charm for sincerity. His confidence for strength. His attention for something special.Masyado siyang nahumaling sa guwapo nitong hitsura at matatamis na salita, hindi niya napansin ang mga warning signs na naroon na kahit nung una pa silang nagkakilalaAng meeting na iyon ang naging simula ng lahat.Ang panliligaw. Ang engagement. Ang kasal.At sa huli, ang kanyang bangungot.Sa pagkakataong ito, hindi na uulitin ni Ella ang parehong pagkakamali.“Sigurado ka na ba rito, anak?” Tanong ng kanyang ama.Tumingala si Ella. Nakaupo ang kanyang ama sa likod ng kanyang mesa, may bakas ng pag-aalala sa mukha nito habang tinitingnan ang mga dokumentong na
Tatlong taon.Napakaraming nagbago sa loob ng tatlong taon, ngunit ang kanyang hometown ay halos katulad pa rin ng naalala niya. Nakahanay pa rin ang mga maliliit na tindahan na may malalaking display windows sa central commercial district. Ang mga matatandang puno na nakalinya sa kalsada ay sumasayaw pa rin sa bawat ihip ng hangin.Ngumiti siya nang makita ang maliit na tindahan kung saan madalas silang pumunta ni William pagkatapos ng klase. Pinagsasama nila ang kanilang pera noon para makabili ng mga kendi at tsokolate at saka nila paghahatiang dalawa.The memory brought a slight twinge of pain to her heart. She missed those carefree days.Everything was the same, yet she felt like a stranger walking through her own past.Ginugol ni Ella ang umaga sa pag-iisip tungkol sa mga pangyayari noong nakaraang gabi. Sinusubukan niyang unawain ang ikalawang pagkakataong ito. Labis ang kanyang pasasalamat. Buhay siya, masaya ang kanyang mga magulang, at ligtas silang lahat.Hindi pa nagiging
“ROMAN!”Isang sigaw ang kumawala kay Ella habang bigla siyang napabangon sa kama.Mabilis ang tibok ng kanyang puso, at nanginginig ang buong katawan na parang patuloy pa rin siyang nahuhulog sa walang hanggang dilim.Binitawan niya ako. Binitawan ako ni Roman.Natigilan si Ella mula sa kanyang pagkakalito.Sa halip kasi na matutulis na bato, malambot na kumot ang hawak ng kanyang mga kamay. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa paligid.Isang pamilyar na silid ang bumungad sa kanya.What the hell?Hindi ito ang silid niya sa bahay nila ni Roman.Hindi rin ito ospital.Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin sa paligid.Ang mga kurtina na may disenyong bulaklak na asul. Ang lumang mesa sa tabi ng bintana. Ang punong-punong estante ng mga aklat na naglalaman ng kanyang mga paboritong nobela.Nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi. Hindi maaaring mangyari ito.Ito ang kanyang dating kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang — ang kwartong iniwan niya nang magpakasal siya kay Roman dal
Nakatitig si Ella sa folder na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ito at isa-isang binasa ang mga dokumentong laman niyon.Napasinghap siya.Ito na ang patunay na kailangan niya—ebidensyang mag-uugnay sa kanyang asawa sa isang kilalang sindikato ng droga at sa samu't saring krimeng matagal nitong naitago sa likod ng malinis nitong imahe sa publiko.Alam kong kaya niyang gumawa ng masama, pero ito…?Muli niyang tiningnan ang isang dokumento. Napatitig siya sa pangalang nakasulat doon, kasunod ng mga detalyeng nag-uugnay kay Roman sa pagpatay sa isang kilalang personalidad na nagbabantang maglantad sa mga ilegal nitong transaksiyon.Nanlalamig ang kanyang mga kamay.“Diyos ko, Roman.”Hindi mabuting tao ang kanyang asawa. Alam niya iyon. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, napakaraming masasamang bagay na ang sinabi at ginawa nito sa kanya. Maaari sana siyang umalis noon pa, ngunit pinigilan siya ng mga banta. Nanatili siya para protektahan ang kanyang pamilya,







