로그인Biglang bumaba ang mga mata ni Zach sa mapupula at maninipis na mga labi ni Ruby habang nagsasalita ito bago sumilay ang isang ngiti rito. Napatitig siya sa mukha nito, sa totoo lang ay hindi naman ganun kaakit-akit ang mukha nito na kung tutuusin nga ay napakasimple lang nito ngunit ang mga mata nito ay hindi niya maitatangging kakaiba.
Hindi niya alam kung ilang beses na siya nitong tinawag na Tito ngunit parang iba ang dating nito sa kaniya. Bukod pa doon ay ibang-iba ang amoy nito sa ibang babae, napakasarap nitong amuyin. O dahil iyon sa pabango nito? Nagtagis ang kanyang mga bagang at pilit na ginigising ang kanyang sarili sa kahibangan. Hindi niya akalain na kung ano-ano ang papasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Madilim ang mukhang tiningnan niya ito. “Mukha yatang may diperensya na ang utak mo o gusto mo ng mamatay?” Hindi ito natinag, bagkus ay mas lumawak lang ang pagkakangiti nito ng mga oras na iyon. “Sa totoo lang, ang magpakasal kay Ethan ay mas masahol pa sa pagpapakamatay at kung papipiliin ako kung kaninong kamay ko gustong mamatay ay mas maganda na siguro sa inyo. Pero pwede bang mamili kung saan mo ako pwedeng ilibing Tito? Baka sakaling ma-reincarnate ako at sa pangalawang pagkakataon na mabubuhay ako, ay baka maipanganak na ako sa isang disenteng pamilya.” sabi ni Ruby. Hindi siya makapaniwalang napatitig dito. “Tyaka, palagi niyo akong dalhan ng pagkain sa magiging puntod ko huh?” Mas lao lang nagdilim ang mga mata ni Zach nang marinig ang pinagsasabi ng babaeng nasa harapan niya. Nang ibubuka na sana niya ang kanyang bibig para magsalita ay bigla na lang may kumatok sa pinto. “Tito, pwede ko ba kayong makausap?” boses iyon ni Ethan. Nang marinig ito ni Ruby ay hindi na siya nagulat. Kung si Erika ang nagkulong sa kaniya sa silid na iyon ay tiyak na may lihim itong plano at iyon na nga iyon. Napatitig siya sa lalaking nasa harap niya na may hindi maipaliwanag na mukha. Ang mga mata nito ay nag-aapoy. Ilang sandali pa ay muli nilang narinig ang tinig mula sa labas ng pinto. “Tito, hindi pa naman siguro kayo tulog hindi ba? Bakit hindi niyo buksan ang pinto?” muling tanong nito. “O ayaw niyo lang talagang buksan dahil may itinatago kayo?” Naging malalim ang paghinga ng lalaki. Ramdam na ramdam niya ang pag-ahon ng galit sa dibdib nito. “Tito, alam kong naririnig niyo ako. Nagsumbong sa akin ang isang kasambahay na nakita niyang pumasok dito sa loob ng silid niyo si Ruby.” Tumitig siya sa mga mata ng lalaking nasa harapan niya bago mahinang bumulong. “Tulungan mo ako please, ayokong hayaan na magtagumpay ang masamang plano nila laban sa akin. At isa pa, siguro naman ay hindi mo gugustuhing mahuli kasama ko dito sa iisang silid hindi ba?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kaniya na blangko at malinaw niyang nababasa sa mga iyon na sinasabi nitong wala itong pakialam sa kaniya. Kung sakali man kasing mahuli silang nasa iisang silid? Ano naman sa lalaki hindi ba? Samantalang siya, sobrang kahihiyan ang aabutin niya kung sakali man. Ilang sandali pa ay isang ngiti ang sumilay sa labi nito. “At bakit naman sana kita tutulungan?” “Kapag nalaman ng Daddy ko ang tungkol dito ay tiyak na pipilitin ka niyang pakasalan ako. Gusto mo ba kapag nangyari iyon?” Dahan-dahan itong ngumisi sa kaniya. “Alam mo ba kung sino ako sa Pamilya para magawa niya iyon? Kahit na mahuli nila tayo dito ngayon na magkasama, isang utos ko lang ay magpapakasal pa rin kayo ni Ethan.” sagot nito sa kaniya dahilan para matahimik siya. Ganun kalakas ang kapangyarihan nito sa pamilya at alam niya na hindi ito nagbibiro kung sakali man. Siya lang ang magiging kahiya-hiya. Napakuyom ang kanyang mga kamay at sandaling nag-isip bago siya napakagat labi at ipinulupot ang kamay sa leeg nito bago bumulong. “Kung ganun naman pala Tito, e bakit hindi na lang nila tayo mahuli sa ganitong eksena ngayon? Ako na ang bahalang magkwento sa kanila.” ngumisi siya habang nagniningning ang mga mata. Samantala, sa labas ng pinto ay tahimik na nakatayo si Ethan at sigurado siya na may naririnig siyang ingay mula sa silid. Kung hindi niya pa ngayon bubuksan ang pinto ay magkakaroon pa ang mga ito ng pagkakataong magtago kaysa ang maaktuhan niya ang ginagawa ng mga ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa na buksan ang pinto at pumasok. “Tito, pasensya na sa pagpasok dito sa silid niyo ng walang pahintulot.” paghingi niya kaagad ng paumanhin. Akala niya ay maabutan niya ang isang eksenang nasa utak niya kanina pa ngunit hindi niya akalain na tanginig ang tiyuhin lang niya ang maaabutan niyang nakaupo sa kama. Agad na nagdilim ang mga mata nito. Medyo madilim sa silid ng mga oras na iyon dahil patay ang ilaw ngunit nakasindi ang night lamp kaya kitang-kita niya pa rin ang nagbabagang tingin nito. “Anong ginagawa mo?! Lumabas ka ngayon din!” pagtataboy nito sa kaniya. Bigla siyang kinilabutan ng makita niya ang galit na ekspresyon nito ng mga oras na iyon. Hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan. “Hindi mo ba ako narinig? Ganyan na ba talaga kagarapal ang ugali mo at ni hindi ka man lang marunong umintindi?” matalim ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. Napalunok siya bago nagbuka ng bibig. “Nagsumbong lang kasi sa akin ang isa sa mga kasambahay Tito na nakita nilang pumasok dito sa loob ng kwarto niyo si Ruby kaya ako tumakbo rito kaagad. Natatakot lang akong baka kung anong gawin niya sa inyo. Desperada pa naman ang babaeng iyon.” paliwanag niya rito. Ang sabi sa kaniya ng kanyang kapatid, sigurado siya na hindi pa nakakalabas si Ruby sa silid ng kanyang tiyuhin. Ito na ang pagkakataon niya kaya hindi na niya ito dapat pang sayangin. “What? Nababaliw ka na ba talaga? At ano naman sanang gagawin dito ng babaeng iyon? O kaya ka nagpunta dito ay naghahanap ka ng gulo?” malamig pa rin ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Mali kayo ng iniisip Tito, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo.” …Kahit na anong gawing pakikipag-usap ni Tobi kay Ruby ay nanatiiling mabangis ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. Wala nga yata talaga itong naririnig. Ilang sandali pa ay lumapit sa kaniya si Zachary. “Ako na ang bahala sa kaniya. Asikasuhin mo na lang ang mga taong ito.” malamig na utos nito sa kaniya. Naging malamig naman ang ekspresyon ni Tobi nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. “Ako lang ang tanging kilala ni Ruby sa ating dalawa at ayaw niya akong pakinggan kaya mas sigurado ako na hinding hindi ka rin niya pakikinggan.” walang ekspresyon na sagot niya rito.Napakunot naman ang noo ni Zach habang nakatingin kay Ruby. hawak nito ang kutsilyo habang dumudugo ang kamay nito. Yumuko siya at sinubukan niyang kuhanin mula dito ang kutsilyo ngunit hindi nito binitawan iyon. Mahigpit itong nakahawak sa kutsilyo. Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Ruby, bitawan mo ang kutsilyo.” Nang marinig nito ang sinabi niya ay biglang nanginig ang buong katawan nito at nag-angat ng
May isang lalaki ang biglang dumating at mukhang sasakay din sa elevator. Hindi pinansin ni Tobi ito lalo na at hindi niya naman kilala ito. Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang kausap nito sa telepono. Dahil nga naka loudspeaker ang cellphone ay rinig na rinig nila kung ano ang sinabi nito. “Ayos lang kaya ang lahat Mr. Marquez? Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko.” “Ano ka ba. Wala kang dapat ipag-alala. Isa pa, si Mr. Lozano ang bahala. Tyaka tama lang din iyon dahil sa ginawa ng Ruby na iyon kay Mr. Lozano. Deserve niya ang bagay na iyon.” sagot nito at pagkatapos ay napahalakhak. “Pero napakarami nilang lalaki sa loob ng silid, makakaya kaya ng Ruby na iyon silang paligayahin lahat?” muling tanong ng lalaking nasa kabilang linya.“Hindi na natin iyon problema pa. Makaya niya o hindi ay labas na tayo. Tapos na ang trabaho natin.” Samantala, nang marinig ni Tobi at Zachary ang pangalan ni Ruby ay pareho silang natigilan. Kahit na pangalan lang nito ang nabanggit at
Isang paanyaya ang natanggap ni Ruby para sa isang dinner. Gusto daw ni Mr. Marquez na maging investor sa kanyang kumpanya at gusto daw siya nitong makausap kaya inimbitahan siya nitong mag-dinner sa isang hotel. Dahil medyo desperado si Ruby para sa inumpisahan niyang kumpanya ay kaagad siyang pumayag at nagtungo sa hotel na ibinigay sa kaniya. Pagdating niya sa lugar ay naging maganda naman ang daloy ng pag-uusap nila. Bukod pa doon ay kumain sila habang nag-uusap at uminom na rin ngunit habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ay biglang bumibigat ng bumibigat ang pakiramdam niya. Medyo nahihilo siya at hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Marahil dahil sa pagod niya kaya nitong mga nakaraang araw? Napahilot siya sa kanyang sentido.Kaagad naman na napansin ng kausap niya na tila may problema siya. “Mukhang hindi yata maganda ang pakiramdam mo Miss Ruby, bakit hindi ka na lang muna magpahinga sa isa sa mga silid dito? Ikukuha kita ng kwarto.” concern na sabi nito sa kaniya ng
Nag-check in sina Ethan at Wendy sa kanilang karaniwang silid at pagpasok pa lang nila sa loob ay kaagad ng napansin ni Wendy na tila ba lutang pa rin ang isip ng lalaki. Tila ba iniisip pa rin nito ang tungkol sa pagpunta doon ni Ruby. Kahit na noong magbihis na siya ng sexy na pantulog ay parang wala pa rin itong epekto rito. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pagkabalisa ng wala sa oras. Bakit ba kailangan nitong isipin pa ang babaeng iyon e siya naman ang kasama nito? Dapat ay siya lang ang isipin nito at wala ng iba pa. “Ethan…” malambing na tawag niya rito.Nagpunta siya sa harapan nito at sinubukang akitin ang lalaki. Palagi itong tumitingin sa kaniya at kaagad na napupuno ng pagnanasa ang mga mata kapag ginagawa niya ang mga bagay na iyon ngunit ng mga oras na iyon ay parang wala itong nakikita na mas lalong ikinagalit niya. Para siyang hangin sa harapan nito ng mga oras na iyon. Dahil dito ay napatanong na siya. “May problema ba?” Nagtaas naman ng tingi
Hindi matanggap ni Ethan ang ipinapakitang kayabangan ni Ruby sa harap niya. Para siya nitong minamaliit at kung makipag-usap ito sa kaniya ay mayabang itong ekspresyon na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Hindi niya alam kung anong iniisip nito at kung bakit ganito siya nito itrato.“Pwede bang umalis ka na lang sa daraanan ko? Gusto ko ng umalis.” walang ekspresyon sabi ni Ruby dito. May mangilan-ngilang tao sa paligid at lumilingon na sa kanila. Ayaw niya ng magkaroon pa siya ng issue kaya ang umalis doon ang tanging gusto lang na gawin ni Ruby. wala siyang balak na makipag argumento pa sa lalaking nasa harapan niya. “Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” naniningkit ang mga matang tanong niya pa ulit dito.“Ikaw ang dapat mahiya sa ginawa mo!” sagot nito sa kaniya na ikinakuyom lang ng mga kamay ni Ruby. talaga yatang sinusubok nito ang pasensya niya. “Hindi ako ang dapat mahiya kundi ikaw dahil wala akong ginagawang masama.” sagot niya at tuluyang nilampasan ito para umali
Alam ni Missy kung anong tipo ng lalaki ang gusto ng kaibigan niya. Tiyak na may nakita itong kakaiba sa lalaking iyon. Idagdag pa na nag-aalala lang siya para kay Ruby dahil mamaya ay baka lokohin lang ito ng kung sinong ponsyo pilatong iyon. Alam niya na ang mga lalaking madaming pera ay hindi dapat pagkatiwalaan. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Alam ko kung anong iniisip mo Missy at ako na ang nagsasabi sayo, wala kang dapat ipag-alala dahil alam ko kung hanggang saan lang kaming dalawa.” bahagya itong ngumiti sa kaniya.Alam ni Ruby ang napakalaking pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa ng lalaki. Kung tutuusin ay langit ito at lupa naman siya, napakalayo ng agwat nila kaya napaka imposible ng iniisip ng kanyang kaibigan. Idagdag pa na alam niyang hindi niya kayang tumagal sa kinaroroonan nito dahil hindi siya sanay. “Alam mo naman siguro ang mga pag-iisip ng mga lalaking mayamang hindi ba? Puro lang sila manloloko at higit sa lahat ay gagamitin
Nang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumu
“Hindi mo na nga nagawang papirmahin si Mr. Lozano ay may gana ka pa talagang iganyan ang kapatid mo!” muling sigaw nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala talaga silang pinagkaiba ni Missy kaya nga magkaibigan silang dalawa e.“Wala kayong dapat alalahanin tungkol diyan. Akong bahala, papipirmahin k
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay lumabas siya ng banyo at doon pa lang sa labas nito ay nakita na niya kaagad ang isang lalaking nakatayo doon at mukhang hinihintay siya. Ilang sandali pa ay inabot nito sa kaniya ang isang mainit na kape para daw sa hangover niya. Kaagad na napakunot an
Naging malamig ang mukha nito, kitang-kita niya rin kung paano gumalaw ang mukha nito. “Sinasadya mong akitin ako diba? At tyaka, sinadya mong tanggalin ang pagkakabuhol ng tuwalya sa beywang ko diba?” puno ng pang-uuyam na tanong nito sa kaniya.Napuno ng pagkalito ang mukha ni Ruby nang marinig a







