=AZRAEL’s POV=
Naka-upo ako waiting shed sa labas ng Lestrange University habang hinihintay si bebelabs na lumabas. May dala akong flowers at chocolate para suyuin siya dahil galit siya sa akin. Alas singko pa lang ng hapon kaya panigurado na lalabas na siya mamaya kaya dito lang ako uupo para makita agad siya.
"Azrael!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Vladimir pala ang aking kinakapatid na anak ni ninong Ryan.
Kumaway ako sa kanya saka tumayo at naglakad naman siya palapit sa akin.
Ang guapo talaga nito ni Vlad, saka yayamin kung pumorma parang hindi anak ng taxi driver. Parang richkid dahil ang galing niya manamit. Hindi naman ako nai-ingit sa kanya. Natutuwa pa nga ako kasi ang galing niya pumorma.
"Vlad, ayos porma natin ah,” sabi ko, “Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi ay graduate na rin siya kaya bakit siya nandito?
"Hmp, sinusundo ko lang syota ko, ikaw, anong ginagawa mo dito?" balik tanong din niya sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa.
"Sinusuyo ko lang nililigawan ko. Galit ee, dahil hindi ako nakasipot sa usapan namin kanina." Tumango lang siya bilang sagot.
"Sweetheart," tawag ng isang babae na mukhang mayaman kay Vlad saka ito naglakad palapit sa amin.
"Hi," bati ni Vlad sa babae saka sila nag-kiss sa lips.
‘Wow, sana all may ka-kiss sa lips.’
Saka ang galing pumili ni Vlad ng sosyotain, maganda, sexy, at mukhang mayaman.
"Sweetheart this is Azrael, dad's god-son,” pakilala niya sa akin sa syota niya, “Si Lileth nga pala, Az, girlfriend ko." Nag-alangan naman akong abutin ang kamay noong Lileth kasi baka hindi niya tanggapin. Mayaman ee at baka ayaw sa virus pero buti na lang at siya na rin ang nagkusa na i-abot ang kamay niya sa akin.
"Nice to meet you, Azrael," pati pagbigkas sosyalin ang dating. Yayamanin talaga.
“naystometyuto,” sagot ko sabay abot ng kamay.
"Azrael!" Nagulat ako at agad na binitawan ang kamay ni Lileth nang makita ko ang umuusok na ilong ni Sabrina. Nakasingkit pa ang mata niya habang nakatayo sa hindi kalayuan. Selos naman agad ‘to alam naman niyang siya lang ang labopmaylayp ko.
"Ah! sige ah, una na ako at nandiyan na si tigre hehehe." Hindi ko na sila hinintay na sumagot at agad na akong umalis.
"Bebelabs, hi," bati ko kay Sab at agad na inabot ang bulaklak at tsokolate. "plawers and tsokolit por yu." Pero hindi niya pinansin ang inabot ko kaya naman ngumiti ako ng malapad.
"Hehe, ayaw mo ba, bebelabs?" tanong ko.
"Sino ýong kausap mo?" Ehh sabi na nagseselos si bebelabs ayaw lang umamin.
"Ah! si Vlad ýon bebelabs anak ni ninong Ry, tapos syota niya ýong babae maganda." Kinuha agad niya ang mga binigay ko at nauna nang maglakad.
"Saglit bebelabs." Habol ko dahil ang bilis niyang maglakad. “Saglit lang,” tawag ko at agad naman siya huminto.
“Doon ka na sa magandang babaeng ýon.” Inis niyang sabi.
“Ano ka ba bebelabs, wala ng mas gaganda pa saýo. Ikaw ang pinaka-maganda sa lahat sa paningin ko.” Ay mali, si mommy pala pers. Pero maiintindihan naman ni mommy kung si Sabrina muna ang pers ngayon. Lagi naman siya since birth ko.
“Ewan ko sayo.” Saka siya mabilis na naglakad. Kaya mabilis din akong nakasunod sa kanya nang may ma-bunggo ako.
Nang tingnan koi to ay isang maangas na babae ang nabunggo pero hindi nakatingin sa akin.
“Sorry Miss,” hingi ko ng paumanhin sa babaeng maganda din pero mas maganda si Sabrina. Pero hindi ee, maganda din talaga siya. Ang angas pa ng dating niya. Pormahan na pang action star sa palabas.
“Watch your steps,” sabi nito nang hindi tumitingin sa akin.
“Yes po,” sabi ko sabay saludo pero hindi niya nakita dahil naglalakad na siya palayo.
“Hoy!” dinig kong sigaw ni Sabrina at nang tingnan ko siya ay nasa gate na pala siya.
“Huwait for me bebelabs!” sigaw ko nang makita siyang nag-umpisa na naman maglakad. “Sino kaya ýong babae na ýon, ang angas niya talaga.
NANDITO kami sa isang park kung saan ang daming tao na nakatambay. Naka-upo kami sa isang bench habang kumakain ng ice cream.
"Bebelabs, kailan mo ba talaga ako sasagutin?" Hindi naman sa nai-inip ako, pero syempre apat na taon na akong nanliligaw sa kanya pero hindi ko pa rin alam kung ano ang skor ko sa kanya.
"Bakit nagsasawa ka na ba? pwede kang umatras kung ayaw mo na," sabi niya habang sa mga bata nakatingin.
Ako magsasawa?
Naghintay nga ako ng apat na taon. Kung magsasawa ako sana noon pa.
"Naku bebelabs malabo akong magsawa sayo. Alam mo naman na lab na lab kita, tilditdoaspart."
"Ýon naman pala, eh ‘di maghintay ka,"
"Syempre naman bebelabs basta ikaw, kahit katapusan ng mundo hihintayin ko para sayo. Ehh!" Kinikilig kong sabi pero mukhang wa epek sa kanya. Pero alam ko sa kaloob-looban niyan kinikilig na yan panigurado.
"Dami mong alam," sabi niya saka tumayo at nang-umpisang maglakad. Ang hirap talaga pakiligin ng bebelabs ko kaya mas lalo akong ginaganahan mag eport.
Tumayo rin ako para sundan siya. Saan na naman pupunta ang isang ‘to at bilis pa maglakad.
"Bebelabs ko, huwait for me!" sigaw ko. Hay mga babae talaga sobrang magulo at ang hirap espilingin.
Nakasunod lang ako kay bebelabs habang naglalakad sa pathway nitong park. Hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay pero syempre dahil lab ko sunod lang ako nang sunod sa kanya. Kahit pa umakyat siya ng bundok at tumalon sa dagat susunod ako basta si bebelabs ang kasama ko.
"Bebelabs," bulong ko na nagpatigil sa kanya.
"Ano?" tanong niya saka tumingin sa akin.
"Ang ganda mo talaga, hehehe," sabi ko pero tumaas lang ang kilay niya. Wa epek na naman, kaya lab ko talaga ‘to eh kasi hindi easy to get.
"Azrael," tawag niya sa akin kaya umayos ako habang nakasunod.
"Yes, bebelabs,"
"Bakit mo ako nagustuhan?" tanong niya sa akin na parang naging matikmatik bigla. Teka ngayon lang ako natanong ni bebelabs ng ganito at nasurpresa ako.
Kailangan magpa-impress ako para hindi siya ma-disappoint sa sagot ko at baka mabasted ako ng wala sa oras. Sayang ang apat na taon paghihintay kung mauuwi lang din sa basted dahil lang nagkamali ako sagot.
"Kasi, maganda ka, kasi sexy ka, kasi matalino ka, at saka mabait, hehehe," kampanti kong sagot. Tama naman lahat ng sinabi ko at lahat ýon ay galing sa puso ko.
"Ibig sabihin pag tumaba ako at nasira ang mukha ko at hindi ko na naintindihan mga sinasabi mo mawawala na pagmamahal mo sa akin?" tanong niya.
Oo nga no! Ay putspa! palpak na naman ang sagot ko.
"Hindi ah! syempre lab pa rin kita." Teka, ano ba kasi ang tamang sagot? "Ikaw bebelabs, anong nagustuhan mo sa akin?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Bakit, sino ba ang may sabi na gusto kita?" Ouch! "Ikaw lang naman 'tong pilit nang pilit na manligaw sa akin." Isa pa'ng ouch! Parang hindi nga ako binasted pero parang ganoon na nga.
"Eh bakit hindi mo pa ako binabasted kung hindi mo pala ako gusto?" tanong ko na medyo may pagka-sad.
"Ewan ko saýo!" sagot niya saka mabilis na naman na naglakad.
"Bebelabs, saglit lang, ang bilis mo naman maglakad." Hindi na nga niya sinagot ang tanong ko, iniwan pa ako.
Babae talaga!
ZION's POV
=SABRINA POV=Kanina pa ako nakatulala at wala na akong halos maintindihan sa mga turo ng mga professor. Iniiisip ko si Azrael at ang babaeng nakita ko kagabi. Mahal ko si Azrael at totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin naman na mahal niya ako kaya nga naging kampante ako kahit hindi ko pa siya sinasagot.Pero hindi ko akalain na ganoon kabilis siyang mawawala sa akin. Hindi ko matanggap na napunta siya sa iba nang ganoon kadali. Akin dapat siya at akin lang siya. Kung may paraan lang na mabawi siya ay gagawin ko. Kung kasing yaman lang ako nang babaeng 'yon ay babawiin ko si Azrael sa kanya. Siguro tinakot niya si Azrael kaya hindi na nakatanggi sa kanya.Habang umiinom ako nang juice dito sa canteen ay iniisip ko kung paano ko kaya mababawi si Azrael sa babaeng &ya
=AZRAEL POV="Whoa!" Namangha ako sa ganda ng gate na pinasukan namin. Lalo na nang makita ko ang isang bahay na sa palabas sa tv ko lang nakikita. Ang laki at ang ganda ng paligid. Halatang yayamin ang mga nakatira dito. "Sigurado ba kayo na bahay 'to ni Alexa?" tanong ko nang makababa na kami.Nilibot ko ang tingin sa labas ng bahay. Napakalawak at napakalinis pero hindi kagaya ng mga napapanood ko sa tv na may garden at pool. Dito kasi literal lang siyang malawak at tanging mga upuan lang ang narito at mga puno sa tabi ng mismong bahay.Ang bahay naman ay may seco
"Matutulog na kami, Sab." Pero hindi siya nakinig at pumasok pa rin siya sa loob at agad na umupo sa tabi ko. "Anong nangyari, kailan mo pa ako niloloko?" tanong niya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. "Hindi kita niloko Sab, ang totoo niyan---" bumuntong hininga muna ako. Kailangan ko sabihin sa kanya ang totoo, pasensya na Alexa pero kailangan kong magpaka-honest ngayon, total ikaw rin naman makakasama ko. "----napikot ako." "Ano?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Nalasing ako at nagising na magkatabi kami sa kama kaya wala akong choice kundi pakasalan siya sa mismong araw na ýon dahil kailangan ko siyang panagutan." Binaliktad ko na lang ang sitwasyon para hindi na siya manguli
=SETH's POV="Alam mo na ba ang balita?" tanong ko kay Jacob saka tinira ang dart na tumama sa gitna sabay upo sa lamesa ng bilyaran at muling nagpakawala ng isang dart."What news?" tanong niya pabalik pero hindi nakatingin sa akin kundi sa laptop."Alexa is married." Mabilis niyang sinara ang laptop at matalim akong tiningnan. Iyong titig na para akong lalamunin ng buhay."Stop making fun of me, or I will kill right away.""I'm not, you can ask your goons."
=AZRAEL's POV= Kalmadong naka-upo sina Alexa at ang dalawa niyang kaibigan na sina Hades at Penelope katapat nang pwesto namin nina mommy at daddy. Kakarating lang nila at pare-parehong tahimik. Tunog lang ng electric fan at ingay sa labas ng bahay ang maririnig dito. Nakita ko na medyo hindi komportable sina mommy at daddy dahil mukhang kanina pa sila asiwa. Hindi ko sila masisi dahilperstaym namin makisalumuha sa mga totoong mayayaman.
=BETHANY's POV= "What?" Sabay-sabay namin tanong nina Nath, Zion at Gabriela nang ibalita sa amin ni Penelope na kasal na si Alexa sa lalaking nagtitinda ng pagkain. Like what the hell did she do para mapapayag ang lalaking ýon? Eh sa hitsura noon, kahit kumain ng asin gagawin noon wag lang siyang pilitin sa ayaw niya. Did she offer a billion? Ganoon ba siya ka-eager na mapasagot ýon? And why the fvck is him? Pwede naman isa sa VIP ang pakasalan niya at for sure mapapasunod pa niya. May pagkabobo rin 'to mag-isip minsan si Alexa eh. "Narinig niyo na 'di ba? Uulitin pa ba ni Penelope ang sasabihin niya?" Tiningnan k
=JOHN PAUL's POV=Tahimik si Azrael sa likod ng van at mukhang malalim ang iniisip. Naririnig din namin siya na panay ang buntong hininga. Iniisip kaya niya kung ano talaga ang nangyari?Malas niya dahil wala siyang maiisip dahil wala naman talagang nangyari. Pero dahil ayaw pa namin mamatay at gusto namin ng happy ending, syempre hindi namin sasabihin. Ganito kasi yan."May ipag-uutos ka pa master?" Nakangiti kong tanong kay master Alexa dahil ang gagong anghel tumakbo na."Undress him, fully naked." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni master dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko."Hey, do you hear me Ross?" Pero mas hindi ako makap
=AZRAEL's POV=Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa loob ng kwarto dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ano kaya kung mag-file ako ng kaso sa kanya dahil pinikot niya ako. Kaso,kung mawalan ng bisa ang kasal namin dahil niloko niya ako, ay paano naman ang nangyari sa amin?WahhhAnong gagawin ko?Kung tutuusin, siya pa rin agrabyado sa aming dalawa. Iniisip ko pa lang kung paano na lang kung mabuntis siya tapos maghihiwalay kami paano ang baby namin na paniguradong cute ang lahi dahil guapo ako at maganda siya. Naks! Pwede!Pero teka lang bakit ba ýon ang iniisip ko?Nagdadalawang isip pa rin ako kung lalabas