LOGINETHAN’S P O V~
Hindi ko inaasahang makikita ko si Bianca nang araw na iyon. Nasa sala ako kasama ang kuya niya nang biglang bumukas ang p***o. “I’m home.” Napalingon ako. At sa isang iglap, natigilan ako. Si Bianca. Matagal ko na siyang hindi nakikita, pero hindi ko inakalang ganito ang magiging epekto sa akin ng muling pagkikita namin. Mas mature na siya. Mas iba na ang kilos niya. At hindi ko maikakaila na napansin ko rin kung gaano siya nagbago. Bakit ko siya tinitingnan nang ganoon? Nang magtagpo ang mga mata namin, ilang segundo akong hindi nakagalaw. May kung anong dumaan sa katawan ko na hindi ko dapat nararamdaman. Damn. Hindi ito dapat ganito. Si Bianca iyon. Ang batang dati kong tinatawag na parang kapatid. Pero ngayon hindi na siya bata. At iyon ang problema. Nang yakapin ko siya at sabihin ang “Welcome back,” lalo kong naramdaman ang kakaibang bagay na pilit kong pinipigilan. Pamilyar ang amoy ng pabango niya. At sa isang iglap, may kung anong matagal ko nang itinago sa sarili ko ang muling nabuhay. Agad akong bumitaw. Lumipas ang ilang oras na kasama namin siya sa bahay. Tahimik lang akong nakikinig habang nagkukuwento si Bianca tungkol sa buhay niya sa abroad. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kanya. At sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin, agad kong inililihis ang aking mga mata. At nang kukunin na nito ang mga gamit niya para dalhin niya sa kuwarto, ay kinuha ko ito sa kaniya. Pagbukas ko ng kuwarto, nakita ko siyang nakatapis ng towel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang magpapaalam na ako na lalabas na, nabangga ako sa pader. Nang tuluyan na akong nakalabas, tinapik ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Kinabukasan, hindi ko alam kung bakit ako pumunta sa bahay nila Bianca. Nang yayain kami ng kuya niya na kumain sa labas, pumayag ako. Tahimik lang ang biyahe. Pero kahit nakatingin ako sa daan, ramdam ko ang presensya niya. Maya-maya, narinig kong nag-vibrate ang cellphone niya. “May kausap ka?” tanong ng kuya niya. “Si Ricky. Classmate ko noong college.” Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang dibdib ko. Isang pangalan lang. Isang simpleng sagot. Pero bakit parang may ayaw akong marinig na may ibang lalaking naghihintay sa kanya? Ano ba tong iniisip ko. Hindi ko siya pagmamay-ari. At lalong wala akong karapatang magselos. Kaya nanatili akong tahimik. Nang magpababa si Bianca sa restaurant, hindi ko na siya pinigilan. “See you,” sabi ko. Pinanood ko siyang bumaba. At habang papalayo siya, may kakaibang pakiramdam na naman sa dibdib ko. Parang gusto kong tawagin siya. Pero hindi ko ginawa. Pagkatapos naming ihatid ng kuya niya sa restaurant, dumiretso kami sa bar. Umorder siya ng maiinom habang ako naman ay tahimik na nakaupo sa harap niya. Kung anu-anong bagay ang kinukuwento niya tungkol sa negosyo niya. Pero wala akong maalala sa mga sinasabi niya. Ang nasa isip ko lang ay si Bianca. Nasaan na kaya siya? Masaya kaya siya kasama ang mga kaibigan niya? Napailing ako. Ano ba itong iniisip ko? Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa halos hindi na maayos magsalita ang kuya niya. “Ethan…” Napatingin ako sa kanya. “Sunduin mo si Bianca mamaya.” Tumango ako. “Sige.” Hindi ko na kailangang pag-isipan pa. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang makita ulit. Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang cellphone niya. May message. “Sabihin mo sa kanya sunduin ko na siya,” sabi ko. Napatingin siya sa akin at tumawa. “Parang ikaw pa ang nagmamadali.” Hindi ako sumagot. Dinala ko siya sa bahay para makapagpahinga. Pagkatapos, kinuha ko ang sasakyan at dumiretso sa restaurant. Habang nagmamaneho, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na sunduin ko lang si Bianca. Wala nang iba. Pero nang makarating ako, nanatili muna ako sa loob ng sasakyan. Nang makita ko siya sa labas, hindi ko maiwasang mapangiti. Parang may kakaibang eksena sa isip ko. Parang ako ang lalaking naghihintay sa girlfriend niya. Parang natural lang na sunduin siya. At mas lalong naging delikado ang isip ko nang mapansin kong gusto ko siyang yakapin. Huminga ako nang malalim. Nang makita niya ako, lumapit siya. “Kuya?” tanong niya. “Hindi siya nakapunta. Ako na ang sumundo sa'yo.” “Ah.” Binuksan ko ang passenger door. “Dito ka na.” Umupo siya sa tabi ko. Pagkatapos, inabot ko ang seatbelt niya at ako na mismo ang nag-lock nito. Saglit na naging tahimik ang paligid. Naamoy ko muli ang pabango niya. Napatingin ako sa mukha niya. Napakalapit. At sa isang segundo, naisip kong halikan ito, pero pinigilan ko ang sarili ko. Agad akong umayos ng upo at nagsimulang magmaneho. “Okay ka lang?” tanong niya. Tumango ako Hindi ako okay. Pero hindi ko iyon sinabi. Tahimik ang biyahe pauwi. Paminsan-minsan ay may sinasabi si Bianca tungkol sa dinner nila, pero hindi ko na pinilit magtanong. Nang makarating kami sa bahay, huminto ako sa harap nito. Paglingon ko sa kanya, napansin kong mahimbing na siyang natutulog. Napabuntong-hininga ako. Mukha payapa siya habang natutulog. Ilang segundo ko siyang pinagmasdan bago ko dahan-dahang inabot ang seatbelt niya. Maingat ko iyong tinanggal upang hindi siya magising. May ilang hibla din ng buhok na nakatakip sa mukha niya. Dahan-dahan ko iyong inalis at inilagay sa gilid ng tainga niya. Napatingin ako sa mapupula niyang labi. Sa sobrang lapit namin, bigla kong naisip ano kaya ang mangyayari kung hahalikan ko siya. Bahagya akong yumuko. Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit, gumalaw siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nagkatinginan kami. Agad akong umayos ng upo. Hindi siya agad bumaba ng sasakyan. Ilang segundo lang kaming tahimik na nagkatitigan “Kumusta ka na?” tanong ko. Napangiti siya nang bahagya. “Okay naman ako.” “Masaya ka ba sa abroad?” “Oo.” “Good.” Sandali kaming natahimik. Parang ayaw kong matapos ang gabing iyon. Gusto ko pa siyang kausapin. Gusto ko pa siyang makasama. Pero wala akong dahilan para pigilan siya. “Papasok na ako,” sabi niya. Tumango ako. “Sige.” Binuksan niya ang p***o. “Good night.” “Good night, Bianca.” Bumaba siya at naglakad papunta sa bahay. “Bianca.” Lumingon siya. “Welcome home.” Ngumiti siya. “Thank you.” Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit para akong teenager sa ginagawa ko. Habang nagmamaneho ako pauwi, bumalik sa isip ko ang nakaraan. Araw nang sabihin sa akin ni Bianca ang nararamdaman niya. Nagulat ako. Hindi dahil wala akong napansin. Kundi dahil matagal ko ring pinipigilan ang sarili ko. Nang mga oras na iyon, gusto ko siyang halikan. Pero hindi ko ginawa. Kaya nang makita ko siya at may kasama akong isang babae, hinalikan ko ang babae. Gusto kong layuan ako ni Bianca. Gusto kong isipin niyang may iba akong gusto. Kinabukasan, nalaman kong aalis siya dahil mag-aaral sa ibang bansa. Nang sabihin niyang aalis na siya, nagdahilan na lang ako na hindi ko siya maihahatid sa airport. Pero ang totoo, pumunta ako sa bar. Uminom ako hanggang sa malasing. Iniwan ko rin ang babaeng hinalikan ko. Sa mga sumunod na taon, ilang beses kong naisip si Bianca. Minsan, binubuksan ko ang cellphone ko at tinitingnan ang mga lumang larawan namin. May ilang selfie roon na siya mismo ang kumuha gamit ang cellphone ko. At sa tuwing nami-miss ko siya, iyon ang tinitingnan ko. Pero lagi kong ipinapaalala sa sarili ko— Para sa akin, parang kapatid ko si Bianca. Kaya kailangan kong pigilan ang anumang damdaming hindi dapat naroon. Ngunit ngayong nakabalik na siya, alam kong mas mahirap na itong gawin.ETHAN’S P O V~Nagising ako sa paulit-ulit na tunog ng cellphone ko.Napakunot-noo ako habang pilit na minumulat ang mga mata. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame bago ko tuluyang naalala kung nasaan ako.Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table at tiningnan ang screen.May ilang missed calls at messages mula sa ospital.Napabuntong-hininga ako.Kailangan ko ng bumangon.Pero bago pa man ako tuluyang makatayo, bigla kong naalala ang panaginip ko.Si Bianca.Ang ospital at ang pagdating niya kasama ang ilang tao.At ang tinig ng head of department nang tawagin siya nitong chairman.Napakunot-noo ako.Sandali.Hindi naman talaga nangyari iyon?Napapikit ako at napahawak sa noo.“Panaginip lang pala.”Bahagya akong napailing.Napatingin ako sa paligid ng kwarto.Nandoon pa rin ang mga gamit ko kung saan ko iniwan kagabi. Nasa upuan ang coat ko, habang nasa mesa naman ang ilang dokumentong kailangan kong dalhin sa ospital.Walang Bianca.Walang meeting.Walang chairman na biglang d
ETHAN’S P O V~Bago ako pumasok sa hospital, dumaan muna ako sa bahay ni Bianca.May kailangan akong hiramin sa kuya ni Bianca at sinabi niyang nasa bahay lang siya. Pagpasok ko sa sala, nakita ko siyang may hinahanap sa isang cabinet.“Ethan, sandali lang.” sigaw nito mula sa kuwarto niya.Tumango ako at naghintay.Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang marinig ko ang pagbukas ng isang pinto.Napalingon ako.Si Bianca.Mukha pa siyang bagong gising, nakasuot lamang ng shorts at simpleng pang-itaas. Magulo pa ang buhok niya habang naglalakad palabas ng kuwarto.Saglit kaming nagkatitigan, at muli kong naramdaman ang pamilyar na paghila sa dibdib ko.Hindi ko dapat siya tinitingnan nang ganoon.Mabilis akong umiwas.“Good morning,” sabi niya, bahagyang inaantok ang boses.“Good morning.”Pumasok ang kuya niya sa sala dala ang hinahanap ko.“Eto.”“Salamat.”Maya-maya, umalis muna siya sa kabilang bahagi ng bahay para kunin ang isang bagay.Nang magtungo si Bianca sa kusina para kumu
BIANCA’S P O V~Nang magising ako, tahimik na ang buong bahay. Wala na ang kuya ko.Pagtingin ko sa cellphone ko, may ilang missed calls. Isa roon ang tawag tungkol sa trabaho mula sa secretary ko.“Hello?”“Ms. Bianca, kailan po kayo makakapunta sa hospital?”Napatingin ako sa orasan.“Bukas siguro. Gusto kong pumunta nang biglaan.”“Noted po. Pati po sa kabilang kumpanya?”“Oo. Sabay ko na lang.”Pagkababa ko ng tawag, napabuntong-hininga ako. Hindi ko pa nga lubusang nababawi ang tulog ko, trabaho na agad ang kailangan kong asikasuhin. Pero ayos lang. Kailangan ko ring makabalik sa normal kong routine.Kinabukasan, niyaya ako ng kuya ko na mag-lunch.Nag-ayos ako nang simple at sumama sa kanya. Hindi ko inaasahang may makakasama kami. Pagpasok namin sa restaurant, agad kong nakita si Ethan.Napahinto ako nang bahagya.Nandoon na siya at tila hinihintay kami.“Late kayo,” sabi niya sa kuya ko.“May inasikaso lang ako.”Napatingin sa akin si Ethan.“Hi.”“Hi.”Umupo ako sa tabi ng
ETHAN’S P O V~ Hindi ko inaasahang makikita ko si Bianca nang araw na iyon. Nasa sala ako kasama ang kuya niya nang biglang bumukas ang pinto.“I’m home.”Napalingon ako.At sa isang iglap, natigilan ako.Si Bianca.Matagal ko na siyang hindi nakikita, pero hindi ko inakalang ganito ang magiging epekto sa akin ng muling pagkikita namin.Mas mature na siya. Mas iba na ang kilos niya. At hindi ko maikakaila na napansin ko rin kung gaano siya nagbago.Bakit ko siya tinitingnan nang ganoon?Nang magtagpo ang mga mata namin, ilang segundo akong hindi nakagalaw. May kung anong dumaan sa katawan ko na hindi ko dapat nararamdaman.Damn.Hindi ito dapat ganito.Si Bianca iyon.Ang batang dati kong tinatawag na parang kapatid.Pero ngayon hindi na siya bata. At iyon ang problema.Nang yakapin ko siya at sabihin ang “Welcome back,” lalo kong naramdaman ang kakaibang bagay na pilit kong pinipigilan. Pamilyar ang amoy ng pabango niya.At sa isang iglap, may kung anong matagal ko nang itinago sa
BIANCA’S P O V~10 YEARS LATERTahimik akong nakaupo sa tabi ng bintana ng eroplano habang pinagmamasdan ang mga ulap sa ibaba.Ilang minuto na lang at makakauwi na ako sa Pilipinas. Matagal ko ring hinintay ang araw na ito.Siyam na taon mula nang huli kong makita ang Pilipinas nang ganito—mula nang piliin kong iwan ang lahat at magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa.Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit ang oras ng paglapag ng eroplano, lalo akong kinakabahan.At may kakaiba ring saya sa dibdib ko.Pagkababa ko ng eroplano, ilang sandali muna akong nanatili sa arrival area habang hinihintay ang mga gamit ko.Siyam na taon akong wala rito, pero nang tuluyan akong makalabas ng airport, parang may bahagi sa akin na agad nakilala ang lugar na matagal kong iniwan.Ilang saglit akong huminga nang malalim bago tuluyang sumakay sa taxi na maghahatid sa akin pauwi.Hindi ko sinabi sa kuya ko na uuwi ako.Gusto ko sanang sor
BIANCA’S P O V~“Akala ko ba hindi ka iinom?”Napatingin ako kay Kyra bago muling bumalik ang tingin ko sa kabilang mesa.Nandoon si Ethan.At may kasama siyang babae.Masakit pala talagang makita ang taong mahal mo na nakangiti sa iba.Lalo na’t ilang araw pa lamang ang lumipas mula nang sabihin niya parang kapatid lang ang turing niya sa akin.Humigpit ang hawak ko sa baso.“Bianca,” mahinang tawag ni Kyra. “Huwag mo nang tingnan.”“Hindi ko naman tinitingnan ah!”“Huwag ka ngang sinungaling. Kanina ko pa napapansin.”Hindi ako sumagot.Muli akong napatingin.Tumawa ang babae sa tabi ni Ethan. May sinabi ito sa kaniya, at bahagya siyang yumuko upang marinig ito nang mas maigi.Napangiti siya.Iyon ang ngiting ilang taon kong hinintay na makita para sa akin.Pero hindi kailanman dumating.“Girl…”“Okay lang ako.”Pero ang totoo, hindi ako okay.At lalong hindi ako naging okay nang mapansin kong tumingin si Ethan sa direksiyon ko.Nagtagpo ang mga mata namin.Mabilis akong umiwas.Ayo







