Tatlong beses na kumatok si Froilan sa opisina ni Bryson bago pinihit ang doorknob.“Yes, Froi?” tanong ni Bryson.Lumapit ito sa lamesa ng lalaki.Naroon rin si Moss.“Ms. Feia Santiago called. At ayon sa utos mo ay tinanggihan ko ang kahit anong hilingin niya.”“Hmm.” pag sang-ayon ni Bryson.Hindi naman talaga sobrang abala ng lalaki.Nag-uusap lang sila ni Moss sa update ng kanilang launching team.Ngunit binilinan na niya si Froilan patungkol kay Pey.Ayaw niya munang makita o makausap ang babae.“Thank you, Froi.” tahimik na sabi nalang ni Bryson.Ngunit si Moss naman ay na-curious.“Nagtanong ba siya kung bakit? Sinubukan ka bang suyuin o bilhin?”Ikinuwento ni Froilan ang buong usapan nila ni Pey.Nang marinig iyon ni Moss ay napailing nalang ito at napapalatak.“Lagi na lang siyang naghahanap ng mali sa ibang tao. Hindi ba niya naiisip na siya rin ang may kasalanan?”Walang sumagot sa puna ni Moss.Si Froilan dahil sa pagrespeto pa rin sa babae.Si Bryson naman ay dahil ayaw
“Fucking trash!”Hinagis ni Bryson ang folder na hawak.Natahimik ang lahat.Problemadong-problemado nitong hinawakan ang ulo.Marahang kinuha ni Froilan ang folder at mga papel na nagkalat sa sahig.“Paano nakalusot ito sa QA? Have you ever been listening to me?!” pinalo niya ang lamesa.Wala nang makatingin sa kanya ngayon.Lahat ng naroon sa meeting ay nakayuko at tahimik.May iilang paiyak na dahil ilang araw nila iyong pinaghirapan.Hindi pa sila natulog para lang matapos ang disenyo.Pumikit siya at marahang binuga ang hangin sa bibig.Dumilat siya at unang bumungad ang mga takot na mata ng kanyang nasasakupan.Bahagya siyang huminahon.“Fix it. I’ll give you a week.” nag-iwas siya ng tingin sa mga ito. “Go back to work. Meeting’s done for today.”Mabilis siyang umalis doon.Siya ang naunang lumabas bago patakbong sumunod si Froilan sa kanya.“Masyado kang mainit, Bry.” mahinang puna ni Froilan kay Bryson.Sabay maglakad ang dalawa.Malalaki ang hakbang at diretsong nakatingin s
“Kung tungkol lang ‘yon sa inyong dalawa, bakit mo pa ako tinatanong kung nasaan siya?” nanghahamon ang boses ni Vern.“Hanapin mo na lang siya nang mag-isa. Tutal para kang aso na habol ng habol sa kanya.” dagdag pa niyaPagkatapos non ay sinubukan niya nang iwasan at iwanan si Bryson.Pero isang hakbang pa lang niya ay hinarangan na siya ni Bryson.“Ang mabuting aso, 'di humaharang sa daan.”Hindi pinansin ni Bryson ang panunuyang iyon.Hindi siya basta-bastang napipikon sa mga ganoon.Sa halip ay seryoso siyang tumingin sa lalaki.“May kailangan akong sabihin kay Rana.”“Ano naman ang kinalaman ko ro'n? Ayaw kang makita ni Rana, kaya lalo kong hindi hahayaang makita mo siya.”Sa narinig niyang malambing na tawag nito sa babae ay lalo pang dumilim ang mga mata ni Bryson.Pilit niyang binura ang kakaibang damdaming lumitaw sa dibdib.Saka walang emosyong nagsalita.“Sabihin mo lang kung nasaan siya, ibibigay ko sa’yo ang lupang pinag-aagawan natin.”Unti-unting nawala ang mapanuksong
“Awatin niyo, ano ba?!” sigaw ng isang matandang babae.Dumami ang tao kaya may humawak na rin kay Vern.Pinigilan ang muli nitong pagsugod.Napahiga na si Bryson sa lobby ng lugar.Marami ang nakiki-usyoso ngunit walang tumutulong o nangangamusta manlang sa kanya.Parehong bugbog sarado ang dalawa.Maga rin ang kamao ni Bryson dahil sa mga suntok na binitawan niya kay Vern.Si Vern naman ay parang hindi pa kuntento.Kahit may mga nakaharang na sa kanya ay gusto pang tumakbo upang durugin lalo si Bryson.Pero ang assistant niya ay nilapitan siya at mahinang bumulong."Malapit na magsimula ang jewelry exhibition. Hindi ba't may usapan kayo ni Ms. Esquivel para manood ng exhibit? Kung magpapatuloy ka pa ganyan, malamang sa malamang ay hindi mo na siya masisipot.”Biglang napaisip si Vern.Mas mahalaga ang pakikipag-date kay Rana kaysa ang pakikipag-away kay Bryson.Isa pa tama ang kanyang sekretarya.Kung magpapatuloy pa siya ay maaari pang gumanti si Bryson.Mas madadagdagan lang ang s
“Si Vernon Santiago ba talaga?”Tanong ni Moss nang may pag-aalinlangan.Hindi siya makapaniwala.Inulit niya ang tanong dahil di rin naman sumasagot ang kanyang kaibigan.Wala gaanong ekspresyon sa mukha ni Bryson pero kahit sino ay makakaramdam na hindi maganda ang timpla nito.Na hindi mo gugustuhing lapitan pa siya dahil sa itim na awrang inilalabas nito.Simula pagkabata, hindi pa kailanman nakita ni Moss ang ganitong klase ng nakakakilabot na ekspresyon sa mukha ng kaibigan.Iba ito sa dati niyang pagiging walang emosyon at kalmadong presensya.Nang makita ni Moss ang ayos ng kaibigan ay nakaramdam siya ng pagkadismaya para dito.Hindi niya inaasahang hahayaan nitong mapuruhan siya ng ganito.He is a good fighter.He can definitely take Vern down dahil mas matangkad at mas maliksi naman siya sa lalaki.Napailing-iling nalang siya habang nakatitig sa kaibigan.Hindi na isinatinig pa ang mga paninisi rito.“Hindi talaga namimili si Vernon, no?! Kakahiwalay niyo palang dalawa, agad
Nagmamadaling minane-obra ni Vern ang sasakyan.Nagpatulong siya sa kanyang assistant na lagyan nang band-aid ang mga sugat. Nag-ayos na rin siya at nagpalit ng damit para makipagkita kay Rana.Habang nagmamaneho ay may hawak na ice pack ang isa niyang kamay at idinidikit niya iyon sa kanyang mukha.“Damn, Deogracia.” bulong niya habang naiipit sa traffic.Pagdating niya sa lugar ay matagal nang naghihintay si Rana sa labas.Napairap si Rana nang makita ang paparating na kotse ni Vern.Tumayo siya nang tuwid nang makitang pababa na si Vern sa kotse nito.Nakasimangot niya itong sinalubong.“Maaga ka pa.” muli ay umikot ang kanyang mata. “Para bukas.”Natatawang lumapit si Vern.“Sorry!”“Ang tagal tagal mo." reklamo ni Rana nang makalapit ang lalaki sa kanya.Nakahalukipkip ang kanyang mga braso at simangot na simangot na ang mukha.Agad namang ngumiti si Vern nang pa-cute."Pasensya na, hindi ako nakapag-text sa’yo. Dumami kasi ‘yung trabaho ko kaya natagalan."Paglapit niya, napansi
Sa harap ng ospital, hindi inaasahan nina Bryson at Moss na makakasalubong nila ang dalawa.Sina Rana at Vern.Napaawang ang bibig ni Bryson habang nanlalaban na ang itsura ni Moss.Si Vern naman ay ganoon rin.Madilim rin ang tingin nito sa dalawang lalaki.Matapos gamutin ang sugat ni Bryson ay iminungkahi pa ni Moss na manatili siya ng ilang araw sa ospital upang makabawi ng lakas.Ngunit tumanggi si Bryson.Ngayong nasa kritikal na yugto ang kumpanya, bilang presidente ay hindi siya maaaring mawala sa ganitong panahon.Wala nang nagawa si Moss kundi asikasuhin ang paglabas niya sa ospital.Hindi nila inakalang sa mismong ngayong araw din nila makikita ang kalaban.Ni hindi pa lumuluwag ang benda sa kamay ni Bryson ay mukhang makikipag-buno na naman ito.Sarkastikong ngumisi si Moss.Malambot man ang kanyang puso ay marunong pa rin naman siyang sumuntok ng lalaki.“Aba, speaking of the devil. Dito pa talaga tayo nagkasalubong, Mr. President.” punong-puno ng panunuya ang kanyang bos
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. “Kanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?”“Dahil tinitiis ko lang.” pairap niyang sagot dito.“Ganun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?”Sabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.“Huwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.” panis ang ngiti nito.“Hindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit sa’yo?”Unti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi
Isang malakas na sampal ang natamo ni Bryenne sa kanyang kuya.Nabitawan pa siya ng mga guard dahil natumba na siya sa sahig.“You didn’t even bother to honor our name, Bryenne. I’ve had enough of you!” mariing sabi ni Bryson sa kanya habang tinitignan siya sa ibaba.Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito.Pumunta siya sa mga organizer na laglag ang panga sa nasaksihan.Walang salita siyang nag-bow sa harap ng mga ito.“I’m so sorry for my sister’s behavior. I’ll make sure she’ll pay for causing a mess.”“Kuya!” iyak ni Bryenne. “Wala akong kasalanan!”“Throw her out. Banned her. Punish her accordingly. I won’t stop you.”Tumayo siya ng tuwid at tumingin sa mata ng head.“I’m so sorry.”“Kuya!” muling iyak ni Bryenne.Agad na nagtama ang mata nila ni Rana.Tumayo siya at akmang susugurin si Rana nang pigilan siyang muli ng mga guard.“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ito!”“Bryenne! You fucking brat. Hindi ka talaga tinatablan ng kahihiyan?!” sigaw muli ni Bryson.Agad siyang
Kahit na ganon ang sinasabi ni Rana ay hindi pa rin kumbinsido si Andy.“Huwag kang mag-alala. Iisipan kita ng paraan para makuha mo ulit ang singsing. ‘Wag mo na akong pipigilan.”Ngumiti si Rana at nagpasalamat kay Andy.“Salamat. Pero hindi naman talaga kai-”“Hep, sshh.” pigil ni Andy. “Ayoko na ng mga pero pero na ‘yan.”“May break ulit. Pagkatapos tutulungan kitang makipag-bid sa chessboard at tea set.”Umiling si Andy at uminom sa kanyang tubig.“‘Wag tayong masyadong mag-abala roon. Kung hindi natin makuha, bibili na lang tayo ng kahit anong regalo para sa kanila.”Habang nagbe-break ay hindi umalis sina Rana at Andy sa inuupuan.Doon nila nakita sina Bryenne at Pey.Nauna si Bryenne na may dalang bag.At kasunod si Pey na may saklay at halatang hirap maglakad.Hindi man lang siya inalalayan ni Bryenne.“Uy, nag-away na yata.” puna ni Andy nang makita ang tagpo.“Hindi pa naman siguro ganun kalala.”Alam ni Rana na natural lang na mainis si Bryenne pero hindi pa siya aabot sa
"Sixty point eight million once.""Sixty point eight million twice.""Sixty point eight million three times!"“Sold!” sigaw ng host."Congratulations to this lady. You’ve successfully bid for this jade ring at sixty million and eight hundred thousand pesos!"Natigilan sina Bryenne at Pey.Tila hindi na nila naririnig ang sinabi ng host.Hindi maka-recover si Bryenne.Parang binagsakan siya ng bloke ng yelo sa ulo.Unti-unti niyang nilingon si Rana.Nakaupo na ito ngayon at may malapad na ngiti sa kanya.Nanginig si Bryenne.Alam niyang napasok niya sa patibong ni Rana.Naisahan na naman siya nito!"Anong gagawin natin? Tayo ba talaga ang kailangang magbayad ng gano'ng kalaking pera?"“What a fucking con bitch!” galit na galit na sabi ni Bryenne.Namutla rin si Pey.Nagsisisi habang nakatingin kay Bryenne.Hindi siya mapakali sa inuupuan.Kung alam lang niya ay sana’y pinigilan na niya kanina pa si Bryenne.Kung sana hindi siya nagpadala sa kayabangan nito ay walang silang problema nga
"Padala mo kay Froilan ang mga larawang kuha sa auction. Ipa-imbestiga mo kung bakit sila nag-aagawan sa singsing na iyon.”Tuluyan nang nakalimutan ni Bryson ang inis para sa kaibigan.Hindi pa rin sila nakakapag-usap ng matino matapos ang insidenteng nangyari sa bahay ng mga Esquivel.Ganon pa rin ang desisyon ni Bryson.He wants him out of his company.After all this, ipapaalala niya ang resignation letter. "Sige." tanging nasabi ni Moss.At habang nasstuck sa traffic ay kusa na rin siyang nagtatanong-tanong sa kanyang mga koneksyon.Para na rin mas mapadali ang pag-iimbestiga sa singsing na iyon.Hindi nagtagal ay nalaman na rin niya ang pinagmulan ng jade na singsing.Nakakunot ang kanyang noo.Naguguluhan sa nalaman.“Ayon sa aking credible source, si Bryenne daw ang naglagay niyon sa auction.”Nagkatinginan silang dalawa ni Bryson.Nagpatuloy si Moss sa pagbabasa sa kanyang cellphone.“Sa kanya galing ang halos lahat ng ipina-auction sa mga alahas na kategorya.”Malalim ang is
Kumikislap ang mga mata ni Pey at kunwari’y nagtatakang tumingin kay Bryenne.“So, you mean..”“Malamang nakilala ni Rana na kanya ang mga gamit na ito. Kaya gusto niyang bilhin lahat pabalik.” tumaas ang kilay ni Bryenne. “Kung ganoon, bakit hindi natin siya pahirapan sa presyo?”Tutal ay balak naman talaga nilang pataasin ang presyo.Ngayon ay tinutuloy lang nila ang plano.“Sigurado ka bang uubra ’yan?”“Bakit naman hindi? Tingnan mo na lang!”Punong-puno ng kumpiyansa si Bryenne.Pero nabigo siya.Hindi na muling nagtaas ng paddle si Rana.Kanina lang siya nag-bid para hindi si Andy ang gumastos. Sa totoo lang maliban sa jade na singsing ay wala siyang balak bilhin ang iba.Hindi lang si Rana ang di na nag-bid.Pati si Andy na katabi niya ay tahimik na rin.“Anong problema niya? Bakit hindi na siya bumibili? Hindi kaya hindi niya nakilala ang mga gamit?”Dismayadong-dismayado si Bryenne.Nakaayos na sana ang plano.Ngunit mukhang papalpak na naman yata dahil hindi naman kumakagat
Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.“Sobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi ‘yang pagmumukha niyo.” ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.“Tara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.”Agad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!” iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina
Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And here’s his mother, calling him. “Nasaan ka, anak?”Halos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.“I have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?”“Ewan ko ba..” umubo ng ilang beses ang ginang. “Nahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.”“Naubusan ka?”“Yes, my dear.”Halos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.“Hold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.” he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.“Anong nangyari? May problema ba?”Tuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.“Hindi na tayo
“Sigurado ka ba?” Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.“Sigurado ako. Hindi lang ‘yung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.”“Ganito karami?” Namangha si Andy. “Pero ‘di ba mga alahas mo ‘yan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?”Nang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.“Ako rin gustong malaman.”Rana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. “Eh anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Andy. “Gusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?”Bumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.“Lahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami
Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kaya’t napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin