Share

Chapter 124

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-01-11 23:21:29

SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.

Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.

Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis.

"Sino 'yung susundo sa'yo?"

"Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.

Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.

Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"

Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit.

"Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Donna Grace Delano
mora update po
goodnovel comment avatar
Sapongen Mercy
more update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 41

    NAPATIIM-BIGANG si Archie habang nakakuyom ang parehong kamay at akma pa ngang papasok kwarto nang humarang ito.Ang isang kamay ni Felip ay nakalapat sa katawan nito, pang harang kung sakaling magpumilit itong pumasok ay mapipilitan siyang gumamit ng dahas.Bumaba naman ang tingin ni Archie sa kamay nito kaya tinabig niya palayo.Hindi nagustuhan ni Felip ang ginawa nito. “Anong problema mo? Ba't ka papasok sa kwarto ng iba?!”Ang katulong naman sa tabi ay unti-unting umatras, bahagyang yumuko saka nagmamadaling umalis, iniwan silang dalawa.Sa sinabi nito ay tumalim ang tingin ni Archie. “Anong ginawa mo sa kanya?” Sa sandaling iyon ay nanginginig na ang kamay niya, nakaabang na tila susuntukin ito sa mukha.Tumagilid ang ulo ni Felip, naroon ang pagtataka sa mukha. “Ba’t gusto mong malaman? Sa tingin ko’y inappropriate pang i-explain sa’yo kung anong ginagawa namin mag-asawa?”Namumula na si Archie sa galit, mas lalo pa siyang nainis na relax lang ito at mapaghamon pa siyang tining

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 40

    NANG pagmasdan ni Chantal ang mukha ng asawa ay nagtaka siya. “Hindi ka naniniwalang masaya ako for him?”Umiling si Felip. “Hindi sa gano’n…” Sabay hawak sa kamay nito at iginiya paupo sa kama. Huminga nang malalim saka ito kinausap, “’Di ba… muntik na tayong maghiwalay? Ang totoo, pakiramdam ko… may nararamdaman ka pa rin sa kanya. Nakikita ko ‘yun.”Kumunot ang noo ni Chantal. “Kaya gusto mong makipaghiwalay kasi akala mo, mahal ko pa rin siya?” may himig ng disappointment ang boses.“I’m sorry, kung iyon ang nasabi ko… Hindi ko rin kasi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Nakakaselos dahil siya ang unang lalake sa buhay mo. Sa kanya mo unang pinangarap lahat. He’s your first love—““But you’re my one true love. Sa’yo ko naramdaman ang secure and calm kind of relationship. Iyong sa’min…” Tapos ay nagbaba ng tingin, ayaw ng i-elaborate ang kung anong naging meron sa kanilang dalawa ni Archie.“Then… mas mahal mo ‘ko kaysa sa kanya?”Natawa si Chantal saka ito niyakap sa bewang. “Nag

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 39

    NANUNUOT ang titig nitong hindi matagalan ni Jewel. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Ilang sandali pa ay napagpasiyahan niyang lumabas ng kwarto dahil hindi na siya kumportable sa presensiya nito. “Ahm… I think, kailangan na nating bumalik sa baba.” Hindi na niya ito hinintay na kumilos o magsalita. Basta na lang siyang naglakad patungo sa pinto.Paglabas ay lumingon pa siya at nakita itong sumusunod, ang tingin ay hindi inaalis sa kanya. Tila may kung anong malalim na iniisip.Pagkababa nila ay sinabihan sila ng isang katulong na nasa patio ang mga bisita kaya dumiretso sila roon.Hindi pa man nakakalabas ay rinig na nila ang boses ni Patricio na patuloy pa rin bukang-bibig ang tungkol sa kasal.Si Shiela na madalas lang tahimik at nakikinig ay hindi na rin nakapagpigil maglabas ng saloobin, “Sa totoo lang, hindi ako sang-ayon sa agarang pagpapakasal ng dalawa.”“Kung gano’n ay paano ang anak ko? Hindi pwedeng gano’n na lang?”“Tama si Patricio,” sang-ayon ng asawa. “Babae

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 38

    ISANG mahabang katahimikan ang namayani sa kanila matapos iyong sabihin ni Patricio.Napatingin si Archie sa Ina at kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Sunod naman niyang tiningnan si Jewel na nananahimik sa kinauupuan, ang tingin ay nasa sahig.Mayamaya pa ay nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mata nilang dalawa pero awtomatiko itong umiwas, tinatago ang mukha pero huli na para roon.Hindi nakaligtas sa paningin ni Archie ang mugto at namumula nitong mga mata. Kaya sa halip na maupo sa tabi ng magulang ay pumuwesto siya malapit sa kinauupuan ng dalaga.Habang nag-uusap ang matatanda ay pilit naman niyang kinukuha ang atensyon nito. Gumagawa ng paraan para makausap pero hindi siya pinapansin ni Jewel.Para siyang hangin na nararamdaman at naririnig pero hindi nakikita. Mabuti sana kung napaayos niya ang phone para may paraan para makausap ito kahit sa message lang."Jewel..." mahina niyang tawag dito. Paulit-ulit niya iyong ginagawa pero hindi talaga siya magawang tapunan ng t

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 37

    NAGLAKAD palapit si Patricio saka sinabi ang nais na mangyari, "Ang gusto ko ay pakasalan mo ang anak ko."Hindi lang si Jewel at Archie ang nabigla sa sinabi nito dahil maging si Jian ay nagulantang. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari.Ang nais niya ay mapagalitan ang kapatid at pagbawalan ng makipagkita kay Archie hanggang sa tuluyang maghiwalay ang dalawa.Noon pa man ay gusto na niya ang binata pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit dito. Siya dapat ang ka-blind date at magiging girlfriend pero sinalo iyon ni Jewel dahil wala siyang mga panahon na iyon. "D-Daddy, baka naman pwedeng huminahon ka muna," aniya sa ama. "Masiyado pang maaga para ipakasal mo si Jewel."Tumango-tango naman si Archie, sang-ayon sa sinasabi nito saka tiningnan ang ama. Umaasang sasalungat ito sa gustong mangyari ni Patricio ngunit umiwas lang ito ng tingin.Hindi man sang-ayon si Chris sa nais nitong mangyari ay mas gugustuhin na lamang niyang iyon ang maganap. Ang makasal ang anak para

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 36

    TILA isang gadget na nag-malfunction si Jewel sa narinig. Tuloy, nabigla at nagtaka ang grupo ng mga babae napagtanungan niya."A-Ayos ka lang, Miss? Hindi mo ba boyfriend 'yang kasama mo?" tanong ng isa sa mga ito.Nilingon muna niya si Archie bago sumagot, "B-Boyfriend."Medyo natawa ang babae. "Bago lang ba? Ayos lang 'yan, magpapahinga lang naman kayo. Saka, tulog na tulog, o. Walang mangyayari."Tumango-tango na lamang si Jewel saka nagpasalamat. Pagkaalis ng grupo ay may napagtanto siya. Kulang na lamang ay pukpukin ang ulo. "Ba't hindi ko 'yun agad naisip?!" Pagkatapos ay hinalughog ang bag, hinahanap ang phone pero... wala! "Nasa'n na 'yun?!" Nasa puntong babalik na siya sa bar nang mapansin na tila may umiilaw sa loob ng sasakyan ni Archie. Pagsilip...Ayon. Nasa ibaba ng upuan ang phone niya, marahil ay nahulog kanina.Napadaing siya sa inis. Kaya ang sunod niyang ginawa ay hinagilap ang phone ni Archie na nakuha niya sa bulsa. Pero...May crack na ang screen at ayaw mag-on.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status