Share

Chapter 46

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-05 21:03:03

MATAGAL bago nakasagot si Archie, “Aalamin ko muna kung may libre akong oras. Pakitawagan na lamang ang secretary ko. Sige, ibababa ko na ‘to.” Mabilis niyang tinapos ang tawag at hindi na ito binigyan ng pagkakataong na magsalita.

Dahil nasisiguro niyang gagamitin nito ang pagiging biyenan upang makuha ang gusto. Kaya paglabas sa elevator kung saan ay nakita niyang naghihintay malapit sa entrance ng gusali ang secretary ay sinabihan niya ito sa dapat gawin sa oras na tumawag si Patricio.

“Masusunod, Sir,” tugon nito.

Pagkatapos ay sumakay na sila sa kotse. Habang nasa kahabaan ng kalsada ay biglang napaisip si Archie. “May iba ba akong schedule outside office?”

Mabilis na tiningnan ng secretary ang schedule list sa hawak na tablet. “Hmm… wala, Sir.”

Napabuga ng hangin si Archie. “Bagalan mo lang ang pagmamaneho,” utos niya sa driver dahil ayaw niyang makaharap, early in the morning ang biyenan.

Tumango ang driver. “Ililiko ko na lang ang kotse sa longer route, Sir.”

Kaya inabot ng ma
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Sapongen Mercy
more updates po author please
goodnovel comment avatar
Ros Faith
aabutin pa ata ito ng taon bago matapos.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 46

    MATAGAL bago nakasagot si Archie, “Aalamin ko muna kung may libre akong oras. Pakitawagan na lamang ang secretary ko. Sige, ibababa ko na ‘to.” Mabilis niyang tinapos ang tawag at hindi na ito binigyan ng pagkakataong na magsalita.Dahil nasisiguro niyang gagamitin nito ang pagiging biyenan upang makuha ang gusto. Kaya paglabas sa elevator kung saan ay nakita niyang naghihintay malapit sa entrance ng gusali ang secretary ay sinabihan niya ito sa dapat gawin sa oras na tumawag si Patricio.“Masusunod, Sir,” tugon nito.Pagkatapos ay sumakay na sila sa kotse. Habang nasa kahabaan ng kalsada ay biglang napaisip si Archie. “May iba ba akong schedule outside office?”Mabilis na tiningnan ng secretary ang schedule list sa hawak na tablet. “Hmm… wala, Sir.”Napabuga ng hangin si Archie. “Bagalan mo lang ang pagmamaneho,” utos niya sa driver dahil ayaw niyang makaharap, early in the morning ang biyenan.Tumango ang driver. “Ililiko ko na lang ang kotse sa longer route, Sir.”Kaya inabot ng ma

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 45

    PAGPASOK ni Archie sa kotse ay agad siyang napasandal, pagod na pagod. Hindi man physically pero mentally dahil sa dami ng inasikasong trabaho.Dahil sa pagod ay nakatulog siya sa kinauupuan at nagising lang nang tapikin ng driver.“Sir, nandito na tayo.”Kinusot-kusot niya ang mata saka nag-inat ng katawan. Kahit papaano ay nakapagpahinga saka lumabas ng sasakyan. Pumasok sa condominium building at sumakay sa elevator. Ilang sandali pa ay nasa unit na siya, hinahanap sa paligid ang asawa.“Welcome back, Sir,” pagbati pa ni Claire.Tumango si Archie. “Si Jewel, nakauwi na ba?”“Nasa kwarto, Sir.”Pumasok si Archie sa kwarto ngunit hindi niya makita ang asawa. Binuksan ang pinto ng banyo ngunit wala rin doon hanggang sa tingnan niya sa balcony at doon nakitang nakatanaw sa paligid.Binuksan niya ang sliding door saka lumabas saktong napalingon ito.“You’re back.”“Anong ginagawa mo rito?”Ngumiti si Jewel saka tumuro sa isang direksyon. “Pinagmasdan ko lang ang paglubog ng araw, ang ga

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 44

    MATAPOS ang isang mainit na tagpo ay binuhat ni Archie ang asawa patungo sa banyo.“Mamaya na lang,” ani Jewel dahil pagod siya para maligo.“Ako nang bahalang magpaligo sa’yo,” saad ni Archie.Tuloy, mas nailang si Jewel at nagpumiglas. “Ibaba mo ‘ko, kaya kong maligo nang mag-isa.”“Nahihiya ka ba?”Umiling-iling si Jewel kahit halata sa mukha.Napangiti si Archie at pagkatapos ay pumasok sa banyo. “Wala kang dapat ikahiya, mag-asawa na tayo ngayon.”Sa halip na magkomento ay isinubsob lang ni Jewel ang mukha sa katawan nito hanggang sa mailapag sa bathtub. Napatingin siya sa mukha nito pababa sa exposed na katawan kaya agad siyang umiwas ng tingin ngunit nahahatak pabalik.Si Archie naman ay inabot ang faucet para punuin ng tubig ang tub. Matapos ay kinuha ang bath foam. Paglingon ay nakita niyang nakatitig ang asawa sa kanya.Napasunod naman ang tingin niya sa tinititigan nito. Ang hubad niyang katawan. Kaya isang kalokohan ang nabuo sa isip. Bigla siyang nag-pose na parang model,

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 43

    HINDI pa man nakakabangon ngunit parang binibiyak na ang ulo ni Archie sa sobrang sakit. Matapos maupo ay napansin niyang hubad siya na ipinagtaka niya. Upang makasiguro ay inalis niya pa ang kumot at nakumpirmang wala nga siyang kahit na anong saplot sa katawan.Doon na siya napaisip kung anong nangyari…?Inalala niya ang naganap kagabi pero parang mabibiyak ang ulo niya sa pag-iisip. Ilang sandali pa ay napatingin siya sa puting bedsheet na may bahid ng pulang mantsa.Natigilan siya ng unti-unting bumabalik sa alaala ang nangyari kagabi…“J-Jewel?!” tawag niya sa asawa pero hindi ito sumasagot. Kaya lumabas siya ng kwarto para hanapin ito matapos magsuot ng damit ngunit wala sa buong condo maging sa dalawa pang kwarto.Pagbalik sa master’s bedroom ay saka lang niya napansin ang maliit na note na nakaipit sa lampshade.Good morning,Nag-prepare ako ng breakfast, initin mo na lang in-case na lumamig.Jewel,Napabuntong-hininga si Archie saka napatingin sa oras. Pasado alas nuebe na ng

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 42

    NAGING mabilis ang pangyayari. Sa loob lang ng anim na buwan ay ikinasal si Archie at Jewel.Sa kabila ng pagtutol maging ng kapatid na si Jian ay walang nagawa si Jewel sa kagustuhan ng magulang. Bukod roon ay pursigido talaga si Archie ngunit may pagkakataon na parang gusto nitong hindi na ituloy ang kasal.Na maging siya ay naguguluhan dahil ito mismo ang atat at nais madaliin ang lahat.Matapos ang kasal ay tatlong araw na nagpakalasing si Archie at umuuwi na halos hindi na makatayo.“Ano bang nangyayari sa’yo?” ani Jewel, hirap na hirap sa pag-aalis ng sapatos nito at pagkatapos ay kinumutan.Bagong lipat sila sa condo pero wala pang kasambahay kaya medyo nahihirapan dahil nagtatrabaho siya sa umaga at pag-uwi ay kailangan pang magluto. Ngunit sa loob ng tatlong araw matapos makasal ay hindi pa sila nagsalo ni Archie sa pagkain… kahit nga honeymoon ay wala sila.Hindi pa rin nila nagagawa ang obligasyon sa isa’t isa bilang mag-asawa.Para siyang… lumipat lang ng bahay at nag-alag

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 41

    NAPATIIM-BIGANG si Archie habang nakakuyom ang parehong kamay at akma pa ngang papasok kwarto nang humarang ito.Ang isang kamay ni Felip ay nakalapat sa katawan nito, pang harang kung sakaling magpumilit itong pumasok ay mapipilitan siyang gumamit ng dahas.Bumaba naman ang tingin ni Archie sa kamay nito kaya tinabig niya palayo.Hindi nagustuhan ni Felip ang ginawa nito. “Anong problema mo? Ba't ka papasok sa kwarto ng iba?!”Ang katulong naman sa tabi ay unti-unting umatras, bahagyang yumuko saka nagmamadaling umalis, iniwan silang dalawa.Sa sinabi nito ay tumalim ang tingin ni Archie. “Anong ginawa mo sa kanya?” Sa sandaling iyon ay nanginginig na ang kamay niya, nakaabang na tila susuntukin ito sa mukha.Tumagilid ang ulo ni Felip, naroon ang pagtataka sa mukha. “Ba’t gusto mong malaman? Sa tingin ko’y inappropriate pang i-explain sa’yo kung anong ginagawa namin mag-asawa?”Namumula na si Archie sa galit, mas lalo pa siyang nainis na relax lang ito at mapaghamon pa siyang tining

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status