Se connecterNapatitig naman si Alfred sa nakangiting mukha ni Yasmine.
"Napakapait nito!" saad ng lola niya matapos uminom ng gamot. "It's okay, lola. Kapag mapait ang gamot, ibig sabihin mabilis kang gagaling," nakangiting sabi naman ni Yasmine. Sumimangot ang lola niya kaya nakita niya kung paano marahang hinawakan ni Yasmine ang kamay nito. "Alright, kukuha na lang po ako ng tubig na may kaunting asukal para kahit papaano ay mawala ang pait sa panlasa niyo." Tumango ang lola niya saka nakangiting nagpasalamat kay Yasmine. Sa kabilang banda, nang makuha ni Yasmine sng tubig at sopas, muli siyang bumalik sa kwarto ng matanda at papasok na sana nang marinig niyang kausap nito si Alfred "Nakakagulat ang balita kahapon, Alfred. At gaya ng inaasahan, talaga namang kayang-kaya mong gumawa ng malaking pasabog sa isang kurap lang." "Lola, tama na po. Hindi nito naman kailangang maging sarcastic, naiintindihan ko po ang pinupunto niyo." "Umayos ka, Alfred! Si Yasmine ang asawa mo! Pamilya lang natin ang may utang kay Chesca, pero ang asawa mo'y wala! Subukan mo lang saktan si Yasmine para sa babaeng 'yon, talagang hindi kita mapapatawad, Alfred!' galit ang boses ng matanda. Mariin siyang napapikit at nabaling ang tingin sa kasambahay na paakyat. Nang muli niyang pakinggan ang pag-uusap nila Alfred, ang huki niya na lang narinig ay ang sinabi ng matanda na; "Dapat magkaanak na kayo ni Yasmine sa lalong madaling panahon, Alfred! Kapag nangyari 'yon lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sa'yo." Agad nasaktan si Yasmine sa narinig. Naslalaa niya ang nangyari sa kanila ni Alfred isang taon na ang nakararaan. Nalasing ito at pinasok siya sa kwarto niya. Kahit kailan ay hindi niya makakalimutan kung paanong kahit na sandaling panahon ay naging marahan sa kanya ang asawa. May nangyari sa kanila nang gabing 'yon at nagbunga 'yon kinalaunan. Nang mabuntis siya, ramdam niya ang pagbabago ng relasyon niya kay Alfred. Dahil kahit ito madalas na umuuwi, siniguro nitong mayroong mag-aalaga sa kanya habang wala ito Ngunit, muling bumalik sa dati ang lahat nang mawala ang anak nila dahil tumigil ang pagtibok ng puso nito. Labis ang sakit na naranasan niya, ni hindi niya man lang nakita at nahawakan ang anak niya bago ito mawala. Nang mga panahong 'yon, walang kahit sino ang sumubok na i-bring-up ang tungkol sa nangyari sa harapan niya. Kaya ngayong narinig niya ang pinag-uusapan nila Alfred, pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. "Ma'am Yasmine." Natauhan si Yasmine nang marinig ang pagtawag sa kanya ng kasambahay. Pinunasan niya ang luha niya saka tuluyang pumasok sa kwarto daka ang tubig at sopas. Agad namang natigil ang pag-uusap nila Alfred dahil do'n. Ang matandang babae ay tahimik na pinagmamasdan ang kilos ni Yasmine. Nasasaktan siya para rito. Kung alam niya lang na paakyat na ito at nasa labas na ng kwarto; hindi niya na sana binanggit pa ang tungkol sa pag-aanak nito. Tiningnan niya ang apo niyang si Alfred, umaasang lalapitan nito ang asawa ngunit hindi. Dahil sa halip ay natulos ito sa kinatatayuan bago ilang saglit na pinagmasdan ang asawa bago tuluyang umalis ng kwarto Samantala, nang makatulog ang matanda ay marahang kinuha muli ni Yasmine ang temperature nito, bumaba na ang lagnat nito. Lumabas siya matapos no'n, hinatid siya ng isang bodyguard sa bahay na nasa tabi lang ng ancestral house. Para sa kanila 'yon ni Alfred. Sa iisang bubong st kwarto lang sila ngayon dahil 'yon ang utos ng lola nito. Nang makapasok sa bahay ay hindi niya nakita si Alfred do'n. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Hindi niya pa kasi ito muling nakikita mula nang lumabas ito sa kwarto ng matanda. Nilingon niya ang bodyguard at nagsalita. "Junrey, pwede ka nang umalis at magpahinga. Ayos na ako rito, salamat." "Pasensya na, pero hindi po pwede, Ma'am Yasmine. Gusto po ni Madam Greta na kuhanan ko kayo ng picture, ebidensya raw po na nandito kayo," magalang nitong saad. Kahit tila hindi siya kinikilalang asawa ni Alfred, siniguro ni lola na lahat ng miyembro ng pamilyang Deogracia at lahat ng nasa bahay ay gagalangin siya at ituturing na asawa ni Alfred. Hindi agad nakapagsalita si Yasmine sa sinabi ng bodyguard. Sa halip ay tumayo lang siya, hinahayaan ang bodyguard na kuhanan siya ng litrato. "Ayos na po ito, Ma'am. Aalis na po ako at ipapakita ko na po ito kay Madam Greta. Magpahinga na po kayo," saad nito nang makuntento. Nakahinga nang maluwag si Yasmine saka pinagmasdan ang papalayong bulto ng bodyguard. Pagkatapos ay agad niyang sinara ang main door saka sumandal doon. Nang hindi niya makaya ay tuluyan siyang napaupo habang namimilipit sa sakit ng kanang hita. Kanina niya pa nararamdaman 'yon pero nagpanggap siyang ayos lang para hindi siya tanungin ng matanda. Pero ngayon ay talagang hindi niya na kaya. Sobrang sakit ng kanang hita niya, sinipa 'yon ng ilang beses ng mga lalaking nambugbog sa kanya kagabi. Kahit na masakit, dahan-dahan siyang tumayo at naglakad sa kwartong para sa kanila ni Alfred. Pumasok siya roon, madilim pa sa kwarto dahil hindi niya pa binubuksan ang ilaw. Dahan-dahan ulit siyang napaupo sa sahig, iniinda ang masakit na hita. Habang nasa gano'ng kalagayan, narinig niya ang boses ng asawa niya na ikinagulat niyang nasa kwarto na rin pala. "Will you wait for me to come and hug you?"Sandali siyang tinitigan ni Alfred dahil sa tanong niya bago ito walang buhay na ngumiti at malamig ang boses na nagsalita."Does it matter?" Naglakad ito palapit, hindi tinatanggal ang seryoso at matalim nitong mga mata na nakatingin sa kanya."Noon, gigil na gigil kang pakasalan ako, ni wala kang pakialam sa ibang bagay dahil ang mahalaga lang sa'yo ay ang maikasal ka sa'kin. Tapos ngayon ay tatanungin mo ako ng ganyan?" Hinawakan nito ang baba niya saka ito ngumisi. "Tell me, Yasmine, anong gusto mong mangyari, hmm?"Iniwas niya ang mukha para matanggal ang pagkakahawak nito sa baba niya saka siya bahagyang umatras.Hindi niya kinakaya ang lamig at talim ng tingin nito. Napansin ni Alfred ang pag-atras niya kaya mabilis siya nitong hinapit sa bewang saka seryosong pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa mata, sa ilong, at pababa sa labi.Nakita niyang nagtagal ang pagtitig nito sa labi niya na siyang kanyang ikinalunok. Alam niyang namumula pa 'yon dahil sa paghalik nito sa kanya.
Nanigas si Yasmine sa narinig. Ginala niya ang paningin sa madilim na kwarto at tukuyan niyang naaninag si Alfred na nakasandal sa bukas na bintana habang naninigarilyo.Tinignan niya ito, halo-halong emosyon ang nararamdaman niyaSiguro, kung noon ito nangyari, malamang ay nagtatalon na siya sa tuwa dahil sa wakas ay sa iisang kwarto na sila matutulog ni Alfred. Ngunit iba na ngayon, bumalik na sa Pilipinas ang ex-girlfriend nito at nakita niya na rin ang divorce paper. Kaya hindi na siya umaasang mangyayari pa 'yon.Hindi siys sumagot, at sa halip ay naglakad siya palapit sa sofa. Doon na lang muna siya matutulog ngayon dahil alam niyang ayaw siyang katabi ni Alfred. Hindi niya na binuksan ang ilaw dahil bukod sa ayaw niya, sobrang sakit ng kanang hita niya.Habang naglalakad palapit sa sofa, biglang hinila ni Alfred ang braso niya, sumubsob siya sa dibdib nito dahil do'n. At bago pa siya makapagsalita, naramdaman niya na ang pagsiil sa kanya ni Alfred ng halik, pumulupot ang kam
Napatitig naman si Alfred sa nakangiting mukha ni Yasmine. "Napakapait nito!" saad ng lola niya matapos uminom ng gamot."It's okay, lola. Kapag mapait ang gamot, ibig sabihin mabilis kang gagaling," nakangiting sabi naman ni Yasmine. Sumimangot ang lola niya kaya nakita niya kung paano marahang hinawakan ni Yasmine ang kamay nito. "Alright, kukuha na lang po ako ng tubig na may kaunting asukal para kahit papaano ay mawala ang pait sa panlasa niyo."Tumango ang lola niya saka nakangiting nagpasalamat kay Yasmine. Sa kabilang banda, nang makuha ni Yasmine sng tubig at sopas, muli siyang bumalik sa kwarto ng matanda at papasok na sana nang marinig niyang kausap nito si Alfred "Nakakagulat ang balita kahapon, Alfred. At gaya ng inaasahan, talaga namang kayang-kaya mong gumawa ng malaking pasabog sa isang kurap lang.""Lola, tama na po. Hindi nito naman kailangang maging sarcastic, naiintindihan ko po ang pinupunto niyo.""Umayos ka, Alfred! Si Yasmine ang asawa mo! Pamilya lang nat
Ramdam ni Yasmine ang sakit habang pinagmamasdan ang divorce agreement paper na hawak niyam Tatlong taon na ang nakararaan, napakasalan niya si Alfred dahil sa kagustuhan ng mga magulang nito. Hindi siya mahal ni Alfred ag napilitan lang itong pakasalan siya nang sa gano'n ay makuha nito ang mananat ang posisyong inaasam sa kumpanya.Sa kagustuhan niyang subukan na paibigin si Alfred, pumayag siyang agad na magpakasal kahit pa hindi siya mahal ng lalaki. At sa loob ng tatlong taon nilang kasal, parang estranghero kung ituring siya nito. Divorce ang nagsisilbing bomba na tatapos sa kasal nila.Sa tatlong taon nilang pagsasama, nj minsan ay hindi nabanggit ni Alfred sa kanya ang tungkol sa divorce. Ngunit ngayong may nakahanda na itong divorce paper, alam niya agad na kaya 'yon naasikaso ng lalaki ay dahil bumalik na ang ex-girlfriend nito.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatayo at nakatitig sa divorce paper, natauhan lang siya nang marinig niya ang sasakyan ni Alfred. Nak
Nang makauwi, nagtatanggal pa lang siya ng sapatos nang makita niya ang kasambahay na palapit sa kanya. Nakangiti ito ngunit agad 'yon napawi nang makita ang kalagayan niya. "Naku, Ma'am! Anong nangyari?! Bakit napakarami mong pasa?!"Tinulungan siya nito ngunit aksidente nitong nahawakan ang namamaga niyang braso. Masakit 'yon ngunit hindi siya nagpakita ng kahit na anong reaksyon na para bang manhid na siya at wala lang sa kanya ang sakit."Havang abala ang mga tao, mayroong dumakio at nanakit sa akin," kaswal na sagot niya na ikinasinghap ng kasambahay.Noon pa man ay alam niya nang delikado ang trabaho niya bilang isang news reporter, hindi niya lang inakala na ganito kadelikado yon at aabot pa sa puntong mayroong dadakip sa kanya para lang saktan siya."Siya nga po pala, Ma'am, hindi pa rin po umuuwi ang asawa niyo. Narinig ko rin po na nakabalik na si Ms. Chesca sa Pilipinas," tukoy nito sa ex-girlfriend ng asawa niya. Napayuko si Yasmine sa narinig, natakpan ng ilang hibla n
Gabi na nang makalabas si Yasmine sa police station na pinuntahan niya. Malakas ang ulan sa labas, at pansin niya ang mga taong pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi niya na dinamdam 'yon. Normal lang naman siguro na sulyapan at pag bulungan siya ng mga tao dahil bukod sa paika-ika siya, magulo rin ang buhok niya at punong-puno pa ng pasa ang mukha at katawan niya. Nagpatuloy sa paglakad si Yasmine. Bawat hakbang ay mabibigat. Mayamaya ay huminto siya sa isang waiting shed, blanko ang ekspresyon niyang tinitigan ang cellphone ñiyang basag na anv screen.Pagkatapos ay gamit ang mga daliri niyang may bahid ng mga dugo; nagtipa siya ng numero para tawagan ang asawa niyang si Alfred. Ngunit, gaya ng desperadong sigaw niya habang binubugbog siga; tila walang nakarinig sa tawag niya dahil walang sumagot ng cellphone.Naramdaman niya ang tilamsik ng iilang patak ng ulan sa kanyang mukha kaya pagod siyang napangiti at napabuntong-hininga.Muling nag-dial si Yasmine ngunit wala pa ring sumagot. Il







