INICIAR SESIÓN"Si Anthonia."Mahina ngunit malinaw ang pagkakasabi ni Victoria ng pangalan na iyon. Nakatitig pa rin siya sa monitor habang mahigpit ang hawak sa gilid ng mesa. Halatang may kung anong koneksyon na unti-unting nabubuo sa isip niya.Agad na napalingon si Aodhan sa kanya."What?"Huminga nang malalim si Victoria bago dahan-dahang umiling."I don't know why," saad niya habang namumuo ang luha sa mga mata niya. "But I think she wants us to find out."Tahimik ang buong conference room.Walang agad tumutol sa sinabi niya.Dahil sa totoo lang...Iyon din ang nasa isip ko.Napalunok ako habang naaalala ang huling gabi namin ni Anthonia. Ang paraan ng pagsasalita niya. Ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa nang direkta."She knew," mahina kong bulong.Agad na napalingon sa akin si Thaddeus."Ano?"Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita."She knew something." Napahawak ako sa dibdib ko habang pilit na inaalala ang bawat detaly
"My mother died when I was young," mahina niyang sabi habang namumuo ang luha sa mga mata niya. Bahagya siyang napailing na para bang ayaw niyang paniwalaan ang nakikita. "At least... that's what my father told me." natahimik ang buong silid. Biglang napakunot-noo si Thaddeus nang may mapansin siya sa video. Agad siyang lumapit sa screen at itinuro ang isang maliit na simbolo sa kuwelyo ng babae. "Zoom in." At nang luminaw ang simbolo... Tuluyan siyang nanigas. "Zoom in." Malamig ang boses ni Thaddeus habang nakatitig sa monitor. Hindi niya inaalis ang tingin sa maliit na simbolong nakikita sa kuwelyo ng babae. Halata sa mukha niya na may naalala siyang mahalagang bagay. Mabilis namang sinunod ng technician ang utos. Unti-unting lumaki ang larawan hanggang sa maging malinaw ang simbolo. Tahimik ang buong conference room. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita habang hinihintay kung ano ang sasabihin ni Thaddeus. Nang tuluyan nang luminaw ang imahe ay agad siyang naniga
Muling nagsalita ang lalaki habang may binabasang dokumento sa harap niya. "The objective remains unchanged," pagpapatuloy niya habang sinusulyapan ang papel. "Phase One begins immediately." Bahagyang nanginig ang paghinga ko habang nakatitig sa monitor. Dahil sa likod ng doktor ay may dalawang batang babae na magkahawak-kamay. Pareho silang mukhang wala pang sampung taong gulang. Pareho silang may mahabang buhok. Pareho silang may mukha ng Sevilla. Ngunit isa lamang sa kanila ang nakatingin nang diretso sa camera. At sa paraan ng pagtitig niya... Parang alam niyang balang araw ay may makakakita sa video na iyon. Parang alam niyang balang araw... May maghahanap ng katotohanan Nanatili kaming nakatitig sa monitor habang nagpapatuloy ang video. Walang nagsasalita at tanging ang boses lamang ng lalaking nasa laboratory coat ang maririnig sa buong conference room. Habang tumatagal ay mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng kung anumang lihim ang nakatago sa likod ng
Tuluyan akong napaluhod sa sahig habang nakatitig sa monitor. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at hindi ko na kayang manatiling nakatayo. Sunod-sunod na ang mga rebelasyong dumarating at pakiramdam ko ay wala nang natitirang matibay na katotohanan na maaari kong panghawakan. "Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?!" sigaw ko habang tuluyang pumapatak ang mga luha ko. Nanginginig ang balikat ko at hirap na akong kontrolin ang emosyon ko. "Pagod na pagod na ako!" Agad na lumapit si Thaddeus sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko habang pilit akong pinapakalma. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya ngunit maging siya ay halatang nahihirapan na rin sa lahat ng nangyayari. "Tanya, look at me," mariin niyang sabi habang maingat na itinataas ang mukha ko. Mahigpit ngunit banayad ang hawak niya. "Breathe." Napailing ako habang umiiyak. "Paano ako hihinga nang maayos?" putol-putol kong tanong habang pinupunasan ang mga luha ko. "Tuwi
Hindi pa man tuluyang natatapos ang birthday surprise ni Thaddeus ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Napansin ko agad ang pagbabago ng ekspresyon niya nang makita ang pangalan ng tumatawag. Agad niyang dinampot ang telepono at itinapat sa tainga."Speak," malamig niyang sabi habang nakatitig sa malayo. Habang tumatagal ang tawag ay unti-unting tumitigas ang panga niya. Napalitan ng seryosong ekspresyon ang kanina lamang ay kalmadong mukha niya.Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit sapat na ang reaksyon niya para kabahan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay siyang magsalita."What's wrong?" tanong ko nang ibaba niya ang tawag. Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. "Thaddeus, anong nangyari?"Nanatili siyang tahimik nang ilang segundo bago tumingin sa akin. Madilim ang ekspresyon niya at halatang may pinipigilang galit. Nang tuluyan siyang magsalita ay para akong binuhusan ng mal
Nagising ako dahil sa init na nakapalibot sa katawan ko.Ilang segundo akong nanatiling nakapikit habang pilit na inaalala kung anong oras na ba at paano ako nakatulog. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko at parang ayaw pang gumalaw ng katawan ko matapos ang mahabang gabing puno ng emosyon.Nang unti-unti akong magmulat ay agad kong napansin ang isang braso na nakapulupot sa baywang ko.Si Thaddeus.Mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakayakap sa akin na para bang natatakot siyang mawala ako kapag binitiwan niya. Nakabaon pa ang mukha niya sa buhok ko at ramdam ko ang mabagal niyang paghinga sa batok ko.Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya nang ilang sandali.Hindi ko alam kung gaano katagal.Marahil ilang minuto.Marahil mas matagal pa.Pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi, pakiramdam ko ay ngayon ko lamang siya nakitang tunay na payapa.Walang galit.Walang iniisip na negosyo.Walang problema tungkol kay Danford.Walang multo ng nakaraan.Siya lang.At kami.Dahan-daha
Dahan dahan akong kumatok sa pinto *knock *knock “Come in” Malamig na tono ni Uncle Thad mula sa loob ng kaniyang sili Agad kong binuksan ang pinto Pero naabutan ko syang topless at naka saplot lang towel pambaba "A-ah, Uncle... ito na po 'yung kape mo," nauutal kong sabi habang dahan
Third Person’s POV Kakatok na sana si Aodhan sa pinto nang marinig niya ang malakas na ungol ng isang babae mula sa loob. Akala niya, isa lang ito sa mga karaniwang babaeng pinaglalaruan ni Thaddeus. Napabuntong-hininga na lang siya habang pilit na dinededma ang maiinit na ungol na nanggagal
*Bakit ba lahat ng lalaki sa bahay na ‘to, ang hihilig magbuhat at mag-utos?* Si Uncle Thad sa banyo kahapon na halos sirain ang buong ari-arian ko, at ngayon naman itong robot na ito sa hallway ng school. Pero kahit papaano, nabawasan ang bigat ng hakbang ko—literally, kasi hindi ko na kailangang
Warning: This novel contains mature themes, including intense romance, possessive behavior, emotional conflict, strong sex language, violence, and explicit sexual content intended for mature readers only. Third Person's POV Sa bawat hakbang ni Thaddeus papalapit sa kaniya, tila sumisikip ang







