LOGINRamdam ni Yasmine ang sakit habang pinagmamasdan ang divorce agreement paper na hawak niyam
Tatlong taon na ang nakararaan, napakasalan niya si Alfred dahil sa kagustuhan ng mga magulang nito. Hindi siya mahal ni Alfred ag napilitan lang itong pakasalan siya nang sa gano'n ay makuha nito ang mananat ang posisyong inaasam sa kumpanya. Sa kagustuhan niyang subukan na paibigin si Alfred, pumayag siyang agad na magpakasal kahit pa hindi siya mahal ng lalaki. At sa loob ng tatlong taon nilang kasal, parang estranghero kung ituring siya nito. Divorce ang nagsisilbing bomba na tatapos sa kasal nila. Sa tatlong taon nilang pagsasama, nj minsan ay hindi nabanggit ni Alfred sa kanya ang tungkol sa divorce. Ngunit ngayong may nakahanda na itong divorce paper, alam niya agad na kaya 'yon naasikaso ng lalaki ay dahil bumalik na ang ex-girlfriend nito. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatayo at nakatitig sa divorce paper, natauhan lang siya nang marinig niya ang sasakyan ni Alfred. Nakauwi na ito. Lumabas siya ng study room. Bumaba siya at naabutan niya si Alfred na inabot sa kasambahay ang kahuhubad lang nitong coat. Pinagmasdan niya ang asawa at kahit masakit pa rin sa kanya ang nakitang divorce agreement ay hindi niya pa ring maiwasang punahin ang taglay nitong kakisigan at kagwapuhan. Bumagay dito ang suot na suit, unang tingin pa lang ay masasabi na agad na makapangyarihang tao ito. Marahil ay narinig nito ang mga yabag niya kaya tiningala siya nito. "Mabuti at nakauwi ka na," aniya saka naglakad palapit sa asawa. Tinitigan niya ito. Ngunit, dahil dalawang linggo na silang hindi nagkikita at mula nang kinailangan niyang sumailalim sa abortion one year ago matapos mamatay ng anak niya sa uterus, naging mas mailap ang pagkikita nila ni Alfred. At ngayong nagkita na ulit sila, pakiramdam niya ay ibang tao ang kaharap niya. Muli niyang naisip ang divorce paper at magtatanong na sana siya tungkol do'n nang maunahan siya nito magsalita. "May sakit si lola, kailangan nating pumunta sa ancestral house," saad nito. Nanikip ang dibdib ni Yasmine sa narinig bago siya mabilis na umakyat sa kwarto niya para mag-impake. Tinakpan niya rin ng concealer ang mga pasa niya bago siya muling bumaba. Naabutan niya si Alfred na nasa labas na ng bahay, nakatalikod ito sa gawi niya at nakaharap sa sasakyan nito. Naninigarilyo rin ito. Marahil ay narinig nito ang mga yabag niya kaya lumingon ito sa kanya. Ayaw niya sa lalaking naninigarilyo. Ngunit, hindi niya maiwasang punahin ang taglay na kagwapuhan ng asawa niya lalo na ngayong may kagat-kagat itong sigarilyo. Napakaganda rin ng mga mata nito na kitang-kita niya kahit pa may suot itong salamin. Hindi na siya magtataka kung bakit maraming nagkakandarapa rito. Malamig ang tingin nito sa kanya at bahagya siyang nasaktan do'n bago wala sa sariling naglakad palapit sa sasakyan ni Alfred at sasakay na sana ro'n nang hawakan nito ang braso niya. Nagulat siya lalo na nang magtama ang mga nata nila. Hinawakan din nito ang baba niya, sinubukan niyang umiwas ngunit hinigpitan lang nito ang pagpisil sa baba niya saka niya naramdaman ang paghaplos nito sa gilid ng labi niya. "Bakit may pasa sa labi mo?" Hindi niya akalain na mapapansin pa nito ang pasa niya gayong halos mawala na ito dahil sa ointment na nilagay niya kagabi at dahil na rin sa cold-compress na nilagay niya kanina. "Nadulas lang ako kahapon habang nasa trabaho," sagot niya. Hindi niya na sinabi ang totoo rito dahil hindi naman na siya umaasa na mag-aalala ito. Mahinang natawa si Alfred ngunit alam niyang hindi ito natuwa sa sagot niya. Diniinan niti ang pasa sa gilid ng labi niya. "Tsk." Pinasakay na siya ni Alfred sa kotse, sumunod naman ito saka agad inutusan ang driver na nagmaneho paalis. Habang nasa byahe ay marami itong sinasagot na business calls. Tutok din ang mata nito sa laptop. "Pumunta ka ba sa study room ko kanina?" kaswal na tanong ni Alfred, ni hindi man lang lumingon sa kanya. Mukhang nakita nito na bukas ang ilaw sa study room nito kanina. Alam agad nito na siya ang nagpunta ro'n dahil hindi naman pwedeng pumasok ang mga kasambahay do'n. "Hmm, magbabasa sana ako kaso hindi ko naman mahanap ang librong gusto," sagot niya kahit pa ang totoo ay nakalimutan niya ang balak niyang gawin sa study room nang makita niya ang divorce paper. Matapos no'n ay pagod siyang sumandal sa bintana ng kotse, hinihintay na makarating sila sa ancestral house ng mga Deogracia. Pitong taon lang siya nang mawala ang mga magulang niya, at ang lola na ni Alfred ang tumulong sa kanya. Ito ang tanging nagmahal sa kanya kaya labis ang pag-aalala niya ngayong may sakit ito. Nang makarating sila, nakita nila ang naraming tao, may mga doktor din na nagpapainom ng gamot sa matanda. Ngunit ayaw nito. Nang makita siya nito ay agad nagliwanag ang mukha nito. "Yasmine! Halika! Tingnan mo, apo, inaaway nila ako!" Naglakad palapit si Yasmine sa matanda at marahan itong niyakap. "Lola..." Marahan niyang hinaplos ang likuran nito. "Hayaan niyo, ngayong nandito na ako, hindi ka na nila pipilitin, okay? Dahil kung hindi, patutumbahin ko sila sa isang sapak lang!" nakangiting aniya saka marahang kumalas sa yakap at hinaplos ang mukha nito. "For now, inom ka po muna ng gamot, hmm? Tapos pakakainin kita, okay?" Tumango ang matanda saka ito na mismo ang kumuha ng gamot at uminom.CHAPTER 26: CLUBTila binuhusan ng malamig na tubig si Yasmine sa nabasa saka siya napaupo ng tuwid sa kama.Magulo ang mahaba niyang buhok, nakalugay iyong at halos natatakpan ang buong mukha niya. Huminga siya nang malalim, ilang beses. Pagkatapos ay hinawi niya ang buhok niya saka marahas na napahilamos sa mukha niya para magising.Walanghiya si Chase, totoo 'yon. At sa totoo lang ay wala na siyang pakialam kung mabuhay man o mamatay ang hayop na 'yon. Bago pa niya isiwalat ang kwento ng Club ni Chase, si Chase at ang grupo niya ay sumira na ng hindi mabilang na buhay — kabataan, babae, lalaki, bata man o matanda, wala itong pinili. Ginahasa, binugbog, ginawang laruan, at kung ano ano pa.Ang ganyang tao, talagang dapat lang na mawala na sa mundong 'to.Pero ang problema...hindi niya maiwasang isipin kung ano ang ikinamatay nito. Kung aksidente ba o hindi. At kung hindi man aksidente, sino ang may pakana?Hindi niya tuloy mapigilang isipin ang sinabi ni Jack sa kanya kanina tungk
CHAPTER 25: BREAKING NEWS Napabuntong-hininga si Yasmine saka marahas na napalingon sa papalayong bulto ni Jack nang may maalala siya."Sandali!" sigaw niya.Tumigil ito sa paglalakad saka siya nakangising nilingon, mukhang siyang-siya ito sa pagtawag niya.Seryoso siyang naglakad palapit dito habang matalim niya itong tinitingnan."Hindi mo 'ko maloloko, Jack. Oo, sabihin nating isa ang plantation na ito sa napakaraming negosyo ng mga Deogracia. Pero hindi ako naniniwala na nandito ka ngayon dahil lang sa nangyaring aksidente. Hindi ako naniniwalang nag-aalala ka sa nangyari at mabuti ang intensyon mo."Mahinang natawa si Jack saka pinagmasdan niya. Nakangisi ito, pero may bahid ng pang-aasar ang tingin."Hmm, you know, while I understand your sentiments, I can help but to notice your beautiful face, Yasmine. Ang ganda-ganda mo kahit pa nga wala kang kahit na anong kolorete sa mukha. Pero... bakit naman mukhang hindi ka masaya, huh?" mapaglarong tanong nito "Nasunog ang factory ni
CHAPTER 24: KAYA PALASa kabilang banda, matapos mapagtanto ni Alfred ang mga salitang itinuran niya ay mariin siyang napapikit saka lihim na minura ang sarili.Ilang segundo niya munang pinagmasdan ang asawa niyang mahimbing nang natutulog matapos ang kanilang mainit na pagtatalik bago siya nagpasya na magtungo sa banyo.Nang makapasok sa banyo ay itinukod niya ang dalawang kamay sa sink saka napatitig sa sarili niyang repleksyon sa salamin."What now, Alfred? Why did you say those words? Huh? What if she's awake and has heard it? You're just going to give her mix signal, you moron!" singhal niya sa sarili saka paulit-ulit na sinuntok ang sink na tinutukuran niya.Habol niya ang hininga saka napayuko at napailing-iling sa sarili. Ilang minuto pa siya nanatili sa ganoong posisyon bago siya nagpasya na maligo saka nagbihis at lumabas ng kwarto dala ang tray ng pagkain na hindi man lang nagalaw ng kanyang asawa. Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong niya ang kasambahay nila."Oh,
CHAPTER 23: YOU ARE MY LIFE Napailing-iling na lamang si Yasmine dahil sa kabaliwan ni Alfred. Sa totoo lang ay hindi niya mawari kung bakit tila mabait ito sa kanya ngayon. Talagang nahihiwagaan siya sa inaasta nito.Binalik niya ang tingin kay Alfred na hanggang ngayon ay naroon pa rin ang nakakalokong ngiti habang nakatingin sa kanya."Stop grinning, Alfred. You look like a fool," kumento niya pero hindi ito nagpatinag.Natigil lang ito nang mag-ring ang cellphone nito na nakapatong sa kama. Sabay silang napatingin do'n at ramdam niya ang pagbagsak ng kalooban niya nang makitang si Chesca ang caller.Sinulyapan niya si Alfred at napansin niya ang pag-igting ng panga nito bago kinuha ang cellphone bago lumabas ng kwarto upang sagutin ang tawag.Napabuntong-hininga siya dahil do'n saka pagod na napaupo sa kama. Mapait siyang napangiti nang maalala ang nangyari."Oh, Gosh! I hope he'll stop giving me mix signals," bulong niya saka pinunasan ang luha niyang hindi niya namalayang sunod
CHAPTER 22: MIX SIGNALSHindi agad nakapag-react si Yasmine dahil sa bilis ng pangyayari. Natauhan lang siya nang maramdaman ang muking paggalaw ng labi ni Alfred. Ginagalugad nito ang kanya kaya naman wala sa sariling napakapit siya sa tuxedo na suot nito kasabay no'n ay ang pagkawala ng isang mahinang daing mula sa kanya."Hmm.. Alfred.." mahinang daing niya nang mula sa labi ay bumaba ang halik ni Alfred sa kanyang baba at leeg.Napapikit siya sa sensenasyong dala no'n. Oo, galit siya kay Alfred, ngunit magiging hipokrita siya kung sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman na pagmamahal para rito. Hindi madaling gawin ang bagay na 'yon."How dare you sign that paper, hmm? D@mn, wife, I want to punish you for that," bulong nito habang hinahalikhalikan siya, dahilan kung bakit natigil ang makundong pag-iisip niya.Buong pwersa niya itong tinulak saka malakas na sinampal. Binalingan niya ang divorce agreement na pinunit nito saka dinampot. "Ayos lang, I can just print another copy
CHAPTER 21: SAVIORNang makalabas ng station ay agad na nakita ni Yasmine ang mga nakapilang emergency shuttle. Mukhang marami rin ang nag-uunahang makapunta sa lugar ng insidente. Napailing siya at sasakay na sana sa isang shuttle nang may pumigil sa braso niya. Nilingon niya 'yon at nakita niya ang hinihingal na editor in chief nila."Bakit, Chief?""Yasmine! Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?! I can send other journalist there, kagagaling mo lang sa aksidente!" may pag-aalala sa boses nito.Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito. Sariwa pa ang mga galos na natamo niya dahil sa nangyari, ang pinakamalala pa ro'n ay ang naging impeksyon sa kanyang tainga, hanggang ngayon ay medyo masakit at mahina pa rin ang pandinig niya. Pero, para sa kanya ay wala lang 'yon. Ang mga sugat, galos, at sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan dahil sa nangyari ay walang-wala kumpara sa sakit na nararamdaman ng damdamin niya. Ang mga negatibong marka na nasa katawan niya ay mabilis lang
Ngunit, hindi agad nakuha ng mga ito si Chase dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yasmine sa kwelyo nito. Tila ayaw na madala si Chase sa hospital."Y-yasmine," nanginginig ngunit marahan ang boses na tawag niya sa babae.Hindi siya nito nilingon at sa halip ay lalo pang hinigpitan ang paghaw
Hindi agad siya nakagalaw sa sinabi ni Jack ngunit nang makabawi ay masama niya itong tiningnan saka niya pilit na tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya.Nasaktan siya sa sinabi ni Jack dahil kahit naman alam ng buong pamilya ni Alfred na mag-asawa sila, hindi naman lingid sa kaalaman ng mg
Sandali siyang tinitigan ni Alfred dahil sa tanong niya bago ito walang buhay na ngumiti at malamig ang boses na nagsalita."Does it matter?" Naglakad ito palapit, hindi tinatanggal ang seryoso at matalim nitong mga mata na nakatingin sa kanya."Noon, gigil na gigil kang pakasalan ako, ni wala kan
Nanigas si Yasmine sa narinig. Ginala niya ang paningin sa madilim na kwarto at tukuyan niyang naaninag si Alfred na nakasandal sa bukas na bintana habang naninigarilyo.Tinignan niya ito, halo-halong emosyon ang nararamdaman niyaSiguro, kung noon ito nangyari, malamang ay nagtatalon na siya sa tu







