Masuk
Gabi na nang makalabas si Yasmine sa police station na pinuntahan niya. Malakas ang ulan sa labas, at pansin niya ang mga taong pasulyap-sulyap sa kanya.
Hindi niya na dinamdam 'yon. Normal lang naman siguro na sulyapan at pag bulungan siya ng mga tao dahil bukod sa paika-ika siya, magulo rin ang buhok niya at punong-puno pa ng pasa ang mukha at katawan niya. Nagpatuloy sa paglakad si Yasmine. Bawat hakbang ay mabibigat. Mayamaya ay huminto siya sa isang waiting shed, blanko ang ekspresyon niyang tinitigan ang cellphone ñiyang basag na anv screen. Pagkatapos ay gamit ang mga daliri niyang may bahid ng mga dugo; nagtipa siya ng numero para tawagan ang asawa niyang si Alfred. Ngunit, gaya ng desperadong sigaw niya habang binubugbog siga; tila walang nakarinig sa tawag niya dahil walang sumagot ng cellphone. Naramdaman niya ang tilamsik ng iilang patak ng ulan sa kanyang mukha kaya pagod siyang napangiti at napabuntong-hininga. Muling nag-dial si Yasmine ngunit wala pa ring sumagot. Ilang ulit pa siyang nag-dial at nawawalan na siya ng pag-asa dahil wala talagang sumasagot. Ngunit, sa huling beses na pag-dial niya, nagulat siya nang sa wakas ay may sumagot sa tawag. "Yes?" malamig ang boses ng nasa kabilang linya. Assistant 'yon ng kanyang asawa. Humigpit ang hawak niya sa cellphone. "Gusto kong makausap si Alfred..." Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya pero mayamaya ay nagsalita ulit ito. "Mr. Deogracia, gusto raw po kayong makausap ni Ms. Samaniego." Bahagya siyang nakahinga nang maluwag dahin do'n pero agad din 'yon napawi nang maring ang sunod na sinabi ng assistant. "Pasensya na, ibaba ko na ang tawag, Ms. Samaniego." Umawang ang labi ni Yasmine nang mamatay ang tawag bago siya napabuntong-hininga. Lalo pang lumakas ang pag-ulan at hindi niya maiwasang manginig ng kaunti dahil sa lamig. Gano',n ang sitwasyon niya sa loob ng hindi niya mabilang na minuto. Napayuko siya at napayakap sa sarili, hanggang sa nakita niya ang paghinto ng isang pares ng sapatos sa harapan niya. Kasabay no'n ay ang pagpatong ng bagong dating ng coat sa balikat niya. Nagulat si Yasmine at agad na napatingala at mahina siyang napasinghap nang makitang ang tao sa harap niya ay walang iba jung hindi si Mr. Alcantara—ang boss niya. "Mr. Alcantara..." Nakita niya ang pagkunot ng nop at ang pagpasada ng tingin ni Mr. Alcantara sa kabuuan niya bago ito galit na nagtanong. "Sino ang gumawa sa'yo nito?" Bumuntong-hininga si Yasmine at saka umiling. "Hindi ko po alam, Sir. pero habanag sinasaktan po nila ako ay sinabunutan ko sila, kaya may nakuha po akong mga hibla ng buhok nila, nakalmot ko rin po sila kaya siguradong makikilala rin kung sino sila kapag na-test ang DNA. Mahuhuli agad sila ng mga pulis kapag nagkataon." Sa kabilang banda, sandaling natulos sa kinatatayuan si Mr. Alcantara habang nakatitig kay Yasmine. Hindi siya makapaniwala na ang taong gaya nito na nabugbog na ay kalmado pa rin. Kalaunan ay tumango siya bago nag-igting ang panga nang muling pagmasdan ang mga pasa nito sa mukha at katawan. "Don't worry, gagawin ko ang lahat para paimbestigahan ang nangyari. Mahuhuli at mapaparusahan ang nanakit sa'yo, okay? Sa ngayon ay ihahatid na kita, gabi na at umuulan pa, delikado kung hindi ka pa makakauwi," aniya bago ito inalalayang tumayo. Tumango naman si Yasmine sa sinabi ni Mr. Alcantara, tama ito, dapat na talaga siyang umuwi. Hindi na rin siya nagreklamo nang sabihin nitong ihahatid siya nito dahil bukod nga sa gabi na ay umuulan pa, mahirap makahanap ng taxi na masasakyan sa ganitong sitwasyon. "Mr. Alcantara, maraming salamat po. Pasensya na rin kung naabala ko pa kayo," saad niya nang makasakay sila sa kotse nito. Ini-start ni Mr. Alcantara ang kotse saka siya nilingon. "Abala? What are you saying, Yasmine? Hindi ka abala, okay? Kilala kita at isa ka sa magagaling kong empleyado, sa tingin mo ba hahayaan lang kitang ugnog-sarado, mag-isa, at nanginginig sa lamig habang nariyan sa waiting shed?" Umiling siya. "'Wag mong iisipin na abala ka Yasmine, okay?" "Okay po, Mr. Alcantara. Salamat po ulit." Tumango ito saka nagsimulang magmaneho. "Anyways, alam mo bang nakabalik na ng Pilipinas ang ex-girlfriend ng kilalang CEO na si Alfred Deogracia? Base sa mga narinig ko, si Alfred pa raw mismo ang sumundo sa ex-girlfriend niya sa airport," kapagkuwan ay saad nito. Natigilan siya at napayuko sa narinig. Ramdam niya ang sakit na bumalot sa damdamin niya. Ang asawa niya.... Habang siya ay desperadong sumisigaw at nagmamakaawa na itigil na ang pambubugbog sa kanya ng mga taong hindi niya pa nakikilala; ang asawa niya ay nasa piling ng ibang babae. Hindi napansin ni Mr. Alcantara ang naging reaksyon niya kaya nagpatuloy ito sa pagkukwento na lalong ikinadudurog ng puso niya. Mabilis niyang pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya saka siya napatitig sa mga kamay niyang may bakas pa ng dugo. Mapait siyang napangiti kalaunan. Labis ang sakit na nararapat niya, ngunit alam niyang walang pakialam ang asawa niya roon. Afterall, bukod sa ayaw ni Alfred sa kanya; wala ring nakakaalam na siya ay asawa nito. Dahil sa sakit na nararamdaman, sa halip na magpahatid sa bahay ay nagpababa na lang si Yasmine sa tapat ng isang convenience store. Ayaw pa nga sana ni Mr.. Alcantara at nag-aalala ito sa kanya, ngunit hinayaan din siya nito kalaunan lalo na dahil tumila na naman ang malakas na ulan. Nang maibaba siya ni Mr. Alcantara sa tapat ng convenience store, hinintay niya munang makaalis ito bago siya pumara ng taxi at nagpahatid pauwi sa bahay nila sa Cavite.Ngunit, hindi agad nakuha ng mga ito si Chase dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yasmine sa kwelyo nito. Tila ayaw na madala si Chase sa hospital."Y-yasmine," nanginginig ngunit marahan ang boses na tawag niya sa babae.Hindi siya nito nilingon at sa halip ay lalo pang hinigpitan ang paghawak sa kwelyo ng kapatid niya."Yasmine, it's me, Chelsea. I'm sorry, Yasmine. I really do. Hindi ko alam na sinaktan ka ng kapatid ko, kung alam ko lang, ako sana mismo ang gumawa ng paraan para maparusahan siya. I'm so sorry, Yasmine. Pero, ngayon, ikaw na mismo ang naglagay ng batas sa kamay mo, sinaktan mo siya at pinarusahan. Yasmine, kung ipagpapatuloy mo ito, hindi mo lang siya masasaktan, posible mo pa siyang mapatay...""Mapatay?" malamig ang boses na ulit ni Yasmine sa sinabi niya bago siya nito dahan-dahang nilingon."Kung gano'n, ano ba ang halaga ng buhay niya, huh? Limang milyon? Sampung milyon? Magkano, hmm? Name it, Chelsea," nang uuyam nitong saad.Napayuko siya at napalunok,
Muling napaatras si Yasmine nang maglakad palapit sa kanya ang sampung bodyguard. Lihim siyang napamura sa isip niya bago sinulyapan ang direksyong pinanggalingan niya kanina. "Nasaan na ba sila?" bulong niya sa sarili, tinutukoy niya ang mga bodyguard na binayaran niya para magbantay at tumulong sa kanya ngayong gabi. Maayos ang naging pakikipag-usap niya sa mga 'yon ngunit hindi niya alam kung bakit wala pa ang mga ito ngayon gayong Kailangan niya ang mga ito. Masyado siyang abala sa pag-iisip tungkol sa mga bodyguard na binayaran niya at sinamantala 'yon ni Chase dahil mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya kung paano nito sinenyasan ang isa sa mga bodyguard na sugurin siya. Nabigla siya roon kaya hindi siya agad nakalaban nang sugurin nga siya ng bodyguard. Dinamba siya nito at dinaganan nang mapahiga sila saka nito mariing hinawakan ang mga kamay niya para hindi siya makagalaw at makalaban. Nakita at narinig niya ang malademonyong pagtawa ni Chase nang makita ang sitw
Sa kabilang banda, abala sa pakikipag sayahan si Chase at pakikipagpalitan ng halik sa mga babaeng nakalingkis sa kanya nang may tumapik sa balikat niya.Napahingo siya dahil do'n bago inis na hinarap ang tumapik sa kanya ngunit kasabay ng pagpihit niya upang harapin ito ay isang paghampas ng bote ang sumalubong sa kanya. "What the hell?!" galit at gulat na bulalas niya.Nagsigawan din ang mga nakakita ng nangyari at agad na huminto ang malakas na tugtog sa buong lugar.Malutong at mariin na nagmura si Chase lalo na nang maramdaman niya ang pag-agos ng dugo mula sa noo niya. Masyadong malakas ang pag-agos no'n kaya ang iba ay pumapatak na sa kinatatayuan niya."Sino ang may gawa no'n?!" galit niyang sigaw bago mabilis na dinampot ang bote ng wine na nakita niya at ihahampas na sana sa nanghampas sa kanya.Ngunit, bago niya pa magawa 'yon ay muli niyang naramdaman ang paghampas ng bote sa ulo niya."Sino ang may gawa? Bakit hindi mo hulaan?" saad ng malamig na boses.Hinarap niya ang
Bumuntong hininga si Yasmine nang makitang si Freya Lim ang nakatayo sa gilid niya. "Hmm, well, kung nabugbog din naman ako kagaya mo, malamang ay hindi ko rin kakayaning magsaya at makakain ng payapa," saad nito bago sumandal sa cubicle na para sa kanya. May bitbit pa itong kape na binili sa isang sikat na coffeeshop at ang mahabang buhok nito ay marahan nitong sinusuklay habang nang-uuyam na nakatingin sa kanya.Hindi sila magkasundo ng babae mula pa noon. Ito ang lagi niyang nakakalaban pagdating sa pag sungkit ng mga promotion dahil gaya niya ay talagang mahusay din ito sa trabaho. Hindi niya sinagot ang sinabi nito, bagkus ay kinuha niya ang kapeng hawak nito na wala pang bawas bago marahang sumimsim doon."Hmm, grabe, Freya, maraming salamat dito ha? Favorite ko talaga itong spanish latte e, for sure alam mo 'yon. Matagal mo na kaya akong minamata, 'di ba?" painosenteng tanong niya at matamis ngunit nang-aasar pa itong nginitian.Kumuyom ang kamao ng babae saka siya masamang
Hindi agad siya nakagalaw sa sinabi ni Jack ngunit nang makabawi ay masama niya itong tiningnan saka niya pilit na tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya.Nasaktan siya sa sinabi ni Jack dahil kahit naman alam ng buong pamilya ni Alfred na mag-asawa sila, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na kailanman ay hindi siya itinuturing na asawa ng lalaki."Asawa man ang turing sa akin ni Alfred o hindi, hindi pa rin mababago no'n ang katotohanan na sister-in-law mo ako at hindi mo dapat ako hinahawakan at kinakausap ng ganito! Remember this, Jack, isang beses pa na gawin mo ulit itong ginawa mo ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na ipapulis ka!" galit niyang saad bago mabilis na sumakay sa binook niyang sasakyan nang makitang dumating na ito. Nang makasakay ay marahan niyang hinilot ang hita niyang masakit pa rin hanggang ngayon bago nag-angat ng tingin sa driver nang magsalita ito."Saan po kayo, Ma'am?" Naisip niya agad na pumunta sa TV station kung saan siya nagtatrabah
Sandali siyang tinitigan ni Alfred dahil sa tanong niya bago ito walang buhay na ngumiti at malamig ang boses na nagsalita."Does it matter?" Naglakad ito palapit, hindi tinatanggal ang seryoso at matalim nitong mga mata na nakatingin sa kanya."Noon, gigil na gigil kang pakasalan ako, ni wala kang pakialam sa ibang bagay dahil ang mahalaga lang sa'yo ay ang maikasal ka sa'kin. Tapos ngayon ay tatanungin mo ako ng ganyan?" Hinawakan nito ang baba niya saka ito ngumisi. "Tell me, Yasmine, anong gusto mong mangyari, hmm?"Iniwas niya ang mukha para matanggal ang pagkakahawak nito sa baba niya saka siya bahagyang umatras.Hindi niya kinakaya ang lamig at talim ng tingin nito. Napansin ni Alfred ang pag-atras niya kaya mabilis siya nitong hinapit sa bewang saka seryosong pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa mata, sa ilong, at pababa sa labi.Nakita niyang nagtagal ang pagtitig nito sa labi niya na siyang kanyang ikinalunok. Alam niyang namumula pa 'yon dahil sa paghalik nito sa kanya.







