LOGINTinitigan ni Ella ang kontrata sa ibabaw ng mesa ng kanyang ama. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga financial report.
Batid ni Ella ang mga mangyayari ngayong araw. Walang kawala sa paparating na eksena, kaya pinaaalalahanan niya ang sarili na mag-ingat sa bawat kilos at sa sasabihin niya sa harap ni Roman.
Back then, she had mistaken his charm for sincerity. His confidence for strength. His attention for something special.
Masyado siyang nahumaling sa guwapo nitong hitsura at matatamis na salita, hindi niya napansin ang mga warning signs na naroon na kahit nung una pa silang nagkakilala
Ang meeting na iyon ang naging simula ng lahat.
Ang panliligaw. Ang engagement. Ang kasal.
At sa huli, ang kanyang bangungot.
Sa pagkakataong ito, hindi na uulitin ni Ella ang parehong pagkakamali.
“Sigurado ka na ba rito, anak?” Tanong ng kanyang ama.
Tumingala si Ella. Nakaupo ang kanyang ama sa likod ng kanyang mesa, may bakas ng pag-aalala sa mukha nito habang tinitingnan ang mga dokumentong nakalatag sa harapan nila.
Bilang Executive Director of Strategic Planning and Business Development sa kanilang kumpanya, tungkulin ni Ella na suriin ang mga business opportunities, investment proposals, at mga posibleng panganib na kaakibat ng mga ito.
Ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang ama ang tungkuling ito dahil matalas ang kanyang isip sa negosyo at hindi siya takot magtanong tungkol sa anumang desisyon, kahit na ang lahat ay sang-ayon na.
The proposed partnership with Salvatore Enterprises had initially appeared promising.
Ngunit habang lalo niya itong pinag-aaralan, lalo itong nagiging hindi nababagay sa kanilang kumpanya.
Isa pa, alam niyang gagamitin ni Roman ang kanilang kumpanya para sa mga maruruming gawain at gagawing fall guy ang kanyang ama kapag nagkaroon ng aberya sa isang transaksyon. Kaya lalong hindi puwedeng matuloy ito.
Ipinaliwanag niya muli sa kanyang ama ang mga dahilan, batay sa mga report, kung bakit hindi maaaring ituloy ang ugnayan sa Salvatore Enterprise.
Matalinong negosyante ang kanyang ama, kaya naiintindihan niya ang kanyang mga alalahanin. Nais lamang nitong tiyakin na nasuri na ang lahat bago sila humarap sa mga makakausap nila.
Sumandal ang kanyang ama sa upuan. “Sinasabi ng kanilang kinatawan na makatotohanan naman ang mga inaasahang kita.”
“Kung gayon ay hindi sila dapat mahirapang ipaliwanag kung paano sila nakarating sa mga numerong nilagay nila sa proposal.”
Tumunog ang intercom sa tabi ng kanyang ama.
“Nandito na po ang kinatawan ni Mr. Salvatore, Sir,” sabi ng assistant ng kanyang ama.
“Please show him to the conference room. We'll be there shortly.”
Inipon ni Ella ang mga report at proposal.
Nauna nang dumating ang kinatawan. Binati niya sila nang may paggalang at sinabing parating na rin ang kanyang boss.
Sinimulan niyang talakayin ang iminumungkahing pakikipagsosyo, at binigyang-diin ang pag-asa sa paglago at ang pakinabang ng pakikipagtulungan sa isa sa mga pinakakilalang kumpanya sa rehiyon.
Nakinig si Ella nang hindi sumisingit. Inihahanda niya ang sarili sa kung ano ang susunod na mangyayari.
She had learned something important in her first life: a convincing presentation could make a terrible deal look like an opportunity.
Hindi na siya muling maloloko ng mga matatamis na salita.
Ilang sandali pa, bumukas ang p***o ng conference room.
“I'm terribly sorry to keep you waiting.” Deep, warm, at punong-puno ng kumpiyansa ang boses.
Natigilan si Ella. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa ilalim ng mesa.
Pumasok si Roman Salvatore. Magara ang kasuotan at matipuno ang tindig.
Napatitig sa kanya si Ella.
Sa isang maikling sandali, nakita niya ang lalaking minahal niya sa kanyang nakaraang buhay.
Ang lalaking may ngiti na dati ay nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.
Ang lalaking humawak sa kanyang kamay sa gilid ng bangin.
At pagkatapos ay binitawan siya.
“Mr. Salvatore,” pagbati ng kanyang ama habang tumatayo ito upang makipagkamay.
Bumati rin si Roman bago humarap kay Ella.
Nang humarap si Roman kay Ella, sinalubong siya nito ng isang matamis na ngiti.
“And you must be Ella. I’ve heard so many good things about you. I was really looking forward to meeting you.”
Inilahad nito ang kanyang kamay.
“Roman Salvatore. Isang karangalan na makilala ka sa wakas.”
Hayop ka.
Nag-alab ang galit sa loob ni Ella, ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili.
Hindi niya dapat ipakita kay Roman ang anumang kahinaan. Isa itong laro, at gagampanan niya nang maayos ang kanyang bahagi.
So let him think what he wants.
Let him think they were two strangers about to begin something wonderful.
Tinignan ni Ella ang inilahad na kamay. Naalala niya kung gaano kabilis niyang tinanggap iyon noon at kung gaano kaganda ang naging impresyon sa kanya ni Roman. Kahit natapos na ang meeting, siya pa rin ang laman ng isip niya.
Naniniwala siya na ang sandaling iyon ang simula ng isang kuwento ng pag-ibig.
Ngayon ay alam na niya ang totoo.
“Ella,” sagot niya, at nakipagkamay nang panandalian bago niya binawi agad ang kanyang kamay.
“Executive Director of Strategic Planning and Business Development,” dagdag niya.
May dumaan na hindi maipaliwanag na damdamin sa mukha ni Roman, ngunit agad itong itinago sa likod ng kanyang matamis na ngiti.
“An impressive position,” he said. “I hope your father hasn't put you to work too hard.”
He was flirting with her!
Noon, malamang nag-blush sabay tawa siya sa mga sinabi ni Roman.
Ngunit sa pagkakataong ito, tiningnan lamang niya ito.
“Let's get started, Mr. Salvatore. We have lots to discuss.”
For the first time since entering the room, Roman's smile faltered.
Bahagya lamang. Ngunit napansin ito ni Ella. At halos ngumiti siya.
Nagpatuloy ang pagpupulong habang inilalahad ng kinatawan ang mga detalye ng proposed partnership. Paminsan-minsan ay nagdaragdag si Roman ng magandang paliwanag o inililipat ang mahirap na tanong sa ibang paksa nang may husay.
Pinakinggan siya ni Ella.
Sinuri niya ang bawat pahayag, bawat inaasahang kita, at inihambing ang ipinangakong pakinabang sa mga panganib na nakasaad sa ulat.
Ngunit hindi nagsisinungaling ang mga numerong kanyang inaral.
At walang matamis na ngiti ang makapagpapabago nito.
Nang matapos na ang kinatawan, isinara ni Ella ang folder na nasa kanyang harapan.
“I'm afraid we won't be moving forward with this deal.”
Tumahimik ang buong silid.
Hindi alam ng kinatawan kung ano ang gagawin.
Nanatiling tahimik si Roman.
“Maaari ko bang malaman ang dahilan?” tanong nito.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata nito nang walang pag-aalinlangan.
“Because the risk isn't worth the return.”
At dahil hindi na ako nalilinlang ng iyong matamis na ngiti upang makita ang katotohanan sa likod ng mga numerong iyon.
Tahimik siyang pinagmasdan ni Roman. Bahagyang nakaramdam ng takot si Ella sa tingin nito.
Ngunit hinarap niya ito nang buong tapang.
For a moment, Ella was back on that cliff, her fingers slipping from his grasp as she watched the man she loved choose to let her die.
Naninikip ang kanyang dibdib.
Takot siya rito. Hindi niya ito maikakaila.
Ngunit hindi na siya muling magpapatalo dahil sa takot.
Too much was at stake.
Lumingon si Roman sa kanyang ama. “Ito rin ba ang iyong desisyon?”
Tumango ang kanyang ama.
“Naniniwala ako sa mungkahi ng aking anak sa bagay na ito, Mr. Salvatore. Hindi niya kailanman binigo ang aming kumpanya mula noong nagtrabaho siya dito.”
Hindi sinagot ni Roman ang kanyang ama. Sa halip, tahimik niyang tinapik ang mga daliri sa makinis na mesa.
Seconds ticked by without any word from him, making Ella increasingly nervous.
Sa wakas, nagsalita si Roman. “I like you, Ella. You seem to be a brilliant woman, but I think you're making a big mistake here.”
“I assure you, Mr. Salvatore, I am not making a mistake.”
“We’ll see,” sagot ni Roman, na may bahid ng pagbabanta sa kanyang tinig.
Tumayo ito at lumabas ng conference room nang hindi na nagsalita pa.
Nakahinga nang maluwag si Ella nang sumara ang p***o.
She had done it!
Naiwasan niya ang isang sakuna para sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ngunit alam niyang hindi basta susuko si Roman. Hindi sanay ang lalaking iyon na tinatanggihan.
Simula pa lamang ito.
At kailangan niyang maghanda sa mga susunod nitong hakbang.
Pagkatapos ng kanilang meeting, nanatili si Ella sa kanyang opisina. Sinubukan niyang maging abala, ngunit ang mukha lang ni Roman ang nakikita niya sa kanyang isip.Ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata.“Ella?”Napadilat siya nang marinig ang boses ng kanyang ama.“Are you okay?”Ngumiti siya. “I’m fine, Pa.”Tiningnan siya ng kanyang ama nang sandali bago umupo sa upuang nasa tapat ng kanyang mesa.“You handled that meeting well,” sabi nito. “Alam kong may pag-aalala ka sa mungkahi nila, ngunit hindi ko inaasahang tatanggihan mo ito nang diretsahan.”“Gusto mo bang hinayaan ko silang makumbinsi tayong tanggapin ito?”Bahagyang tumawa ang kanyang ama. “Siyempre hindi. Nagulat lang ako. Naniniwala ako sa judgment mo.”Sa kanyang nakaraang buhay, naniniwala rin sa kanya ang kanyang ama. Pero nagawa niya ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay. Ang piliin si Roman.“Ella?”“Pasensya ka na, Pa. Ano nga ulit ang sinasabi mo?”“Tinanong ko kung sigurado ka bang wala nang ibang bum
Tinitigan ni Ella ang kontrata sa ibabaw ng mesa ng kanyang ama. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga financial report.Batid ni Ella ang mga mangyayari ngayong araw. Walang kawala sa paparating na eksena, kaya pinaaalalahanan niya ang sarili na mag-ingat sa bawat kilos at sa sasabihin niya sa harap ni Roman.Back then, she had mistaken his charm for sincerity. His confidence for strength. His attention for something special.Masyado siyang nahumaling sa guwapo nitong hitsura at matatamis na salita, hindi niya napansin ang mga warning signs na naroon na kahit nung una pa silang nagkakilalaAng meeting na iyon ang naging simula ng lahat.Ang panliligaw. Ang engagement. Ang kasal.At sa huli, ang kanyang bangungot.Sa pagkakataong ito, hindi na uulitin ni Ella ang parehong pagkakamali.“Sigurado ka na ba rito, anak?” Tanong ng kanyang ama.Tumingala si Ella. Nakaupo ang kanyang ama sa likod ng kanyang mesa, may bakas ng pag-aalala sa mukha nito habang tinitingnan ang mga dokumentong na
Tatlong taon.Napakaraming nagbago sa loob ng tatlong taon, ngunit ang kanyang hometown ay halos katulad pa rin ng naalala niya. Nakahanay pa rin ang mga maliliit na tindahan na may malalaking display windows sa central commercial district. Ang mga matatandang puno na nakalinya sa kalsada ay sumasayaw pa rin sa bawat ihip ng hangin.Ngumiti siya nang makita ang maliit na tindahan kung saan madalas silang pumunta ni William pagkatapos ng klase. Pinagsasama nila ang kanilang pera noon para makabili ng mga kendi at tsokolate at saka nila paghahatiang dalawa.The memory brought a slight twinge of pain to her heart. She missed those carefree days.Everything was the same, yet she felt like a stranger walking through her own past.Ginugol ni Ella ang umaga sa pag-iisip tungkol sa mga pangyayari noong nakaraang gabi. Sinusubukan niyang unawain ang ikalawang pagkakataong ito. Labis ang kanyang pasasalamat. Buhay siya, masaya ang kanyang mga magulang, at ligtas silang lahat.Hindi pa nagiging
“ROMAN!”Isang sigaw ang kumawala kay Ella habang bigla siyang napabangon sa kama.Mabilis ang tibok ng kanyang puso, at nanginginig ang buong katawan na parang patuloy pa rin siyang nahuhulog sa walang hanggang dilim.Binitawan niya ako. Binitawan ako ni Roman.Natigilan si Ella mula sa kanyang pagkakalito.Sa halip kasi na matutulis na bato, malambot na kumot ang hawak ng kanyang mga kamay. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa paligid.Isang pamilyar na silid ang bumungad sa kanya.What the hell?Hindi ito ang silid niya sa bahay nila ni Roman.Hindi rin ito ospital.Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin sa paligid.Ang mga kurtina na may disenyong bulaklak na asul. Ang lumang mesa sa tabi ng bintana. Ang punong-punong estante ng mga aklat na naglalaman ng kanyang mga paboritong nobela.Nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi. Hindi maaaring mangyari ito.Ito ang kanyang dating kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang — ang kwartong iniwan niya nang magpakasal siya kay Roman dal
Nakatitig si Ella sa folder na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ito at isa-isang binasa ang mga dokumentong laman niyon.Napasinghap siya.Ito na ang patunay na kailangan niya—ebidensyang mag-uugnay sa kanyang asawa sa isang kilalang sindikato ng droga at sa samu't saring krimeng matagal nitong naitago sa likod ng malinis nitong imahe sa publiko.Alam kong kaya niyang gumawa ng masama, pero ito…?Muli niyang tiningnan ang isang dokumento. Napatitig siya sa pangalang nakasulat doon, kasunod ng mga detalyeng nag-uugnay kay Roman sa pagpatay sa isang kilalang personalidad na nagbabantang maglantad sa mga ilegal nitong transaksiyon.Nanlalamig ang kanyang mga kamay.“Diyos ko, Roman.”Hindi mabuting tao ang kanyang asawa. Alam niya iyon. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, napakaraming masasamang bagay na ang sinabi at ginawa nito sa kanya. Maaari sana siyang umalis noon pa, ngunit pinigilan siya ng mga banta. Nanatili siya para protektahan ang kanyang pamilya,







