Share

Chapter 361

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-17 07:47:09

"Mr. Peters, ayos ka lang ba?" mahinang tanong ng isang pulis sa tabi ni Benjamin .

Umiling si Benjamin at lumapit sa pinto ng conference room. Narinig niya ang police director na nagsabi, "Maraming hindi pa tapos na building sa paligid. Magsisimula tayong maghanap sa mga building na iyon, baka doon siya dinala."

"Ang mga cellphone ninyong lahat ay kailangang nakabukas. Huwag ninyong hayaang mawalan ng battery at connection ang mga iyan. Kung hindi, hindi rin tayo makakahanap ng mga kidnapper."

Mahinang bumulong si Benjamin, "Mga building na hindi pa tapos.."

Maraming ganoong building sa paligid ng Nueva Ecija. Sinasabing taon-taon may mga pinapatay sa mga ganung area. Madalas itong puntahan ng mga kidnapper dahil siguradong walang makakakita sa mga katawan ng biktima kung sakaling doon nga nila patayin ang mga iyon.

Tinawagan ni Benjamin si Veronica, lumabas ng police station at umalis sakay ng kotse.

Hindi rin makakatulong sina Wendell Yllana at Nancy sa police station, kaya pinayuh
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 363

    Ayaw man pero itinaas ni Celestine ang kanyang ulo upang tingnan ang matandang lalaki.Ngumiti ito, “Kahit sabihin ko sa’yo kung sino siya, baka hindi mo rin siya kilala.”Kinagat ni Celestine ang kanyang labi, “Sabihin mo na lang kung sino. Wala naman akong pakialam kung kakilala ko siya o hindi, e.”“Ang boss.”Nagulat si Celestine pero hindi niya iyon pinahalata roon sa matandang lalaki.Tiningnan pa ni Celestine kung may sasabihin pa sa kanya ang lalaki.“Narinig mo na ba kung sino siya?” Matalim ang pagkakitid ng mga mata ng lalaki kay Celestine.Hindi na nagsalita si Celestine noong mga oras na iyon. Pinabayaan na lang niya ang lalaki.“Heh, babae ka, paano mo naman malalaman kung sino siya? Sure ako, hindi mo rin siya kilala. Kalimutan mo na ang usapang ito. Ayoko na lang makipag-usap sa’yo.” Tumalikod ang lalaki, mabigat ang tono, parang labis na nadismaya sa kanya.“Narinig ko naman ang sinabi mo. Ang boss ang gusto mong makilala at sa kanya ka lang susunod.” Mahinang sabi ni

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 362

    Alas-dos na ng umaga noon, unti-unti nang tumahimik ang buong lungsod.Sa katahimikan, maririnig ang mahinang tunog ng mga butiki sa di kalayuan.Matagal nang nakatali si Celestine at naninigas na ang kanyang buong katawan, habang ang matandang lalaki sa tabi niya ay inaantok na.Ang mga nakakabatang lalaki sa di kalayuan ay gising pa at naglalaro ng baraha. May yosi pa ito sa bibig na hindi pa bukas.Hindi na matiis ni Celestine ang kanyang nararamdaman, kaya't iginalaw niya ang kanyang katawan. Napatingin ang ilang lalaki ss kanya, “Anong ginagawa mo?!”Nagising din ang matandang lalaki. Idinilat niya ang kanyang mga mata, tumingin muna sa oras at saka kay Celestine.Nakunot ang noo ni Celestine at itinuro ang kanyang bibig na tila sinasabing tanggalin ang tape na naroon sa bibig niya.Nainis ang matandang lalaki kay Celestine, “Ayoko talaga ng nang-kikidnap ng babae, ang daming abala! Hay, naku!” Ang dami raw kasing kailangan asikasuhin.Pero kahit ganun, tinanggal pa rin niya ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 361

    "Mr. Peters, ayos ka lang ba?" mahinang tanong ng isang pulis sa tabi ni Benjamin .Umiling si Benjamin at lumapit sa pinto ng conference room. Narinig niya ang police director na nagsabi, "Maraming hindi pa tapos na building sa paligid. Magsisimula tayong maghanap sa mga building na iyon, baka doon siya dinala.""Ang mga cellphone ninyong lahat ay kailangang nakabukas. Huwag ninyong hayaang mawalan ng battery at connection ang mga iyan. Kung hindi, hindi rin tayo makakahanap ng mga kidnapper."Mahinang bumulong si Benjamin, "Mga building na hindi pa tapos.."Maraming ganoong building sa paligid ng Nueva Ecija. Sinasabing taon-taon may mga pinapatay sa mga ganung area. Madalas itong puntahan ng mga kidnapper dahil siguradong walang makakakita sa mga katawan ng biktima kung sakaling doon nga nila patayin ang mga iyon.Tinawagan ni Benjamin si Veronica, lumabas ng police station at umalis sakay ng kotse.Hindi rin makakatulong sina Wendell Yllana at Nancy sa police station, kaya pinayuh

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 360

    Lumabas si Benjamin mula sa conference room. Tinawagan niya agad si Diana.Agad sinagot ni Diana ang tawag at nagsimulang umiyak."Benj… sa wakas tumawag ka. Akala ko… akala ko hindi mo na ako kakausapin ulit. Kamusta ka na?”Ibinaba ni Benjamin ang tingin, hinaplos ang buhok gamit ang isang kamay at may bahid ng komplikadong emosyon sa kanyang mukha.Hindi nga niya tinangkang tawagan si Diana simula noong hindi siya pumayag sa proposal nito sa kanya. Gusto niyang pareho silang magpalamig pati na rin si Zsa Zsa."Diana, may itatanong ako sa’yo, at gusto kong sagutin mo ito nang totoo. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin," seryosong sabi ni Benjamin.Agad namang sumagot si Diana sa kanya, labis ang pagtataka,"Sige, Benj, itanong mo na kung ano ang gusto mong itanong. Sasagutin ko iyan ng may buong katotohanan."Napakunot-noo si Benjamin at ibinaba ang kanyang tinig,"Ikaw ba ang nagpagkidnap kay Celestine? She was kidnapped this morning.."Napamaang si Diana sa narinig. Hindi

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 359

    Si Benjamin ay napakunot-noo at may bakas ng hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. Dinukot si Celestine? Nino?Sa maliwanag na araw? Ganito kakapal ang mukha ng kidnapper? Seryoso ba?“Saang istasyon ng pulis sila na roon? Sabihin mo sa akin at pupuntahan ko,” sabi ni Benjamin.“Sa General Tinio,” sagot ni Dr. Feliciano.Nagpasalamat si Benjamin sa kanya, ibinaba ang tawag at saka bumukas ang pinto ng elevator. Pumasok siya roon.Mabilis siyang lumabas ng building kasunod si Veronica, “Mr. Peters, sasamahan ko po kayo sa pulis.”Tumingin si Benjamin kay Veronica at tila may sisi ang tono nito, “Bakit hindi mo dinala ang cellphone mo? E di sana, nalaman ko agad na may nangyari kay Celestine.”Puno ng pagsisisi si Veronica nang marinig iyon, “Mr. Peters, naubos po kasi ang baterya ng cellphone ko, kaya hindi ko nalaman agad na may nangyaring masama na pala kay Miss Celestine…”Hindi na nagsalita si Benjamin, agad siyang sumakay sa sasakyan, at umalis ito nang mabilis.Naiwan si Veron

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 358

    Noong una ay kalmado si Celestine, ngunit nang marinig niya ang sinabi ng kidnapper, siya ay nataranta. Halatang ayaw niyang malaman ni Benjamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Ikinilos niya ang kanyang katawan. Sabi ng lalaki sa kanya, “Hoy, hoy, hoy, Miss Celestine, mag-ingat ka. Huwag kang gagalaw nang ganyan!” Gusto sanang magsalita ni Celestine pero siya ay nakatakip pa rin ang bibig. Napansin ito ng lalaki. Agad niyang tinanong si Celestine. “Gusto mo bang hanapin ko si Benjamin ngayong gabi?” Mabilis na umiling si Celestine. Ayaw niya talaga. “Ayaw mong ipaalam kay Benjamin Peters na dinukot ka? Hmm.. Asawa ka pa rin naman niya dahil on-process pa lang ang divorce papers niyo. Hindi ba?” Tumango si Celestine. Lalong nagulat ang lalaki. “Bakit? Hindi ba’t totoo naman ang sinabi ko? Mag-asawa pa rin kayo.” Gusto sanang sabihin ni Celestine na mahirap ipaliwanag ang kanilang sitwasyon pero alam niyang mas mahirap ang sitwasyon niya ngayon kasama ang kidnappers. Dagd

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status