Share

Chapter 4

Author: Purplexxen
last update publish date: 2026-02-21 16:01:55

Faye’s Point of View

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin at mararamdaman. Seryoso si Mikhael at mukha naman siyang nagsasabi ng totoo, pero ang hirap paniwalaan!

Hindi gano’n ang pagkakakilala ko kay Matheo. Oo, may mga sekreto siya, pero wala iyong kinalaman sa drugs at mga dealer!

He’s a biochemical engineer, pero nakapokus siya sa paghandle ng mga produkto galing sa laboratoryo! Hindi siya ang gumagawa ng gamot, may ibang mga empleyado ang gumagawa no’n, mga chemist, at siya lamang ang namamahala… hindi totoo ito. Ayaw kong maniwala.

“I’ve been following around this mafia group that is notorious in Italy. Sila ang may pinakamalaking drug businesses sa lahat ng western countries. They’re looking for a wider variety of drugs. At hindi lingid sa kaalaman ng agency na dahil sa teknolohiya ay mas napapadali ang paggawa at pagtuklas ng iba’t ibang klase ng drugs. Nitong nakaraan lang, napansin namin na may activities ang grupong ito sa Pilipinas.”

I scoffed. I still couldn't believe it!

“Teka nga, ang sinasabi mo ba sa akin, isa kang detective or whatsoever kaya marami kang nalalaman tungkol sa mga dealer at variety ng drugs? Gano’n ba ‘yon, Mikhael?” Hamon ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim, alam ko, nakita kong umangat ang dibdib niya noong humugot siya ng hininga. Para siyang nagagalit na nabibigo sa kawalan ko ng paniniwala sa kaniya.

“I’m an undercover agent, Faye. There’s no reason to hide it with you. Nalaman mo rin naman agad na nagpapanggap lang ako bilang si Matheo kaya tatapatin na lang kita.”

Hilaw akong natawa.

“What the h*ck, Mikhael? Hindi na tayo bata! Itigil mo na kung kalokohan lang ito!”

Humakbang siya at halos bundulin na niya ang mesa na nakaharang sa aming dalawa. Napaatras naman ako.

“Tingin mo nagbibiro ako? Buhay ni Matheo ang nakataya rito, Faye. Hindi ako nakikipagbiruan lang sa’yo.”

Natigilan ako.

Ang hirap lang kasi paniwalaan ng lahat ng ito. Nawawala si Matheo at mukhang nagkaroon pa siya ng interaksyon sa mga drug dealers na kasali sa mafia! At talagang galing pa sa ibang bansa ang grupong iyon!

At si Mikhael, isa siyang undercover agent. Nagtratrabaho siya sa gobyerno at tinutugis niya ang mga masasamang tao.

Kaya ba maganda ang physiques niya kasi ibang klase ang trabaho niya?

Teka, bakit ba palagi kong napapansin ang katawan niya?

“I need you to cooperate with me, Faye. These people, they are not ordinary. They can kill… they can do whatever they want. Ang tanging pumipigil lang sa kanila na gawin ‘yon kay Matheo ay dahil sa hindi pa nila nakukuha ang kailangan nila. And they needed Matheo alive to get it.”

Sinapo ko ang noo ko at napailing.

“Ano naman ang maitutulong ko? Hindi ko pa malalaman na pumunta pala ng Ilocos si Matheo, at hindi sa Palawan, kung hindi mo sa akin sinabi.” Nanghihina kong sabi.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa couch at naupo roon. Para akong mahihimatay sa dami ng impormasyon na dumarating.

Akala ko noong itinawag ni Manang sa akin na nakauwi na si Matheo ay agad nang matatapos ang mga problema ko! Lumala lang pala!

“For sure, they have the sample… pero ang kopya ng formula at proseso ng paggawa sa droga ay hindi dala ni Matheo. Naniniwala ako na noong makipagkita siya sa dealer, sample lang ang dinala niya pero ‘yong mismong formula sa paggawa no’ng drugs ay itinago niya para maprotektahan ito. And I need to find it, Faye.”

Umiling ako.

“Hindi ko alam… hindi namin napag-uusapan ni Matheo ang tungkol sa trabaho. Ayaw niya rin na narito ako sa library niya. Ayaw niyang pinapakialaman namin ang mga gamit niya. Siya lang ang nakakaalam kung saan nakalagay ang mga importanteng papeles o anupaman.” Bigo kong sabi.

Matheo looked at me intensely. Muli ay sinapo ko ang ulo dahil sumasakit iyon.

“How about a trusted friend? Wala bang malapit na kaibigan si Matheo na pwede niyang pagkatiwalaan sa maseselang bagay kagaya nito?”

Umawang ang bibig ko at dahil wala nang lakas para mag-isip ng tama, muntik ko nang mabigkas ang pangalan ni Tyler!

Nakita marahil ni Mikhael ang gulat sa mukha ko at ang mabilis na pagpigil sa sarili na magsalita. Kumunot ang kaniyang noo, ngunit naghihintay pa rin siya sa sasabihin ko.

Marahan akong napailing.

“Pwede bang magpahinga muna ako? Nahihilo ako.” Nanghihina kong sabi.

Mas lalong kumunot ang noo ni Mikhael.

“Faye…”

“Please, I really need to rest.” Saka ko ipinikit ang mga mata at kunwari’y nawalan na nang malay.

Naramdaman kong binuhat ako ni Mikhael. Lumabas kami ng library at narinig ko pa ang boses ng isang kasambahay.

“Sir, ayos lang po ba si Ma’am? Okay lang po ba siya?”

“She’s fine. She just needs to rest.”

Umakyat sa ikalawang palapag ng bahay si Mikhael na buhat-buhat niya pa rin ako. Alam kong hindi niya alam kung nasaan ang kuwarto namin ni Matheo kaya naman inisa-isa na niyang buksan ang pinto ng bawat kuwarto.

Minsan pa nga’y sinisipa niya ng malakas ang pinto para lang bumukas iyon.

Kalauna’y nahanap niya rin ang master’s bedroom at ibinaba ako sa kama. Naramdaman kong iniinspeksyon niya ang silid at pinagbubuksan niya pa ang mga drawer at cabinet. Ngunit wala siyang natagpuan kaya hindi nagtagal ay umalis rin siya.

Nang sigurado na akong wala na siya, saka ko binuksan ang mga mata para matutula sa kisame.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana pinayagan si Matheo na umalis. Humanap sana ako ng dahilan para hindi matuloy ang pag-alis niya… but what do I know? Naniwala akong business meeting iyon sa isang resort. Naniwala ako sa kaniya at sa mga sinabi niya.

Hinayaan ko rin siyang makaalis dahil napansin kong mukha siyang balisa at na-i-stress sa trabaho… at kay Tyler.

Sh*t! Isa pa ‘to si Tyler. Hindi ko rin macontact ang lalaking iyon! Nasaan ba si Tyler? Kasama rin bang nadukot? Magkasama ba sila ni Matheo?

Ipinikit ko ang mga mata at mas lalo lamang nafrustrate sa sarili.

Paano ko sasabihin kay Mikhael na baka may alam si Tyler sa sikreto ni Matheo? Hindi kaya siya magtaka? I mean… business partner si Tyler at Matheo, pero sapat ba iyon para pagkatiwalaan ni Matheo ang lalaki tungkol sa isang sensitibong bagay kagaya ng paggawa ng drugs?

Paano kung tanungin ni Mikhael sa akin kung sino si Tyler at ano’ng relasyon niya kay Matheo?!

Paano ko sasabihin na kabit ni Matheo si Tyler? Paano ko sasabihin na ‘yong dalawang ‘yon ang totoong nagmamahalan… at ako… asawa lang sa papel?

Paano na?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 39

    Faye's Point of ViewAno naman kaya ang ginagawa niya roon? Alam naman niyang wala siyang mahahanap na sekretong silid sa study... bakit siya naroon? Kumuha ako ng tasa at nagsimula nang gumawa ng kape. Judging by Mikhael's personality, mukhang hindi siya mahilig sa matamis, gusto niya ’yong puro at matapang. Kaya naman hindi ko na nilagyan ng asukal o krema ang tinimplang kape. Puro lamang iyon. Inilagay ko iyon sa platito saka maingat na dinala papunta sa study. Nakabukas pa rin ang pinto at naaninag ang liwanag galing sa loob. Itinulak ko iyon bahagya gamit ang isang paa saka unti-unting pumasok. Agad ko siyang nahanap, nakaupo sa swivel chair at parang problemadong nakatingin sa mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa. Agad siyang nag-angat ng tingin at nang makita ako, napaayos ng upo at napakunot ang noo. “Kape mo.” Ani ko. Maingat kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kape habang nararamdaman

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 38

    Faye's Point of View Nasa hapagkainan na ako at nakahanda na ang mga pagkain nang bumaba si Mikhael. Naligo nga siya kagaya ng sabi niya. Malayo pa lang ay natanaw ko na siya, halatang basa ang kaniyang buhok galing sa pagligo. Nakasuot na siya ngayon ng gray na t-shirt at itim na cotton shorts. Mukha na siyang komportable at presko sa hitsura niya ngayon, pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya, na para bang irita pa rin siya sa isang bagay. Dumiretso siya sa kabisera at doon naupo. Hindi kagaya noon na nauna akong kumain sa kaniya, sinadya kong hintayin siyang makarating bago magsimulang kumain. Nagkatinginan kami, pero saglit lang dahil mabilis din akong nag-iwas ng tingin. Lumapit ang isang kasambahay at nagsalin na ng tubig sa baso namin bago tuluyang umalis. Kaming dalawa na lamang ang natira sa dining table kaya tahimik ang buong paligid. Kung hindi pa dahil sa kalansing ng mga kubyertos at ang matinis na tunog ng ku

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 37

    Faye’s Point of View Well, I don't think that's true. Louis is not attracted to me. Ayaw kong isipin na may gusto sa akin si Louis dahil lang sa inimbitahan niya akong magdinner kasama si Avon. He's just... fond of me. Tyaka dinner lang naman iyon. Bakit ba ganito mag-isip si Avon? Dahil naibalik na sa kaniya ang kaniyang card, tumayo na siya. Tumayo na rin ako at handa nang umalis. Gusto kong lumingon sa direksyon kung nasaan sila Mikhael para makita sila sa huling pagkakataon, pero kinakabahan din ako. Pinapanood niya kaya ako? Aware ba siya sa presensya ko? Nakita niya ba 'yong paglapit ng mga kaibigan ni Louis sa mesa namin? Ano kayang naisip niya roon? Nagawa kong sumulyap sa direksyon nila Mikhael at halos mapatalon sa gulat nang makitang sinusundan niya ako ng tingin. Abala si Engineer Lopez sa pakikipag-usap sa waiter, hindi ko alam kung bakit, pero si Mikhael ang atensyon at ang mga mat

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 36

    Faye's Point of View Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kahit noong nakabalik na ako sa mesa namin ni Avon. Natutulala pa ako sa tuwing naiisip ang sinabi ni Mikhael sa akin sa washroom. “But if I were your husband... I would never let any man hug you... even if it's a friend.” What... what does he mean by that? Would he be a jealous husband? Would he be too possessive with his wife? Kaya kahit na simpleng yakap galing sa kaibigan ay ipagbabawal niya? Napalunok ako nang maisip ang posibilidad na seloso si Mikhael kaya ganoon ang nasabi niya. Kung magkakaroon siya ng girlfriend... o asawa... baka bantay-sarado niya ito. Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang parang aangat ang sulok no’n para sa isang ngiti. Bakit ba ako nangingiti? Maybe it just sound so funny to me? Hindi naman kasi seloso si Matheo sa akin, dahil wala rin naman kaming nararamdaman sa isa't isa kaya hindi big deal sa kaniya kung napapalibut

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 35

    Faye's Point of View Kumuha rin siya ng handwash at pinabula sa mga kamay. Nakatingin siya no'ng una sa mga kamay niya, pero hindi nagtagal ay tumingin siya sa salamin para makita ang repleksyon naming dalawa. Hindi ako nakapagsalita. Binuksan niya ang gripo at binanlawan ang mga kamay, pero nanatili ang tingin niya sa akin. Pinapatuyo ko na ang mga kamay sa lababo, hindi ako makaalis kahit nasa isip ko nang lumapit sa hand drier para mabilis na matuyo ang kamay ko. “Sinong kasama mo?” Humarap siya sa akin at diretso na akong tiningnan. Malamig ang mga mata niya at parang may anino sa gilid ng mukha niya. Anino ng totoong emosyon na pilit niyang ikinukubli para magmukha siyang seryoso at walang pakialam. Napaatras ako. “I'm with my friend.” Alangan kong sabi.”Ikaw? Sino kasama mo?” Kilala ko na si Engineer Lopez. Isang tingin lang, makikilala ko na siya agad. “I'm with Engineer Lopez

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 34

    Faye's Point of View Louis is Avon's first cousin from her mother's side. Dahil high school pa lang magkakilala na kami ni Avon, halos nakilala ko na rin ang buo niyang angkan. Minsan, naiimbitahan ako sa mga birthday party ng pamilya niya kaya doon ko name-meet ang ilan niyang pinsan. “Kailan ka pa naka-uwi, Louis?” Masayang tanong ni Avon sa pinsan. Dahil apatan naman ang mesang inukupa namin ni Avon, may mga bakanteng upuan pa. Pinaupo niya sa Louis sa tabi ko para nasa harap niya ito. “Just yesterday. Umuwi ako para sa kasal ng kaibigan ko. Actually, may meeting kami ngayong lunch, lahat ng groomsmen ay pupunta para makapag-meeting kami.” “Ow.” Si Avon na nagulat sa balita. Ang alam ko, nasa Amerika na ang pamilya ni Louis. May citizenship na sila roon. May trabaho na rin si Louis kaya siguro nga'y umuwi lang siya para sa kasal ng kaibigan. “Muntik ko kayong hindi makilala.

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 19

    Mikhael’s Point of View Eight years ago. “Bakit hindi ka na lang magpokus sa pag-aaral mo Mikhael? Malapit na kayong magtapos ng high school. Don’t tell me wala ka pa rin planong magseryoso sa pag-aaral mo?” Uncle Jemuel asked. It was my parents' wedding anniversary. Nasa hotel kami na pagmamay

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 18

    Faye's Point of View Huminga ulit ng malalim si Manang Loida. “Nakalimutan kunin ni Bobby itong vacuum cleaners. E, bukas maaga akong maglilinis sa library kaya kinuha ko na.” Paliwanag niya. “What happened?” Mula sa likod ko ay bigla na lamang lumitaw si Mikhael. He looks curious. Nagpalipat

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 17

    Faye’s Point of View Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Kagabi ay nakatulog naman ako kahit nanatili si Mikhael sa silid. Hindi ko iyon inalintana. Kaya bakit kung kailan wala na siya ay saka ako hindi makatulog? Alas dyes na kaya nasa labas na ng silid si Mikhael at naghahanap ng mga

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 16

    Faye’s Point of View Kung makapagsalita siya, akala mo kung sino? How does Matheo deal with me? My god! Ang dapat niyang itanong sa akin, how could I deal with Matheo at all?! Sa aming dalawa ni Matheo, si Matheo ang sakit sa ulo at hindi ako. Kung alam niya lang kung gaano ako ka-perfect na as

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status