Share

Chapter 115

Penulis: jhowrites12
last update Tanggal publikasi: 2026-06-26 23:15:05

Habang pauwi na si Daniel ay may pumuslit naman na pigura sa entrance door. Ipinakita niya ang ID niya na nakuha pa sa mga gamit na naiwan sa boarding house. Buti na rin at hindi niya dala ang mga iyon nang bigla na lamang siyang tangayin. Dala na rin niya ang teleponong naiwan din dahil sa pagmamadali niyang mapuntahan noon ang ina.

Dali-dali niyang tinalunton ang gawi ng opisina ng manager. Kailangan niya itong makausap agad.

Si Bianca naman ay hindi na alam ang gagawin. Kung hindi pa magpap
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
dyann awacay
nice! ky Daniel kaya si Ysa na nakamaskara makikipag-usap? more updates po. SalaMuch
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 115

    Habang pauwi na si Daniel ay may pumuslit naman na pigura sa entrance door. Ipinakita niya ang ID niya na nakuha pa sa mga gamit na naiwan sa boarding house. Buti na rin at hindi niya dala ang mga iyon nang bigla na lamang siyang tangayin. Dala na rin niya ang teleponong naiwan din dahil sa pagmamadali niyang mapuntahan noon ang ina.Dali-dali niyang tinalunton ang gawi ng opisina ng manager. Kailangan niya itong makausap agad.Si Bianca naman ay hindi na alam ang gagawin. Kung hindi pa magpapakita si Belle ay siguradong malilintikan sila. May nakapansin na kasing bigating customer na hindi si Belle ang pinapasayaw nila. Sigurado siyang isang araw, mabubulilyaso ang dancer na binayaran nila para gayahin si Belle. Isang impostor para magpanggap na si Belle."Nasaan na kasi ang babaeng iyon!" litanya niya.Nagpabalik-balik siya sa paglalakad habang nag-iisip ng gagawin."Dapat na ba akong kumuha ng iba?"tanong sa isipan niya. Pero malakas ang hatak ng babaeng nakamaskara sa mga parokya

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 114

    Napahilot si Daniel sa bridge ng kaniyang matangos na ilong. Then napunta ang mga daliri sa kaniyang sentido. Sumasakit na naman ang kaniyang ulo dahil sa matinding pag-iisip at sa stress na hatid ng trabaho at ni Ysabella."You've changed." Iyon ang agad na bungad ni Benjamin nang makita siya. Gaya ng napag-usapan nila, nagkita sila ngayon sa club.Pagod na ngiti lang ang naging kasagutan ni Daniel kay Benjamin. Si Benjamin naman ay biglang may pag-aalala sa kaibigan. Pansin niya ang pag-impis ng katawan nito kaysa sa dati. Pero ang mas nakakaalarma sa kaniya ay ang pagbabago nito bigla sa ugali.Napansin niyang medyo tamed ito ngayon. Kapag ganoon ang lalake, pakiramdam niya ay may pasabog na mangyayari."What happened to you?"Itinaas ni Daniel ang baso ng alak. Pagkatapos ay sinenyasan ang kaibigan na maupo.What happened to him? Marami. Bukod sa nahanap na muli niya si Ysabella. Nahanap na din niya ang kasagutan sa ilang katanungan sa kaniyang sarili.Lalo na ang isang bagay.K

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 113

    "Magpapanggap akong asawa mo sa harap ng lola mo at ni Raj at sa iba pang nakalaalam na kasal tayo. Pero magiging malaya ako. Makakapunta ako sa kung saan ko gusto na hindi mo ako pinapasundan sa kung sino. Huwag mo rin kontrolin kung anong gagawin ko gaya noon. Gusto kong maging malaya!" pahayag ni Ysabella.Nakinig lamang si Daniel. Nagtiim bagang habang naririnig ang mga kagustuhan ni Ysabella. Ayaw sana niya. Pero mukhang desidido na si Ysabella sa gusto nitong gawin. "Kung papayag ako sa gusto mo, I still want you to go home at this place. This is our home now," sabi niyang gustong ipaintindi sa babae na ang bahay na iyon. Ang lugar na iyon ay ginawa dahil kay Ysabella.Because he wants to start a new life with her. Hindi pa niya nasasabi iyon dahil hindi siya binibigyan ng pagkakataon ni Ysabella. To redeem himself to her."We will be strangers here," wika naman nito. "Nothing to do to each other. Huwag nating pakialaman ang isa't isa. Malaya kang gawin ang gusto mo." Habang s

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 112

    Pagkatapos ma-settle ang mga naiwang trabaho sa opisina ay umuwi agad si Daniel. Dala niya ang isang papeles na pinakuha niya kay Nando. Alam niyang magmamatigas pa rin si Ysabella pero pagdating sa ina nito, hindi ito makakatanggi. Iyon lang ang naisip niyang para pumayag si Ysabella sa gusto niya.Habang nasa sasakyan ay nakapikit siya. Panaka-naka siyang sinusulyapan ni Nando pero hindi ito nagsalita.Si Daniel naman, kahit nakapikit ay ramdam niya ang paligid. Ramdam niya ang mga tingin ni Nando sa kaniya."May sasabihin ka, Nando?" tanong niyang nakapikit pa rin. Napalunok si Nando. Kailangan niyang i-report ang nangyari. Hindi man naging tagumpay iyon ay kailangan pa rin niyang ipaalam."Sinubukan daw tumakas ni Miss Ysabella, Boss."Doon ay agad na nagmulat ng mga mata si Daniel. "What did she do?" Mahina pero ramdan ni Nando ang pagtitimpi nito sa boses."Sinubukan niyang umakyat sa puno sa may hardin para makasampa sa pader."Napabuga si Daniel ng hangin. Alam niya ang pun

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 111

    Pabiling biling sa higaan.May nakikita siya na batang lalake. Nasa kotse ito. Bumangga ang sinasakyan. Nasunog ang kotse. Naroon ang batang lalake.Parang hindi siya makagalaw na pinanood ang pagtupok ng apoy sa sasakyan habang sumisigaw ang batang lalake na iligtas ito. Gusto niyang humakbang pero para naman siyang naipako sa kinatatayuan.Umungol siya. Kailangan niyang iligtas ang bata.Kailangan."Guyam..."Wala siyang magawa. Ang katawan niya, ayaw sumunod sa gusto niya."Guyam!" sigaw sa pangalan niya.Bumalikwas si Marco nang may tumapik sa kaniyang mukha kasabay ng pagtawag sa kaniya sa isang pangalan.Dahan-dahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata."You're dreaming..." sabi ni Angela na siyang nakasampa na sa kama niya. Ito din ang gumising sa kaniya sa bangungot na paulit-ulit sa loob ng maraming taon.Hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan ang panaginip na iyon. Nagtanong na siya sa psychiatrist na pinapuntahan niya sa ibig sabihin niyon pero wala itong maisagot."Oka

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 110

    Nagkulong si Ysabella sa kaniyang kuwarto. Kahit kinatok na siya ni Aling Juvie dahil nakahanda na ang hapunan ay hindi siya lumabas. Naghintay siya na gumabi na talaga tsaka lumabas. Sigurado siyang nagpapahinga na si Aling Juvie. At wala ng taong kailangan niyang pakiharapan.Nasa pasilyo siya nang marinig niya ang malakas na ungol mula sa isang kuwarto. At hindi na siya manghuhula pa kung kanino galing iyon. Kilala na niya at sanay na siya sa ganoon.Daniel always likes this when he is sick. Nagdedeliryo ito."Huwag po! Huwag po!" sigaw na narinig niya. Parang batang nagmamakaawa. Batang naghahanap ng kalinga."Mama! Papa! Please save me! Save me!"Gusto niyang ignorahin iyon. O baka naroon naman sa loob si Aling Juvie. "Sisilip lang ako," ika niya.Dahan dahan niyang binuksan ang pinto sa kuwarto ni Daniel. Sa dim light ay naaninag niya ang pabiling-biling na lalake.Lumapit siya ng dahan-dahan."Ysa, stay...stay..."Napalunok siyang kumuyom ang kamao. Ngayon, tinatawag naman siy

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 19: Monster

    Madilim ang mukhang muling humarap si Daniel kay Ysabella. Muli siyang humakbang palapit sa babae. Nakatunghay siya dito habang nakasalampak ito sa sahig. Siya? Tila matayog na puno na nakatayo. Ni hindi yumuko para pantayan ang babae. Bakit siya yuyuko. She didn't deserve it!"Divorce? It's not yo

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 18: Just Divorce me!

    "Bro, did you eat something before this bloody alcohol again?"Matalim na tinitigan ni Daniel ang kaibigan na si Benjamin dahil sa pangingialam nito. Kararating lamang nito pero iyon agad ang entrada sa kaniya. Niyaya niya ito para maghappy-happy sila hindi para masermonan."Tsk! You are killing yo

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 17: Another side of Raj

    "Raj?"Ngumiti si Raj dahil nakikilala pa siya ni Aling Rosa. Ang ina ni Ysabella. Noong umalis sila ni Granny Mira, tila walang kilala ito. Because of the trauma she was in and the medications she was receiving by then. That fire accident really gets a troll to all of them. He was not there when i

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 16: He doesn't have a choice!

    "Salamat sa pagiging mabuting brother in law.""Ysa, did you say anything?" Biglang humarap sa kaniya si Raj. Parang may naulinagan ang lalake pero hindi niya iyon naintindihan. Kaya naman napatanong siya kay Ysabella habang napatitig.Ngumiti lang si Ysabella. Hindi na inulit ang katagang binanggi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status