Sa ikatlong araw na nakakulong sa kuwarto si Claire ay narinig niya na may nag-uusap sa labas ng pintuan kaya dali-dali siyang tumigil sa ginagawa at inilapat ang tainga sa pintuan upang makinig.
“Sigurado ka bang matatapos ng babaeng ‘yon ang ginagawang singsing hanggang sa linggo?” “Baka nga tapos na niya iyon bukas, e. Hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yon? Siya lang naman ang pinakasikat na alahera noon bago pa ito magpakasal. Malinis pero mabilis saka polido ang kanyang gawa kaya nga pinag-interesan siya ni Boss ‘di ba?” “Maganda siya. Sigurado kang okay lang sa ‘yong pakawalan siya ng hindi natitikman?” “Sinong nagsabi sa ‘yong hindi? Sa ganda ng hubog ng katawan niyan iyon, palalampasin ko?” Nagkatawanan ang dalawa habang nangunot ang noo ni Claire sa narinig at biglang nanghilakbot. Kailangan niyang makatakas bago pa man may gawin sa kanya ang dalawa. Bumalik siya sa iniwang ginagawa at tinitigan iyon. “Are they thugs? Are these diamonds stolen?” Hinawakan niya ang singsing na malapit nang matapos. The ring is fabulous. Kumikinang ang diyamante na nakapatong doon at kahit ang ring band nito ay binalot niya ng maliliit na diyamante. Kinuha siya ng dalawa at dinala sa isang lugar na hindi siya pamilyar upang gumawa ng singsing na hiling ng Boss ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang dalhin dito upang gumawa samantalang puwede naman ang mga itong tumungo sa botique. Unless, nakuha ng mga ito ang diyamante sa nakaw. Ang tanging bintana na nasa kuwarto niya ay iisa at nang tumingin siya sa labas ay puro na iyon kakahuyan at matarik na bangin kaya imposible kung tatalon siya roon upang tumakas. Walang ano-ano’y bigla siyang may narinig na komosyon sa labas at biglang bumukas ang pinto. “Hoy, babae!” Lumapit sa kanya ang dalawa at mabilis siyang hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso. Sa bilis ng pangyayari ay hindi nakahuma si Claire. Namalayan na lang niya ang sarili na akay-akay ng mga ito pababa sa hagdan pero biglang tumigil ang mga ito sa kalagitnaan nang biglang bumukas ang mayor na pinto at iniluwa noon ang mga nakaunipormeng militar. Kasunod niyon ay ang lalaking kaswal na nakadamit pero guwapong-guwapo pa rin sa paningin ni Claire. “Manson…” hindi makapaniwalang bulong ni Claire. Si Manson ba talaga ito? Nandito ba ito para iligtas siya? Dahil nakita niya si Manson ay nakalimutan niyang hawak pala siya ng dalawang lalaki kaya’t nung bigla siyang tatakbo pababa ng hagdan ay agad siyang pinigilan ng mga ito. Ang isa ay mabilis siyang tinutukan ng baril sa sentido. “Sige, lumapit kayo kung ayaw n’yong pasabugin ko ang bungo ng babaeng ito.” Binalot ng takot ang pagkatao ni Claire at mabilis pa sa kidlat na huminto sa paglalakad. Nanginginig ang kamay na tumingin siya kay Manson. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mukha na iligtas siya ng asawa. Marahan siya nitong tinanguan. Nanatiling nakatutok ang baril sa sentido ni Claire pero ang mga militar ay nakahahanda sa maaring mangyari. Kahit si Manson ay may baril na hawak at nakatutok iyon sa dalawang lalaking may hawak kay Claire. Walang ideya si Claire na marunong palang humawak ng baril si Manson. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Dalawang putok ng baril ang sunod-sunod na tumunog at sa isang iglap ay dalawang katawan ang bumagsak sa hagdan. Dahil biglang nawala ang may hawak sa kanya ay nawalan ng balanse si Claire at nahulog din ang katawan sa hagdan. She was expecting her body to kiss the floor, but that didn't happen. She was embraced by the broad shoulder and engulfed in an intoxicating scent. “Claire… Thank God, okay ka na. Labis akong nag-alala sa pagkawala mo.” Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Manson. Hindi mapigilan ni Claire ang tuluyang humikbi sa harap ni Manson. Ginantihan niya ito nang mahigpit na yakap. “Salamat sa pagligtas mo sa akin, Manson. Salamat at nahanap mo ako. I was so scared at baka kung ano na ang gawin sa akin ng dalawang iyon.” Kumalas si Manson sa pagkakayakap sa kanya at puno pa rin ng pag-aalala na tumingin sa kanya. “Nakalimutan mo na ba na may naka-install na tracking device dito?” Kinuha ni Manson ang kaliwang kamay niya at itinuro ang kanyang pulsuhan. Nang sinabi iyon ni Manson ay biglang naalala ni Claire ang lahat. May tracking device na naka-install sa kanya para protektahan siya sa mga ganitong pagkakataon. Pero bakit ngayon lang siya nahanap ng asawa? Nakita ni Manson ang komplikadong ekspresyon niya kaya agad itong nagpaliwanag. “Dapat ay hahanapin kita noong unang araw na nawawala ka pero sabay na may nangyari sa inyo ni Valeen. Muli siyang nagtangka at tatlong araw siyang walang malay ss ospital. Ngayon lang ako nakakilos dahil ngayon lang din siya nagising.” Parang malamig na yelong binuhusan ang kaninang tuwa na nakabadha sa mukha ni Claire. Hindi siya makapaniwala. Sa loob ba ng tatlong taon nilang pagsasama ni Manson, ni katiting ba wala itong naramdaman para sa kanya? She smiled bitterly. Ultimong laway ay hindi niya malunok dahil sa sama ng loob sa dahilan ni Manson. “A-ah… Ganun ba?” Pinilit niya magsalita. Ang gusto niya ngayon ay umuwi para magmukmok o di kaya ay lunurin ang sarili sa alak. Ang sakit-sakit na ng nararamdaman niya at baka hindi na niya kayang pigilan ang sarili at magbitaw ng kung ano-anong salita kay Manson. “Yes, Claire. That's what happened. And in fact—” “Manson!” Hindi naituloy ni Manson ang sasabihin nang biglang may pumutol nito. “Valeen! Hindi ba ang sabi ko maghintay ka sa kotse. Delikado rito.” Lumapit si Manson kay Valeen at hinawakan ito sa braso na para bang binibigyan ito ng proteksyon. Kung para saan ay hindi alam ni Claire. Ang alam niya tila sasabog na sa sama ng loob ang puso niya. “Pasensya na, Manson. Nag-aalala lang ako para kay Claire.” Valeen still looked pale. Tumingin ito sa kanya at nag-aalalang nagtanong. “Are you kay na, Claire? Nasaktan ka ba? Need ka ba namin dalhin sa ospital?” Pilit na ngumiti si Claire at kahit na nasasaktan ay sinagot niya si Valeen. “Ayos lang ako. Wala silang ginawa sa akin.” Sumulyap siya kay Manson na hawak pa rin sa braso si Valeen upang suportahan ang dalaga. “I want to go home, Manson. Baka nag-aalala na si mama. Hindi ko na kayo aabalahin at magta-taxi na lang ako.” Hindi na niya hinintay ang sagot ng asawa at tumalikod na rito na masamang-masama ang loob. Sa bawat hakbang ni Claire ay umaasa siyang hahabulin ni Manson para ihatid pero hanggang sa makasakay siya sa military van, na siyang nagboluntaryong maghatid sa kanya, ay hindi siya binigyang-pansin ni Manson. Samantala, nanatili si Manson sa tabi ni Veena dahil nanghihina pa rin ito kaya iginiya niya ito papasok sa kanyang kotse. “I told you, you don’t need to come. Nagpumilit ka pa, eh hindi ka pa magaling,” sermon niya sa dalaga. “Nag-aalala lang ako para kay Claire. Napakabait niya para may manamantala sa kanya. Bakit mo siya hinayaang sumakay sa military van kung puwede mo naman siyang ihatid?” Natahimik si Manson. Iyon ang gusto niya. Ang ihatid si Claire pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang iwan si Veena. Hindi nito gusto ang may kasabay na iba sa kotse kaya napilitan siyang ipasabay si Claire sa military van. Napayuko si Veena at tahimik na ngumisi. Because time and time again, she still grasped Manson under her palm.Next:Isang linggo pa matapos ang insidente ay nailabas na ng mental institution si Odette at nanatili ang mga ito sa bahay ni Khaleed. Mag-asawa na ang dalawa sa mata ng mga tao lalo na kay Claire dahil tanggap na tanggap niya si Khaleed bilang ama. Hindi pa nasasabi ni Khaleed kay Claire na bumisita si Benjamin kay Odette upang komprontahin ito kung sino ang tatay ni Claire. Hindi rin alam ng anak niya na isa itong produkto ng test-tube baby at hindi pa alam kung sino ang tunay na ama. May dalang maraming shopping bags sina Manson at Claire nang bumisita sa kanyang ina kinagabihan. Lahat ng iyon ay mga damit at jewelries, saka mga cosmetics na pinamili nila para sa kanyang ina. Excitement was written all over Claire’s face as she entered the house. Nang makita siya ng kanyang ina na naghihintay na sa pagdating nila ay napamangha siya at napaawang ang labi. Tila bumalik sa dating anyo, dalawampung taon na ang nakalilipas, ang mukha ng kanyang ina. Kinulayan ng itim ang namumuti ni
Next:Nang malaman ni Claire ang ginawa ng kanyang ama, ni Benjamin ay lalo siyang nagkaroon ng galit para dito. Hindi niya akalaing pagdududahan siya ng ama pero kung negatibo ang resulta, na hindi nga si Benjamin ang kanyang ama ay matutuwa siya. Ang problema…“Maapektuhan ang reputasyon ng aking ina. Kung hindi nga si Benjamin ang aking ama, ibig sabihin ay nagloko din ang aking ina?” Claire shuddered with that thought. Ipinaalam na niya sa kanyang lolo, sa tatay ni Benjamin ang tungkol dito pero nag-aalala pa rin siya na baka ituloy ni Benjamin ang paternity test. Nabalitaan niya mula kay Manson na pinakulong ni Benjamin sina Lanette at Oscar sa iisang bahay bilang parusa. Malaya si Oscar na gawin kung ano ang gusto nitong gawin kay Lanette habang sa loob ang mga ito ng iisang bahay. Kung malaman nito na nagtaksil din ang unang asawa, ano naman kaya ang gawin nito sa kanyang ina?“Huwag kang mag-alala, Claire. Sigurado akong hindi nagtaksil ang iyong ina. Hindi siya katulad ng ka
Next:Agad na pinadakip ni Manson si Oscar pati na si Mrs. Vea dahil sa confession ni Jessie sa tulong na rin ni Gen. Torquino. Pero hindi tuluyang naniniwala si Claire na walang kinalaman si Joseph Tang sa nangyari sa kanya lalo pa at ito ang may galit kay Benjamin, sa kanyang ama. Ang problema nga lang ay wala pa silang ebidensya na magsusuporta kung may kasalanan nga si Joseph o wala lalo pa at inako na ng pamangkin nito ang lahat. Nahuli ng mga pulis si Mrs. Vea pero hindi nakasama ang ina ni Veena na si Lanette dahil katulad ni Jessie ay inako lahat ng matanda ang kasalanan at napawalang sala si Lanette. They were sentenced for ten years in prison, but Claire was not satisfied by the result. Lalo na at alam niya na ang tunay na salarin ay buhay pa at malayang makakagawa ng masama. Isa pa, naawa siya sa lolo Rigor niya dahil ilang beses na itong niloko ng asawa, ni Vea. hindi makapaniwala ang matanda na ang asawa at bayaw nito ang siyang mismong nagdala ng kapahamakan sa anak at
Next:Habang nakaantabay si Manson sa pag-umpisa ng kanilang plano, si Lucas naman ay pasikretong inakyat ang isa sa pinakamataas na puno, limandaang metro ang layo mula sa abandonadong factory. Kailangan nilang mag-ingat dahil may hostage na hawak ang mga ito at iyon ay ang anak ng taong nagligtas kay Claire. Bagama’t ginawan nang masama ni Carla si Claire noong bata pa ito ay ang babae rin naman ang nagtanggol dito. “I’m in position, Manson. Tell me when you are ready and I’ll shoot.”“Copy that, Luke. nagpadala na ako ng tao para guluhin sila sa loob.”Pagkaraan pa ang ilang minuto ay biglang umusok ang buong factory at agad iyong sinamantala ng mga tauhan ni Manson para pumasok. Nagsilabasan naman ang lahat ng tauhan na nasa loob pero hindi kasama ng mga ito ang anak ni Carla. Malamang ay nakagapos pa ito sa loob. Lahat ng tauhan na lumabas ay isa-isang nagtumbahan matapos pagbabarilin ito ni Lucas. Tranquilizer gun lang ang ginamit nito kaya walang namatay ni isa sa mga kalaban
Next:Matagumpay ang ginawa nilang pagkuha sa kapatid ni Carla at ang pagmamanman sa asawa at anak nito. Dalawang araw lang ang lumipas ay nagparamdam na ito at tumawag pa kay Claire sa kalagitnaan ng gabi.“Hello?” “Hello, iha! Ikaw ba ito, Nyxie?” Nang marinig ni Claire ang garalgal na pagtawag sa tunay niyang pangalan ay nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo dahil nakikilala niya kung sino ang nasa kabilang linya. “Carla. Mabuti naman at ikaw mismo ang tumawag sa akin. Baka kapag si manson ang makahanap sa ‘yo ay hindi mo na makikita ang kapatid mo.”Dahil sa tawag na ito ni Carla ay nagising rin ang katabi niyang si Manson pero sinenyasan niya itong huwag maingay at inilagay sa loudspeaker ang tawag upang marinig din nito kung ano ang sasabihin ni Carla. Yakap siya ng asawa sa beywang habang pareho nilang pinakinggan ang kuwento ni carla. “Patawarin mo ako sa ginawa ko sa ‘yo, Nyxie. Patawad… pero kailangan ko ngayon ang tulong mo. Kinuha nila sa akin ang anak ko at kung hind
Next:Hindi kayang tanggapin ng puso ni Claire ang natuklasan. Mabilis siyang napatayo at nandidilim ang mukha na naglakad-lakad sa harapan ng mesa ng kanyang lolo. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. “Sino? Sino ang mga walang hiyang gumawa niyon sa isang walang kamuwang-muwang na sanggol?” Naiiling at naluluhang sumagot ang kanyang lolo. “Dahil sa negosyo ni Benjamin ay maraming tao siyang nakakabangga. Baka isa sa mga kalaban niya sa negosyo ang gumawa niyon sa apo ko.”Lalong naikuyom nang mariin ni Claire ang kamao pero hindi niya kayang sabihin dito na ang totoong pinaghihinalaan niyang mastermind ng pag-kidnap ay ang anak at ang pangalawang asawa nito. “Hindi maari ito. Kailangan kong hanapin ang Carla na iyon at ang kapatid niya para malaman ko ang totoo. Kung sino ang taong gustong manakit sa aking ina…” sa wakas ay hindi na kayang itago ni Claire ang tunay na katauhan. Hindi na nagulat si Rigor nang marinig kung ano ang sinabi ni Claire. Panahon na rin para ipaalam sa la