Mag-log inNang makauwi, nagtatanggal pa lang siya ng sapatos nang makita niya ang kasambahay na palapit sa kanya.
Nakangiti ito ngunit agad 'yon napawi nang makita ang kalagayan niya. "Naku, Ma'am! Anong nangyari?! Bakit napakarami mong pasa?!" Tinulungan siya nito ngunit aksidente nitong nahawakan ang namamaga niyang braso. Masakit 'yon ngunit hindi siya nagpakita ng kahit na anong reaksyon na para bang manhid na siya at wala lang sa kanya ang sakit. "Havang abala ang mga tao, mayroong dumakio at nanakit sa akin," kaswal na sagot niya na ikinasinghap ng kasambahay. Noon pa man ay alam niya nang delikado ang trabaho niya bilang isang news reporter, hindi niya lang inakala na ganito kadelikado yon at aabot pa sa puntong mayroong dadakip sa kanya para lang saktan siya. "Siya nga po pala, Ma'am, hindi pa rin po umuuwi ang asawa niyo. Narinig ko rin po na nakabalik na si Ms. Chesca sa Pilipinas," tukoy nito sa ex-girlfriend ng asawa niya. Napayuko si Yasmine sa narinig, natakpan ng ilang hibla ng mga buhok niya kanyang mukha dahil do'n. Hindi nagsasalita si Yasmine ngunit alam niyang ramdam ng kasambahay ang lungkot niya. "Siguro po ay..." "Aakyat na ako para maligo. Pwede mo ba'ng dalhin sa kwarto ko ang first-aid kit?" putol niya sa akma nitong pagpapaliwanag. Tumango ang kasambahay kaya yipid siyang ngumiti bago umakyat sa kwarto niya. Samantala, agad namang kumuha ng first-aid kit ang kasambahay saka umakyat para ihatid 'yon kay Yasmine. Nadaanan niya ang master's bedroom, 'yon ang kwarto ng amo niyang lalaki na asawa ni Yasmine. Sumilip siya sa loob no'n, ngunit gaya ng inaasahan niya ay wala roon si Yasmine. Napailing siya bago nagtungo sa kwartong katabi ng master's bedroom, doom ang kwarto ni Yasmine. "Ma'am, narito na po ang first-aid kit!" sigaw niya nang marinig ang paglagaslas ng tubig sa banyo. "Paki-iwan na lang sa ibabaw ng kama tapos ay pwede ka nang umalis!" Napatango siya at sinunod ang sinabi nito. Nang makalabas ay sandaling nagpalipat-lipat ang tingin ng kasambahay sa magkatabing kwarto ng mag-asawa niyang amo. Sinong mag-aakala na ang mag-asawang si Alfred at Yasmine na tatlong taon nang kasal ay sa magkaibang kwarto pa rin natutulog? Napailing siya sa naisip bago tuluyang bumaba at nagtrabaho na lamang. Sa kabilang banda, patuloy ang paglagaslas ng tubig sa banyo ngunit hindi pa naliligo si Yasmine. Sa halip ay walang emosyon lang siyang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Kitang-kita niya ang mga pasa sa kanyang katawan kahit pa may damit pa siyang suot. Nangatal ang labi niya at ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Bago gamit ang nanginginig at masakit niyang mga daliri ay marahas niyang pinunit ang suot na damit. Tinapon niya 'yon sa trash can pagkatapos. Nang tuluyang mahubad ang lahat ng kanyang saplot ay napatitig si Yasmine sa katawan niya hanggang sa hindi niya na nakayanan at tuluyan na siyang napaupo sa tiled-floor na banyo at napahagulgol. Makalipas ang isang oras, lumabas ng banyo si Yasmine at tunaas ng kilay niya nang makita na nasa loob pa rin ng kwarto niya ang kasambahay. "Why are you still here? 'Wag mong sabihin na hinintay mo talaga akong matapos? I've spent an hour inside the bathroom." Umiling ang kasambahay. "Ah, hindi naman po, Ma'am. Umalis po ako agad kanina matapos kong ihatid ang first-aid kit gaya ng gusto niyo. Kababalik ki lang po ngayon dahil naisip ko na baka kailanganin niyo po ng tulong sa paggagamot ng mga sugat at pasa niyo, tutulungan ko po kayo kung sakali." "Hindi na. Sige na, bumaba ka na, magpahinga ka na rin dahil gabi na, okay?" pagtanggi niya na tinanguan nito. Nang makalabas ang kasambahay ay agad niyang ginamot ang mga sugat at pasa niya. Matapos no'n ay marahan siyang humiga sa kama, nais nang magpahinga. Ngunit nang ipikit niya ang mga mata ay ang imahe niya na walang awang binubugbog ng mga lalaki na malademonyocpang tumatawa ang nakita niya. Agad siyang nagmulat dahil do'n saka siya mabilis na tumagilid upang buksan ang drawer ng bedside table niya. Muka sa drawer ay kinuha niya ang nakatagong bote ng sleeping pills, kumuha siya ng isang tableta at ininom 'yon nang walang tubig. Mabilis siyang nakatulog nang gabing 'yon dahil sa ininom. Ngunit, hindi pa rin siya iniwan ng naranasan niya ngayong araw. "Tulungan niyo 'ko, please..." Nanginginig ang katawan sa takot, umiiyak, mahigpit ang pagkakahawak sa kumot at pinagpapawisan ng malamig; 'yon ang kalagayan ni Yasmine nang gabing 'yon. Dahil kahit sa panaginip, ang pambubugbog pa rin sa kanya ang nakikita at nararamdaman niya. Sa kabila no'n, mahaba ang naging tulog ni Yasmine dahil na rin sa pagod. Kinabukasan ay gabi na rin nang magising siya, masakit pa rin ang katawan ni Yasmine ngunit ilan sa mga pasa niya ay pagaling na agad, at dahil 'yon sa ointment na nilagay niya kagabi. Dahil sa sakit ng katawan, muntik pa siyang matumba nang tumayo siya. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya nang muling maalala ang nangyari sa kanya kahapon. Mabuti na lang at nakatakas siya at tinulungan siya ng isang babae na siyang nagtawag sa mga pulis. Kung hindi, malamang ay baka nagkita na sila ng mga magulang niya ngayon sa kabilang buhay. Malaki rin ang pagpapasalamat niya kay Mr. Alcantara dahil binigyan siya nito ng ilang araw na day-off nang sa gano'n ay makapagpahinga siya. Lumabas ng kwarto si Yasmine, nadaanan at sinilip niya ang kwarto ni Alfred bago bumaba ngunit wala ito ro'n, marahil ay hindi talaga umuwi kagabi. Nang makababa ay nag-almusal siya saka kumuha ng cold-compress para ilapat sa mga pasa niya. Habang ginagawa 'yon ay abala siya sa pagtitingin ng balita sa cellphone niya. At gaya ng inaasahan, laman ng balita si Alfred mula kagabi pa. Ang pinaka pinag-uusapan ay ang larawan nito na nakatalikod habang tinutulak ang isang wheelchair kung saan sakay ang ex-girlfriend nitong si Chesca Enriquez. Natigilan siya sa nakitang picture at nabitawan niya ang hawak ng cold-compress, bumagsak 'yon sa kandungan niya na ikinangiwi niya. Talagang wala na silang pag-asa ni Alfred. Tatlong taon na ang lumipas, pero hindi pa rin nito nasusuklian ang pagmamahal niya. Upang i-distract ang sarili sa sakit, nagpasya si Yasmine na magbasa na lang. Nagtungo siya sa study room ni Alfred, maaliwalas kasi roon at simple lang, hindi gaya ng study room niya na puno ng mga dekorasyon at mga blind box toys. Napansin niya ang desk drawer na naiwang nakabukas, bahagya ring nakabukas ang bintana kaya bahagyang nagulo ang mga dokumento sa drawer na malamang ay gawa ng hangin. Isang papel ang hinangin sa sahig, kinuha niya 'yon at ibabalik na sana sa drawer nang makita niya kung ano ang nakasulat do'n. Natulos siya sa kinatatayuan dahil sa nabasa. Hindi 'yon basta dokumento lang. Dahil isa yong Divorce Agreement.Sandali siyang tinitigan ni Alfred dahil sa tanong niya bago ito walang buhay na ngumiti at malamig ang boses na nagsalita."Does it matter?" Naglakad ito palapit, hindi tinatanggal ang seryoso at matalim nitong mga mata na nakatingin sa kanya."Noon, gigil na gigil kang pakasalan ako, ni wala kang pakialam sa ibang bagay dahil ang mahalaga lang sa'yo ay ang maikasal ka sa'kin. Tapos ngayon ay tatanungin mo ako ng ganyan?" Hinawakan nito ang baba niya saka ito ngumisi. "Tell me, Yasmine, anong gusto mong mangyari, hmm?"Iniwas niya ang mukha para matanggal ang pagkakahawak nito sa baba niya saka siya bahagyang umatras.Hindi niya kinakaya ang lamig at talim ng tingin nito. Napansin ni Alfred ang pag-atras niya kaya mabilis siya nitong hinapit sa bewang saka seryosong pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa mata, sa ilong, at pababa sa labi.Nakita niyang nagtagal ang pagtitig nito sa labi niya na siyang kanyang ikinalunok. Alam niyang namumula pa 'yon dahil sa paghalik nito sa kanya.
Nanigas si Yasmine sa narinig. Ginala niya ang paningin sa madilim na kwarto at tukuyan niyang naaninag si Alfred na nakasandal sa bukas na bintana habang naninigarilyo.Tinignan niya ito, halo-halong emosyon ang nararamdaman niyaSiguro, kung noon ito nangyari, malamang ay nagtatalon na siya sa tuwa dahil sa wakas ay sa iisang kwarto na sila matutulog ni Alfred. Ngunit iba na ngayon, bumalik na sa Pilipinas ang ex-girlfriend nito at nakita niya na rin ang divorce paper. Kaya hindi na siya umaasang mangyayari pa 'yon.Hindi siys sumagot, at sa halip ay naglakad siya palapit sa sofa. Doon na lang muna siya matutulog ngayon dahil alam niyang ayaw siyang katabi ni Alfred. Hindi niya na binuksan ang ilaw dahil bukod sa ayaw niya, sobrang sakit ng kanang hita niya.Habang naglalakad palapit sa sofa, biglang hinila ni Alfred ang braso niya, sumubsob siya sa dibdib nito dahil do'n. At bago pa siya makapagsalita, naramdaman niya na ang pagsiil sa kanya ni Alfred ng halik, pumulupot ang kam
Napatitig naman si Alfred sa nakangiting mukha ni Yasmine. "Napakapait nito!" saad ng lola niya matapos uminom ng gamot."It's okay, lola. Kapag mapait ang gamot, ibig sabihin mabilis kang gagaling," nakangiting sabi naman ni Yasmine. Sumimangot ang lola niya kaya nakita niya kung paano marahang hinawakan ni Yasmine ang kamay nito. "Alright, kukuha na lang po ako ng tubig na may kaunting asukal para kahit papaano ay mawala ang pait sa panlasa niyo."Tumango ang lola niya saka nakangiting nagpasalamat kay Yasmine. Sa kabilang banda, nang makuha ni Yasmine sng tubig at sopas, muli siyang bumalik sa kwarto ng matanda at papasok na sana nang marinig niyang kausap nito si Alfred "Nakakagulat ang balita kahapon, Alfred. At gaya ng inaasahan, talaga namang kayang-kaya mong gumawa ng malaking pasabog sa isang kurap lang.""Lola, tama na po. Hindi nito naman kailangang maging sarcastic, naiintindihan ko po ang pinupunto niyo.""Umayos ka, Alfred! Si Yasmine ang asawa mo! Pamilya lang nat
Ramdam ni Yasmine ang sakit habang pinagmamasdan ang divorce agreement paper na hawak niyam Tatlong taon na ang nakararaan, napakasalan niya si Alfred dahil sa kagustuhan ng mga magulang nito. Hindi siya mahal ni Alfred ag napilitan lang itong pakasalan siya nang sa gano'n ay makuha nito ang mananat ang posisyong inaasam sa kumpanya.Sa kagustuhan niyang subukan na paibigin si Alfred, pumayag siyang agad na magpakasal kahit pa hindi siya mahal ng lalaki. At sa loob ng tatlong taon nilang kasal, parang estranghero kung ituring siya nito. Divorce ang nagsisilbing bomba na tatapos sa kasal nila.Sa tatlong taon nilang pagsasama, nj minsan ay hindi nabanggit ni Alfred sa kanya ang tungkol sa divorce. Ngunit ngayong may nakahanda na itong divorce paper, alam niya agad na kaya 'yon naasikaso ng lalaki ay dahil bumalik na ang ex-girlfriend nito.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatayo at nakatitig sa divorce paper, natauhan lang siya nang marinig niya ang sasakyan ni Alfred. Nak
Nang makauwi, nagtatanggal pa lang siya ng sapatos nang makita niya ang kasambahay na palapit sa kanya. Nakangiti ito ngunit agad 'yon napawi nang makita ang kalagayan niya. "Naku, Ma'am! Anong nangyari?! Bakit napakarami mong pasa?!"Tinulungan siya nito ngunit aksidente nitong nahawakan ang namamaga niyang braso. Masakit 'yon ngunit hindi siya nagpakita ng kahit na anong reaksyon na para bang manhid na siya at wala lang sa kanya ang sakit."Havang abala ang mga tao, mayroong dumakio at nanakit sa akin," kaswal na sagot niya na ikinasinghap ng kasambahay.Noon pa man ay alam niya nang delikado ang trabaho niya bilang isang news reporter, hindi niya lang inakala na ganito kadelikado yon at aabot pa sa puntong mayroong dadakip sa kanya para lang saktan siya."Siya nga po pala, Ma'am, hindi pa rin po umuuwi ang asawa niyo. Narinig ko rin po na nakabalik na si Ms. Chesca sa Pilipinas," tukoy nito sa ex-girlfriend ng asawa niya. Napayuko si Yasmine sa narinig, natakpan ng ilang hibla n
Gabi na nang makalabas si Yasmine sa police station na pinuntahan niya. Malakas ang ulan sa labas, at pansin niya ang mga taong pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi niya na dinamdam 'yon. Normal lang naman siguro na sulyapan at pag bulungan siya ng mga tao dahil bukod sa paika-ika siya, magulo rin ang buhok niya at punong-puno pa ng pasa ang mukha at katawan niya. Nagpatuloy sa paglakad si Yasmine. Bawat hakbang ay mabibigat. Mayamaya ay huminto siya sa isang waiting shed, blanko ang ekspresyon niyang tinitigan ang cellphone ñiyang basag na anv screen.Pagkatapos ay gamit ang mga daliri niyang may bahid ng mga dugo; nagtipa siya ng numero para tawagan ang asawa niyang si Alfred. Ngunit, gaya ng desperadong sigaw niya habang binubugbog siga; tila walang nakarinig sa tawag niya dahil walang sumagot ng cellphone.Naramdaman niya ang tilamsik ng iilang patak ng ulan sa kanyang mukha kaya pagod siyang napangiti at napabuntong-hininga.Muling nag-dial si Yasmine ngunit wala pa ring sumagot. Il







