Share

Chapter 360

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-16 11:46:54

Lumabas si Benjamin mula sa conference room. Tinawagan niya agad si Diana.

Agad sinagot ni Diana ang tawag at nagsimulang umiyak.

"Benj… sa wakas tumawag ka. Akala ko… akala ko hindi mo na ako kakausapin ulit. Kamusta ka na?”

Ibinaba ni Benjamin ang tingin, hinaplos ang buhok gamit ang isang kamay at may bahid ng komplikadong emosyon sa kanyang mukha.

Hindi nga niya tinangkang tawagan si Diana simula noong hindi siya pumayag sa proposal nito sa kanya. Gusto niyang pareho silang magpalamig pati na rin si Zsa Zsa.

"Diana, may itatanong ako sa’yo, at gusto kong sagutin mo ito nang totoo. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin," seryosong sabi ni Benjamin.

Agad namang sumagot si Diana sa kanya, labis ang pagtataka,

"Sige, Benj, itanong mo na kung ano ang gusto mong itanong. Sasagutin ko iyan ng may buong katotohanan."

Napakunot-noo si Benjamin at ibinaba ang kanyang tinig,

"Ikaw ba ang nagpagkidnap kay Celestine? She was kidnapped this morning.."

Napamaang si Diana sa narinig. Hindi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Snobsnob
Hindi ko matatanggap na si Benjamin pa din ang endgame ni Celestine. No to this kind of ML.
goodnovel comment avatar
Rocelyn Calinao
wala kng kwentang llki Benjamin demonyo k bkit d kyo mgsama ng kbit m
goodnovel comment avatar
Athengstersxx
50 pa po. haha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 360

    Lumabas si Benjamin mula sa conference room. Tinawagan niya agad si Diana.Agad sinagot ni Diana ang tawag at nagsimulang umiyak."Benj… sa wakas tumawag ka. Akala ko… akala ko hindi mo na ako kakausapin ulit. Kamusta ka na?”Ibinaba ni Benjamin ang tingin, hinaplos ang buhok gamit ang isang kamay at may bahid ng komplikadong emosyon sa kanyang mukha.Hindi nga niya tinangkang tawagan si Diana simula noong hindi siya pumayag sa proposal nito sa kanya. Gusto niyang pareho silang magpalamig pati na rin si Zsa Zsa."Diana, may itatanong ako sa’yo, at gusto kong sagutin mo ito nang totoo. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin," seryosong sabi ni Benjamin.Agad namang sumagot si Diana sa kanya, labis ang pagtataka,"Sige, Benj, itanong mo na kung ano ang gusto mong itanong. Sasagutin ko iyan ng may buong katotohanan."Napakunot-noo si Benjamin at ibinaba ang kanyang tinig,"Ikaw ba ang nagpagkidnap kay Celestine? She was kidnapped this morning.."Napamaang si Diana sa narinig. Hindi

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 359

    Si Benjamin ay napakunot-noo at may bakas ng hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. Dinukot si Celestine? Nino?Sa maliwanag na araw? Ganito kakapal ang mukha ng kidnapper? Seryoso ba?“Saang istasyon ng pulis sila na roon? Sabihin mo sa akin at pupuntahan ko,” sabi ni Benjamin.“Sa General Tinio,” sagot ni Dr. Feliciano.Nagpasalamat si Benjamin sa kanya, ibinaba ang tawag at saka bumukas ang pinto ng elevator. Pumasok siya roon.Mabilis siyang lumabas ng building kasunod si Veronica, “Mr. Peters, sasamahan ko po kayo sa pulis.”Tumingin si Benjamin kay Veronica at tila may sisi ang tono nito, “Bakit hindi mo dinala ang cellphone mo? E di sana, nalaman ko agad na may nangyari kay Celestine.”Puno ng pagsisisi si Veronica nang marinig iyon, “Mr. Peters, naubos po kasi ang baterya ng cellphone ko, kaya hindi ko nalaman agad na may nangyaring masama na pala kay Miss Celestine…”Hindi na nagsalita si Benjamin, agad siyang sumakay sa sasakyan, at umalis ito nang mabilis.Naiwan si Veron

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 358

    Noong una ay kalmado si Celestine, ngunit nang marinig niya ang sinabi ng kidnapper, siya ay nataranta. Halatang ayaw niyang malaman ni Benjamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Ikinilos niya ang kanyang katawan. Sabi ng lalaki sa kanya, “Hoy, hoy, hoy, Miss Celestine, mag-ingat ka. Huwag kang gagalaw nang ganyan!” Gusto sanang magsalita ni Celestine pero siya ay nakatakip pa rin ang bibig. Napansin ito ng lalaki. Agad niyang tinanong si Celestine. “Gusto mo bang hanapin ko si Benjamin ngayong gabi?” Mabilis na umiling si Celestine. Ayaw niya talaga. “Ayaw mong ipaalam kay Benjamin Peters na dinukot ka? Hmm.. Asawa ka pa rin naman niya dahil on-process pa lang ang divorce papers niyo. Hindi ba?” Tumango si Celestine. Lalong nagulat ang lalaki. “Bakit? Hindi ba’t totoo naman ang sinabi ko? Mag-asawa pa rin kayo.” Gusto sanang sabihin ni Celestine na mahirap ipaliwanag ang kanilang sitwasyon pero alam niyang mas mahirap ang sitwasyon niya ngayon kasama ang kidnappers. Dagd

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 357

    Dahil ang pamilya Yllana ay hindi naman nambabastos ng ibang tao at kilala sila sa kanilang mabuting ugali. Sino nga ba ang magkakainteres na kidnapin siya nang walang dahilan?“Kung isa itong laro, mali ang ginagawa niyo!" reklamo at sigaw ni Celestine."Tumahimik ka na lang dyan," singhal ng lalaki, "Wala ka sa posisyon para magreklamo sa akin. Sino ka ba sa tingin mo, ha? Walang tutulong sa’yo dito kaya huwag mo nang tangkain pang magsalita."Sumunod naman si Celestine sa kanya, hindi nga siya nagsalita.Tumingin si Celestine sa mga sa ibaba kung saan pwedeng-pwede siyang malaglag, nagtataka siya kung sino na naman ang walanghiya nagplano ng lahat para saktan siya ng ganito.Si Benjamin kaya? Isip-isip ni Celestine.‘Hindi naman siguro siya ganoon kasama para gawin sa akin ito.’Kahit medyo nakakainis si Benjamin at talagang hindi sila naging okay simula noong ikasal sila, hindi naman siya gagawa ng ganitong kadesperadong bagay laban sa kanya.Kung ganoon, si Diana na lang ang nati

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 356

    Madilim na ang gabi noon.Nakagapos si Celestine sa isang upuan sa loob ng isang kakaiba, sira-sira at hindi pa tapos na building.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita ang walang katapusang guho sa ibaba, habang kalahati ng upuang kinauupuan niya ay nakabitin.Gulat na gulat siya pero wala siyang magawa.Gustong sumigaw ni Celestine noong mga oras na iyon ngunit napagtanto niyang nakatakip din ang kanyang bibig.Ramdam na ramdam niya ang pawis sa kanyang katawan. Sobrang init ng paligid niya.Luminga-linga siya at napansin na ang building kung nasaan siya ay puro balangkas lamang at wala nang iba pa.May maliwanag na buwan sa langit at ang hangin ay humahagibis sa kanyang mga tainga. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Celestine dahil sa kaba. Nasaan na nga ba siya? Sino ang kumidnap sa kanya ngayon?“Boss, parang nagising na ‘yung babae,” sabi ng isang lalaki.“Patingin nga!” May bagay na ibinagsak sa sahig at may mga yapak na papalapit mula sa likuran ni Cele

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 355

    Biglang napagtanto ni Celestine na nakakalungkot pala ng buhay ng mga mahihirap."Ayaw kong makipag kompetensya para sa posisyon ng bagong deputy director. Una, kulang pa ako sa qualifications." .Ang mga salita ni Celestine ay tila isang pagtiyak para kay Dr. Feliciano.Medyo kinakabahan na nagtanong si Dr. Feliciano, "Talagang ayaw mong makipag kompetensya para roon?""Talagang ayaw ko," sagot ni Celestine.Agad na ngumiti si Dr. Feliciano, "Pero Dr. Yllana, hindi ba’t ganun naman talaga ang pagtatrabaho sa ospital? Patuloy na napo-promote kahit ayaw mo?”"Marami akong pwedeng gawin sa buhay ko, busy akong tao Dr. Feliciano, pero ikaw, isa lang ang gusto mong daanan, ‘di ba?" sagot ni Celestine nang kalmado.Tumahimik si Dr. Feliciano ng tatlong segundo at tumango."Ganun na nga. Gusto ko talagang makuha ang position na iyon. Sa tingin ko ay deserve ko naman.""Dr. Feliciano, kailangang mas magsikap ka pa sa buhay. Magtrabaho ka nang mabuti para sa’yo at sa anak mo," ngumiti si Cele

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status