LOGINGAILYN COULDN’T BREAK free, and she didn't want to cause a commotion or attract attention. Kinalamay na lang ni Gail ang kanyang sarili. Inisip na lang niya na baka naman may nais sabihin ang asawa kung kaya nakipagpalit ng partner sa kanya. Hindi siya dapat sumabog.“Ano ang gusto mong sabihin sa akin?” Nagsimula na silang umindak. Tila walang pakialam sa mga taong kasama sa dance floor. Bahagyang inilapit ni Leon ang mukha sa tainga ni Gail upang muli lang itong bumulong. “Kailan mo planong sagutin ang tawag ng anak natin?” Mariing napapikit ang mga mata ni Gail nang maramdaman ang mainit na hinga ng asawa. “Busy ako—” “Alam kong busy ka, pero hindi mo siya pwedeng e-deadma na lang palagi. May time ka ngang umattend sa ganitong event, pero ang sagutin ang tawag ay wala? Ganyan ang busy?” Hindi sumagot si Gail. Bakit siya ang inaaway? Kung busy siya hindi ba dapat at ito ang pumuno ng pagkukulang niya?“Magbigay ka kung ilang araw mo pa siyang hindi sasagutin nang hindi siya um
PARANG BABAENG NAPAISMID si Rico. Natigilan naman sa pagsasayaw si Caden na halos mabali na ang leeg kakalingon sa kanilang banda. Samantalang si Leon ay hindi na napigilan na biglang umigting ang panga.“Mr. Serrano?” untag ng kanyang partner kay Caden. Biglang natauhan si Caden na tinuloy na ang kanilang pagsasayaw. Tumaas naman ang kilay ni Nica na naagaw na rin ang pansin ni Gail. Maiintindihan niya pa kung si Leon o Caden ang gumawa noon, pero ang pipitsuging si Gailyn pa talaga ang nauna? Parang nakakaasar lang. “Sino ang kasayaw ni Gailyn?” “Zachary Doherty.” sagot ni Leon na halos magngalit ang ngipin pagsambit ng pangalan.Unang beses na na-meet ni Nica ang lalaki. Binati siya ni Rico kanina pero hindi ito kasama. She was unaware of his identity. However, judging from Rico and Ted’'s attitudes towards him, she knew that his status and position were definitely no less than Rico. Hindi siya isasama ng lalaki sa grupo nila kung wala siyang sinasabi sa lipunan gaya ng mga kasa
NANLAKI NA ANG mga mata ni Gail at napuno ng katanungan nang makita niya ang paglapit nina Nica at Leon sa may kanilang banda. Aalisin na sana ng babae ang paningin sa asawa nang makita niyang tila ngumiti sa kanya si Leon. Ipinilig na niya ang kanyang ulo. Imposibleng ngumiti sa kanya ang asawa. Kinumbinsi na lang niya ang sariling optical illusion niya lang iyon o guni-guni. Ibinaling na ang buong atensyon sa partner na si Nicolas.“Nagseselos ka pa rin?” mahinang tanong ni Nicolas na dumukwang na palapit sa kanya. Umiling lang si Gail at nag-focus na makipagsayaw kay Nicolas. Hindi naman na giniit pa ng lalaki ang ilan sa mga katanungan niyang nais na sabihin nang mapansin ang mood ni Gail. “Curious lang ako, sa laki ng dance floor bakit kailangang malapit pa sa atin pumuwesto?” Ngumisi si Nicolas na nakuha na ang nais ipahiwatig ng kasayaw. “Ah, iyon lang ba ang problema mo?” Sa pag-alalay ni Nicolas, unti-unti silang napalayo sa pwesto nina Leon at Nica. Lihim naman na napa
MARIIN NANG INIILING ni Leon ang kanyang ulo. Baka mamaya hindi niya mapigilan ang sarili at sa paglapit nila ay haklitin ang asawa.“Hindi ako nagmamadali Caden, mauna ka na.” aniyang namulsa na ang dalawang kamay. “Okay…” Lumakad na si Caden palapit sa banda nina Nicolas. Hindi na niya pinilit si Leon na samahan siya.“Good evening, Miss Espinoza, Mr. Villalobos.” bati niya na bahagyang binigyan sila ng friendly na ngiti.Tumango lang naman ang dalawa bilang tugon sa pagbati. “Good evening din sa’yo, Mr. Serrano.” ganti ni Gail na nag-iwas na ng tingin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay lumapit na rin si Rico. Hindi kagaya ni Caden, si Nicolas lang ang kanyang binati. Naglaho ang ngiti sa labi ni Nicolas nang marinig iyon. Napilitan lang siyang harapin doon si Rico, nais niya sanang e-deadma lang ito.“Oh, ikaw pala Mr. Villamor. I'm sorry, I was too busy earlier and didn't see you.” Rico naturally noticed that Nicolas seemed to dislike him even more than when they last met. Hin
LUMIIT NA ANG mata ni Yohan sa kaibigan. Iba ang nase-sense niya sa ginagawa nitong pagtatanggol.“Huwag mong sabihin na pina-imbestigahan mo sila?” maya-maya ay medyo napalakas na bulong ni Yohan, mabuti na lang at maingay na ang hall kaya walang ibang nakarinig. “Hindi ka mag-aaksaya ng oras, panahon, laway at pera ‘di ba?” Tumawa lang si Caden at hindi na sinagot ang tanong ni Yohan. Hindi lang si Caden at Yohan ang nakapansin kay Gail, maging si Rico. Ngunit panandalian lang iyon at ibinaling na ang mga mata niya kay Nica na nasa hindi kalayuan lang.“I like her, ang simple lang ng ganda niya.” vocal na sambit ni Ted na ang grupo lang nila ang nakakarinig. “Ikaw, Rico?” “Hindi pa rin. Magaspang ang ugali niya kahit pa siya maganda.” Sa sinabing iyon ni Rico ay biglang naging interesado si Kari. “What do you mean?” naka-focus na kay Rico ang kanyang mga mata at tainga.Rico recounted in detail what had happened in Spark Mind a couple of days ago. Sa pagitan nila ni Nica at ng a
LINGID SA KAALAMAN ni Leon na papunta rin pala sa banquet na iyon ang asawa niya na si Gailyn kasama ni Nicolas at magkikita silang dalawa doon. Pasado alas-otso na iyon nang bumungad silang magkasama ni Nica sa entrance ng hall. Kapit-tuko ang kamay ng babae sa kanyang braso na animo kapag hindi ginawa iyon ay mayroong aagaw dito. Nica’s outfit today was still incredibly expensive, and she was just as stunningly beautiful as ever, making it hard to look away. Pagdating nila, halos lahat ng nasa banquet hall ay kanilang na-attract. Mapa-babae man iyon o lalaki. Hindi magawang tanggalin na ang atensyon sa kanila. Ilang saglit pa matapos ng kanilang pagdating, dumating na rin sina Yohan at Caden.“Nandiyan na sina Leon.” tapik ng balikat ni Yohan kay Caden upang ipaalam iyon sa kaibigan.“Oo nga, halika na at lapitan natin.” Maya-maya pa ay dumating na rin sina Rico at Kari. Parehong iginala ng dalawang binata ang kanilang mga mata. Nagtitingin-tingin sa kanilang mga kakilala na maaar

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





