Share

Chapter 5

KABADONG umupo nang maayos si Cassandra at inayos din ang kaniyang buhok na nagulo. Tumayo naman si Stefan at nagpaliwanag sa lola nito. Mabuti nailusot nito ang eskandalo nila at napaniwala ang ginang na nagbibiruan lang sila.

Kumalma naman ang ginang at halatang natuwa pa. Animo maamong tupa na rin si Stefan.

“Mabuti narito ka na, Cassandra. Marami akong biniling food,” excited na wika ng ginang.

Tinulungan ito ni Stefan na maayos ang pagkain sa lamesa sa may dining area. Hinila pa siya ng ginang papasok sa hapag. Nahiya ang baon niyang pagkain sa nakahain sa lamesa. Ang sasarap ng mga itong tingnan, halatang mamahalin. Hindi naman niya matanggihan ang ginang lalo’t ang saya nito.

Hindi na niya inilabas ang baon niyang pagkain at kinapalan ang mukha kasalo ang mag-lola.

“Bakit hindi ka na lang lumipat dito sa malapit na bahay, Cassandra? Mahirap ang araw-araw ka sa biyahe,” wika ng ginang.

Kumakain na sila at panay ang tanong nito sa mga ganap sa buhay niya.

“Wala pa po akong budget para makalipat ng bahay. At saka nagbayad ako ng upa para sa buwang ito. Siguro next month pa ako puwede makalipat,” sabi niya.

“Huwag mong problemahin ang pera. Puwede kang mag-advance sa susuwelduhin mo. At kung okay sa ‘yo, bakante ang condo unit ko. Katabi lang iyon ng gusaling ito. Minsan ay doon din naglalagi si Stefan.”

“Nako! Mas mahal po ang upa sa condo.”

“Ako na ang bahala sa upa mo. Ang mahalaga ay hindi ka mahirapan sa araw-araw.”

Hindi siya komportable sa suhesyon ng ginang. Labis na kasi iyon, at pakiramdam niya’y obligado siyang suklian nang malaki ang offer nito. Mayamaya ang sipat niya kay Stepan na katabi ng lola nito. Tahimik lang itong kumakain pero ilang beses din siyang sinulyapan.

“Pag-iisipan ko po,” sabi niya pagkuwan.

“Huwag kang mahihiya, hija. Wala naman akong ibang motibo kundi ang matulungan ka. Aanhin ko naman ang pera kong nakatago, itutulong ko na lang sa iba,” ani Isabela.

Wari may humagod sa puso niya at labis ang kaniyang galak. “Napakabuti n’yo po, Lola.” Malapad siyang ngumiti.

“Matanda na ako para mag-asam pa ng higit sa meron ako ngayon. Ang gusto ko na lang ay makitang masaya ang apo ko at secure ang future niya.”

Muli niyang sinulyapan si Stefan.

Kinalabit naman ito ng ginang, humihingi ng komento.

“I owe you for that, Lola. Gusto ko ring mapasaya kayo,” anang binata.

“Kung gano’n huwag ka na magpakalunod sa kabiguan. Enjoy your life being single, and find the woman who deserves your faithful love.”

“I’m moving on, Lola. And thanks to Cassandra. She gave me hope to be a better man.”

Natigilan ang dalaga. Nang tumitig siya kay Stefan ay nakangisi ito, kumindat pa sa kaniya. Gusto niya itong pagdilatan ng mga mata pero nakatingin sa kaniya ang ginang.

“Iyon naman pala. Bakit hindi mo ligawan si Cassandra? At hindi puwedeng hindi mo pananagutan ang nangyari sa inyo. Maging responsible ka, Stefan. Ayaw kong maging bisyo mo ang gumamit ng babae at hahayaan na lang pagkatapos,” ani Isabela, pumalatak na.

“Hindi naman ako tatakas sa responsibilidad, Lola. Kung papayag si Cassandra, handa naman akong pakasalan siya,” giit ni Stefan.

“Aba! Dapat lang!”

Hindi na nakakibo si Cassandra dahil sa walang prenong usapan ng maglola. Naiipit na siya sa sitwasyon. Kitang-kita sa mukha ng ginang na gusto nito ang ideya ni Stefan.

PAGKATAPOS ng tanghalian ay sinapok ni Cassandra ng palad sa balikat si Stefan. Magkatuwang silang naghuhugas ng mga kubyertos na ginamit. Ito ang nagbabanlaw ng mga nasabon niyang plato.

“Hindi biro ang inuungot mo, Stefan!” bulyaw niya rito.

Umidlip sa kuwarto ang lola nito kaya malakas ang loob niyang singhalan ang binata.

“Huwag ka ng mag-inarte. Aminin mo na gusto mo ring maging parte ng pamilya ko dahil sa pera. Grab it. I know you don’t want to disappoint my grandmother,” sabi pa nito.

Pumihit siya paharap dito at namaywang. “Ano sa akala mo ang inaalok mo sa akin, Stefan? Hindi ka makikipaglaro sa kasal. At saka naisip mo ba ang mararamdaman ni Lola sakaling maghiwalay tayo?”

“Bakit kasi iniisip mo kaagad ang hiwalayan?”

“Dahil alam kong malabo kang magseseryoso sa mga ideya mo! Nunkang makakaya mo ring magtagal sa married life. Paano kung biglang hanapin mo ang ex mo, ‘tapos hindi mo siya matiis?”

“I didn’t think about that. Wala na akong pakialam sa kaniya. Ang gusto ko lang ay maayos ang relasyon namin ni Lola. Matagal din siyang lumamig sa akin since pinili ko ang ex ko. And now, I want to take this opportunity to get her trust again.”

“Hanggang kailan ka naman magkukunwari?”

“Please don’t think about the future. Masyado kang advance mag-isip, eh. Madali na lang malutas ang problema once nasa puwesto na tayo. About the divorce, maraming puwedeng dahilan, at tulad ng sinabi ko, sa iyo dapat manggagaling ang desisyon para hindi madismaya sa akin si Lola.”

“Ah, so ako ang ipangbabala mo, gano’n? Ayos ka, ah!” Dinuro pa niya ito.

“Hey! Listen to me. You should take advantage of my idea, Cass. You only need the benefits, right? Lola won’t force you to stay if you decide to quit. Puwede mong sabihin na hindi mo na ako mahal. She will respect your decision.”

Sumama ang titig niya kay Stefan. Pero naisip niya ang magandang benefits na makukuha sa deal nito. Pagkakataon na niya iyon upang makaahon sa hirap. Kaso, inuusig naman siya ng kaniyang konsensiya.

“Ayaw kong bigyan ng sama ng loob si Lola. Hindi ba puwedeng ikaw ang maging dahilan ng divorce? Babalikan mo ka’mo ang ex mo, tapos aalis ako,” aniya.

“Hindi ‘yan puwede, Cass. Magagalit sa akin si Lola. Baka itakwil niya ako at bawiin ang ari-arian niya. Ayaw niya sa ex ko, kaya malabong makalusot ang ideya mo.”

“Eh, ‘di sabihin natin na ayaw mo na sa akin. Mag-away tayo palagi.”

“I could sense that. Ngayon pa lang puro na tayo away.” Ngumisi ito. “But seriously, don’t think about the consequences. Let’s have a deal first.”

Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga. Hindi pa siya makapagpasya nang maayos.

“Bigyan mo pa ako ng time. Aaralin ko muna ang ugali mo,” aniya. Binalikan niya ang ginagawa.

“Okay. I’ll give you a chance to be nice to me, too. Ayaw ko ng maingay na babae.”

Binato niya ito ng matalim na titig. “Hindi ako ang mag-a-adjust, no!” buwelta niya.

“Fine! We should adjust both.”

Tumango lamang siya at hindi pa rin makapagpasya.

ISANG linggo pa ang lumipas. Pahirap nang pahirap ang sitwasyon ni Cassandra sa araw-araw na biyahe papasok ng trabaho. Natutukso na siyang patusin ang offer ni Lola Isabela na patirahin siya sa condo nito. Samantalang kinukulit pa rin siya ni Stefan sa deal nito.

Lunes nga ng umaga ay muli siyang kinausap ni Stefan. Pinapunta pa siya nito sa opisina nito. Wala itong pakialam kahit late siya sa trabaho.

“Ano pa ba ng pumipigil sa ‘yo? Mas gusto mo talagang makulong, ano?” may iritasyong untag ni Stefan.

Nakatayo lamang siya sa harapan nito habang ito’y prenteng nakaupo sa swivel chair kaharap ng office table.

Namaywang siya. “Hoy! Wala kang karapatang ipakulong ako dahil amanos na tayo! Hindi ko na kasalanan kung naloko ako ng buyer ng singsing! O baka ginigipit mo lang ako at kunwari mahal ang singsing para makuha mo ang kumpanya ng lola mo!” palabang buwelta niya. Uminit na rin ang kaniyang bunbunan.

“I didn’t fool you, Cass. Seryoso ako sa presyong sinabi ko tungkol sa singsing. Pakita ko pa sa ‘yo ang resibo. Malaking halaga ‘yon, kaya huwag mo sanang balewalain,” anito.

Mariing nagtagis ang kaniyang bagang sa gigil. Hindi siya nakatiis at dinuro ang binata. “Talagang pipilitin mo ako, ah. Sige, once nagpakasal ako sa ‘yo, magiging mabait ka ba sa akin?”

Umupo nang tuwid si Stefan at itinigil ang paglalaro sa upuan. “Nakadepende ang ugali ko sa kung ano ang ipapakita mo sa akin ng ibang tao, Cass. I’m straighforward, at ayaw ko ng magulong kausap at kasama. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman kita mamaltratohin. Titira ka sa bahay ko, I mean sa family house namin. Since ako ang nag-iisang tagapagmana, akin na iyong bahay at doon din nakatira si Lola.”

“Ano? Mas mahirap kung kasama si Lola sa bahay. Paano tayo kikilos? Baka pilitin niya tayong magsama sa iisang kuwarto.”

“Natural. Magtataka si Lola kung magkahiwalay tayo ng kuwarto.”

“Wala ka bang sariling bahay, iyong ikaw lang ang nakatira? Para kapag nag-away tayo, walang makahalata.”

Tumikwas ang isang kilay ni Stefan. “Gusto mo talaga ng away, ano? Hindi pa nga tayo magkasama puro away na ang bukambibig mo,” maktol nito.

Humalukipkip siya. “Hindi naman kasi maiwasan ‘yon. Sa simula pa lang, may ayaw na ako sa ‘yo, malamang ganoon ka rin sa akin. At saka mahirap kasama si Lola, demamanding at mahirap tanggihan ang gusto niya. Hindi puwedeng magkasama tayo sa isang kuwarto.”

“That’s not possible. May sarili akong bahay pero nasa Makati. Mahihirapan tayong bumiyahe araw-araw. Kung gusto mo naman sa condo, puwede, kayo magtatampo si Lola. Gusto kasi niya ay kasama niya ako sa bahay.”

“Eh, ‘di sa weekend doon tayo sa bahay ninyo. Mas malapit dito ang condo.”

“Papayag si Lola pero sasama rin siya sa condo.”

Napanganga siya. Pakiramdam niya’y niloloko lang siya ni Stefan. “Kakausapin ko si Lola at sabihin na sa condo lang tayo titira,” aniya.

“Iyon ay kung papayag siya. So, deal?”

Mataman siyang tumitig kay Stefan. Naiirita siya sa ngiti nitong tila may masamang balak. Gayunpaman, ramdam na niya ang excitement. Wala na rin siyang choice dahil hirap na siya sa buhay. Paubos na rin ang pera niya at bayaran na naman ng kuryente.

“Sige, tatanggapin ko ang deal mo,” pasya niya.

Napatayo si Stefan at malapad na ngumiti. “Is it final?” untag nito.

“Pero bago ‘yon, magkalinawan muna tayo. Pag-usapan nating maigi ang mangyayari.”

“Okay. I’ll give you time to settle those things you wanted to happen. Ikaw ang masusunod.” Pilyo itong ngumiti. Inilahad pa nito ang kanang kamay sa kaniya. “Deal?” tanong nito.

Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga bago dinaop ang palad ni Stefan. “Deal,” tugon niya.

Nagtagisan sila ng titig. Ito na ang pinakamahirap na desisyong nagawa niya sa tanang buhay, pero nakahanda siyang harapin ang consequences alang-alang sa kaniyang kinabukasan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
Arte mo girl .
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status