Mag-log inPumasok ang isang tauhan, bitbit sa kaniyang mga bisig si Evorie na wala pa ring malay, habang karga naman ng isa pang lalaki ang umiiyak na si Ginger. Nang makita ni Violet ang mukha ni Evorie, lalo pang nag-init ang kaniyang dugo. Akma na niyang susugurin at sasaktan ang walang kalaban-labang babae nang mabilis siyang harangan at hawakan sa magkabilang braso ng mga tauhan ni Yshmael.
“Bitawan ninyo ako! Papatayin ko ang babaeng 'yan!” hiyaw ni Violet, nanginginig sa inis ang kanyan“Daddy, puwede po ba kaming pumunta sa penthouse mo? I want to see your big TV,” muling hiling ni Piper habang lumilingon sa akin.“Hindi puwede, Piper. May mga kailangan akong asikasuhin sa penthouse ngayon. Mas mabuting ihatid ko na lang kayo sa inyo,” direkta kong tanggi.Bago pa makapagsalita ang bata ay sumingit na si Hannah. Malumanay ang tono niya, ngunit may halong panunumbat.“Minsan na nga lang mag-request si Piper na pumunta sa penthouse mo, tatanggihan mo pa, Ydrael? Bata lang siya. Hinahanap-hanap ka lang naman niya.”Napakuyom muli ang mga kamao ko. Ramdam ko ang ginagawa niyang pangongonsensya. Sa pag-aakala kasi ni Hannah, wala na akong ibang kasama sa penthouse dahil sa balitang patay na si Evorie. Hindi pa alam ng publiko na ligtas na ang asawa ko, at wala ring balak si Hannah na palampasin ang pagkakataong ito. Nakikita ko sa mga kilos niya ang intensyong muling pumapel sa buhay ko at subukang ibalik ang kung anong meron kami noon, dahil sa isip niya, bakante na mul
YDRAEL ALISTAIR“Daddy!”Isang matinis na tinig ang nagpahinto sa paglalakad ko, dahilan para mapatigil din ang mga pulis na kasalukuyang umaakay kina Yshmael, Art, at Graciano.Napalingon ako sa isang batang babae na patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko habang nakangiting sumusunod ang kaniyang ina mula sa likuran. Si Piper. Mabilis siyang yumakap sa binti ko habang bakas ang labis na tuwa sa kaniyang mukha.Naibaling ko ang tingin kay Yshmael. Nakaposas ang mga kamay niya sa likuran habang hawak ng dalawang pulis. Nakatingin siya sa amin. Bahagyang matalim ang kaniyang titig at mahigpit na nakatikom ang kaniyang panga. Ngunit kahit dama ko ang nag-aalab na galit sa reaksyon ng mukha niya, napansin ko ang mabilis na pagdaan ng matinding sakit sa kaniyang mga mata. Ang nag-iisa niyang anak ay hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang sulyap. Hindi siya kilala ng sarili niyang dugo. Sa mata ni Piper, ako ang ama, at siya naman ay isang estranghero lamang.“Hi, Ydrael. Kumusta? Mab
Ayaw pa ngang umalis ng loko dahil panay pa rin ang lingon sa akin habang dahan-dahang naglalakad patungo sa hagdan. Halatang nangongonsensya sa ekspresyon ng mukha niya. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. Nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan, doon ko lang pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga.Tumungo ako sa kuwarto namin. Pagkapasok ko, nanatili akong nakatayo sa gitna ng malawak na silid. Na-miss ko ang penthouse na ito. Na-miss ko ang kuwarto namin na punong-puno ng mga alaala at mga sandaling puno ng pagmamahalan.Napaupo ako sa kama.“Sa wakas... nakabalik din ako,” bulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang malambot na comforter ng kama.Napatayo na ako matapos magmuni-muni at naisipan maligo para maalis ang lagkit ng katawan ko.Matapos kong maligo, nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower bago nagpalit ng isang maluwag at komportableng T-shirt at shorts. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Sana nga tuloy-tuloy na ito. Ayaw ko nang bumalik sa mga panahong
EVORIE POVBiyahe na kami pabalik sa penthouse. Pagkatapos ng isang buwan na hindi kami nagkita, heto kami ngayon, magkadikit na tila ayaw nang muling maghiwalay.“Alistair...”“Hm? Yes, baby?” agad niyang sagot pagkalingon sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa palad ko. Kanina pa namamawis ang kamay ko kahit naka-aircon naman sa loob ng sasakyan. Ayaw niya itong bitawan, na para bang kapag binitiwan niya ako kahit saglit lang ay bigla na lang akong maglalaho na parang bula.“Pwede bang kabilang kamay ko naman ang hawakan mo?”Mahina siyang natawa at marahang binitawan ang kaliwa kong kamay. Ibibigay ko sana ang kanan ko, pero hindi na natuloy dahil ang palad niya ay dumiretso na sa kaliwa kong hita. Marahan niya iyong hinahaplos at paminsan-minsan ay pinipisil.“Gusto ko sanang umidlip habang nasa biyahe tayo,” saad ko sa mahinang tinig.“Pwede ka namang umidlip. Medyo matatagalan pa bago tayo makarating sa Sapphire Building dahil mabigat ang traffic sa unahan,” sagot niya, sak
EVORIE EVENatigilan ako, napatili sa gulat at mabilis kong hinablot si Ginger para protektahan siya. Napalingon ako sa likod at laking gulat ko nang makitang ang tatlong lalaking nagdala sa amin rito ay tuluyang natamaan ng mga bala sa ulo at dibdib. Duguan silang bumagsak sa malamig na semento, at nawalan ng buhay.Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Alistair. Inaasahan kong magpapanic siya pero nagulat ako nang makitang hindi man lang siya kumurap. Humakbang siya papalapit sa akin. Bago pa ako makapagsalita, sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko habang ang kaniyang malalaking kamay ay nakapulupot sa akin.“Ligtas ka na, mahal ko. At hindi na ako papayag pa na malayo ka pa sa akin. Kayo ni Ginger,” pabulong na wika niya, dumiin ang kaniyang yakap na tila ba natatakot na maglaho ako na parang bula kapag binitawan niya ako.Mas napahigpit din ang yakap ko sa kaniya. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang matipunong dibdib, ninana
EVORIE EVE Nasa isang bakanteng lote kami sa labas ng maingay na lungsod. Tanging ilang abandonadong container, matataas na damo, at mga nakaparadang lumang sasakyan ang makikita sa paligid. Nakatayo kami ni Ginger sa gitna ng lugar habang nakabantay sa amin ang tatlong armadong tauhan ni Yshmael. Hinihintay nila ang pagdating ng asawa ko. At hinihintay ko ang pagkakataong tuluyan kaming makalaya ng kaawa-awa kong anak. Pagod na ako sa sitwasyon namin. Sino ba namang hindi mapapagod? Naiipit lang naman kami ng anak ko dahil sa agawan ng posisyon at kapangyarihan. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng batang nasa tabi ko. “Mommy, darating kaya si Daddy Uncle para iligtas tayo?” tanong ng bata habang napapatingala sa akin. Isang matamis na ngiti ang ipinasilay ko para kahit paano ay maibsan ang takot at kaba niya. “Oo, darating siya. Hindi titigil ang Daddy Uncle mo hangga't hindi niya tayo nakukuha,” nakangiting sagot ko. “Kapag nakasama na natin si Daddy Uncle, puwede po bang Dad
YDRAEL ALISTAIRMabilis akong umiwas sa kanan kaya sa hangin lamang tumama ang kaniyang sāksak. Sinalo ko ang kaniyang brasong may hawak ng kutsilyo at agad ko iyong pinilipit habang diniinan ng aking siko.Narinig ko ang paglagutok ng kaniyang kasukasuan kaya nabitawan niya ang
YDRAEL ALISTAIR“Fūck!” mura ko pagkatapos kong sumalampak sa matigas na sahig ng silid.Malakas ang pagkakatama ng tuhod at palad ko sa sahig kaya agad akong napangiwi. Mabilis akong napaupo pero agad rin akong napadaing dahil sa kamay kong siyang natukod sa sahig.Aga
EVORIE EVEHalos manigas ako sa aking kinauupuan nang pumasok si Rafael kasunod nina Yvette at Rolando. Ang kaniyang mga mata ay agad na gumala sa buong sala hanggang sa huminto ang tingin niya sa akin. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, isang ekspresyon na punong-puno ng pana
THIRD PERSONTuluyan nang pumasok si Matthias at umupo para magpantay ang kanilang mga mukha. Inilapag nito ang isang mabigat na palad sa balikat ni Rafael, isang haplos na tila may nakatagong banta at matinding paalala sa kaniyang pagkalalaki.“Napakahina mo talaga, Rafael. Paa







