ログイン“Hindi ako naniniwala na patay na siya hangga't wala akong nakikitang bangkay niya,” malamig, garalgal, ngunit may mariing banta sa boses ko habang kausap ko pa rin ang demonyo sa kabilang linya.
“Sige, maghintay ka ng ilang araw. Lulutang din ang bangkay niya. Abangan mo.”Isang nakakayamot na tawa ang huli kong narinig bago tuluyang naputol ang tawag.Nanghihina kong ibinaba ang cellphone at muling napatanaw sa malayo. Sa isang iglap, biglang nanumbalik ang pait,Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong bulwagan, kasabay ng mga sigaw at paghiyaw ng mga tao.Sa mismong sandaling iyon, marahas na bumukas ang dambuhalang pinto ng bulwagan.Agad na nagsipasukan ang mga elite operatives mula sa Federal Intelligence and Security Agency at ang International Financial Crime Coalition, kasama ang kanilang mga armadong Tactical Strike Units na nakasuot ng itim na full tactical gear. Malamig at mekanikal ang bawat kilos nila habang hawak ang mga legal na dokumentong may opisyal na selyo ng pinakamataas na hukuman.“FISA at IFCC! Walang gagalaw!” malakas na anunsyo ng tumatayong Special Agent-in-Charge habang mabilis nilang pinalilibutan sina Aunt Shiela at ang buong mesa, kasama ang mga korap na politiko.Naglabas ang pinuno ng mga operatiba ng makakapal na folder.“Mula sa direktiba ng High Federal Court at ng Ministry of Justice, ipinapatupad namin ang malawakang Federal Seizure Orders, Freeze Orders, at
“Bakit parang hindi kayo masaya na makitang nakakakita na ako? Dahil ba... may mga ginagawa kayo na ayaw ninyong malaman at makita ng dalawa kong mata?”Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod sa mga huling salita ko.Karamihan sa kanila ay pilit na nag-iwas ng tingin, lalo na ang mga politikong nakaupo sa unahan, habang ang ina ko ay napahawak sa gilid ng mesa dahil sa emosyong pilit niyang pinipigilan.Si Aunt Shiela naman ay pilit na nagtaas ng mukha para bawiin ang kaniyang awtoridad. Matalim niya akong tinitigan bago marahas na ibinaba ang hawak niyang wine glass.“Masyado ka nang nawawalan ng galang, Ydrael. Akala mo ba ay natatakot kami sa mga patutsada mo?” mariin niyang asik habang pilit na pinananatili ang tindig. “Nakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo. Ako ang Matriarch. Ako ang humahawak sa pamilyang ito ngayon. Isang salita ko lang sa media at sa mga board members, pwedeng-pwede kitang patalsikin bilang CEO.”Isang
YDRAEL ALISTAIRIsang marangya at engrandeng selebrasyon ang naabutan ko sa mamahaling hotel na pagmamay-ari ng mga Ferrero. Isa na namang Victory and Thanksgiving Party. Hindi muna ako dumaan sa red carpet para guluhin at putulin ang kasiyahan nila, bagkus ay dumaan ako sa lihim na daanan sa likuran ng hotel at dumiretso sa itaas para tanawin sila sa ibaba, sa napakalawak na grand hall.Narito ang lahat ng mga kapatid ko. Masayang-masaya sila sa tuwing may mabigat akong pinagdadaanan. Nakita ko rin sa ibaba ang nanay ko at ang tiya ko na masayang nag-uusap habang magkasama sa iisang mesa. Samantalang ang ama ko naman ay hindi ko mahagilap sa buong bulwagan.Hindi lamang ito ang party na ginaganap sa marangyang hotel na ito. Sa loob ng dalawang linggo, ito na ang pangalawang thanksgiving party matapos ang isa pang ginanap sa isa ring mamahaling hotel na pagmamay-ari naman ng isang mayamang politiko. Bongga ang mga party nila. Gumagastos sila ng ilang milyones para lamang matuwa ang mg
Two weeks later...Marami akong nakabimbing legal papers na kailangan i-review kaya heto ako ngayon, papasok sa opisina ko kahit labag sa loob ko. Ni hindi ko na nga maramdaman ang sarili ko dahil nagluluksa pa rin ako sa pagkamatay ng asawa ko.Limang araw matapos ang gabing mawala siya, natagpuan ang bangkay niya na palutang-lutang sa dagat.Hindi na siya makilala. Halos mawasak ang puso ko nang makita ang kalagayan niya. Kahit ayaw tanggapin ng isip ko, ang suot niyang singsing at ang mga huling bakas ng kaniyang kasuotan ang tuluyang pumatay sa natitira kong pag-asa.Nang makarating ako sa harap ng opisina ko, napahinto ako at naibaling ang atensyon sa hawak kong phone nang bigla itong mag-vibrate.Isang encrypted text mula sa espiyang matagal ko nang inutusang magmanman sa bawat galaw ng mga kapatid ko.‘Boss, may nalaman akong napakabigat na impormasyon. Ang mga kapatid mo ay sangkot sa isang malawakang iligal na network ng
“Hindi ako naniniwala na patay na siya hangga't wala akong nakikitang bangkay niya,” malamig, garalgal, ngunit may mariing banta sa boses ko habang kausap ko pa rin ang demonyo sa kabilang linya.“Sige, maghintay ka ng ilang araw. Lulutang din ang bangkay niya. Abangan mo.”Isang nakakayamot na tawa ang huli kong narinig bago tuluyang naputol ang tawag.Nanghihina kong ibinaba ang cellphone at muling napatanaw sa malayo. Sa isang iglap, biglang nanumbalik ang pait, hirap, at sakit ng nakaraan ko. Ang mga alaalang naging dahilan kung bakit mas pinili kong maging bato ang puso ko. Ang mga bangungot na matagal ko nang ibinaon ay unti-unting nagbabalik, pero mas mabigat at mas nakasasakal ngayon.Akala ko sapat na ang kapangyarihan ko para protektahan ang mga taong mahal ko. Pero isang malaking sampal sa akin ang pagkawala ng asawa ko.Nang makilala ko si Evorie... noong unang magtagpo ang mga mata namin, may kakaiba na akong naramdaman para
YDRAEL ALISTAIRNaiwan akong nakaupo sa gilid ng kama matapos lumabas ni Evorie ng cabin. Napatingin ako sa pinto.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako dahan-dahang humiga sa kama. Inabot ko ang unan na gamit ng asawa ko at isinubsob ang mukha ko rito, saka nilanghap ang natitirang bango ng kaniyang buhok.Biglang sumagi sa isip ko ang huli niyang sinabi tungkol sa setup namin. Parang gusto ko na tuloy sabihin sa kaniya ang totoo, na hindi naman talaga totoo ang diborsiyo namin. ‘Sana inamin ko na lang sa kanya iyon kanina.’Naibaling ko ang tingin sa cellphone kong nag-vibrate. Inabot ko iyon mula sa ibabaw ng nightstand.Isang text mula kay Marco.‘Boss, malapit na tayo sa mainland. Mga twenty minutes na lang at makakadaong na ang yate sa pribadong pantalan.’Hindi na ako nag-reply. Ibinaba ko ang cellphone at muling tumingin sa orasan sa dingding.Alas-nuwebe na ng gabi. Napapikit ang mga mata ko, at nang tuluyan akong dalawin ng antok, hindi ko namalayang







