NATAPOS ang tawag na puro iyak lang ni Zia ang maririnig sa linya. Mahigpit ang hawak ni Louie sa cellphone at kung gugustuhin ay madali lang niya itong mapupuntahan sa tinutuluyan ngunit nagpigil siya.
Hindi niya gustong masira ang plano na muli itong maangkin. Ang gusto niya ay bumalik sa kanya ng kusa si Zia. Hindi magandang strategy kung palagi niya itong kukulitin. Bibigyan niya ito ng space para maisip ni Zia na sa oras ng kalungkutan ay kailangan nito ng masasandalan, at siya iyon.At malaking tulong ang pyschologist doctor nito sa pinaplano niyang muling bumalik sa kanya si Zia.Ilang sandali pa ay ilang katok sa pinto ang naggambala sa kanya.“Sir, may matanda po sa labas at hinahanap kayo, tatay raw po siya ni Miss Bea,” saad ng katulong.“Paalisin mo. Sabihin mong nagpapahinga na ako.”“Ang sabi niya po, Sir ay hindi siya aalis hangga’t hindi kayo nakakausap. Lumuhod po ito kanina at walang balak umalis sa puwesto,” paMALAKAS pa rin ang buhos ng ulan sa labas at nasa dining area sila Zia na pinag-serve ng mainit-init na soup ng katulong.Habang si Louie ay kumuha naman ng wine para uminom saka naupo kaharap si Zia. Kahit may pagkain ay hindi siya tumikim at inilalagay lang sa plato ng asawa.Kumunot ang noo ni Zia at napasimangot dahil hindi na niya kayang kumain ng marami pero ngumisi lang si Louie habang nilalaro sa kamay ang baso ng alak.Nagpatuloy na lang sa pagkain si Zia kahit panay ang tingin sa bintana kung humina na ba ang ulan. Dahil hindi niya gustong manatili sa lugar.Dumaan ang ilang minuto hanggang sa naging oras ay ganoon pa rin ang kondisyon ng panahon, mas lalo pa nga atang lumakas kaya inalok na siya ni Louie na doon na matulog.Sa guestroom nga dapat siya pero sa master’s bedroom siya hinila ni Louie at iginiya sa banyo para makapag-shower.Ang tagal niyang hindi nakabalik pero pamilyar pa rin sa kanya ang buong kwarto, ni
MABAGAL na umandar ang kotse paalis sa ospital. Napuna ni Zia ang tinitingnan ng kaibigan kaya hinawakan niya ang kamay nito.Napalingon naman si Lindsay na nanginginig ang labi at garalgal na nagsalita, “I’m fine, magiging maayos ulit ako.” Pagkatapos ay naluha.Ang mga taon na nakasama ni Lindsay si Austin ay mananatili na lamang isang maganda at malungkot na alaala para sa kanya.Hinatid ni Zia ang kaibigan sa tinutuluyan nito at nanatili roon buong maghapon. Kinagabihan ay tumawag si Joshua para ipaalam ang ilang detalye ng concert, “Sold out lahat ng ticket kagabi!” masayang pahayag ni Joshua.Nabigla at napanganga naman si Zia sa magandang balita. Matapos ang pag-uusap ay nagsalita naman si Lindsay, “Zia, pwede ka ng umuwi at asikasuhin ang nalalapit na concert. ‘Wag mo na akong alalahanin masiyado, mag-focus ka sa career mo. Paki-thank you na lang ulit ako kay Louie, salamat sa tulong niya.” Matapos ay niyakap si Zia. “Nakikita kong nagbago na siya, kaya baka this time, may hap
TUNOG ng cellphone ang nagpagising sa diwa ni Zia. Bahagya niyang iminulat ang isang mata at nakitang may kausap si Louie.“Maaga akong pupunta para sa meeting, Alice.” Matapos ang tawag ay tiningnan ni Louie ang asawa na nakahiga pa rin sa desk. “Magbihis ka na’t bumalik sa kwarto,” utos niya pa.Pero hindi gumalaw si Zia… hindi niya kaya dahil nanghihina pa siya. Ang naganap kanina ay isang malaking bangungot.Napakarahas ni Louie sa puntong gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa. Muling pumikit si Zia at sa pagkakataong iyon ay may tumulo ng luha sa kanyang mga mata.Mayamaya pa ay sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya talaga kaya. Para siyang nabugbog sa sobrang panghihina ng katawan, lahat ay masakit.“Paulit-ulit… ganito na lang ba tayo, Louie? Sa tuwing nagpapakita ka ng kaunting kabutihan sa’kin, laging may balik? Akala ko’y nagbago ka na pero babalik pa rin pala tayo sa umpisa. Walang katapusan, nakakapagod ka ng mahalin,” usal ni Zia na hindi na nito narinig matapos
KAHIT masama ang pakiramdam ay pinilit ni Zia ang sariling bumangon sa kama. Sa harap ni Louie ay hinubad niya ang suot na wedding ring saka kinuha ang ilan pang alahas na itinabi ng staff sa drawer.Muli niyang hinarap si Louie saka ibinigay ang mga alahas. “Lahat ng meron ako kahit itong suot ko ay galing sa pera mo kaya paglabas ko rito sa ospital ay isasauli ko sa’yo lahat.”“Makikipaghiwalay ka na naman sa’kin?” ani Louie saka inangat ang kamay para haplusin ang pisngi nito.Ngunit kaagad nang umiwas si Zia. “This time ay makikipaghiwalay na ako sa’yo ng tuluyan. Kahit anong gawin mong panunuyo ay hindi na ‘ko magpapauto pa. Pero sisiguraduhin kong hindi mo mababawi lahat, ang shares ng kompanya na nasa pangalan ko, maging ang kaso ni Kuya. Hindi mo na ako matatakot pa na ika-cancel mo iyon.”Bago pa muling makapagsalita si Louie ay bumukas ang pinto. At nasa labas si Bea na naka-wheelchair.Maluha-luha na na nakatingin sa dalawa. “I
KAAGAD na nagtungo si Louie sa ospital para makita si Zia na kagigising lang ng mga sandaling iyon.Habang nasa tabi ng kama si Lindsay, nagbabantay. Nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaibigan ay kaagad siyang napasugod sa ospital. Pagkakita sa kalagayan ni Zia ay agad siyang naiyak.Kung alam lang ni Lindsay na ito ang mangyayari sa kaibigan ay hindi na sana niya ito pinauwi pa ng araw na iyon. Ang laki ng pagsisisi niya ng biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Louie.Kaagad itong nilapitan ni Lindsay ay kinuwelyuhan. “Wala kang ideya kung anong hirap ang dinanas ni Zia kagabi! Nagdidileryo siya at makailang ulit tinatawag ang pangalan mo kahit ikaw naman ang naging dahilan kung bakit ganito ang sinapit niya ngayon! Anong klase kang tao?!” Niyugyog niya nang ubod lakas si Louie kaya nalaglag ang suot na hearing-aid.Pero walang pakialam si Lindsay at umiyak lang nang umiyak kahit walang naririnig.Dahil sa ingay ay nag
SA KONDISYON ni Zia ay kailangan niya ng may mag-aalaga sa kanya. Naigagalaw man ang buong katawan kahit puno ng galos ay mahina pa ang kanyang buong braso’t kamay.Kaya naroon si Louie, handang alagaan at bantayan ang asawa. Ngunit ayaw ni Zia, ang makita nga lang ito ay masakit na para sa kanya.“May binili akong soup para sa’yo, kumain ka—”Tinabig ni Zia ang kamay nito nang akma siyang papakainin. Natapon sa sahig ang soup at hindi man lang siya naapektuhan. Balewala niya itong tinalikuran.Napabuga ng hangin si Louie saka inilapag sa side-table ang walang laman na mangkok. “Ano bang gusto mo, Zia?” aniya, tuluyang sumusuko sa pagmamatigas nito.Hindi sumagot si Zia na tila walang narinig. Hanggang sa may dumating na staff. Nakita ang natapon na pagkain kaya nilinis muna nito ang sahig at pagkatapos ay agad ring nagpaalam.Nang sila na lang ulit ang naroon sa kwarto ay nagsalita si Zia, “Ayoko na rito, gusto kong mailipat sa
GUMALAW si Zia, nagtatangkang kumawala sa yakap ni Louie na kahit ayaw nito ay kusa rin siyang pinakawalan.“Pwede ba tayong mag-usap?”“Umalis ka na, Louie, gusto kong magpahinga.”Bumangon si Louie at bahagyang napangiwi habang sapo-sapo ang tiyan na tinamaan ng suntok ni Joshua.“Alam kong gusto mo na ‘kong mawala sa buhay mo pero ako, hindi. Hindi ko kayang mawala ka. Please… one last chance pa, Zia. Pinapangako ‘ko sa’yong babawi ako sa lahat ng mga nagawa kong mali.”Kung pwede lang sana ay tinakpan na ni Zia ang sariling tenga para hindi na marinig ang pinagsasasabing kasinungalingan ni Louie. Nagsasawa na siya sa paulit-ulit nitong istilo.Walang katapusang pasakit.“Last chance, Louie? At anong susunod, nasa kabaong na ‘ko, gano’n ba?” Kahit madilim ay nilingon at tiningna niya si Louie. “Ano ba ‘ko sa tingin mo? Gamot na sa tuwing tinutupak kay iinumin mo lang para kumalma?”Sa madilim na paligid ay na
IBINABA ni Louie ang kamay saka napatungo. Ngayon lang niya nakitang ganito katakot sa kanya si Zia.“Hindi… gusto lang kitang tulungang magpalit ng damit dahil nagpapagaling pa ang kamay mo.”Mapagduda ang tingin ni Zia pero kalaunan ay hinayaan ito na bihisan siya. Sa bawat dampi ng kamay nito sa kanyang balat ay napapakislot siya sa kaba.Habang napapalunok naman ng laway si Louie. Kinakalma ang sariling emosyon at pagnanasa kay Zia habang hubad ito sa kanyang harapan.Isang buwan na siyang walang…Mariin siyang napapikit at inalis sa isip ang makamundong pagnanasa para sa asawa.Takot na sa kanya si Zia kaya hindi na dapat siya umasa. Nang lumingon ito at mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata ay bigla itong lumayo.“Hindi mo na ako maloloko pa, Louie. Nababasa ko sa mga mata mong gusto mo ulit akong—” Napasinghap at hindi na pinagpatuloy ang sasabihin. “Lumayo ka na lang dahil hanggang ngayon ay nandidiri pa rin ako sa kahayupáng ginawa mo sa’kin. Hindi ko ‘yun kakalimutan lalo n
HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an
NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab
LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang