LOGINViolet's Wedding Day...
Mahigpit ang hawak ko sa manibela ng isang lumang Toyota sedan habang matalim ang tingin ko sa unahan. Dalawang oras na lamang at ikakasal na sina Violet at Alistair. Ang kotseng ito ay hindi nakarehistro sa pangalan ko, isang mahalagang detalye para sa aking plano. Naroon sa unahan ang kapatid ko, kasama ang aming ina sa labas ng aming ancestral house. Nakasuot siya ng isang mamahaling wedding dress, handa nang tumungo sa Grand Astoria Hotel kung saan gaganapin ang kaniyang marangyang kasal sa rooftop. Marahan kong inilibot ang aking paningin at hinanap ng aking mga mata si Rafael. Hindi nagtagal ay nakita ko siya sa hindi kalayuan, kausap ang aking ama habang ang kanyang mga mata ay hindi maalis kay Violet. Ang paraan ng pagtingin niya sa kapatid ko ay punong-puno ng pagsamba, mga tinging kailanman ay hindi niya ibinigay sa akin bilang kanyang asawa. Alam kong napag-usapan na nilang dalawa ang lahat. Ang pagtatago ng kanilang relasyon sa mata ng publiko habang si Violet ay magiging asawa na ng isang Vanderbilt. Gagamitin nila ang kayamanan ni Alistair para mas lalo pang palakasin ang impluwensiya ni Rafael sa mundo ng negosyo. They are planning to build an empire on top of my broken heart. Kaya nararapat lang na hindi matuloy ang kasal na ito. Sisirain ko ang pundasyon ng kanilang mga pangarap bago pa man sila makapagsimula. Mas humigpit ang kapit ko sa manibela. Dahan-dahan kong inayos ang posisyon ko sa upuan saka ipinihit ang susi upang paandarin ang makina. Hindi ko inaalis ang tingin kay Violet. Tinitigan ko siya nang may intensyon at may nakamamatay na lamig mula sa loob ng tinted na bintana. Mabagal kong inapakan ang silinyador at pinapakiramdaman ang bawat galaw ng sasakyan habang unti-unti itong umuusad patungo sa kinaroroonan niya. Humigpit ang panga ko at bahagya kong kinagat ang aking ibabang labi. Sa isang malalim na paghinga, tuluyan kong idiniin ang aking paa sa accelerator. Biglang umarangkada ang sasakyan nang mabilis at walang alinlangan, direkta kong itinutok ang takbo nito sa direksyon niya. Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ko si Rafael. Mabilis siyang kumilos at isinigaw ang pangalan ni Violet habang walang pag-aatubiling tumakbo upang iligtas ang kanyang kabit, pero huli na siya. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang tuluyan kong mabangga si Violet. Mabilis kong inapakan ang preno. Wala naman akong balak na patayin ang kapatid ko dahil masyadong madali iyon. Gusto ko siyang maghirap, katulad ng pagpapahirap na ipinadama niya sa akin. Ang plano ko lang ay gumawa ng paraan para hindi siya makadalo sa kasal nila ni Alistair at masira ang perpektong imaheng pilit niyang binuo. Bakas ang matinding galit at takot sa mukha ni Rafael nang lapitan niya si Violet. Nakahandusay ito sa semento kaya kaagad niya itong binuhat nang may pag-iingat. May dugo sa noo ni Violet at napaigik siya sa sakit habang hawak ang kanyang paa na tila na-dislocate. Bakas ang labis na pag-aalala ng lahat sa kanya, lalo na ang aming mga magulang na tila ba gumuho ang mundo dahil sa nangyari sa kanilang paboritong anak. Labis man akong nilukob ng kaba ay gumuhit pa rin ang isang mapait na ngisi sa aking mga labi. Kung tutuusin, wala pa iyon sa sakit na ipinadama nila sa akin sa loob ng maraming taon. “Pasalamat ka at hindi ko itinuloy na tapusin ang buhay mo ngayon,” bulong ko sa hangin bago mabilis na inatras ang kotse upang tumakas sa eksena. “Hoy! Saan ka pupunta?!” hiyaw ni Dad habang sinusubukang habulin ang kotse, pero mabilis akong nakalayo. Hindi ako magpapahuli sa kanila dahil kailangan ko pang tapusin ang susunod na yugto ng aking paghihiganti. Lumiko ako sa isang eskinita at pinaandar ang kotse palayo. Kailangan ko na ring ibalik ang kotseng ito kay Benj bago pa may makakita sa akin. Pagparada ko sa talyer na pagmamay-are ni Benj, agad akong lumabas at tumungo sa sarili kong kotse kung saan naghihintay si Brittany. “Na-send mo na ba lahat?” bungad niya sa akin. Napangiti ako. “Na-send ko na sa lola niya,” sagot ko. “Good job, babe. Kailangan mo nang umalis, Alistair is waiting for his bride, who is never going to show up,” ani niya, at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng aking kotse. “Nariyan na ang lahat ng gamit na inimpake mo. Good luck sa panibagong yugto ng buhay mo,” nakangiti niyang saad bago niya isinara ang pinto ng kotse pagkapasok ko. --- At the Grand Astoria Hotel (west wing Sapphire Crown Estate & Condominiums) “Nasa Grand Astoria Hotel na ako for our wedding anniversary date, Rafael. Kailan ka darating?” malumanay na tanong ko kay Rafael habang kausap ko siya sa phone. “Evorie, hindi ako makakarating. Narito ako sa hospital kasama si Violet. May bumunggo sa kanya. Masama ang kanyang kalagayan at kailangan niya ng kasama,” sagot niya. Dama ko ang labis na pag-aalala sa kanyang tinig. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Expected ko na ito, na pipiliin niya ang babaeng iyon, pero bakit nasasaktan pa rin ako. “Nariyan naman si Mom at Dad. Sila muna ang magbantay sa kanya. Kahit isang oras lang na magkasama tayo para sa fifth wedding anniversary natin ay ayos na sa akin iyon.” “Please, Rafael, pumunta ka na rito. This is our fifth wedding anniversary. Sa limang taon na kasal tayo, hindi ka man lang dumalo ni isa sa wedding anniversary date natin. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako,” pakiusap ko sa kanya, halos magmakaawa na ang tinig ko. “Ano ka ba, Evorie. Napaka-selfish mo naman. Mas gusto mo pang unahin ang walang kwentang wedding anniversary date na iyan. Alam mo naman na masama ang kalagayan ni Violet. Iyong anniversary date natin, puwede naman iyang gawin bukas o sa ibang araw. Violet needs someone to accompany her here at the hospital,” aniya sa akin, hindi iniintindi ang pait at sakit ng sinabi niya. Walang kwenta... Walang kwenta para sa kanya ang wedding anniversary date namin dahil hindi niya naman ako itinuring na tunay na asawa. “Ganun ba. O sige, hindi kita pipilitin na dumalo. Pero ito na ang huling beses na magmamakaawa ako sa’yo. Hindi na ito masusundan pa kahit kailan,” saad ko sa malamig na tono. “Tch... tumigil ka na sa kaartehang ito. Ibaba ko na. Violet needs me,” aniya, bakas ang pagkairita sa kanyang boses. “If you won’t come and see me to accompany me in celebrating our wedding anniversary, I will send the divorce papers to your office tomorrow,” tuloy ko. Napabuga niya ng hangin, halata ang pagkainip at inis sa akin. “Rafael, baby. Help me. Kumikirot ang paa ko,” ani Violet. Rinig ko ang malambing niyang boses sa kabilang linya nang tawagin niya si Rafael. “Ibaba ko na. My priority right now is Violet. I-enjoy mo na lang mag-isa ang wedding anniversary date na iyan. At isa pa, i-send mo ang divorce papers na sinasabi mo—kahit ilang copy pa... kung kaya mo na i-send sa akin iyon,” hamon niya na may labis na kumpiyansa sa sarili, na para bang sigurado siyang hindi ko iyon kayang gawin. He cut off the call, kaya marahan kong ibinaba ang phone ko habang kanina pa nakatanaw sa gwapong lalaki sa may unahan. Si Alistair. Bakas ang labis na pagka-inip niya sa kanyang kinatatayuan habang may hawak na itim na baston.Kung nagustuhan ninyo ang story na ito, maraming salamat. Kung hindi niyo nagustuhan, maraming salamat pa rin. First and foremost, ito ang una kong story sa GoodNovel. At kahit baguhan pa lang ako, proud pa rin akong sabihin sa inyo na buong puso ko itong pinaghirapan mula sa unang chapter hanggang sa huling pahina. Hindi ko man naabot ang expectations ninyo, sana ay nag-iwan pa rin ng kahit kaunting kurot sa puso ninyo ang kuwento nina Evorie at Alistair matapos ninyo itong basahin. Once again, maraming-maraming salamat sa inyong suporta, oras, at pagbabasa. P.S. Sana mabigyan n'yo rin ng pagkakataon ang story nina Jane at Aviv. Baka magustuhan n'yo rin ang kuwento nila. ❤️
YDRAEL ALISTAIRDalawang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang emosyonal na pagkikita nina Piper at Yshmael. Unti-unti nang bumabalik ang sigla at ngiti sa mga labi ng asawa ko. Kahit naroon pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata sa tuwing naaalala ang nawala naming anak, nakikita ko ang pagsisikap niyang magpatuloy at maging matatag para sa aming pamilya.At ngayong araw, napakaespesyal ng okasyon dahil kaarawan niya.“Alistair, sigurado ka bang kailangan pa nating umalis ng mansiyon para i-celebrate ang birthday ko?” tanong niya habang inaayos ko ang strap ng suot niyang eleganteng evening gown sa harap ng salamin. “Kahit simpleng dinner lang dito sa mansiyon kasama ang mga bata at mga malalapit nating kaibigan, sapat na sa 'kin 'yon.”Ngumiti ako at marahang hinalikan ang balikat niya mula sa likod.“Para naman maiba ang lokasyon ng celebration. Palagi na lang tayong nagse-celebrate ng birthday mo rito sa mansiyon, kaya naisip kong subukan naman natin sa ibang lugar,” pabulong
YDRAEL ALISTAIRTahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungo sa piitan kung saan nakadetene si Yshmael. Nakatitig si Piper sa labas ng bintana, habang ang mga daliri niya ay walang tigil sa pagpisil sa sarili niyang palad.Bakas ang matinding kaba sa mukha niya.“Mabilis lang 'to, Piper,” mahinang wika ko habang mabilis na sumulyap sa kaniya sa rearview mirror. “Kung pakiramdam mo ay hindi mo pa kaya, pwede tayong bumalik.”Umiling siya at dahan-dahang humarap sa akin.“Hindi po, Daddy Ydrael... I mean, U-Uncle,” pilit siyang ngumiti kahit halatang nanginginig ang boses niya. “Gusto ko po siyang makita. Masyado na po akong naging matigas sa kaniya nitong mga nakaraang taon. Ayaw ko na pong magdalawang-isip pa.”“You can still call me Daddy, Piper,” ani ko. “Ayaw mo ba, na dalawa ang tatawagin mong daddy?”Isang maliit na ngiti lang ang isinukli niya.Bahagya rin akong napangiti. Kahit dalagita na si Piper at may sarili nang pag-iisip, unti-unti ko nang nakikit
Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatitig sa asawa ko.Tatlong linggo na ang lumipas mula noong araw na iyon, ang araw na muntik na silang kunin ng kamatayan at ang gabing nawala ang anak naming hindi man lang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundong ito.Umuusad na rin ang mga kasong isinampa ko laban kay Hannah, kabilang ang attempted murder laban sa asawa ko at kay Paula, at ang pagpatay sa anak namin. Sisiguraduhin kong sa kulungan na siya mabubulok.Marahan kong inilapag ang baso ng warm milk sa ibabaw ng coffee table sa harap ni Evorie. Nakaupo siya sa tabi ng malaking bintana sa aming silid, nakatanaw sa malayo at tulala na naman.“Wifey...” mahina kong tawag bago ako naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. “Kinausap ko ang investigator at ang mga pulis kanina. Nalaman ko na ang buong detalye kung paano nabitag ni Hannah si Paula.”Bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Evorie, pero nanatili siyang nakati
YDRAEL ALISTAIR“I'm sorry, Mr. Vanderbilt. The baby didn't survive,” paumanhing saad ni Dra. Salazar pagkalabas niya ng kuwarto kung saan naroon ang asawa ko. “Masyadong matindi ang naging epekto ng pagkahulog niya sa hagdan at ng matinding stress na naranasan ng katawan niya. Pero stable na ang lagay ni Mrs. Vanderbilt.” Sandali siyang tumigil. “Maiwan ko muna kayo. May mga pasyente pa akong aasikasuhin.”Nanghihina akong napaupo sa bench sa labas ng kuwarto. Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang kamay bago napahilot sa sentido. Pakiramdam ko'y pinupunit ang dibdib ko sa sobrang sakit.Kung hindi ko sana siya hinayaang magpunta roon sa subdivision nang mag-isa, ligtas sana ang anak namin.“Kuya Alistair!”Naidako ko ang tingin sa dulo ng hallway. Nagmamadaling lumapit sina Ness at Lindsey, bakas ang matinding kaba sa mga mukha nila.“Kumusta? Anong nangyari kay Ate Evorie?” bungad ni Ness, halos hingal sa pagmamadali.
Bago pa man tuluyang bumaon ang patalim sa dibdib ko, mabilis kong nasalo ang magkabilang pulso ni Hannah. Napasigaw ako sa tindi ng pwersang ibinibigay niya habang pilit kong itinutulak paitaas ang mga kamay niya.“Mamatay ka na, Evorie!” sigaw niya, nanlilisik ang mga mata. Buong bigat ng katawan niya ang ipinang-iipit sa akin sa makitid na hallway.“H-Hannah, itigil mo na 'to!” sigaw ko habang pilit iniiwas ang mukha ko sa patalim na ilang pulgada na lang ang layo.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Paula. Nakatulala lang siya sa tabi, nanginginig at hindi alam kung paano kami aawatin.“Paula! Help me!” sigaw ko habang buong lakas na pilit itinutulak palayo ang mga kamay ni Hannah. Pero mas malakas siya.Bago pa man makagalaw si Paula, malakas akong naitulak ni Hannah sa hagdan. Doon ako nawalan ng balanse.Hindi ko napigilan ang paggulong sa hagdan. Naririnig ko ang lagutok ng katawan ko sa bawat pagbagsak hanggang sa mala
“Pwede ba tayong dumaan sa drive-thru?” baling ko kay Rafael. “Oo naman,” agarang sagot niya. Kaagad niyang iminaniobra ang kotse patungo sa pinakamalapit na fast food chain. “Ayaw kong umuwi sa mansiyon na walang pasalubong kay Ginger. Ganoon pa rin naman siguro ang paborito niya, sweet spaghetti
Evorie Eve“I… I d-did nothing,” utal na wika ni Rafael, ang kanyang tinig ay nanginginig habang ang takot ay malinaw na mababasa sa kanyang mga mata. Marahan akong napahiwalay sa pagkakayakap kay Alistair, pilit na itinatago ang tensyon na namamayani sa aking dibdib.“Nagsasabi ba siya ng totoo, m
“Puntahan niyo na po siya, Sir. Baka magkabalikan pa sila kapag hindi mo napigilan. Mukha pa namang labis na kayong tinamaan kay Evorie. Halatang selos na selos ka na riyan,” hirit ni Xander, ramdam ko ang mapanukso niyang ngiti.“Hindi ako nagseselos, Xander,” kontra ko agad gamit ang isang mabiga
Pagkaupo ko, agad ding sumunod si Xander at tumabi sa akin.“Hindi ko matansya ang sukat niya,” aniya sa halos pabulong na tinig.“Pero ang sukat ni Cynthia, na isang beses mo pa lang nakita, ay alam mo kaagad sa isang tingin lang,” sagot ko, bago ko pinaikli ang staff at inilapag iyon sa ibabaw ng







