Share

KABANATA 4

Author: Eyah
last update Last Updated: 2025-04-05 20:00:07

WARNING! THIS PART OF THE STORY MAY CONTAIN SENSITIVE SCENES, LANGUAGE, AND ACTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR READERS 18 YEARS OLD AND/OR BELOW. READ AT YOUR OWN RISK!

TRIGGER WARNING: ABORTION AND SEXUAL ABUSE

MAKALIPAS ANG 2 TAON…

SA kabila ng gianwa nina Tiyo Dan at Kuya Denver sa akin, natuloy pa rin ang kagustuhan ni Tiya Poleng na tumira ako sa kanila.

Dalawang taon na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasawa sina Tiyo Dan at Kuya Denver na galawin ako at babuyin. Halos walang palya gabi-gabi. Minsan, kahit tirik na tirik ang araw, basta wala si Tiya Poleng sa bahay. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Gustung-gusto ko nang magsumbong pero kanino? Isa pa, natatakot na ako. Nagawa ko nang magsumbong noon, pero panibagong pang aabuso lang ang napala ko. At kapag nagsumbong ako, paano kung hindi nila ako paniwalaan? Kung isipin nila na nagsisinungaling lang ako at gumagawa ng kuwento? Kahit si Tiya Poleng, alam ko na hindi niya ako paniniwalaan. Kilala niya si Tiyo Dan na perpektong asawa—walang bisyo at puro trabaho lang ang inaatupag. Si Kuya Denver naman, consistent honor student at varsity pa. Pamilya niya ang mga iyon. Samantalang ako, isang kamag anak lang na namatayan ng ina at may pabayaang ama; nakikitira lang at nakikikain ng libre sa kanila. Obvious naman na siguro kung sino ang pipiliin niya.

Ngayon, tulala lang ako at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Malinaw na malinaw ang dalawang kulay pulang linya na resulta ng pregnancy test kit na pasikreto kong binili gamit ang natirang baon ko. Buntis ako…

Hinagis ko sa sahig ang pregnancy test stick at umiiyak na pinagsusuntok ko ang tiyan ko. Ayoko nito. Ayoko…

Sa ganoon ako inabutan ni Tiyo Dan. Hatinggabi na rin at siguro, balak na naman niyang galawin ako kung hindi lang niya ako inabutan sa ganoon kagulong sitwasyon.

"T*ngina, anong ginagawa mo? Ano’ng… Ano ito?!” Dinampot ni Tiyo Dan ang pregnancy test stick na nasa sahig. "T*ngina…”

Dali-dali siyang lumapit sa pinto at mabilis na ni-lock iyon.

"Ano ito, Lara?! Ano’ng ibig sabihin nito?!” galit na kastigo niya sa akin.

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Galit din ako.

"Buntis ako, hindi mo ba nakikita? Buntis ako at dahil iyon sa inyo—”

Tinakpan niya ang bibig ko dahil pasigaw kong sinasabi sa kanya ang mga katagang iyon.

"Tumigil ka! Alam mong hindi pwede ito. Hindi pwedeng mangyari ito!” mariin ngunit mahina niyang saad sa akin.

Nagpumilit akong makawala sa pagkakatakip niya sa bibig ko.

"Alam niyo naman palang hindi pwede. Eh, 'di sana noong una pa lang pinigilan niyo iyang kamanyakan niyo at hindi niyo ako sapilitang ginalaw—”

*Pak!

Gaya ng dati, wala akong magawa kundi ang umiyak na lang. Napahawak ako sa tiyan ko, hindi para protektahan ito. Kundi para hilingin na sana ay mali lang ang resulta ng pregnancy test at sana ay walang buhay ang nananahan sa loob niyon.

"Ilang buwan na iyan, ha?!”

Umiling ako. "Hindi ko alam. Bakit hindi ang sarili niyo ang tanungin niyo? Tutal, kayo naman ang may kagagawan nito—”

*Pak!

Isa na namang sampal.

Pinilit kong huwag magpakita ng reaksyon sa pananakit niyang iyon sa akin. Pero hindi ko nakaya dahil sa sobrang sakit ng pagsampal niya.

"Halika rito!” Bigla akong hinawakan ni Tiyo Dan sa buhok at pakaladkad na hinila papunta sa sasakyan niya. Iyak lang ako nang iyak. Gusto ko ring sumigaw para humingi ng tulong pero ayokong gumawa ng gulo. Ayokong kumalat pa at makarating sa iba ang nangyayari sa akin.

Patulak akong sinakay ni Tiyo Dan sa backseat ng sasakyan niya.

"Hindi pwedeng mabuhay ang batang iyan. Kailangan niyang mawala!” parang demonyo pang sabi niya bago niya pabalibag na sinara ang pinto ng kotse.

Pumunta siya sa driver's seat at nagsimula nang magmaneho palayo. Iyak lang ako nang iyak habang nanonood at naghihintay sa kahihinatnan ko sa kamay ni Tiyo Dan. Alam ko na ang mangyayari. Alam na alam ko na kung saan niya ako dadalhin dahil hindi naman ito ang unang beses.

Nabuntis na ako noon sa kauna-unahang pagkakataon, ilang buwan pa lang ang nakararaan. Nalaman din ni Tiyo Dan na buntis ako at dinala niya agad ako sa matandang manggagamot para sapilitang magpalaglag. Ngayon sa pangalawang beses, buntis na naman ako at alam kong doon niya rin ulit ako dadalhin. Ganoon ulit ang balak niyang gawin…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 30

    "LARA, where have you been? It's almost midnight."Imbis na takot ay gulat ang naramdaman ko nang biglang magsalita si Ninong Azrael. Kapapasok ko pa lang sa madilim na salas at boses na niya ang bumungad sa akin.Biglang bumukas ang malamlam na ilaw at doon, sa wakas ay nakita ko na si Ninong Azrael na nakaupo sa isa sa mga sofa. Mukhang kanina pa siya nandoon at naghihintay."N-Ninong—""Now tell me, saan ka galing?" seryosong tanong niya.Tinapik-tapik niya pa ang space sa sofa na malatozpit sa kanya. Paraan niya iyon para sabihin na lumapit ako sa kanya at umupo sa space na iyon."Now, I know kung bakit Lara's so afraid to go home late. It's because you're so mahigpit towards her!" biglang singit ng isang boses."Maecy?" gulat na saad ni Ninong Azrael.Nilagpasan ako ni Maecy at dire-diretso siyang lumapit kay Ninong Azrael. Yumuko pa siya at hinalikan ito sa labi, walang pakialam kahit na na nakikita ko sila. Bumalik tuloy sa akin ang mga nangyari noong gabi mg debut ko. Parang

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 29

    "TARA NA! NANDITO NA TAYO!""What, really? Finally!" bulalas ni Maecy.Dahil marahil sa excitement ay bigla siyang tumayo. As in, iyong straight na tayo. At dahil mababa lang ang bubong ng jeep, nauntog siya roon at lumikha pa iyon ng malakas na tunog."O-Ouch," daing niya, nakayuko na habang sapo ang ulo niyang nasaktan.Nagtawanan naman ang nasa paligid. Imbis na sawayin ko sila ay nakitawa pa ako."Yumuko ka kasi," sabi ko sa kanya. Tumayo na rin ako at nakayukong naglakad palabas ng jeep.Sumunod din sa akin si Maecy pero mukhang hindi pa tapos ang kahihiyan niya dahil paghakbang niya pababa, muli na naman siyang nauntog at muntik pang madulas.Natapik ko na lang ang noo ko habang kagat ang labi, nagpipigil ng tawa."You…!" bulalas niya lang at nauna nang maglakad papasok sa entrance ng mall.Hindi ko naman agad magawang sumunod sa kanya dahil hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko ngayon. Iyong Opulence Oasis na sinasabi niya, para nang five star hotel sa laki. Oo, first time

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 28

    BUONG araw na naging laman ng isip ko si Maecy at ang "friendship" na ino-offer niya.Ngayon, nakaupo ako sa bench malapit sa gate ng school—naghihintay sa pagdating niya. Hindi para taguan siya o takasan, kundi para sumama sa gala na sinasabi niya."Hey, Lara! I'm here na! I thought, you're gonna make tago."Tipid na ngiti lang ang sinagot ko kay Maecy. Medyo nagulat pa ako sa biglang paglitaw niya. Hinihintay ko kasing dumating ang sasakyan niya pero wala. Bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko."Ahm, nasaan iyong sasakyan mo?" wala sa sariling natanong ko."My car? Ano eh… Nasiraan ako on my way here. So I guess, we have to commute—""Ha? M-Magco-commute tayo?!" gulat na bulalas ko."O-Oo? Look, I'm so sorry, Lara. I didn't mean to cause such inconvenience. If you don't want to commute, I'm gonna call Azi na lang—""Hindi! H-Huwag na," putol ko sa kanya. "Sanay naman ako mag-commute. Ikaw iyong iniisip ko kasi—""You think I can't commute?" natatawa niyang sabi. Nag aalangan man

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 27

    NANLAKI ang mga mata ko nang makita kong naglalakad palapit sa amin si Maecy, dala-dala ang bag na naiwan ko sa sasakyan niya.Dire-diretso siyang lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo."A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makatayo na."You left your bag in the car that's why I've decided to bring it to you," sagot niya. Tumingin pa siya kay Kylen at sa mga kasama nito. "Are they bothering you? Sila ba iyong dahilan kung bakit nakadapa ka riyan sa sahig?"Hindi ko magawang kumibo agad. Naninibago ako. Malayung-malayo na ang tono ng boses niya kaysa kanina noong nasa sasakyan pa kami. Biglang nagkaroon ng diin iyong boses niya. Parang meron nang galit doon. May awtoridad."And who's this extra bitch? The guts to make pakialam, ha?" tukoy ni Kylen kay Maecy bago tumawa. Sinundan naman siya ng mga utu-uto niyang alipores."Yeah, I'm a bitch. I won't deny the hell of that. But do you know what this bitch can do to you and to your… cheap and gullible minions?"Inabot sa akin ni

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 26

    WALA pang alas sais ng umaga pero sinimulan ko nang maglakad palabas ng subdivision.Lunes ngayon at may pasok ako. Usually, hinahatid ako ni Ninong Azrael o kung hindi siya pwede, tumatawag siya ng tauhan niya para ihatid ako. Pero ngayon, pinili kong maglakad kasi… gusto ko lang. Gusto kong iwasan siya.*Peep-peep!Napapitlag ako at gulat na napaatras nang umalingawngaw ang dalawang magkasunod na busina. Lumingon ako sa pinanggalingan noon at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ang isang kulay pink na sasakyan. Nakahinto iyon, pero mayamaya ay umandar din at huminto ulit nang nasa harapan ko na. Unti-unting bumaba ang bintana niyon at bumungad sa akin ang mukhang pinaka hindi ko inaasahang makita ngayong araw."Hey! Papasok ka na? Wanna ride? Ihahatid na kita!" masiglang sabi ni Maecy at oo, siya nga ang sakay ng pink na pink na kotseng huminto sa harapan ko. All smiles pa siya habang nakatingin sa akin, hawak pa rin ang manibela ng sasakyan niya."H-Hindi na. Ano… may dadaa

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 25

    "GOOD morning, Lara. Breakfast?"Pilit na ngiti lang ang sinagot ko kay Ninong Azrael. Mag isa siyang nagkakape nang abutan ko sa kusina. Himala na walang laptop sa mesa. Himala rin na nakangiti siya. Parang ang ganda-ganda ng gising niya. Parang ang saya-saya niya.Paano namang hindi sasaya, eh may kababalaghan na naganap kagabi?Bumalik sa isip ko ang mga nakita ko kagabi. At syempre, bumalik din ang kakaibang sakit na dulot niyon. Hindi ko pa nga tanggap ang katotohanan na may ibang babae na sa buhay ni Ninong Azrael; kailangan ko pa talagang harap-harapan na makitang ginagawa nila iyon?Naghila ako ng upuan at walang kibong kumuha ng toasted bread. Pinahiran ko iyon ng strawberry jam at kinagat. Nakatulala lang ako."Do you want warm milk to compliment your toast?" rinig kong tanong ni Ninong Azrael.Umiling lang ako bilang sagot pero hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kaya. "How about juice? We have lemon, orange—""Huwag na. Okay na ako rito. Sa labas na lang ako babawi ng kain m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status