Share

Chapter 9

HINDI naniniwala si Cassandra na gusto nang kalimutan ni Stefan ang ex nito. May ilang larawan pa ng babae siyang nakita sa kuwarto nito, sa study room. May nakita rin siyang gitara roon, meaning, kumakanta si Stefan.

Kinabukasan ay inagahan niya ang gising dahil alas nuwebe ang schedule ni Lola Isabela sa doktor. Tumataas din pala ang blood sugar ng ginang kaya regular ang check-up nito sa endocrinologist, katulad din sa doktor niya.

Siya lang ang kasama ng ginang na pumasok sa ospital at ayaw nitong nakabuntot ang bodyguard. Naiwan ang mga ito sa labas. Malaki ang ospital na tanyag sa siyudad kaya nangangapa siya kung saan hahagilapin ang doktor. Mabuti kabisado ng ginang ang pasilidad.

Priority naman sila at nauna sa listahan. Naghintay sila sa labas ng tanggapan ng doktor.

“Magpatingin ka rin sa doktor, apo. Mas magaling ang doktor ko kahit bata pa,” sabi ng ginang.

“Nasa ibang doktor po ang record ko, eh.”

“Ayos lang ‘yon. Puwede kang magpalipat dito para magkaroon ka ng re
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
josephine 💚
magiging sakit sa ulo c ex
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Oh Stefan kalimutan mo n c ex mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status