Share

Chapter 5

Author: ysovel
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-06 06:07:13

Amadeo Vicente’s point of view

“Kuya, you need to come!” Halos sampung minuto nang paikot-ikot si Agnes sa opisina ko, paulit-ulit akong kinukulit habang nakaupo ako sa swivel chair at tahimik na inaasikaso ang mga dokumentong nakalatag sa desk ko.

I pretended not to hear her.

Tahimik kong pinirmahan ang huling papel bago iyon isinara at saka lumipat sa panibagong folder.

As usual... Work first. Everything else can wait.

“Kuya...” Mahina niyang tawag ulit.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na kailangang tumingin para malaman na nakanguso na naman siya habang nakahalukipkip.

“I told you already, Agnes.”

Hindi ko man lang inangat ang tingin ko sa laptop.

“I won't come.”

“Please?” Lumapit siya sa mesa ko at sumandal dito. “Just this once.”

“We really need you there.”

Bahagya akong napapikit.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pursigido silang papuntahin ako sa event na iyon. Sa kabilang mansion lang naman iyon gaganapin. Bahay din namin iyon. Ginagamit lang tuwing may malalaking gatherings, charity events, business parties, at kung ano-ano pang social events na wala naman akong interes puntahan.

I hate crowds.

I hate meaningless conversations.

At lalong-lalo na... Ayokong kausapin ang mga taong plastik kung ngumiti.

Businessmen, businesswomen, socialites.

Mga taong ipapakilala sa akin ang anak nila na parang isa akong business proposal na kailangang isara.

No, thank you.

“Ayoko.” Mariin kong sagot.

Hindi na ako tumingin sa kanya. Umaasa akong titigil na siya.

Natahimik ang buong opisina at pagkaraan ng ilang segundo, narinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga.

“Fine.” Mahina niyang sambit. Mukhang sumuko na rin siya.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Finally, katahimikan.

Pagkatapos kong matapos ang trabaho, tumayo ako at nag-unat. Balak ko nang bumalik sa kwarto ko para magpahinga.

Habang naglalakad sa hallway... Napahinto ako nang marinig ko ang boses nina Mom at Agnes mula sa library.

“Kuya won't come.” Halatang disappointed ang boses ni Agnes. “We need to do something.”

Napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin pala sumusuko ang batang iyon.

Aalis na sana ako, ngunit may isang pangalan ang nagpahinto sa akin.

“Hindi ba sinabi mo noon na gusto mong isama si Cassandra?” Boses iyon ni Mom.

Agad akong natigilan.

Cassandra? Anong kinalaman niya rito?

Hindi ko namalayang nanatili na pala akong nakatayo sa labas. Nakikinig.

“Yes!” Excited na sagot ni Agnes. “And she already has a dress.”

“I swear, she'll look gorgeous.”

Napataas ang isang kilay ko at tahimik akong mas nakinig.

“Can we take her?” Tanong ulit ni Agnes.

Natahimik sila at pagkatapos ay nagsalita si Dad.

“Alright.”

“Kung gano'n...” narinig kong sabi ni Dad.

“Mukhang may paraan na tayo.”

Napakunot-noo ako.

Hindi ko alam kung ano ang binabalak nila, pero isang bagay lang ang malinaw sa akin… Kasama si Cassandra sa plano.

Without thinking twice... Tinulak ko ang pinto ng library.

Napalingon silang lahat sa akin.

“Pupunta ako.” Tahimik pero mariin kong sabi.

“Give me the details.”

Halos sabay-sabay silang natigilan. Nanlaki ang mga mata ni Agnes.

“K-kanina ka pa diyan?” Tanong niya habang halatang kinakabahan.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“No.”

“Kakarating ko lang.”

Saglit akong tumingin kina Mom at Dad.

“May dapat ba akong hindi malaman?”

Mabilis silang sabay-sabay na umiling.

“Wala.” Sabay-sabay pa nilang sagot.

Napangisi si Agnes. “O-okay!”

Bigla niya akong itinulak palabas ng library. “I’ll send you the detailes na!”

Napailing na lang ako. Hindi nila ako maloloko.

Alam kong sinadya nilang iparinig ang usapan na iyon.

At alam din nilang... Kapag tungkol kay Cassandra ang pinag-uusapan... Hindi ako makakatanggi.

Damn.

They know me too well.

Tahimik ang hallway habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko. Gusto ko na magpahinga at wala pa akong tulog mula kahapon.

Hanggang nakita ko si Cassandra. Busy sa pag-aayos ng mga fresh flowers sa malaking vase.

Nakasuot siya ng simpleng maid uniform, Nakatali ang mahaba niyang buhok at may suot na salamin.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.

“Hey.”

Napalingon siya.

Pagkakita pa lang sa akin... Kumunot na agad ang noo niya.

“Oh?”

“Ano na naman ang problema mo?” Masungit niyang bungad.

Napangiti ako nang bahagya. Sometimes I really don't get her.

Akala mo siya ang amo, at ako ang empleyado.

“Galit ka nanaman.” Reklamo ko.

Napairap siya. “Malamang.”

“Pagmumukha mo ba naman ang unang bubungad sa umaga ko.”

“Tamang-tama para uminit agad ang ulo ko.”

Napatawa ako.

“Ang aga-aga mo namang mang-away.”

“Kasalanan ko bang mukha kang nakakairita?” Diretso niyang sagot.

Napailing ako habang natatawa.

“Kailangan mo ba ako?” Tanong niya.

Tiningnan ko lang siya.

Honestly... Wala naman talaga. Wala akong iuutos, wala rin akong ipapagawa.

“I just wanted to call you.” Diretso kong pag-amin.

Saglit siyang natigilan.

“Ano?”

“Wala lang.”

“I just wanted your attention.” Tugon ko.

Halata ang pagkabigla sa mukha niya. Parang hindi niya inaasahan ang isasagot ko.

“Ano ka, bata? Kailangan tinututukan ng atensyon?”

“Baliw.” Mahina niyang bulong. Pero narinig ko pa rin.

At ewan ko ba... Bigla akong natuksong gawin ang matagal ko nang gustong gawin.

Before I could even stop myself... Lumapit ako, at mabilis ang pag galaw kong binuhat siya paupo sa hita ko.

“A-ah!” Nagulat siya at agad siyang napakapit sa balikat ko para hindi tuluyang mawalan ng balanse.

“What are you doing?!” Inis niyang tanong habang pilit akong itinutulak.

Napangisi ako. Intrusive thoughts won.

“There’s no one here.” Natatawa kong sabi at hinayaang bukas ang pintuan ng kwarto ko.

“Walang makakakita sa'yo na nakaupo sa kandungan ng amo mo.”

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa bewang niya. Ramdam kong nanigas ang katawan niya.

“Vicente!”

“Ang aga-aga.”

“Tantanan mo nga ako.” Mahina ngunit iritado niyang sabi.

“Mahaba pa ang araw.”

“Pero ang pasensya ko...Maiksi na sa'yo.” Mahina niyang dagdag habang nakasimangot.

Bahagya akong natawa at pinili kong hindi pansinin ang reklamo niya.

Sa halip... Tahimik ko siyang pinagmasdan.

Napakaganda niya.

Lalo na kapag wala siyang salamin.

Naalala ko ang gabing lasing ako. Hindi pala ako nagkamali. Mas bagay talaga.

“I'll buy you contact lenses.” Bigla kong sabi.

Napakurap siya.

“Huwag ka nang magsalamin.”

“You look prettier without it.”

Bahagya siyang natigilan. Halos ilang segundo kaming walang imik.

Kitang-kita ko ang unti-unting pamumula ng magkabila niyang pisngi. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Hindi na niya ako matingnan nang diretso.

Napangiti ako.

“Kamatis.” Pilyo kong tukso.

Agad siyang napatingin sa akin.

“Che!” Inis niyang sambit.

Sa pagkakataong iyon ay mas malakas na niya akong naitulak. Dahilan para mapabitaw ako sa kanya.

Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakakarga ko at inayos ang gusot niyang uniform. Namumula pa rin ang mukha niya.

“At ikaw pa talaga ang may ganang mang-asar.” Inis niyang bulong.

Mabilis siyang tumalikod. At halos nagmamadaling naglakad palayo.

Hindi ko siya pinigilan. Nanatili lang akong nakatayo roon habang pinagmamasdan ang papalayong likod niya.

Unti-unti akong napailing. Kasabay no'n ang isang mahinang tawa.

For the first time in a long while... I found myself smiling because of someone.

And somehow... I didn't hate that feeling at all.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Desired by the Billionaire    Chapter 7

    Cassandra Louise’s point of viewFor a second, I just stood there, staring at them while trying to process the slip. Then I awkwardly scratched the back of my head, half-amused and half-nervous. “S-sorry,” mabilis na sabi ng make-up artist, si Pat, bago bahagyang kumindat sa akin na para bang sinasabing gets niya agad ang sitwasyon. Napahinga ako nang kaunti. At least she understood what I was trying to hide. Matagal ko na silang kakilala. Sila ang madalas na nag-aayos sa akin sa halos lahat ng events ko noon, noong nasa puder pa ako ng mga Ledesma at hindi pa magulo ang lahat. They had seen me at my best, in designer gowns and expensive heels, smiling for cameras and pretending everything in my life was perfectly in place. Seeing them here, in this room, while I stood in a life that was far from what I used to have, felt strangely unreal. “Kumusta?” tanong ni Aki habang inaayos niya ang hair kit niya sa harap ng vanity na nasa kwarto ko. “Buhay pa,” sagot ko, napangiti nang kau

  • Desired by the Billionaire    Chapter 6

    Cassandra Louise’s point of viewNgayon ang araw ng charity event ng mga Sandejas. Nasa kwarto ako ni Vicente, abala sa pag-aayos ng isusuot niya habang siya naman ay parang walang balak tumulong sa sarili niya. Nakakainis, honestly. Ilang beses na akong sinabihan ni Agnes at maging ng mga magulang nila na huwag ko nang asikasuhin si Vicente para makapag-ayos din ako nang maaga, pero heto pa rin ako, nakatayo sa harap ng closet niya at pinipili ang susuotin ng lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Siguro dahil nasanay na lang ako. O baka sadyang mahina lang ako pagdating sa taong ito. Pinisil ko ang tela ng isang charcoal gray suit bago iyon inilabas at inilapag sa kama kasama ang puting long sleeves at necktie na babagay roon. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, saka ako bumaling sa kinaroroonan niya. “Akala ko ba wala kang balak sumama sa charity event n’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay habang inaayos ang c

  • Desired by the Billionaire    Chapter 5

    Amadeo Vicente’s point of view“Kuya, you need to come!” Halos sampung minuto nang paikot-ikot si Agnes sa opisina ko, paulit-ulit akong kinukulit habang nakaupo ako sa swivel chair at tahimik na inaasikaso ang mga dokumentong nakalatag sa desk ko. I pretended not to hear her. Tahimik kong pinirmahan ang huling papel bago iyon isinara at saka lumipat sa panibagong folder. As usual... Work first. Everything else can wait. “Kuya...” Mahina niyang tawag ulit. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na kailangang tumingin para malaman na nakanguso na naman siya habang nakahalukipkip. “I told you already, Agnes.” Hindi ko man lang inangat ang tingin ko sa laptop. “I won't come.” “Please?” Lumapit siya sa mesa ko at sumandal dito. “Just this once.” “We really need you there.” Bahagya akong napapikit. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pursigido silang papuntahin ako sa event na iyon. Sa kabilang mansion lang naman iyon gaganapin. Bahay din namin iyon. Ginagamit lang tuwing may ma

  • Desired by the Billionaire    Chapter 4

    Agnes Riley’s point of view“Sa tingin mo ba sasama si Kuya sa event?” Tanong ko habang magkatabi kaming nagme-meryenda ni Ate Cassandra sa garden. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at mahinang ihip ng hangin ang bumabasag sa katahimikan. Nakalatag sa mesa ang iba't ibang pastries at tsaa, pero mas abala kaming magkuwentuhan kaysa kumain. Napatawa lang si Ate Cassandra. Mukhang hindi na niya kailangang pag-isipan ang isasagot. “No.” Bahagya siyang umiling habang umiinom ng tsaa. “Hindi niyo mapipilit 'yon.” Napahalakhak ako. “Bakit naman?” Ibinaba niya ang tasa bago humalukipkip. “Simple lang.” Isa-isa niyang itinuro ang mga daliri niya habang nagbibilang. “Takot sa tao.” “Masungit.” “Ayaw sa maraming tao.” “Certified introvert na suplado.” Hindi ko napigilang matawa nang malakas. “Naks.” “Kabisadong-kabisado mo na talaga si Kuya.” Napakibit-balikat siya. “Sanay lang.” “Isang buwan ba namang araw-araw kong kaaway.” Napatawa ulit ako.“Ugali na talaga ng

  • Desired by the Billionaire    Chapter 3

    Cassandra Louise’s point of view“ATE! Samahan mo naman ako!” Halos kaladkarin ako ni Agnes papasok sa isa sa pinakamalalaking boutique sa syudad. Ilang araw na lang kasi bago ang charity auction event na iho-host ng pamilya nila, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapiling susuotin. Isa pa, may isa pa silang misyon… Ang palabasin si Vicente sa comfort zone nito. Apparently, gusto ng buong pamilya nila na mas makisalamuha na siya sa ibang tao. Hindi raw pwedeng puro trabaho at negosyo lang ang inaatupag nito habang buhay. Good luck na lang sa kanila. Kung ako ang tatanungin, mas madali pang paamuhin ang lion kaysa pilitin si Vicente na makipag-socialize. “Ate!” Napalingon ako kay Agnes nang lumabas ito mula sa fitting room. Nakasuot siya ng eleganteng champagne-colored dress habang umiikot-ikot sa harap ko. “What do you think?” “Pretty ba ako rito?” Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. For a second... Parang bumalik ako sa dating buhay ko. Back when I was still li

  • Desired by the Billionaire    Chapter 2

    Cassandra Louise’s point of view“Nobody warned me na ganito pala kakapagod ang maging personal maid.” Halos nakahandusay na ako sa kama habang kausap si Reed sa video call. Gabi na, at ngayon lang siya nagkaroon ng oras para kumustahin ako at ibalita kina Mamita at Dadi Lo na buhay pa rin ako matapos ang halos isang buwang pakikipagsagupaan sa mansion ng mga Sandejas. Napabuntong-hininga ako. God... I already miss them. I miss the warmth of home. I miss Mamita's cooking. I even miss Dadi Lo's endless reminders. At higit sa lahat... Miss ko na ang buhay na walang isang Amadeo Vicente Sandejas. Sa kabilang linya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Reed.“Bakit?” natatawang tanong niya. “Papasundo ka na ba?” Napairap ako kahit alam kong hindi niya naman makikita. “Of course not.” “Sure ka?” “Yes!” Bahagya akong umupo sa kama bago nagsimulang magreklamo. “Pero bwisit ka talaga.” “Ano na naman ginawa ko?” “Bakit hindi mo sinabi sa akin na personal maid pala ako rito?” Bahagya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status