เข้าสู่ระบบFaye’s Point of View
Kalmado lang ang ekspresyon ni Mikhael nang tingnan ko siya, parang hindi big deal sa kaniya ang mga nasabi niya. Wait… of course, if he’s pretending to be my husband— Matheo— then he must call me wife. ‘Di ba? Pero hindi gano’n si Matheo. Hindi gano'n ang totoong Matheo. He didn't own the word ‘my wife’. Ang madalas niyang sabihin ay ‘Si Faye ko’ o kaya’y ‘asawa ko’. O hindi rin pala madalas ah endearment na 'yon sa akin ni Matheo. Saka lamang siya naglalambibg sa pagtawag kapag may ibang tao. Nakakapanibago ang salitang ‘my wife’ kahit na english version lang naman iyon ng ‘asawa ko’. “Gusto kang makausap ng Lolo mo, Matheo. Kaya ako pumunta rito para ipadala ang imbitasyon. Sa linggo ay may family dinner tayo, gusto niyang makausap ka. Kayo ni Faye. Kaya kailangan niyong pumunta. Alam mo naman siguro kung ano ang posible niyong pag-usapan, ‘di ba?” Ang mana! Tama si Matheo sa hula niya. Kung tatagal kami ng tatlong taon bilang mag-asawa ay siguradong maniniwala na ang kaniyang pamilya na mahal nga namin ang isa’t isa at maibibigay na sa kaniya ang kaniyang mana! Hindi na kwekwestyunin ang kaniyang pagkatao! Napangiti ako, pero naglaho rin agad nang maisip na hindi sumasagot si Matheo— este Mikhael. Nilingon ko siya at nakitang matigas ang ekspresyon ng mukha niya. Kinabahan ako. Dinaan ko sa mahinang tawa ang kaba at hinarap ulit si Mommy. “Yes, Mommy… siyempre pupunta po kami ni Matheo sa family dinner. Alam na po namin ang gagawin namin.” Pangako ko. Unti-unting bumaling sa akin si Mommy, pero nangungunot ang kaniyang noo at hindi maitago ang pagtataka. Umiling siya. “Kung ganoon, aasahan ko na pupunta nga kayo. Please, don’t be late. Alam niyong nagsisimula ang dinner by nine, kaya eight pm pa lang dapat naroon na kayo.” Tumango ako. “Okay, then. Aalis na ako. Dadaanan ko pa ang Daddy niyo sa office niya.” Ani Mommy. I stepped forward to kiss her. Nang makapagbeso kami ay lumayo na ako para mabigyan ng pagkakataon si Matheo na mahalikan ang Mommy niya. Pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Sh*t! Oo nga pala, si Matheo ang humahalik sa pisngi ng magulang niya, hindi si Mikhael. He’s the heartless black sheep of their family. Hindi siya sanay na humahalik sa Mommy niya kapag aalis na ito. “Matheo? Is there something wrong?” Ayan na nga at napuna na ni Mommy! Kinabahan na naman ako. “Aalis na si Mommy.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata, umaasang makuha niya ang ibig kong sabihin. Tumikhim siya, saka humakbang palapit sa kaniyang ina at mabilis na humalik. Para siyang napapaso dahil agad din siyang lumayo. “Please, take care.” Malamig niyang sabi. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Mommy, pero hindi niya lamang masabi kung anuman ang gusto niyang sabihin. Hindi rin nagtagal ay umalis na siya kaya naiwan kami ni Mikhael sa sala. Parang nawala ang nakadagan na bato sa dibdib ko. Lumuwag ang paghinga ko. D’yos ko! “Did you marry my brother for his inheritance?” Wala sa sarili kong nilingon si Mikhael dahil sa narinig. Matalim at madilim ang kaniyang mga mata— puno ng panghuhusga at mga paratang. “Ano bang sinasabi mo?” Pinigilan ko na magtaas ng boses. Unti-unting umangat ang sulok ng labi niya, pero nanatiling mapanghusga ang kaniyang mga tingin. “You didn't answer my question, Faye.” Aniya. Nakita kong may dumaan na kasambahay kaya hinawakan ko siya sa braso at hinila. Tutal ay nakaalis na si Mommy, pwede na ulit kami mag-usap ni Mikhael. Pero sa pribadong lugar. “Halika nga rito.” Nagpatianod siya sa akin hanggang sa makarating kami sa library na ginawa na ring opisina ni Matheo. Dito siya madalas magtrabaho o tumambay kapag walang ibang gagawin. “Sabihin mo nga sa akin ang totoo, ano bang nangyari sa asawa ko? Ano’ng nangyari kay Matheo?” Mariin ngunit mababa kong tanong. Kaysa na sagutin, nagawa niya pang ilibot ang tingin sa library. Naglakad siya papunta sa mesa ni Matheo nang mapansin iyon, sumunod naman agad ako. “Mikhael… ano ba? Mag-usap na tayo! Sagutin mo ang tanong ko.” “Is this your husband’s office?” Tanong niya. Pinagkrus ko ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Napipikon na ako sa kaniya, nagtatanong ako, pero nagtatanong lang din siya! Paano kami makakakuha ng sagot niyan? “Oo, ito ang opisina ni Matheo kapag narito siya sa bahay.” Pinakialaman niya ang mga nakatambak na papeles, folder at envelope sa ibabaw ng mesa. “Ano’ng ginagawa mo? Huwag mong guluhin!” Natataranta kong sabi. Ang pinakaayaw pa naman ni Matheo ay ‘yong pinapakialaman ang mga gamit niya lalo na ang ginugulo ito! Pero hindi nakikinig si Mikhael. Bingi na yata siya. Binuksan niya pa ang mga drawer at parang maniac na naghahanap ng kung ano! “Mikhael!” Galit kong sigaw. Nag-angat siya ng tingin sa akin, malamig ang ekspresyon ng guwapo niyang mukha. Napaatras ako, kinabahan na naman. Guwapo rin naman si Matheo. Magkamukha nga sila e! Pero… may kakaiba talaga kay Mikhael na kapag tinitingnan ko siya’y parang manghihina ang tuhod ko sa matinding kaba— siguro dahil sa kakisigan niya o sa kagwapuhan niya? “Hindi nagpunta ng Palawan si Matheo. Pumunta siya ng Ilocos at planong makipagkita sa isang dealer. He has something in him that is very important for this dealer. At pinaghihinalaan namin na ang dala niya ay bagong klase ng droga na ibebenta niya sa malaking halaga.” Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. “Teka… ano?” Napasinghap ako. “Hindi. Hindi ‘yan totoo! May business meeting siya sa Palawan. Isang araw lang ‘yon pero plano niyang magstay sa resort ng ilang araw para makapagbakasyon. He was so stressed from work that he needed a break. At ano naman ang gagawin niya sa Ilocos, huh? Pinakita niya pa sa akin ang plane ticket niya papunta sa Palawan!” Ayaw kong maniwala. Alam kong nagsisinungaling lang si Mikhael. Anong drugs? Anong Ilocos? Kaysa na bawiin ni Mikhael ang sinabi, tumitig lang siya nang mariin sa akin. “I believe you.” He said. Napakurap ako. Hindi ko na naman maintindihan ang sinasabi niya. “Ano?” Naguguluhan kong tanong. “Naniniwala akong wala ka ngang alam sa mga ginagawa ni Matheo. He kept this secret from you. But you have to believe me, because what I’ve said is true.” Matigas niyang turan.Faye’s Point of View The next morning, I woke up next to an empty bed. Wala na si Mikhael sa tabi ko noong magising ko. Maayos din at walang gusto ang side ng bed kung saan siya nahiga. But thank goodness, it's better this way. Dahil kung nagising ako na nariyan pa siya sa tabi ko ay baka mataranta lang ako at kung ano na namang katangahan ang magawa ko. I’m not used to waking up next to another person. Hindi rin naman kasi kami nagtatabi ni Matheo kaya sa paggising ko, walang ibang bumubungad sa akin. Last night, my sleep was normal. Hindi ko napansin na nariyan siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod kaya naging mahimbing ang tulog ko o kung dahil sa bumaba nga siya bago pa mag-alas dyes para maghanap sa mga sekretong silid. Oh, yes, those secret rooms. Dali-dali akong bumangon nang maalala ang napag-usapan namin ni Mikhael. Sa gabi, siya ang maghahanap sa mga sekretong silid dito sa bahay. At sa umaga naman, tutulong ako sa paghahanap. Dahil wala rin naman akong trab
Mikhael’s Point of View Mag-iisang oras na ang lumipas nang buksan ko ang mga mata. Unang bumungad sa akin ang maamong mukha ng babaeng natutulog sa tabi ko. Faith Yeselyn Suarez. My brother’s best friend turned-girlfriend, and now… his wife. I looked at her as she slept peacefully beside me. Mas mukha siyang maamo kapag natutulog. At kapag gising naman, parang dragon sa bangis, at sirang stereo na maingay— parang hindi na titigil kakadaldal. Noong highschool kami, mabilis ko siyang nahahanap sa dagat ng mga istudyante dahil siya ang pinakamaingay at pinakamalikot sa lahat. Naalala ko pa palagi silang pumupunta sa gym noon kapag intramurals day para manood ng laban ko sa taekwondo. She would cheer my name. Siya ang may pinakamalakas na boses sa pagche-cheer. Madali ko lang siyang nahahanap sa mga nanonood dahil maliban sa malakas niyang boses at kakaibang ganda… palagi niya rin kasama si Matheo. Simula pa noong highschool, hanggang ngayon, hindi na talaga yata sila mapag
Nakakalungkot palang isipin na akala ko alam ko na lahat sa buhay ni Matheo… sa sobrang talaga naming magkakilala at nagkakasama, akala ko kilalang-kilala ko na siya, pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala lahat ay talagang alam ko tungkol sa kaniya. May mga sekreto rin pala siya na itinatago sa akin. “Ano’ng oras natutulog ang mga katulong?” Tanong niya bigla. “Ten usually.” Hindi ko pa sigurado kung tama ba iyong sinabi ko. Kasi kapag alas dyes at bumababa ako sa kusina ay naabutan ko pa ang ilang katulong na naroon. Kung hindi naglilinis ay kumakain pa lang, o kumakain ulit bago matulog. Wala naman iyong kaso sa akin dahil marami naman ang pagkain sa kusina. Kaysa mapanis ay mas mabuting kainin nila. “Bababa ako kapag tulog na ang mga katulong. I’ll search the house, baka sakaling may mahanap akong sekretong silid.” Parang sinipa ang dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Ha?” Naguguluhan kong tanong. “This is a huge house. Sinubukan kong maghanap ng blueprin
Faye's Point of View Pabalik-balik ako sa paglalakad sa tabi ng kama habang pinapakinggan ang lagaslas ng tubig galing sa loob ng banyo. Kapag tumitigil iyon ay napapalingon ako sa pinto ng banyo saka inihahanda ang sarili. Pero kanina pa sa loob si Mikhael at parang hindi siya matapos-tapos sa pagligo. Nakakainis. Kinakabahan ako lalo pa’t naisip niya pang maligo bago matulog! I mean, that's hygienic, yes… but… it's awkward for me. Nakakainis talaga. Dito kaya siya matutulog? Magtatabi kami sa iisang kama? Sinulyapan ko ang malaking kama at napangiwi na lang sa sarili. Malaki naman iyon at kasyang-kasya kaming dalawa, pero talaga bang magtatabi kami? Unti-unti kong nilingon ang secret door malapit sa mini-library. Ang sekretong pinto na ‘yon ay papunta sa extension room nitong master’s bedroom. May maliit na silid iyon sa loob kung saan natutulog si Matheo. Hindi kami nagtatabi ni Matheo matulog. Napagkasunduan namin na sa magkaibang silid kami matutulog para hindi maging aw
Faye’s Point of View Nauna akong matapos kumain kaya mabilis akong umakyat sa kuwarto para hanapin ang phone ko. Kinalikot ko ang message conversation namin at isa-isang dinelete ang tingin ko ay nakakaduda— at malalaswa. To Matheo: Bruha ka. Umuwi ka na rito bago pa maghatinggabi, kun’di pag-uuntugin ko kayo niyan ni Tyler. To Matheo: Nasaan ka? Papunta raw si Mommy sa bahay, bibisita. Umuwi ka muna, bilisan mo. Kinakabahan na ako rito. To Matheo: Tumawag sa akin si Tyler, hinahanap ka. Nag-away ba kayo? O chini-check kung nagmimilagro na tayo? HAHAHAHAH From Matheo: Should I buy s*x toys for you? Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang text na iyon galing kay Matheo na noong nakaraang taon pa naman iyon ipinadala! Talagang umabot na ako rito sa pagdedelete ng mga mensahe. Nanginginig ang kamay na sinubukan ko iyong idelete. Palibhasa’y aktibo ang s*x life niya kaya alalang-alala siya sa akin. Naisipan niya pa talaga na ibili ako ng s*x toys! Naalala ko
Faye’s Point of View Umalis si Mikhael at hanggang ngayong hapon ay hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero mas gusto ko iyong wala siya rito kaysa narito siya. Para na akong masisiraan ng bait, lalo pa noong sinubukan kong tawagan si Tyler pero hindi ko pa rin siya ma-contact. Palaging out of converage area, hindi ko alam kung wala bang signal sa lugar nila o sadyang nakapatay ang phone niya. Sh*t. Sa college pa lang, si Tyler na talaga ang nagugustuhan ni Matheo, pero nagkukunwari pa kaming magboyfriend no’n kaya umiiwas sa amin si Tyler. Pero noong napagbigyan sila ng pagkakataon na makapagtrabaho sa iisang pharmaceutical company, doon na lumalim ang pagkakakilala nila sa isa’t isa. Doon din siguro nagsimula ang relasyon nilang dalawa. Naputol lang iyon noong kinailangan kong pakasalan si Matheo dahil ayaw kong magpakasal sa lalaking napili para sa akin ng mga magulang ko. Gusto nila akong ipagkasundo sa mga Escobar para mapatibay ang pagi







