LOGINBIANCA’S P O V~
10 YEARS LATER Tahimik akong nakaupo sa tabi ng bintana ng eroplano habang pinagmamasdan ang mga ulap sa ibaba. Ilang minuto na lang at makakauwi na ako sa Pilipinas. Matagal ko ring hinintay ang araw na ito. Siyam na taon mula nang huli kong makita ang Pilipinas nang ganito—mula nang piliin kong iwan ang lahat at magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit ang oras ng paglapag ng eroplano, lalo akong kinakabahan. At may kakaiba ring saya sa dibdib ko. Pagkababa ko ng eroplano, ilang sandali muna akong nanatili sa arrival area habang hinihintay ang mga gamit ko. Siyam na taon akong wala rito, pero nang tuluyan akong makalabas ng airport, parang may bahagi sa akin na agad nakilala ang lugar na matagal kong iniwan. Ilang saglit akong huminga nang malalim bago tuluyang sumakay sa taxi na maghahatid sa akin pauwi. Hindi ko sinabi sa kuya ko na uuwi ako. Gusto ko sanang sorpresahin siya. Nang makarating ako sa bahay, agad akong bumaba at kinuha ang maleta ko. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang p***o. “I’m home.” Nawala ang ngiti ko nang marinig ang boses ng kuya ko mula sa sala. “Bianca?” Paglingon ko, nakita ko siyang nakatayo. Pero hindi siya nag-iisa. Nandoon si Ethan. Nakatayo siya sa tabi ng sofa, habang ang kuya ko ay tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita niya. Nagtagpo ang mga mata namin. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Siyam na taon mula nang huli ko siyang makita nang ganito kalapit. At sa isang iglap, bumalik sa isip ko ang lahat ng pilit kong kinalimutan. “Bianca!” Naputol ang titigan namin nang biglang lumapit ang kuya ko. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka?” Napatawa ako nang mahina. “Gusto kitang sorpresahin.” “Surprise talaga!” Napailing siya. “Siyam na taon kang nasa abroad, tapos bigla kang uuwi nang walang pasabi?” “Namiss kita, Kuya.” Humigpit ang yakap niya bago niya ako hinalikan sa noo. “Miss na miss din kita.” Napangiti ako. “Sandali kong nakalimutan ang presensya ni Ethan. Hanggang sa muli kong maramdaman ang titig nito. Nakatayo pa rin siya roon. “Welcome back.” Simple lang ang sinabi niya. Pero bakit parang iba ang epekto nito sa akin? “Thank you.” Lumapit siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong umatras o manatili sa kinatatayuan ko. Pero bago pa ako makapag-isip, niyakap niya ako. Sandali akong natigilan. Mainit ang yakap niya. Dahil sa isang simpleng yakap, parang naalala ng katawan ko ang isang bagay na pilit kong kinalimutan. Nang bumitaw siya, agad akong umiwas ng tingin. “Ang tagal na,” sabi niya. “Oo.” “Malaki na ang pinagbago mo.” Napatingin ako sa kanya. “Ganun ba?” Bahagya siyang ngumiti. “Hindi na kita halos nakilala.” “Pero nakilala mo pa rin.” Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Saglit siyang natahimik bago tumango. Muli kaming nagkatitigan. Agad akong napalingon sa ibang direksiyon. Maya-maya, umupo kami sa sala habang kinukuwento ko sa kuya ko ang buhay ko sa abroad. At may mga bagay na mas pinili kong sarilinin. Tahimik lamang si Ethan na nakikinig sa kabilang sofa Sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin, siya rin ang unang umiiwas. “Bakit hindi na lang tayo dito mag-dinner?” tanong ng kuya ko. “Okay lang sa akin,” sagot ko. “Magbihis ka muna. Ako na bahala sa pagkain.” Tumango ako. Tumayo ako at kinuha ko ang ilang gamit na naiwan malapit sa p***o. “Ako na magdadala.” Napatingin ako kay Ethan. “Hindi na, kaya ko naman.” “Ako na Bianca.” Bago ko pa siya mapigilan, kinuha na niya ang dala kong bag. Nang abutin ko iyon, aksidenteng nagdikit ang mga kamay namin. Pareho kaming natigilan. Saglit kaming nagkatitigan. “Sorry,” sabi niya. Agad kong binawi ang kamay ko. “Mauna na ako sa kuwarto.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pagkapasok ko sa kuwarto, agad akong nagtungo sa banyo para maligo at makapag-ayos. Pagkatapos maligo, lumabas ako na nakabalot ng tuwalya habang hinahanap ang damit na isusuot ko nang biglang bumukas ang p***o. Napalingon ako. Si Ethan. Pareho kaming natigilan. Nasa kamay niya ang ilan sa mga gamit ko. “Bakit ka nandito?” “Dinala ko lang ito.” Tumango ako. Ilang segundo kaming tahimik. Hindi niya alam kung saan titingin. “Okay… lalabas na ako.” Pero bago pa siya tuluyang makalayo, bahagya siyang napaatras at napabunggo sa pader. Napatawa ako. “Okay ka lang?” “Yeah.” Mabilis siyang tumayo nang maayos. “Lalabas na ako.” Binuksan niya ang p***o. Pero bago siya tuluyang makalabas, napalingon pa siya sa akin. At dahil hindi niya napansin ang gilid ng p***o, muli siyang napabunggo rito. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. “Ethan!” Napahawak siya sa noo niya. “Okay lang ako.” Mas lalo akong natawa. “Sigurado ka?” tanong ko “Oo. Ikaw lang ang nakakagulo sa focus ko.” Pagkasara niya ng p***o, napailing ako habang nakangiti. Ano ba iyon? Mabilis akong nagbihis at inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Masaya ang usapan namin ng kuya ko habang paminsan-minsan ay nakikisali si Ethan. Ilang beses ko ring nahuli ang tingin niya sa akin, pero agad niya iyong iniiwasan. Biglang may tumawag sa cellphone ng kuya ko at maya-maya ay nagpaalam itong may emergency sa trabaho, kaya kaming dalawa na lang ni Ethan ang naiwan. Pagkatapos namin kumain, tumayo ako para magligpit. “Ako na,” sabi ni Ethan. “Hindi na. Bisita ka.” “Tutulungan na kita.” Magkatabi kaming nagligpit ng mga pinagkainan. Tahimik lang kami hanggang sa bigla akong mapahinto nang may hindi sinasadyang bagay na tumama sa akin mula sa likuran. Napalingon ako. Nakita ko si Ethan na agad ding natigilan. “Ano iyon?” Namula nang bahagya ang mukha niya. “Sorry.” “Anong nangyari?” “Wala.” “Parang may tumama sa akin.” Napakamot siya sa batok. “Pasensya na. Nagwawala kasi ang alaga ko.” Napakunot ang noo ko. “Alaga?” Tumango siya, pilit na seryoso. “Oo. Gusto mong makita? Matagal na kasing wala ritong nagpapakalma.” Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi na!” Napangiti siya. “Sigurado?” “Ethan!” Tumawa siya nang mahina. Umiling ako habang pinipigilan ang sarili kong ngumiti. “Ngayon lang ulit tayo nagkita. Baka nakakalimutan mo lang.” Napatingin ako sa kanya. At sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang init na dumaan sa pagitan namin. Maya-maya, tumayo na siya. “Aalis na ako.” Tumango ako. “Good night, Bianca.” “Good night.” Ngumiti siya bago tuluyang lumabas. Kinabukasan pag-gising ko nasa sala ang kuya ko may kausap sa telepono. Gutom ka na siguro,” sabi ng kuya ko. “Lumabas muna tayo. Kumain tayo.” “Okay, magbibihis lang ako.” “Ethan, sumama ka na para sabay-sabay na tayong kumain.” Nagulat ako nang may biglang magsalita sa likoran ko. Tumango si Ethan. “Sige, ako na magmamaneho.” Tahimik ang biyahe sa unang ilang minuto. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. At hindi ko alam kung bakit parang mas lalo kong nararamdaman ang presensya niya kapag tahimik. Maya-maya, nag-vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko iyon. Ricky: Nandito na kami. Tuloy ka pa rin sa dinner, di ba? Matagal ko nang hindi nakikita ang mga dati kong college classmates. Nag-type ako ng mabilis na sagot. Oo. Papunta na ako. “May kausap ka?” tanong ng kuya ko. “Hmm?” “Sino? Boyfriend mo?” “Ah hindi kuya, si Ricky ito.” Napatingin siya sa akin. “Sino si Ricky?” “Classmate ko noong college.” Tumango lang siya. “Ah, okay.” Muli akong tumingin sa cellphone ko. Ricky: Hintayin ka namin. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. “Kuya.” “Bakit?” “Pwede mo ba akong ibaba sa restaurant?” “Bakit?” “Doon na lang ako pupunta. Matagal ko na rin silang hindi nakita.” “Kakain tayo sa labas, Bianca. Sa sunod na araw na lang iyan.” “Pero kuya, pinaghandaan nila itong araw na pag-uwi ko.” “Sige, mag text ka bago ka umuwi sunduin kita. Pupunta lang kaming bar.” “Salamat.” Ibinaba ko ang cellphone ko at sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng ginhawa. Tumingin ako sa salamin sa harap. Nagkataong nakatingin din siya roon, kaya nagtagpo ang mga mata namin sa salamin. Mabilis akong umiwas. “Dito na lang,” sabi ko nang makita ko ang restaurant. Huminto ang sasakyan sa gilid. “Mag-iingat ka,” sabi ng kuya ko. “Oo.” Bago ako tuluyang bumaba, napatingin ako kay Ethan. Nakatitig siya sa akin. “See you,” sabi niya. Tumango ako. Pagkababa ko, isinara ko ang p***o. Huminga ako nang malalim. Sa loob ng siyam na taon, akala ko natutunan ko nang kontrolin ang sarili ko. Pero ilang minuto lang kasama si Ethan, bumalik na naman ang kakaibang pakiramdam na matagal kong tinatakasan. May mga kaibigan akong naghihintay sa akin. Sa wakas, nakita ko rin ang pamilyar na pangalan ng restaurant. At mula sa loob, may ilang taong agad kong nakilala.BIANCA'S P O V~Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng panliligaw ni Ricky. Hindi ko rin alam kung kailan ko kayang buksan nang buo ang puso ko. Pero ayokong itulak palayo ang isang taong wala namang ginagawang masama sa akin dahil lamang natatakot akong masaktan ulit.Bianca: Salamat, Ricky. Kung may panahon na kaya ko nang ikuwento, sasabihin ko sa iyo.Ricky: Sige. Basta mag-ingat ka. At huwag mong kalimutang kumain.Napangiti ako nang bahagya.Bianca: Opo. Ikaw rin.Ibinaba ko ang cellphone at inilagay ang litrato sa ibabaw ng mesa. Sandali ko itong tinitigan bago nagpasyang itago muna sa isang ligtas na lugar. Kailangan kong manatiling maingat, pero ayokong hayaang sakupin ng takot ang bawat sandali ng buhay ko.Tumayo ako at naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Habang umiinom, pilit kong ibinalik ang isip ko sa mga bagay na maaari kong kontrolin.Mayroon akong kumpanya na kailangang patakbuhin. May mga empleyadong umaasa sa mga desisyon ko. May sarili akong bu
BIANCA'S P O V~ Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa litrato. Nakatayo ako sa tabi ng sasakyan ko, hawak ang puting sobre habang paulit-ulit na binabalikan ang mga salitang nakasulat sa likod nito. Hindi mo kailangang hanapin ako, Bianca. Ako ang lalapit sa iyo kapag handa na akong ipakita kung sino talaga ako. Nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung galit ba ang dapat kong maramdaman o takot. Isang bagay lang ang malinaw sa akin: may taong kayang lumapit sa akin nang hindi ko namamalayan, at tila alam niya ang bawat galaw ko. Paano niya nakuhanan ng litrato ang mukha ko sa loob ng restaurant? Gaano siya kalapit sa akin nang kuhanan niya ako? At bakit tila determinado siyang iparamdam sa akin na wala akong lugar na ligtas? Muli akong tumingin sa paligid. May ilang taong naglalakad papunta sa kanilang mga sasakyan, habang ang iba naman ay abala sa pakikipag-usap. Sinubukan kong hanapin ang lalaking naka-itim na jacket, pero wala akong makitang sinumang tumutugma sa na
BIANCA'S P O V~Dahan-dahan akong naglakad papasok sa restaurant. Pinili kong umupo sa isang mesa malapit sa bintana, kung saan makikita ko ang bahagi ng parking area. Umorder ako ng tubig at sinubukang pakalmahin ang sarili.Habang hinihintay ang waiter, kinuha ko ang cellphone ko. May mensahe mula kay Ricky.Ricky: Kumusta ka? Hindi ka na nagparamdam pagkatapos mong sabihin na marami kang kailangang gawin.Napangiti ako nang bahagya, pero hindi nagtagal ang ngiti ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Ayokong mag-alala siya nang wala pa akong tiyak na dahilan, pero ayoko ring sarilinin ang lahat kung sakaling may totoong panganib.Nag-type ako ng sagot.Bianca: Nasa labas ako ngayon. Medyo pagod lang.Agad siyang sumagot.Ricky: Gusto mo bang tawagan kita? Puwede naman akong makinig kahit wala kang gustong ikuwento.Napatingin ako sa mensahe nang matagal. May kung anong init na kumalat sa dibdib ko sa simpleng alok niya. Hindi niya ako pinilit na
BIANCA'S P O V~Hindi ko maalis ang tingin ko sa mensahe ng personal assistant ko.May kinalaman po ito kay Dr. Borromeo at sa isang insidenteng nangyari sa ospital.Paulit-ulit kong binabasa ang mga salitang iyon habang nakatayo sa lobby ng kumpanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Ethan, pero sapat na ang pangalan niya para guluhin ang isip ko.Ilang beses ko nang ipinangako sa sarili kong hindi na ako hahabol sa kaniya. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, gusto kong matutong piliin ang sarili ko. Gusto kong bigyan ng pagkakataon si Ricky, na hindi ako pinipilit at hindi ako ginagawang maliit sa tuwing nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.Pero bakit ganoon? Bakit sa tuwing may naririnig akong hindi magandang balita tungkol kay Ethan, para bang may kung anong humihila sa akin pabalik sa kaniya?Napapikit ako at huminga nang malalim bago muling tumingin sa cellphone.Bianca: Nasaan ka ngayon? Puwede ba tayong mag-usap sa telepono?Ilang segundo akong naghintay bago tumunog a
BIANCA'S P O V~ Nang matapos ang pagpupulong, isa-isang lumabas ang mga department head. Naiwan ako sa loob upang ayusin ang mga dokumentong gagamitin ko sa susunod na mga araw. Kasalukuyan kong inilalagay sa folder ang mga papel nang mag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Ricky. Ricky: Kumusta ang unang araw mo bilang boss? Umayos ako ng upo bago sumagot. Bianca: Hindi pa tapos ang araw, pero mukhang kailangan ko ng maraming kape. Ricky: Ganoon ba kabigat? Kung malapit lang ako, dadalhan na kita. Napatingin ako sa mensahe nang ilang segundo. Bianca: Hindi mo kailangang gawin iyon. Kaya ko naman. Ricky: Alam kong kaya mo. Pero hindi naman ibig sabihin na dahil kaya mo, kailangan mong gawin ang lahat nang mag-isa. Hindi ko agad naigalaw ang mga daliri ko. Madalas kong marinig ang mga salitang kailangan kong maging matatag. Kailangan kong kayanin. Kailangan kong huwag magpakita ng kahinaan. Pero bihira ang taong nagpapaalala sa akin na hindi k
BIANCA'S P O V~Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya kapag nanliligaw, pero hindi ko maikakailang natutuwa ako sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Hindi niya ako pinipilit na sagutin ang bawat tanong niya, at hindi rin niya ginagamit ang mga sandaling nagiging malambot ako para hingin ang higit sa kaya kong ibigay.Bianca: Sige na nga. Titingnan ko kung karapat-dapat kang ilibre.Ricky: Ayos! May pag-asa na pala ako.Bianca: Huwag kang maingay. Baka bawiin ko.Ricky: Hindi na. Matutulog na ako bago mo pa maisip na bawiin talaga.Napangiti ako sa huling mensahe niya.Bianca: Good night, Ricky.Ricky: Good night, Bianca. Magpahinga ka rin. At huwag mong kalimutang ngumiti bukas.Ilang sandali kong tinitigan ang screen bago ko isinara ang pag-uusap.Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa mga susunod na araw, pero kahit papaano, may isang bagay akong gustong panghawakan: hindi ko kailangang madaliin ang sarili ko para lamang makalimot sa sakit.Kung may bagong damdami







